NAWIWILING pinagmamasdan ni Felix ang mahimbing na natutulog na dalaga sa kama niya.
Hindi pa rin siya makapaniwala na kasintahan na niya ito. Kagabi matapos niya itong mapasagot ay uminom sila ng tig-dalawang bote ng beer habang masayang nanonood ng isang pelikula.
Magkatabi rin silang natulog sa kanyang silid. Kontento siyang nakahilig ito sa dibdib niya habang nakakulong sa mga bisig niya. They just slept together but he still considered it as one of the best nights in his life.
Mula sa pagkakatayo sa pintuan ay lumapit siya sa kama. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang makinis na mukha nito.
Napatingin siya sa mapupulang labi nito, para na naman siyang natutuksong halikan ito.
Maya-maya ay gumalaw ang dalaga at isang ngiti ang ibinigay sa kanya pagkamulat nito ng mga mata.
“Good morning”, bati nito.
“‘Morning too. How’s your night?”, malambing na sagot niya na hinaplos ang pisngi nito. Dinampian din niya ng halik ang noo at labi nito.
“Wonderful”, nakangiting sagot nito.
“Syempre katabi mo ako eh”, biro niya. “Syanga pala nagluto ako ng breakfast natin. Gusto mo bang mag-breakfast in bed?”
“Nagluto ka?”
“Yap. Para maiba naman, saka baka mam’ya baka magalit ka na naman sa akin kung sa labas tayo kakain.”
“Ganun?”, nangiting anito. “D’yan na lang tayo sa labas kumain. Para sa may sakit lang ang breakfast in bed.”
Pagkatapos nilang mag-breakfast ay inabala nila ang sarili sa paglilibot at pagsi-swimming. Thankful din siya dahil wala si Mayah, pumunta ito ng Maynila. Mahirap itong iwasan at siguradong kung nandun ito sa mga oras na iyon, maiinis na naman si Charlene. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin ang tahasang pang-a-out-of-place nito sa nobya niya kahapon. Alam din niya na may gusto sa kanya ang babae at wala siyang choice kundi pakisamahan ang kapritso nito dahil nga family friend nila ang mga ito.
“SINO ang first love mo?”, nakatingin sa bonfire na tanong niya kay Felix.
“Ba’t mo naman naitanong ‘yan?”, balik-tanong sa kanya nito.
“Wala lang, gusto ko lang malaman, wala na tayong ibang mapagkukuwentuhan eh. Isa pa curious lag ako kung may minahal ka na dati, sabi kasi sa akin ni Tasha playboy ka raw.”
Napapailing na napangiti ito sa sinabi niya. “Huwag ka ngang maniwala dun, gwapo lang kasi ako kaya maraming lumalapit sa akin pero hindi ko naman pinapatulan”, mayabang na wika nito.
“Hay whatever. Ano sagutin mo na ‘yung taong ko.”
“Makulit ka talaga. Naalala mo ‘yung naikuwento ko sa’yo nung kasal ng ate mo?”. Saglit siyang nag-isip at tumango.
“Siya ang first true love ko, Alicia was everything to me. Gaya niyo ni Nathan, nagtagal din kami, ‘yun nga lang gaya ng sinabi ko kinasal siya sa iba.”
“Bakit?”
“He got her pregnant. Ewan ko kung totoong labag sa kalooban niya ang lahat, masaya naman siya nung kinasal siya”, kibit-balikat na anito.
“Ganun?”, nausal na lang niya.
“Ikaw? Si Nathan ba ang first love mo?”
“Hindi”, sabay iling. “Nung college ako may minahal akong guy kaso hindi naman naging kami. Alam mo ‘yung feeling na sinamantala niya ‘yung nararamdaman ko sa kanya pero may girlfriend pala siya”, naisaad niya. “Kaya nasanay siguro ako na para lang kaming naglalaro ni Nathan.”
“What do you mean?”, tanong ni Felix.
“Basta, feeling ko para sa lahat ng lalaki, last priority na lang nila ang mga girlfriend nila.”
