“Hindi naman. Baka kasi makita ka pa ng mga ka-klase ko, mangulit na naman kung ano ba talaga ang relasyon natin.” Napabuntong-hininga siya.
Tumawa si Henry. “Ba’t parang ikaw ang pagod at apektado? Hayaan mo silang mapagod sa pangungulit at pagtatanong. I know the feeling, pero ‘wag mo ng pansinin. Ganyan din ang nae-encounter ko araw-araw. Tinatanong nila ako kung girlfriend daw kita. Ewan ko ba. Ang daming nagtatanong kung may grilfriend daw ako. Sa susunod, sasabihin ko na lang na oo, meron at ikaw nga. Para matahimik na sila.”
Ouch! Gusto niyang sumigaw. “Ba’t mo naman ‘yon sasabihin?”
“Makulit sila, eh! You don’t have to worry naman kasi alam naman natin kung ano talaga tayo, ‘di ba?” malambing na sabi ni Henry.
Tumango siya. Hanggang pangarap na lang siguro si Henry. “Sa’n pala tayo kakain?”
“Sa plato?” Magkasabay nilang sinabi iyon. Sabay din silang tumawa.
“Kahit saan mo gusto. Ano ba’ng gusto mong kainin?” tanong ni Henry.
“Siyempre pagkain. Kanin saka ulam...” pamimilosopo niya.
“Alangan namang bato ang kainin natin...” ani Henry na nakakasakay sa biro niya. “How about Purple Bell? Pizza?”
“Erm... Sure!”
Huminto sila nang makarating sila ng gate. “Lakad o sakay?” tanong ni Henry. Alam ni Diana na gustong-gusto nito ang paglalakad. Iba naman ang standard nito sa malapit.
“Lakad. I know you...” Gusto niyang makasama ng mas matagal si Henry.
“I know you, too. Naka-heeled shoes ka.” Ginaya nito ang tono ng pananalita niya. Natawa siya.
“Okay lang ako. Lakad na lang tayo.”
Naglakad sila papunta sa downtown kung saan matatagpuan ang Purple Bell. Pagdating sa restaurant, naghanap sila ng upuan at kaagad na inasikaso ni Henry ang order nila. “What do you like?” Parehas silang nakatingin sa menu book.
Namimili siya sa apat na klase ng pizza na nakikita niya sa menu book. “What do you suggest?”
“Hawaiian, but you’re free to choose.”
“Sige, Hawaiian na rin.”
“Hawaiian, please,” baling ni Henry sa service crew na naghihintay sa order nila. Ibinalik nito sa kanya ang atensiyon. “Drinks? Tea, soda?” tanong nito sa kanya.
Tumingin uli siya sa menu book. “I’ll have pineapple juice.”
“Isang pineapple juice, please and then water for me,” sabi ni Henry sa crew.
“Ay, water na rin,” pahabol niya.
“Hep hep hep... You said pineapple juice.”
“Repeat order, sir,” simula ng crew, “one Hawaiian Pizza and one pineapple juice.”
“Yes, thank you.”
“Fifteen minutes, sir.”
Nang makaalis na ang service crew ay nag-kuwentuhan uli sila. “Kumusta na ang family mo?” Si Henry lang ang umuwi ng Pilipinas sa kanilang magkakapatid. Nasa poder naman ng daddy ni Henry sina Bill, Harry, Abby, Gladys at Andrew.
“Andrew is having a difficulty with studies. He’s not doing good in class. His teacher called Dad to raise the concern.” Medyo malungkot ang tinig nito.
“So, how is he now?”
“He has a tutorial with the teacher everyday after classes. Hindi na magawa ni Dad na turuan pa si Andrew. Bill, Harry, Abby and Gladys are also trying to do well in their studies.”
“Eh ikaw, kumusta ka?”
