SARI-SARING mga eksena ang pumapasok sa isipan ni Felix habang prenteng nakaupo
sa harap ng manibela ng sasakyan niya. Nilalaro niya sa kamay ang isang mamahaling singsing na may diyamante sa gitna.
Matapos niyang ihatid ang ina sa mall ay napadaan siya sa isang jewellery shop kung saan nakuha ng isang pares ng magkasintahan na abalang namimili ng wedding ring ang kanyang atensyon. Parang bigla tuloy ay naisip niyang mag-propose kay Charlene. Alam niya na masyado pang maaga pero gusto lang niya na may assurance and commitment ang relasyon nilang dalawa. Sa totoo lang, natatakot siyang baka may mangyari na naman sa relasyon nila, natatakot siyang
mawala ito sa kanya.
Niyaya niya ang nobya na mag-dinner sila ngayon, tinawagan din niya ang isang malapit na kaibigan na nagmamay-aring isang sikat na restaurant sa Makati para ihanda ang special dinner date nila ni Charlene.Matapos tignan ang oras sa relo ay agad niyang pinaandar ang sasakyan para sunduin si Charlene.
Manghang pinagmasdan niya ang kanyang nobya, napakaganda nito sa suot na itim na evening dress. Simple lang ang tabas niyon pero bumagay sa simpleng ayos ng dalaga. She’s simple but elegant.
“Shall we go?”, nakangiting untag nito sa kanya.
Agad niyang inilahad ang palad na inabot naman nito. Saglit pa ay nasa tapat na sila ng building ng restaurant. Dinala niya ito sa rooftop kung saan naabutan nilang tumutugtog ng isang malamyos na musika ang banda. Sa gitna ay may nakahandang mesa para sa dalawang tao. Amazed na nginitian siya ng kanyang nobya.
NAPAKA-ROMATIC, iyon ang unang impression ni Charlene, bukod sa magandang pagkaka-ayos ng lugar at sa nakaka-inlove na tugtog ng musika, dumagdag din ang napakagandang view ng kalangitan sa ambiance ng lugar kung saan siya dinala ng nobyo, maraming mga bituin na kumikislap.
Magkakaroon tayo ng special date tonight, I want you to be on your best suit, naalala pa niyang sabi nito kanina ng tawagan siya.
“Nagustuhan mo ba?”, tanong ni Felix na hinila ang upuan para makaupo siya.
“Thank you”, aniyang naupo. “Syempre nagustuhan ko, mukhang pinaghandaan
mo ito ah, ano ba ang okasyon?”, nakangiting tanong niya.
“I want everything to be special, dahil kasama ko ang pinakamamahal ko”, saad lang nito na inabutan pa siya ng isang tangkay ng rosas. Sinalinan din ng isang waiter ang kopita nilang dalawa.
“Let’s have a toast while waiting for the food”, anito na itinaas ang kopita. Bilang tugon ay itinaas din niya ang kanyag kopita bago sabay nilang sinimsim ang laman niyon.
Pinagmasdan niya ang kasintahan, napaka-simpatiko talaga nito lalo na kapag naka-formal attire. Lalo itong gumuguwapo sa kanyang paningin, napakalinis tignan at mukhang ang bangu-bango.
“Anong iniisip mo?”, iba ang ngiting tanong nito sa kanya. “Mukha na ba akong katakam-takam sa’yo?”, biro nito.
“Hmp!”, nangingiting irap niya. Tinawanan lang nito ang reaksyon niya. Saglit pa ay masaya nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain para sa kanila.
Pagkatapos nilang kumain ay sinenyasan ni Felix ang bandang tumutugtog. Napatitig siya sa kaharap na binata nang pumailanlang ang isang pamilyar na kanta.
“Do you remember the first time that we danced? Sabi mo paborito mo ang kantang ‘yan kaya isinayaw kita”, namumungay ang matang anito sa kanya. “Tara sayaw tayo”, sabay tayo at lumapit sa kanya.
