"Maybe because I was very excited for our date..."
Natigilan siya, pero saglit lang iyon. Marahan siyang natawa. "Date?"
"Date, yes," kaagad na sagot nito.
"Well, I didn't know this is a date," tumatawang sabi niya.
"Sorry about that, but yeah, this is a date. A friendly date. Next time, I'll orient you," biro pa nito.
“Yeah, ‘cause I think, I’m really having a culture shock here,” sabi niya nang may kahalong biro. Pakiramdam niya ay nagkakaroon nga talaga siya ng culture shock. Date na pala ang tawag doon, hindi niya alam. Pero nilinaw naman ni Henry na friendly date lang iyon. "So, where to?" tanong niya. Nakatayo pa rin sila sa tapat ng dorm.
"To the parking area, please. I borrowed my father's car."
Tinungo nila ang parking area at pinag-buksan siya nito ng pintuan sa passenger’s seat bago ito sumakay. “Thank you,” magalang na sabi niya.
“Walang anuman.”
“Henry, puwede bang mag-usap na lang tayo sa salitang Filipino kapag tayong dalawa lang?” tanong niya sa lalake nang makasakay ito ng kotse at nagsimulang mag-drive. At least, sa loob ng kotse walang ibang makakarinig sa usapan nila at wala na sila sa STA campus.
“Ha? Oo naman. Ikaw na lang ang nakakausap ko ng Filipino dito. Nakaka-miss din ang ‘Pinas,” natutuwang sabi nito.
“Salamat talaga, ha?”
“Para saan?” kunot-noong tanong ni Henry. Sinulyapan siya nito habang nagmamaneho.
“Sa tulong mo, saka sa time.”
“Hindi pa nga tayo nakakarating ng Niagara Falls. Saka ka na magpasalamat. Baka pababain kita,” biro nito.
Wala siyang naisagot kundi isang mahinang tawa. May sense of humor din pala ito.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay itinabi na ni Henry ang kotse at naglakad sila ng ilang metro papunta sa Niagara Falls. Hindi iyon ang unang beses ng pagpunta niya doon, ngunit namangha pa rin siya sa ganda nito.
“Whooow...” halos pabulong niyang sabi.
“Still amazed?” ani Henry.
“Yeah. I love water, but I’m afraid of it. I don’t know how to swim.”
“Don’t worry, you’re safe here. Hindi ka mahuhulog d’yan.”
Mahigpit siyang humawak sa rail. Kinuha niya ang camera sa bag at walang sawang kinunan ng picture ang Niagara Falls. Nag-boluntaryo rin si Henry na kunan siya ng picture.
“Naka-ligo ka na ba sa beach?” tanong ni Henry habang nakatuon ang mga mata nila sa magandang tanawin.
“Hindi pa,” nahihiyang amin niya.
“Magaganda ang beaches dito. Sayang naman kung hindi mo mapupuntahan.”
“Gaano katagal ka ng nandito sa Canada?”
“Four years na rin. Sa ‘Pinas ako ipinanganak at nag-aral ng elementary. Ngayong high school lang ako pumunta dito.”
“Nag-migrate kayo?”
“Yep.”
“May plano ka pa bang bumalik?” bigla’y naitanong niya.
“Meron. Miss na miss ko na ang Bicol. Ikaw, sa’n ka ba sa ‘Pinas?”
Bigla siyang napatingin kay Henry. “Bicol ka rin?”
“Yep. Bicol ka rin?” Nagulat din ito.
“Oo. Saan sa Bicol? Naga City ako.”
“Naga City rin ako. Sa St. Jo ako nag-aral.”
“St. Jo din kaya ako galing? What a small world!” natutuwang sabi niya. Halos tumalon siya sa tuwa dahil parehas pala sila ni Henry ng lugar na pinanggalingan at paaralan. Pakiramdam niya ay mas magiging magaan ang loob niya kay Henry dahil sa mga pagkaka-pareho nila.
Habang naglalakad-lakad sila sa may Niagara Falls ay nag-kuwentuhan sila tungkol sa Naga City at sa dati nilang paaralan. Maraming beses na palang muntik mag-krus ang mga landas nila. Pero sigurado sila na hindi pa talaga sila nagkita sa Pilipinas noon kahit nasa iisang paaralan lamang sila noong elementary.
Nang mga oras na iyon, tila wala sa kanilang dalawa ang may gustong umuwi kahit malapit ng mag-tanghali. Masarap ang kuwentuhan nila, pero pareho silang nakaramdam ng gutom. “Kain tayo ng lunch,” alok ni Henry.
“Saan?” tanong niya.
“Sa plato,” tumatawang sabi nito.
Tumawa rin siya. “Marunong ka pa pala ng old jokes.”
“Oo naman. Makakalimutan ko ba, eh ako yata ang pinaka-pilosopo noon sa klase namin sa St. Jo.”
“O, saan nga tayo kakain?” tanong uli niya.
“D’yan sa malapit. May restaurant malapit dito. Halika.” Magkasabay silang naglakad sa bandang unahan. Mayroon ngang commercial buildings doon at may mga kainan. Nakita niya ang life-size na pigura ng Hershey’s Kisses. Kaagad siyang lumapit doon at inabot kay Henry ang camera.