“You’re wrong, my dear. I’ll prove to you na iba ako sa mga lalaking nakilala mo. I’ll treat you as my queen”, nakaliyad ang dibdib na saad pa nito.
Namilog lang ang mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag na magkarelasyon sila ni Felix gayung hindi pa niya masyadong kilala ang lalaki at hindi pa buo ang tiwala niya sa lahi ni Adan.
Attracted lang siguro siya dito pero lihim na lang siyang nagkibit-balikat. Ang importante masaya sila ngayon, babantayan na lang niya ang puso niya para hindi siya masaktan.
“MAMA, what are you doing here?”, salubong niya sa kanyang ina na naabutan niyang naghihintay sa labas ng kanyang condo unit.
“Masama bang pasyalan ko ang anak ko, ni hindi ka na rin kasi nagagawi sa bahay eh”, nagtatampong sagot ng ginang. Inakay niya ito papasok sa loob at ipinaghanda ng meryenda.
“Pasensya ka na mama, medyo busy kasi ako lately eh”, naisagot na lang niya.
“Pansin ko nga”, anito na inilibot ang paningin sa paligid. Medyo magulo ang pad niya, naghalo-halo ang magazines at papeles sa mesa niya. May ilang damit din siyang nakakalat kung saan-saan. Puno rin ng hugasin ang lababo niya.
“Pagpasensyahan mo na muna mama at naabutan mong magulo rito. Nagkasakit kasi si Aling Petra kaya hindi masyadong naaayos dito”, tukoy niya sa matanda na regular na naglalaba ng damit niya at naglilinis ng condo niya.
“Kung bakit kasi naisipan mo pang humiwalay sa’min, ‘di sana naaasikaso kita ng mabuti, makakatipid ka pa”, katwiran naman nito.
“Mama naman, nag-usap na tayo tungkol dito.”
“You want to be independent, alright pero tignan mo naman, hindi mo naasikaso kahit man lang ‘tong pad mo. Buti sana kung may asawa ka na mag-aasikaso sa’yo”, anito. Sa sinabi nito ay pumasok sa isip niya si Charlene.
“Darating din tayo sa puntong ‘yan mama”, napapangiting aniya.
“Kelan pa? You’re not getting any younger, son. At sa dinami-dami ng nababalitaan kong gf mo, ni minsan ay wala ka man ipinakilala sa’kin mula nung maghiwalay kayo ni Alicia.”
“Trust me, ma.” Nailing na lang ang matanda sa tinuran ng anak.
NAPABUGA na lang sa hangin si Charlene at napaupo sa gilid ng kama niya. Nilingon niya ang mga damit na nakakalat sa kama niya. Hinalungkat niya ang mga iyon sa closet para makapili ng isu-suot para sa dinner nila ni Felix mamayang gabi.
Madali lang sana para sa kanya ang lahat kung hindi lang sinabi ni Felix na magdi-dinner sila sa bahay ng mga ito. Samakatwid, ipapakilala siya nito sa mga magulang nito.
Napakaganda ng mother niya, friendship. Pero mukhang may pagka-istrikto, parang metikolosa, naalala pa niyang sabi ni Tasha sa kanya nang ikuwento niya rito ang tungkol sa dinner date nila ni Felix.
Sa kaiisip tuloy ay hindi niya namalayan ang pagpasok ng kanyang ina.
“Nahihirapan ka yata anak?”, anitong naupo sa tabi niya. “Ganyan din ako noon nang ipapakilala ako ng papa mo sa lola mo.”
“Ma, baka kasi hindi ako maging presentable sa mga magulang niya.”
“Bakit naman hindi? Just be yourself and everything will be fine. Don’t worry, tutulungan kitang mag-ayos.”
Lumuwag ang pakiramdam niya sa inasal ng kanyang ina. Gaya ng sinabi nito ay tinulungan siya nitong mag-ayos. Kahit na simple lang ang ayos na nakikita niya sa salamin ay nakuntento siya.
“You look so great, sweetheart”, buong paghangang puri pa sa kanya ng kanyang nobyo nang sunduin siya nito kinagabihan.