“Ayos lang. I miss Dad and my siblings... I think of them a lot. Kung puwede lang akong mag-apparate just to help them... I use to help Andrew with his assignments. I use to prepare their things and cook for them after school when I was still in Canada. Pero ngayon, Bill, Harry and Abby have to learn and do those things. They have to help Dad at home. Pumupunta pa rin si Auntie sa bahay from time to time to check especially with my sisters. Iba pa rin ang may babae sa bahay. I’m sure you would agree with me.”
“I think, Bill, Harry and Abby could manage, don’t worry.” Iyon na lang ang nasabi niya. Ayaw niyang magbigay ng opinyon dahil alam niyang sensitibo si Henry pagdating sa pamilya.
“It’s not easy, pero alam ko na magagawa nila. Aminin na natin, Dee. Pinabayaan kami ni Mommy,” may halong hinanakit sa tinig nito.
“Henry, please don’t say that...” malumanay na sabi niya.
“Pinabayaan kami ni Mommy. She chose to leave Dad and go back to the Philippines with her six children. But you know what? When we were here already, hindi naman niya kami naasikaso. That’s why Dad decided to bring us back to Canada. Nagpaiwan si Abby, pero wala rin nangyari. Ayaw kong magkaroon ng hinanakit sa Mommy ko. I want to reach out that’s why I came back and decided to study here in Naga. Pero hindi ko pa rin nararamdaman ang motherly love at nauunawaan ko na kung ano ang naging sitwasyon ni Abby. That’s the truth, Dee.” Bakas na ang lungkot sa mukha ni Henry.
“Hindi ko maramdaman na ina ko siya,” dagdag pa nito. Inabot ni Diana ang mga kamay ni Henry upang hawakan. Pinilit ngumiti ni Henry. “Thanks, Dee.”
“That’s what friends are for,” nakangiting sabi niya.
Sakto namang dumating na ang order nila. Medyo sumigla uli ang mukha ni Henry at sinimulan nila ang pagkain. Tungkol naman sa pagkain ang pinag-usapan nila, hanggang sa subjects nila sa paaralan, sa balita kina Leesh, Kate at Brit at kung anu-ano pa. Pakiramdam nila ay nasa Canada at magka-klase pa rin sila. Pinag-uusapan nila ang mga ka-klase nila noong high school na para bang makikita uli nila bukas.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Diana. “I miss my friends so much,” sabi niya.
Napangiti si Henry. “I know. I miss my friends, too. I miss everyone and everything in Ontario.”
“I miss the CN Tower,” dagdag niya.
Kapwa sila napangiti. Pinahid ni Diana ang mga luha. Pumunta siya sa rest room upang ayusin ang sarili. Nang lumabas siya ay nasa counter na si Henry at nagbabayad. Habang papalapit siya rito ay nagsalubong ang mga mata nila. Pilyo itong kumindat sa kanya. Pabiro naman niya itong sinimangutan.
Sabay silang lumabas ng Purple Bell. “Wala ka ng masasakyan,” sabi ni Henry.
Sinipat niya ang relong pambisig. Alas-nuwebe na pala ng gabi. “Meron pa.”
“Pero delikado na. Sa bahay muna tayo. Kunin ko lang yung kotse, tapos ihahatid kita.” May kotse pa rin na ginagamit si Henry kahit wala na sila sa Ontario. Paminsan-minsan ay ginagamit nila ‘yon kapag alanganing lugar o oras ang lakad nila.
“’Wag na, kaya ko naman na.”
“’Wag ka na kasing tumanggi. Mamaya n’yan ikaw na lang ang pasahero papuntang Carolina, kung mapa’no ka pa d’yan.”
Pinara ni Henry ang jeep biyaheng San Felipe. Pinauna siya nito sa pagsakay at katulad ng nakagawian, si Henry ang namasahe para sa kanilang dalawa. Bihirang gumastos si Henry dahil hindi ito masyadong mahilig sa snacks. Hindi ito sanay. Nagsimula lang si Henry kumain ng snacks ngayong college na sila sa Pilipinas dahil sa hectic na schedule. Matipid si Henry, pero kapag gumastos naman ito ay todo. Kaya kapag magkasama sila, wala siyang ginagastos.