“I love Kisses. Pa-picture naman, kahit nakakahiya sa mga tao, hindi ko papansinin.” Kahit yata kasi saang sulok ay nagpapa-picture siya.
“Sure. Okay lang ‘yan. Pilipino tayo, eh. Hindi nila ‘yan maiintindihan dahil hindi sila Pilipino.” Kinunan naman siya ni Henry ng picture katabi ang malaking bulto ng Hershey’s Kisses.
“Thank you,” sabi niya pagkatapos. “Nagutom tuloy ako. Parang gusto kong kumain ng Kisses.”
“Favorite mo pala ang Kisses. Ako, Kit-Kat ang gustong-gusto ko.”
“Talaga? Mas gusto mo ba ang may wafer?”
“Yep. Kit-kat, Twix, pati nga yung Tofi-Luk sa ‘Pinas, gusto ko rin.”
“Wow. Mukhang pang-sosyal ang mga paborito ko, nahihiya naman ako. Kisses lang naman at Toblerone.”
“Puro chocolates na ang pinag-uusapan natin. Mabuti pa, kumain muna tayo ng lunch, bago tayo mag-dessert.” Nagpatiuna si Henry papasok sa isang restaurant. Hindi uso ang rice meals doon, lalo na tuwing breakfast at lunch. Dinner lamang ang heavy meal sa Canada kaya’t burger at fries lamang ang order nila.
“Are you sure you’re okay with these?” tanong ni Henry na ang mga pagkain ang tinutukoy. “Baka gusto mo ng rice meal?” Nabakas niya ang concern sa mukha ni Henry. Napaka-accomodating nito.
“Yeah, okay na sa’kin ‘to. Sinasanay ko na rin ang sarili ko na ito lang ang kinakain.”
“Hindi mo ba nami-miss ang Filipino dishes?”
“Nami-miss. Pero sabi nga ng mga kaibigan ko, ‘do what the Romans do when you are in Rome’. Kaya sumasabay ako sa agos ng buhay dito.”
“Pero hindi lahat kailangan mo gayahin. Depende kung maganda o hindi.”
Napangiti siya. Mukhang conservative-type si Henry. Hindi pa rin siguro nawawala ang Filipino values nito. “Right. Healthy naman ang pagkain ‘di ba?”
“Oo naman.” Halos magkasabay silang kumain.
“How much do I owe you?” tanong niya matapos kumain at nakapag-bayad na si Henry.
“Never mind. I took care of it.”
“Nakakahiya na sa’yo. Ikaw na nga ang naabala.”
“Hindi naman. Hindi ka naman nakaka-bore kasama.”
“So kung nakaka-bore pala akong kasama, kailangan kitang bayaran?” biro niya.
Isang ngiti lamang ang isinagot sa kanya ni Henry.
“Marami na akong utang sa’yo.”
“Utang?” tanong ni Henry habang palabas sila ng restaurant.
“Oo. Yung pagdala mo ng water jug, pag-pasyal mo sa akin dito, saka yung lunch natin...”
“Ahh...” mahinang tumawa si Henry. “Ipunin mo lang muna ang mga utang mo. Saka na kita sisingilin,” biro nito.
“May interes?” biro din niya.
“Hindi pera ang bayad. Iba.”
“Sus! Kinakabahan yata ako. Baka kung ano’ng bayad ang hingin mo,” biro niya. Malakas silang tumawa.
“Don’t worry, I’m harmful, I mean, harmless,” biro nito. “Balik tayo sa Niagara,” alok ni Henry. Hanggang sa paglabas nila ng restaurant ay tawa pa rin sila ng tawa dahil hindi natigil ang biruan nila.
Nakabalik na sila malapit sa Niagara Falls nang magpaalam saglit si Henry ngunit bumalik din kaagad ito. Hindi nagtagal ay nag-desisyon na rin silang umalis. Inihatid siya ni Henry pabalik sa paaralan.
“Henry, thank you for this day,” sabi niya.
“Kanina ka pa nagpapasalamat. You’re welcome. Magkaibigan na tayo kaya ayos lang.”
Natuwa naman siya sa sinabi nito na magkaibigan na sila. Parang ang sarap nitong maging kaibigan. Napakabait nito at matulungin. Gusto niyang mas makilala pa ng lubusan si Henry.
“O, pa’no, see you on Monday?” aniya.
“Sure,” sabi ni Henry sabay tango.
“Bye. Thanks again.” Nakahanda na siyang buksan ang pinto ng kotse para lumabas nang pigilan siya ni Henry sa pamamagitan ng pagsambit nito sa pangalan niya.
“Dee.”
Lumingon siya. “Bakit?”
May kinuha si Henry sa bulsa ng jacket na suot nito. “Para sa’yo.”
Kisses at Toblerone chocolates. Napangiti at napakagat-labi siya. Parang nahuhulaan na niya kung bakit ito nagpaalam sa kanya ng saglit kanina habang nasa Niagara Falls sila. “Henry... Thank you!”
Sinuklian ni Henry ang ngiti niya. “Ingat.”
“Ingat ka rin.” Hinintay niyang makaalis si Henry bago siya pumasok sa campus. I still can’t believe I had a friendly date with that guy with a blond hair and blue eyes.