Agad naman niyang inabot ang nakalahad na palad nito at pinaunlakan ito.
Looking in your eyes, seeing what I need.. Everything you are is everything to me.. And these are the moments I know heaven must exist.. And these are the moments I know all I need is this.. I have all I’ve waited for, and I could not ask for more..
Nailalahad na ng kanta ang nararamdaman niya. Wala na nga siguro siyang mahihiling sa mga oras na iyon habang nakayakap sa kasintahan.
“There’s something that I wanted to tell you, sweetie”, maya-maya ay anas nito sa tenga niya. Hinarap niya ito at tinitigan.
“Ano naman iyon?”
Bigla itong kumalas sa pagkakayap sa kanya at may inilabas na kahita sa bulsa. Namangha siya ng tumambad sa paningin niya ang isang singsing.
Nagulat siya naang bigla itong lumuhod habang hawak ang kahita. “Will you marry me?”
Parang bigla tuloy umurong ang dila niya, hindi niya inaasahan na magpo-propose ito sa kanya.
“I..I don’t know what to say, p-parang biglaan yata”, nasambit na lang niya.
“Alam ko. It may seem too early pero kahit anong mangyari, sigurado na akong ikaw ang babaeng inilaan ng Diyos para sa akin and I hope that ganun din ang nararamdaman mo, ako’y para sa’yo lamang”, puno ng pagmamahal na saad nito sa kanya.
Napuno ng kagalakan ang puso niya sa narinig, matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. Pati din siya ay sigurado na sa nararamdaman.
Maaaring kailan lang nang maging sila pero sa konting panahon na iyon, ipinakita nito ang tunay na intensyon at pagkatao sa kanya. At ramdam niya na ito na ang lalaking para sa kanya.
“So would you like to be my wife?”, mas lalo pa nitong pinapungay ang mga mata. Parang maluluhang tumango siya bilang tugon sa tanong nito.
“Gusto kong marinig mismo sa mga labi mo”, hiling nito na nakaluhod pa rin sa harapan niya.
“Yes, I do”, usal niya.
“Yes!”, tuwang napasuntok ito sa hangin. Agad na tumayo at isinuot ang singsing sa mga daliri niya.
“Thank you”, anas nitong hinalikan ang mga kamay niya. Nakita pa niya ang pagkindat nito sa mga waiter at pag-thumbs-up sa tumutugtog na banda.
“I love you so much”, anitong muli siyang hinapit sa baywang.
“I love you more”, sagot niya. Saglit pa ay naghinang ang kanilang mga labi at pinagsaluhan ang isag matamis na halik.
“NAPAKAGANDANG bata, she’s an angel”, masayang saad ni Charlene sa kaibigan na ina ng sanggol na nagyaya sa kanya na dumalo sa binyag ng anak nito.
“You’re right. Just enjoy the party, dadalhin ko muna siya sa abuela niya”, paalam nito.
Tinanguan niya ito bago inilibot ang paningin sa paligid. Hinahanap niya si Felix, iniwan niya kasi itong nakikipag-kuwentuhan sa umpok ng mga kalalakihan kanina. Napatigil siya nang makita ang bagong dating na bisita.
Si Nathan.
Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Tinanguan lang niya ang binata at nagtungo sa buffet table.
“I’m expecting to see you here”, mula sa likuran niya ay nabosesan niya ang dating nobyo. Nilingon niya ito.
“Pwede ba tayong mag-usap?”, tanong nito. Wala naman sigurong masama kung kakausapin niya ang dating kasintahan.
“Sige”, sagot niya. Nagpunta sila sa isang sulok ng hardin kung saan walang masyadong tao.
“It’s been awhile since we had our last conversation. How are you?”,
pormal na tanong nito sa kanya.
“Ayos lang naman. I-Ikaw?”, kiming tanong niya.