Hindi iyon ang unang beses na pagpunta niya sa bahay ng mommy ni Henry. Pagdating nila ay wala pang tao. “Wala pa si Mom,” sabi ni Henry habang binubuksan ang main door. “Halika, upo ka muna. Sandali lang ako sa kwarto, then alis na tayo.” Binuksan ni Henry ang ilaw sa sala at umakyat sa hagdan papunta sa silid nito. Nagpalit si Henry ng casual shirt at maong shorts at tsinelas. Hawak nito ang susi ng kotse. “Let’s go.”
Itim na Honda City ang kotseng ginagamit ni Henry. Medyo malayo ang Carolina. Hindi sila masyadong nag-uusap ni Henry sa biyahe. Tila parehas nilang naramdaman ang pagod.
“Dee, andito na tayo.” Naramdaman ni Diana ang marahang pag-gising sa kanya ni Henry. Nakatulog pala siya. Nasa tapat na sila ng bahay nila.
“Nakatulog pala ako. Pasensya na,” sabi niya.
“Okay lang. Sorry kung masyado kang napagod. Magpahinga ka na. Hindi na siguro ako papasok sa inyo. Gabing-gabi na rin. Sa susunod na lang.”
Tumango siya. “Salamat uli. Pahinga ka rin pagdating sa inyo. May pasok pa tayo bukas.”
“Yeah, I will. Good night.”
Bago siya bumaba, may kinuha muna siya mula sa bag. Inabot niya kay Henry ang Kit-kat na hawak. “For you.”
“Oh, thanks! Alam mo pa rin ang favorite ko,” masayang sabi ni Henry.
“Siyempre naman...”
“It’s like our first date. Do you remember that day? The day I took you to Niagara Falls?”
Tumango siya.
“Before you get out of the car, I gave you chocolates. And now, it’s the other way around.”
“A simple way to thank you for your kindness. Ingat sa biyahe. Good night.”
“Good night.”
Tuluyan na siyang bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng bahay. Alam niya, hindi aalis si Henry hangga’t hindi siya pumapasok sa loob.
“O, ginabi ka masyado? Si Henry ba yung naghatid sa’yo?” kaagad na tanong ng Mommy niya na nanonood ng tv sa sala.
Nagmano siya sa ina. “Opo, si Henry nga. Napasarap po kasi yung kuwentuhan namin.”
“Sa’n kayo nag-dinner?”
“Sa Purple Bell po. Kumain ka na po, ‘My?”
“Oo. Sige, magpahinga ka na.” Papasok na sana si Diana sa kuwarto niya nang magtanong ang ina niya. “Di,” iyon ang nick name niya sa bahay, “nanliligaw ba sa’yo si Henry?”
Tumawa siya. “Hindi po, ‘My. Wala pa rin pong nagbabago. Magkaibigan pa rin kami. Bakit po, kung si Henry po ba ang maging boyfriend ko, boto kayo?” biro niya sa ina.
“Oo naman. Mabait siya, saka matagal na kayong magkaibigan. Kilala n’yo na ang isa’t-isa.”
“Pero malabo po na mangyari ‘yon. Sige po, good night.”
Nang gabing iyon, napanaginipan niya si Henry, ang lalakeng minamahal niya.
Kinaumagahan, medyo nahuli ng gising si Diana kaya’t hindi siya kaagad nakasakay ng jeep papuntang paaralan. Alam niya, mahuhuli siya sa Biology Lab niya. Napasarap ang tulog niya kagabi kaya’t hindi siya nagising kaagad, epekto ng dinner paglabas nila kagabi ni Henry. Mga kinse minutos pa siyang naghintay bago dumating ang jeepney. Kaagad siyang sumakay. Nang makarating sila sa San Felipe, huminto ang jeep sa tapat ng bahay nina Henry. Nagulat siya nang makitang si Henry ang pumara at sumakay sa jeep. Kaagad din siyang nakita nito dahil na rin medyo kaunti lang ang pasahero. Kapwa sila tumawa nang makita ang isa’t-isa. Sinipat niya ang wrist watch. Seven thirty na. Late na sila pareho kapag dumating sila ng paaralan.