Nang matapat na ang sinasakyan nila ni Felix sa tapat ng bakuran ng mga ito ay para na namang tinatambol ang kanyang dibdib.
“Kinakabahan ka ba?”, sabay ginagap nito ang palad niyang nanlalamig, pinisil nito iyon at hinalikan, “don’t worry tiyak na magkakasundo kayo ng parents ko.”
NATUWA si Felix sa nakikitang fondness ng kanyang mga magulang kay Charlene. Kung kanina na bagong pasok sila ay halata niya ang pagkailang ng nobya, ngayon naman ay at ease na nakikipag-kuwentuhan ito sa kanyang mga magulang.
Pagkatapos nilang mag-dinner ay nagpunta naman sila sa balkonahe ng bahay para ipagpatuloy ang kuwentuhan.
Napangiti siya kay Charlene nang mapatingin ito sa gawi niya. Masayang nagkukuwentuhan ito at ang mama niya.
“Your mom likes her”, hayag naman ng kanyang papa. “Naalala ko tuloy nung kabataan namin ng mama mo, para siyang si Charlene. Simple but she is worth loving for.”
“I’m glad na nagustuhan niyo siya.”
“Kaya ‘wag mo sana siyang pakakawalan hijo. Sa panahon ngayon, mahirap makatagpo ng babaeng kagaya niya”, saad ng kanyang papa. “Cheers?”, anitong itinaas ang hawak na kopita na may lamang red wine.
“Cheers.”
“FOUR months lang mula nung wedding ko, may magical effect na ang ginawa ko”, masayang saad ng ate ni Charlene. “I’m so happy for both of you”, sabay tingin sa kanilang dalawa ni Charlene.
“Thanks ate. Tara na sa dining room, nakahanda na ang pagkain”, yaya nito sa mag-asawa na kadarating lang.
Once or twice a month ay may family gathering sa bahay nina Charlene and since girlfriend na niya ito, lagi rin siyang pinapapunta ng mga magulang nito.
“By the way, everyone. We have an announcement”, excited na agaw-pansin ng kapatid nito sa kanilang lahat matapos nilang kumain.
“Mukhang napakagandang announcement niyan ate ah”, komento ni Junior.
“Honey, ikaw na ang magsabi”, baling nito sa asawa.
“We’ll be having a baby”, masayang lahad nito sa kanila.
Kitang-kita niya ang pinaghalong excitement at kasiyahan sa mga kasalo niya.
“Congratulations, pare”, bati niya sa kaibigan.
“Thanks, pare, hindi nga rin ako makapaniwala na seven months from now ay mahahawakan ko na ang panganay ko”, kitang-kita nga niya ang pinaghalo-halong emosyon sa mukha nito.
Hindi tuloy niya maiwasang makaramam ng pagkainggit sa kaibigan. Siya ‘yung tipo ng tao na hindi pa handang magka-pamilya pero sa pagkakataong iyon parang ang gandang isipin na sana ay magkaroon din sila ni Charlene ng isang pamilya.
I like her, son. Siya ang gusto kong maging manugang, naalala pa niya na sabi sa kanya ng kanyang mama. Kaya kung ako sa’yo magmamadali na ako, kapag hindi siya ang naging manugang ko, ipapatapon kita sa Dapitan, biro pa nito sa kanya.
“Something wrong, sweetheart?”, untag sa kanya ni Charlene.
“Wala naman, bakit?”
“Napapailing ka kasi d’yan.”
“Ah ‘yun ba? Wala ‘yun, may iniisip lang ako. Parang kelan lang kasi nung magkakasama pa kami ng bayaw mo, akalain mong magiging ama na siya.”
“Kaya nga. Excited na nga ako sa paglabas ng pamagkin ko.”
Tinitigan niya ang kanyang nobya na masayang nakatingin sa kapatid at ina nitong nag-uusap.
He can’t avoid to picture her as his wife. Ano kaya ang pakiramdam na inaasikaso nito kung sakali?