“I’m fine now. Dati hindi ko pa rin matanggap na wala ka na sa’kin but then I realized na napakadami kong pagkukulang sa’yo”, nakatingin sa malayo na saad nito. “Na-realize ko rin na tama ang mga sinabi mo noon. I may give you everything that you want but not those things that you need. Maaaring hindi lka nga liligaya sa piling ko kung sakali, and I learned to accept na kung mahal ko ang isang tao, sometimes it’s better to let them go”, mahabang salaysay nito bago hinarap siya at nginitian.
“Maaring hindi naging maganda ang paghihiwalay natin. Alam kong hindi nagging maliwanag ang pag-uusap nating dalawa nung araw na ‘yun, that’s why all this time, I still wanted to apologize”, napayukong aniya. “I’m sorry for everything, Nathan”, aniyang tiningala ito at tinitigan sa mga mata.
Nginitian siya nito. “It’s alright. Sorry din sa mga pagkukulang ko. I believe you’re happy now with Mr. Castillo, nababasa ko sa mga mata mo. Alam kong maibibigay niya ang mga bagay na hindi ko naibigay sa’yo. Anyway, I’ll see you some other time, aalis na ako.”
Nilingon niya ito nang lagpasan siya, mula sa ‘di kalayuan ay nakita niya si Felix na nakatayo. Lumakad ang lalaki papunta sa direksyon niya ngunit napatigil ito nang harangin ni Nathan.
“You’re a lucky man. Please take care of her, don’t make her cry or else babawiin ko siya sa’yo”, narinig niyang sinabi ng huli bago itinaas ang palad para makipagkamay.
“I will”, tipid na sagot ng kanyang nobyo bago kinamayan ito. Nilapitan agad siya ng nobyo matapos tanguan ang binata.
“Syanga pala, good luck sa engagement niyo”, narinig pa nilang pahabol nito bago pinagpatuloy ang paglalakad.
“N-Nathan”, tawag niya. Nilingon siya nito. “You can come if you want to”, medyo alanganin pang yaya niya.
Tipid itong ngumiti. “Hindi na siguro. But I promise that I’ll be there on your wedding day only if kukunin mo akong abay”, kibit-balikat na saad nito.
Nagulat siya at bahagyang tumingin kay Felix na nginitian lang siya.
“Makakaasa ka”, masayang sambit niya.
“I have to go”, paalam ulit nito bago tuluyan silang iniwan.
“He’s a nice person, hindi siya mahirap mahalin, sana mahanap na niya ang babaeng para sa kanya”, nasambit na lang niya.
“I agree”, sabi ni Felix na inakbayan siya habang sinusundan din ng tingin si Nathan.
NAGPASYA sina Charlene na sa bahay nina Felix ganapin ang engagement party nila. Ayaw na sana nilang magpa-party pa, simpleng salu-salo lang sana ng magkabilang panig ang balak nila pero nag-insist ang mama ni Felix. Ito na rin mismo ang
nagprisintang mag-organize ng lahat.
“I want to thank everyone for spending their time tonight with us. Marahil ay alam niyo na po kung bakit may kaunting salu-salo tayo ngayon but I just want to formally announce that we are getting married”, masayang saad ng katabi niya. “Hindi ko na po pahahabain ang speech ko”, biro pa nito, “so let us enjoy the night.”
Habang naka-abrisiyete sa nobyo, masaya silang binati ng ilang bisita.
“Thank you po”, sagot na lang niya sa mga ito. Nang bigla na lang may humila sa braso niya mula sa kung saan. Nakabitaw siya kay Felix at napatili sa takot. Nagkagulo ang paligid lalo na nang makarinig ng putok ng baril.
Nagulat na lang siya nang matantong may brasong nakapigil sa kanyang leeg at may baril na nakatutok sa kanyang sentido.
“Huwag kayong lalapit”, matinis ang boses na sigaw ng nakabihag sa kanya. “Papatayin ko ang babaeng ito kapag may lumapit ni isa sa inyo!”
Nabosesan niya ang babaeng may hawak sa kanya, at hindi siya nagkamali nang masulyapan ito sa sulok ng kanyang mata.