“Akala ko, ako lang ang late,” sabi niya.
“Akala mo lang ‘yon.” Umiiling-iling at tumawa rin si Henry. “Napasarap ang tulog ko.”
“Ina-adopt mo na rin ngayon ang Filipino time, ha?” biro niya.
“Do what the Romans do when you are in Rome,” pagbabalik nito sa sinabi niya noon.
“Pero ikaw na mismo ang nagsabi, depende kung maganda o hindi ang gagayahin mo.”
“Karapatan ko rin naman ma-late, ah? Saka first time ko. Hindi ako laging late.”
“Kahit ako,” pagmamalaki niya.
Magkasabay uli silang naglakad papasok ng campus. Parehas silang nagmamadaling tahakin ang daan papunta sa kanya-kanyang klase. Pagdating ni Diana sa Biology Laboratory, abala ang mga ka-klase niya sa experiment. Nasa loob naman ng Custodian’s office ang instructor nila. Mabuti naman at hindi magiging kahiya-hiya ang unang beses niyang pagpasok ng late. Dumiretso siya sa grupo nila.
“Diana, late ka?” tanong ni Merly.
“Si Merly naman, nagtanong pa,” sani Candice na ka-grupo rin niya. “Nakipag-date ka kagabi, ano?” tanong nito sa kanya.
Napakunot-noo siya. May nakakita ba sa kanila ni Henry kagabi sa Purple Bell?
“Uy, ‘wag ka ng mag-deny... Nakita namin kayo kagabi sa Purple Bell. Nasa tapat lang kami, sa Bigg’s,” ani Joel.
“Oo. Kumain lang naman kami,” aniya.
“Sagutin mo na kasi si Henry!” sabi ni Merly.
“Wala naman siyang tanong, bakit ko sasagutin?” katwiran niya. Kunwari’y inabala niya ang sarili sa work book.
“Malay mo, humahanap lang siya ng tiyempo,” ani Candice. “Alam mo, Dee, halata naman na gusto n’yo ni Henry ang isa’t-isa. Kaso ewan ko ba sa taong ‘yan kung ano ang hinihintay.”
“Hay naku! Tumigil na nga kayo. How many times do I have to tell you that we’re just friends?”
“Dee, special ka kay Henry. At hindi naman niya siguro gagawin sa’yo ang mga bagay na ginagawa niya kung hindi ka special at wala siyang gusto sa’yo.”
“Candice, nasa Canada pa lang kami, gano’n na siya,” sabi niya.
“Matagal na pala siyang ganyan sa’yo? Ano ang hinihintay ng lalakeng ‘yan?” tanong uli ni Candice.
“Malay ko,” aniya.
“Baka naman kasi close friends or best friends lang talaga sila, binibigyan lang natin ng malisya,” ani Joel. “You know, ibang country sila galing.” Bumaling sa kanya si Joel. “Doon siguro, Dee, walang umuusisa ng status n’yo, ano?”
“Nagtanong lang yung close friends ko if we are dating. Apart from them, wala na,” sagot niya.
“Pero bagay pa rin talaga kayo ni Henry. Kinikilig ako sa tuwing makikita ko kayo. Ang sweet kasi niya sa’yo,” si Candice uli.
“Eh ‘di ba nga, crush mo si Henry? Ibig-sabihin ba ipinauubaya mo na siya kay Dee?” tanong ni Merly kay Candice.
“Crush lang naman, saka alam ko na hindi ako ang gusto ni Henry, kundi si Dee,” sabi ni Candice kay Merly. Pagkatapos ay humarap ito sa kanya. “Cute siguro ang magiging anak n’yo ni Henry kapag kayo ang nagkatuluyan. Maputi, matangkad, may blond hair and blue eyes.”