NAPANGITI si Charlene nang pagpsok niya sa kanyang station ay agad na sumalubong sa paningin niya ang mga bulaklak na nakalapag sa kanyang mesa.
Hindi na niya kailangan pang alamin kung kanino galing iyon. Agad na lang niyang hinanap ang card na kasama niyon.
I love you. Keep safe, sweetie – Felix.
Napangiti siya, saglit na sinamyo ang mga bulaklak na hawak. He’s really amazing, she thought. Pumunta sa probinsiya si Felix kaya naman hindi siya nito naihatid sa trabaho at gaya nung mga panahong masyado itong busy at hindi siya napupuntahan, lagi itong gumagawa ng paraan so she can always feel his presence.
Magda-dalawang buwan narin silang magkasintahan ay hindi pa rin nagbabago ang pagiging sweet nito sa kanya. Hindi ito gaya ng ibang lalaki na na-encounter niya, iyong tipo na sweet lang sa una pero pag nagtagal ay tumatabang na.
May mga katangian ito na ibang-iba kay Nathan. Isa pa, mukhang boto ang buong pamilya niya rito. Masaya din siya na nakakagaanan niya ng loob ang mga magulang nito.
“PAPUNTA na nga ako sa condo ko”, sagot niya kay Charlene sa kabilang linya habang naglalakad papunta sa kanyang pad.
“Siguradong pagod ka sa biyahe. Magpahinga ka na lang muna, sa susunod mo na lang ako sunduin”, anito.
“Ayaw mo yata akong makita eh”, maktol niya.
“Hindi ah”, malambing na saad nito. “Na-miss kaya kita, kaya lang alam kong pagod ka, magpahinga ka na lang.”
“Sige, pero dadalaw ako sa inyo bukas. May dala akong pasalubong para sa inyo nina mama”, aniya.
“Sige, so paano, ibababa ko na, tapos na ang break namin eh”, paalam nito.
“Okay then, I love you.”
“I love you too.”
Nakangiting ibinulsa ni Felix ang kanyang cell phone at kinapa sa bulsa ang susi ng kanyag condo unit.
“So totoo pala ang nabalitaan kong may bago ka na namang nabola”, nagulat pa siya nang mamukhaan kung sino ang nakatayo sa labas ng condo niya, si Lyka, ni hindi man lang niya ito napansin kanina.
“What are you doing here?”, iritableng tanong niya.
“I used to come here, actually I used to sleep here”, sagot nito sa kanya.
“You used to”, madiin na saad niya, “Ano ba ang kailangan mo?”
“Gusto ko lang patunayan kung totoo nga ang nasagap kong balita na may girlfriend ka.”
“Ano naman sa’yo kung may nobya ako. In the first place, binata ako at wala na tayo. Pero para hindi masayang ang pagpunta mo dito, oo may girlfriend ako”, tahasang saad niya sa dating nobya.
“Remember what I told you? I’ll do everything just to have you back”, desperadang saad nito. “I love you so much, Felix. Hindi ako makakapayag na maagaw ka sa akin ng iba. Akin ka lang Felix, akin ka lang”, hindi niya alam kung bakit masama ang pakiramdam niya sa banta nito. For sure hanggang salita lang naman ito pero iba ang dating sa kanya ng pinagsasabi nito.
“Come on, Lyka, you have to move on. Hindi lang naman ako ang lalaki sa mundo. Isa pa, masasaktan ka lang ulit kung ipagpapatuloy mo ang pagmamahal sa akin”, esplika niya sa babae. “You’re beautiful, marami ang magkakagusto sa’yo. Makakahanap ka rin ng taong kayang tumbasan ang pagmamahal mo.”
“No, ikaw lang ang gusto ko”, parang maluluhang saad nito. “At gaya ng sinabi ko, hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba”, matigas pa rin na saad nito pagkatapos ay dali-dali siya nitong iniwan.
Napailing na lang siya. Maiintindihan din nito ang lahat at baka balang araw ay masasabi nitong tama ang lahat ng sinabi niya. Marahil ay hindi pa ito naka-move on pero pasasaan ba’t mahihimasmasan din ito.