“Dee, are you okay?”
Lumingon si Diana sa pinanggalingan ng tinig. Nakaupo na pala sa tabi niya si Henry. “I beg your pardon?”
“Are you okay?” tanong ulit nito.
“Yeah. I’m just amazed by the beauty of Ontario,” aniya.
"How do you find this country?" tanong nito sa kanya habang pareho silang nakatingin sa labas.
"It's nice," sabi niya na may kahalong paghanga. "Ontario is really a nice place. I'm amazed by the beauty of the Niagara Falls."
"I’ve been living here for few years, but until now, I'm still amazed by its beauty. Do you love beaches?"
"Yeah. I love to walk along the beach. It's one thing I really like to do, but chances for me are rare. I grew up in a city and far from the beach. The only thing we have in our city was a river. It's not nice, though. The color is brown..." tumatawang kwento niya.
"Ahh... That's why you rarely go to the beach?"
"Yeah. If I only have a chance this time, I'll visit the Niagara Falls frequently," aniya.
"How about on Saturday?" biglang tanong nito na nakatitig sa kanya.
"What do you mean Saturday?" nagtatakang tanong niya.
"Let's go to the Niagara Falls on Saturday," alok nito.
Hindi siya makapaniwala. Napangiti siya at nanlaki ang mga mata niya. "Really? That will be great!" masayang sabi niya. "You know, I've been there once, however, I'm not yet familiar with the roads here, so I do not know which way to go."
"I can come with you. I'll be your tour guide."
"Thank you so much!"
"Walang anuman," sabi ni Henry sa mahinang tinig.
Nagulat siya sa sinabi nito. Sa pagkakabigkas nito ng mga huling salita ay parang bihasa ito sa wikang Filipino. “Pilipino ka rin?”
“Half,” sagot nito. Bumulong ito sa kanya. “Sorry kung ginulat kita. We’re not encouraged to speak Filipino here.”
Wala na silang masabi sa isa't-isa pero parehas pa rin silang nakangiti at nakatitig sa isa't-isa. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng bagong kaibigan at kapamilya. Mayroon na siyang makakausap sa salitang Filipino.
Nang sumapit ang gabi ay nagpaalam si Diana sa prefect nilang si Miss Elaine Nguyen na lalabas siya sa Sabado ng umaga kahit may apat na araw pa siya at pinayagan naman siya nito. Napansin niyang kakaiba talaga ang kultura ng Western countries sa Asya. Malaki ang pagkakaiba. Uso sa bansang iyon ang pakikipag-date kahit na high school pa lamang. May mga nakikita siyang magkakasintahan na nag-aakbayan sa loob ng campus, nagyayakapan at naghahalikan. May mga mag-aaral din na nagpapalit kaagad ng nobyo o nobya. May isa siyang ka-klase, si Chloe na napansin niyang noong opening ay si Bryan ang boyfriend nito. Ngunit nitong mga nakaraang araw, si Claudia, ang bestfriend ni Chloe ang ka-date ni Bryan. May nakikita siyang kagandahan sa kultura ng Canadians, pero marami rin siyang nakikitang hindi maganda sa paningin niya. Marahil nga ay dahil na rin sa malaki ang pagkakaiba ng kulturang nakalakihan niya sa kulturang nakikita niya sa ngayon.
"Are you dating?" tanong ni Kate nang gabing iyon. Ikinuwento niya sa mga kaibigan ang pagyaya sa kanya ni Henry na mamasyal sa Niagara Falls pakatapos niyang magpaalam sa prefect nila.
"As far as I know Kate, it's not a date," sabi niya. Si Kate ang napapansin niyang pinaka-protective pagdating sa kanya sa kanilang magkakaibigan. Kung ituring siya nito ay parang nakababatang kapatid.
"You're ridiculous, Dee!" sabi naman ni Leesh.
"Leesh, why?" nagtatakang tanong niya.
"It's obviously a date!" sagot nito. "Don't be numb. He likes you."
"But he hasn't said anything yet. It's just that... he asked me to come with him."
"But, hun, don't freak out if on Saturday he asks you to be his girl. I know you're still having a culture shock here, but please... If you're in Rome, do what the Romans do," payo sa kanya ni Britanny.
"Brit, she's not in Rome. She's in Canada," biro ni Kate na may halong pamimilosopo. "Dee, you're in Canada. Do what the Canadians do." Kinindatan pa siya nito.