“L-Lyka please”, narinig niyang saad ng kanyang nobyo na sa mga oras na iyon ay bakas ang pag-aalala habang nakatunghay sa kanya. “You don’t have to do this. Huwag mo siyang sasaktan.”
Nakakalokong tumawa ang babae. “Huwag sasaktan? Inagaw ka sa akin babaeng ito”, mapait na wika nito.
“Hindi niya ako inagaw sa’yo. Wala na tayo at nag-usap na tayo bago pa man naging kami ni Charlene”, sabi naman ni Felix.
Kumakawala siya pero malakas ang babae. “Huwag kang magkakamali kundi pasasabugin ko ang ulo mo!”, banta nito na diniinan ang pagtutok ng dulo ng baril sa ulo niya. Napapikit na lang siya kasabay ng pagtili ng ilang tao sa paligid nila. Natakot siya sa isiping baka magkamali ito at makalabit nito ang gatilyo.
“Ate Lyka bitiwan mo na ‘yang baril, tumigil ka na”, nakita niya ang takot at pagkabahala sa mukha ng kasintahan ng kapatid niya. Naalala niyang pinsan nga pala nito ang babae.
“Isa ka pa, dapat ako ang kampihan mo”, anitong itinutok pa ang baril sa pinsan. “Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa’yo Felix? Sabi ko akin ka lang at hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba”, puno ng poot na anito. “Pero binalewala mo lang ang mga sinabi ko at magsisisi ang babaeng ito sa paglapit sa’yo dahil papatayin ko siya.”
Desperada ang babae, mukhang nasisiraan na nga ito ng bait. Nanginig na lang siya nang itutok nito ang baril sa ulo niya.
“Magpaalam ka na sa kanya Felix!”, sigaw pa nito.
Naipikit na lang niya ang mga mata habang umuusal ng panalangin. Kasabay ng pagkarinig niya ng sirena ng sasakyan ng pulis ay pumailanlang naman ang putok ng baril. Naramdaman niya ang biglang pagbagsak ng katawan niya sa lupa na parang may nagtulak sa kanila at ang tilihan ng mga tao sa paligid.
Iminulat niya ang mga mata, nakita niyang isang lalaki ang dumaluhong kay Lyka, natandaan niyang ipinakilala ito ni Felix na pinsan niyang alagad ng batas.
“Charlene”, nilapitan siya ni Felix at mahigpit na niyakap. Itinayo siya nito mula sa pagkakabagsak sa lupa. Nakita nilang ilang lalaki ang tumulong para mapigilan si Lyka sa pagwawala.
“Bitiwan niyo ako”, hiyaw nito.
Saglit pa ay dumating na ang mga pulis. Kasama ng ilang bisita ay hinatid nila ang mga ito sa gate kasama ang nakaposas na si Lyka.
“Kami na pong bahala sa kanya”, narinig niyang saad ng isang pulis sa nobyo niya.
“Salamat po”, tugon nitong hinatid ng tingin si Lyka nang biglang manlaki ang mga mata nito.
“Mamamatay ka!”
“Huwag!”, halos sabay ding sigaw ni Felix at niyakap siya. Sa bilis ng mga pangyayari namalayan na lang niyang naghihingalong nakayakap sa kanya ang nobyo at mula sa likuran nito ay kitang-kita din niya ang gulat na gulat na si Lyka na hawak pa rin ang baril na bigla nitong hinugot sa baywang ng isang pulis.
Nabitawan nito ang baril at umiiyak na napatingin sa kanyang nobyo.
“Felix!”, nausal niya nang maramdaman ang dugong dumadaloy mula sa likuran nito.
SAGLIT na ipinikit-minulat ni Felix ang mga mata hanggang sa masanay sa liwanag. Tumambad sa paningin niya ang puting kapaligiran.
Where am I?, piping naitanong niya sa sarili.
Inilibot niya ang paningin sa paligid at natantong nasa ospital siya. Dumagsa sa alaala niya lahat ng pangyayari, ang pagkahuli kay Lyka at ang maliksing paghugot nito sa baril mula sa baywang ng pulis na umi-escort dito.