"And, tell us if he kiss you," dagdag pa ni Leesh na parang mahinang sumigaw sa kilig.
“I think that won’t happen. You see, guys, we both have Filipino blood, so he’s very familiar with my culture, I guess.”
“But my dear,” simula ni Kate, “remember, he grew up here and has been staying for many years already.”
“So, just don’t freak out if he does something surprising and exciting,” hirit pa ni Leesh. “Wish I was in your shoes.”
"Leesh!" saway ni Britanny. "She's soon to be a nun," biro nito.
"Nun..." natatawang sabi ni Leesh. "Okay."
Natawa na lamang siya sa mga kasama. Madalas kasing sabihin ng mga ito na puwede na raw siyang pumasok sa kumbento sa pagiging conservative niya. Hindi siya nagsusuot ng maiiksing damit, samantalang ang mga kaibigan niya at ibang kapwa mag-aaral ay hindi nahihiya at tila sanay magsuot ng maiiksing damit. Hindi rin siya sanay magsuot ng sleeveless blouse o low neck line. Gusto sana siyang bigyan ni Kate ng mga damit pero wala siyang lakas ng loob isuot ang mga iyon kaya't sina Leesh at Brit ang taga-salo.
Kinaumagahan, sa subject nilang Literature, pinapunta sila ng guro nila sa Audio-Visual Room para sa film viewing. Habang papalabas sila ng classroom, napansin na lamang niyang nasa tabi na niya si Henry.
“Morning, Dee!” bati nito.
“Good morning, Henry!” ganting bati niya.
“It’s a lazy morning and I think it’s a good time for film viewing. I just hope it’s a good movie.”
Pinagmasdan niya ang panahon. Medyo mahangin. Nakakatamad nga. “So am I.”
Nakapasok na sila sa AVR. Hinahanap ng mga mata niya ang tatlong mga kaibigan dahil hindi niya alam kung saan uupo.
“After you, Dee,” sabi ni Henry.
Kaagad naman niyang nakuha ang ibig-sabihin nito. Pinapauna na siya nitong maupo dahil nakatayo sila sa may third row. Nauna na siyang umupo at umupo naman si Henry sa tabi niya, malapit sa center aisle.
Maganda ang pelikula, THE ROAD HOME, isang Asian love story at may kahalong drama. Tahimik lang sila sa buong oras. Ang kuwento ay tungkol sa batang babae na umiibig sa teacher na dumating sa baryo nila. Ipinakita sa pelikula kung paano nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t-isa at hanggang sa pagtanda nila at hanggang sa mamatay ang lalake. Maganda ang pelikula. Nakakakilig. Nakaka-inlove.
Nang matapos ang pelikula, bumalik na sila sa classroom. Wala pa ring umiimik sa kanilang dalawa ni Henry. Kahit ganoon, ramdam niyang magaan ang loob at komportable sila sa isa’t-isa.
Alas-diyes ng umaga ang usapan nina Diana at Henry. Alas-nuwebe pa lamang nang araw ng Sabado na iyon ay handa na siya at nakikipag-kwentuhan sa common room kasama ang mga kaibigan. Bigla siyang tinawag ng guwardiya sa labas at sinabing may naghahanap sa kanya. Mula sa kinauupuan, nakita niya sa pintuang salamin si Henry na nakatayo sa labas ng dormitoryo. Bago siya lumabas ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan.
"Hey, aren't you going to introduce us to your friend?” pilyang tanong ni Leesh bago pa man siya makalayo sa mga ito.
"He already knows all of you, I guess," dahilan niya.
"Yes, but... where are your manners, Dee? At least, let him say 'hello' to us. He’s also our classmate," sabi ni Kate.
"Aw, c'mon! You might skin him alive!" kontra naman ni Britanny na hawak ang isang makapal na libro. Lihim na lang siyang napailing dahil kahit oras ng kwentuhan at bonding ay libro pa rin ang hawak nito.
"Brit's right," sang-ayon niya. "Goodbye, girls!"
"Have a nice date... I mean, day," pahabol ni Kate.
"Thanks, Kate!" Lumingon pa siya sa mga kaibigan na inihatid siya ng tanaw. “Love you all!”
Humakbang siya palapit kay Henry. Muli niyang nasilayan nang umagang iyon ang blond hair and blue eyes nito.