Agad niyang naalala si Charlene, sinalo niya ang balang dapat sana ay para dito.
Gumalaw ang mga daliri niya at doon niya napagtantong mahimbing na natutulog ang kanyang kasintahan. Saglit pa ay naalimpungatan ito.
“F-Felix”, napatayong sambit nito. “Buti gising ka na, sandali tatawag ako ng doktor”, tuwang sambit nito bago lumabas sa silid.
Pagbalik nito ay kasama na nito ang isang doktor at isang nurse. Saglit na tinignan nito ang kanyang kalagayan.
“Kumusta na po siya?”, tanong dito ni Charlene matapos siyang tignan.
“He’s doing good. Actually, kailangan lang niyang magpahinga ng ilang araw then he’ll be alright.”
Nilapitan agad siya nito nang iwanan sila sa loob.
“Anong nararamdaman mo?”, malumanay na usisa nito.
“Ayos lang ako, ang importante ayos ka”, sagot niya.
“Salamat sa’yo pero kung sakaling may masamang nangyari sa’yo, sisisihin ko ang sarili ko.”
“Narinig mo naman ang sinabi ng doktor ‘di ba? By the way, how’s Lyka?” naisipan niyang itanong.
Napahinga ito ng malalim. “Naaawa ako sa kanya, according to Imee, naka-confine siya sa isang psychiatric institution. She’s mentally ill”, malungkot na saad nito. “Humihingi nga si Imee ng tawad in behalf of Lyka’s family dahil sa nangyari.”
“Hindi ko akalaing ganun ang kalagayan niya.”
“Actually, hindi daw miminsan na naging bayolente si Lyka. Mula pa noon, every time she gets hurt, sinasaktan niya ang sarili niya, minsan nga nagtangka pa daw siyang magpakamatay.”
“Sayang ang buhay niya,” naiiling na lang na saad niya.
“Malaki ang paniniwala kong gagaling din siya.”
“Ako may alam akong paraan para maka-recover ako agad”, lihis niya sa usapan.
“Ano?”, kunot-noong tanong nito.
“Kailangan ko ng halik mula sa aking prinsesa”, malapad ang ngiting saad niya.
“Huh?”, anas nitong tumaas ang kilay. “Halik pala ah”, sabay kurot sa tagiliran niya.
“Aray!”, sambit niya. Umarte pa na hindi lang sa kurot nito siya nasaktan.
“Bakit? Anong masakit sa’yo ha?”, nag-aalalang tanong nito. “Ikaw kasi eh, napakapilyo mo.”
“Aray ang sakit talaga, bigyan mo ako ng gamot”, wika niyang pinagbuti ang pag-arte.
“Ha? Anong gamot?”, tarantang tanong nito na naghalungkat sa hospital cabinet.
“Kispirin nga. Dali na”, aniyang nanulis pa ang nguso.
“Asar ka”, mahina nitong hinampas ang braso niya.
“‘Yan ka na naman, kanina kurot ngayon hampas”, kunwa’y nagtatampong sabi niya. “Para isang kiss lang eh.”
Mukha naman itong natinag sa arte niya, para kasing nakokonsensyang tinitigan siya nito.
“Hmp, sige na nga.”
“Pakipot ka pa kasi Mrs. Castillo, kung alam--”,naputol ang ilan pang sasabihin niya nang maramdaman niya ag paglapat ng labi nito sa labi niya. Gumalaw ang mga labi nito na tipong naghahanap ng tugon. Hindi naman siya nag-alangan na sabayan ito hanggang naging mapusok ang halik na iyon.
Sa mga oras na iyon wala ng nasa isip niya kundi silang dalawa lang at kahit ano man ang pagsubok na pagdaanan ng kanilang relasyon, sigurado siyang magiging matatag pa rin iyon, dahil sila ay para sa isa’t-isa.
Ito ang itinakda ng tadhana.
- E N D -