So if we fall inlove, maybe we’ll sing this song as one. If we fall inlove, we could write a better song than this, if we fall inlove, we will have this memory in our hearts. If we fall inlove, anywhere with you would be a better place.
Sumunod ay ang pagpapakilala sa speakers para sa segment na iyon, dalawang mag-aaral na couple. Nagtanong ang emcees kung papaano nagsimula ang love story nila. Katulad ng kuwento ng marami, nagsimula rin iyon sa pagkakaibigan, hanggang sa magyaya ang lalake ng simpleng snacks, lunch o dinner, pamamasyal at pagbibigay ng flowers at chocolates. Hanggang sa nanging close ang dalawa at pormal na nanligaw ang lalake at naging mag-on nga ang mga ito. Matapos ang kuwento, nagsimula naman ang pagtatanong sa couple at pagbibigay opinyon ng reactors mula sa iba’t-ibang disiplina, ang Psychology, Philosophy at Theology.
“Communication is very important,” simula ng psychologist nila na si Miss Barrameda. “However, sincerity is at its best if it is in person. Ngayon kasi, madalas na ang text message. Nagiging close dahil magka-text. There is also communication, pero mas nakikita ang sincerity kapag magkasama kayong dalawa.”
Sunod namang hiningi ang opinyon ng reactor na faculty sa Philosophy Department. “Masaya kayo kapag magkasama. You feel that your day is complete when you see each other and when you communicate. Pero papaano kung dumating ang oras na hindi kayo madalas magkita? Ngayon, two years na kayong couple. Okay ang relationship ninyo and you motivate each other especially in your studies. But what if you already have your own jobs? Magkalayo na kayo? Can you still say na magiging masaya kayo at kumpleto ang araw n’yo without seeing each other or communicating often?”
Nagsalita naman ang isang Theology instructor na isa rin sa mga reactors. “God loves us so much and He makes other people His instruments for us to feel His loving presence. Man is not alone and can never be alone. We all need a companion.”
Past
Si Henry ang nag-iisang lalake sa buhay ni Diana. Wala na siyang ibang nakikitang lalake sa buhay niya na darating pa. Nakikita niyang hanggang sa pagtanda, si Henry ang makakasama niya. Iyon nga lang, hindi niya alam kung si Henry ang lalake para sa kanya. At hindi rin niya alam kung pareho sila ng nararamdaman.
Lumipas ang mga araw at buwan, wala pa ring nagbabago sa samahan nina Diana at Henry. Madalas pa rin silang tanungin ng mga tao tungkol sa tunay na relasyon nila. Mahal na mahal pa rin ni Diana si Henry at habang tumatagal, mas umaasa siya na mamahalin din siya nito katulad ng pagmamahal niya.
Nakatakdang magkita sina Diana at Henry sa paaralan, isang Biyernes ng hapon pagkatapos ng pasok nila. Nagyaya ang huli na manood ng sine. Naghintay si Diana sa Psychology Department’s Office. Habang naghihintay, nakipag-kuwentuhan muna si Diana sa ilang mga kasama doon. Ilang minuto ang nakaraan ay dumating na si Henry at dala nito ang laptop na ipinaayos niya rito. Hindi na lang niya best friend si Henry ngayon, kundi technician na rin.
“Sorry, I’m late. Nagkita pa kasi kami ng friend ko na kadarating lang from U.S.,” paliwanag ni Henry pagdating nito.
“Okay lang,” sabi niya. “Naayos mo ang laptop ko?”
“Yeah,” sagot nito.
“Eh ‘di puwede ko ng ma-copy yung movie na gusto kong mapanood?” tanong ni Wendy na ka-klase niya.
“Oh, sure!” sagot naman ni Diana at binuksan ang laptop. Tumambad muli sa kanya ang desktop background niya na Christmas tree at punong-puno ng palamuti. Kinunan niya iyon sa dorm nila noon sa STA noong nasa Canada pa sila. Iyon ang ginawa niyang background dahil nalalapit na ang Pasko. Ilang araw na lang.
“Ang ganda naman ng desktop background,” ani Candice na naroroon din.
“Saan ‘yan kinunan?” tanong ni Wendy.
“Sa bahay,” magkasabay nilang sagot ni Henry.
“Saang bahay?” tanong ni Wendy.
“Sa amin,” sagot nila uli nang magkasabay.
“Uy, nagdududa na ako sa inyo. Siguro iisa lang ang bahay n’yo, ano?” panunukso ni Wendy.
“Hindi naman. Nagbibiro lang naman kami,” ani Henry kina Candice at Wendy. “Sa dorm ‘yan nina Dee noong nasa Ontario pa kami.”
Matapos ma-kopya ni Wendy ang pelikula na gusto nitong mapanood, nag-desisyon na si Henry na umalis.
“Let’s go?” alok ni Henry.
“Sure,” sagot niya. Nagpaalam siya sa dalawang ka-klase. “Maiwan na namin kayo.”
“Where are you going?” tanong ni Wendy.
“D’yan lang sa tabi-tabi...” sagot niya.
“Manonood sila ng sine... As in, silang dalawa lang,” ani Candice.
Panay ang pang-aasar sa kanila ng mga ka-klase niya kaya’t tawa sila ng tawa bago umalis. Napansin ni Henry na medyo mabagal siyang maglakad.
“Ano, kaya pa?” tanong nito na ang pagbitbit niya ng laptop ang tinutukoy.
“Kaya.”
“Ako na n’yan.” Kinuha ni Henry sa kanya ang laptop bag.
“’Wag na, kaya ko na,” tanggi niya.
“Ako na sabi,” pangungulit nito at inaagaw talaga sa kanya ang bag. Makulit si Henry pero pakiramdam niya ay nanghina siya nang masilayan ang nakakaakit na ngiti nito kaya’t tuluyan na niyang ibinigay ang laptop bag.
Nanood sila ng sine, isang hollywood movie na pinag-uusapan ngayon ng mga kabataan. Maganda ang pelikula. Iyon ang unang beses na nanood si Diana ng sine kasama ang isang lalake, pero hindi iyon ang unang beses na nagkasama sila ni Henry sa panonood ng pelikula. Habang nanonood, pa-simpleng pinagmamasdan ni Diana ang katabing si Henry. I can love him in silence. I want to be with him every minute of the day, every hour, every second. He’s the only man in my life. I want to love him forever... But that love is like a one-way street.
“So, where to?” tanong ni Diana nang matapos silang manood ng sine. Alas-sais na ng gabi.
“Kain tayo?” alok ni Henry.
“Aba, magastos ka yata ngayon?” Dati-rati ay mas gusto ni Henry na sa bahay kumain kesa sa labas.
“Gutom na ako, eh. Saka, kung magluluto ako sa bahay, wala naman ibang kakain. Wala si Mom.”
“Kaya pala...” aniya. Madalas wala ang mommy ni Henry sa bahay kaya mag-isa lang ito.
“Saan mo gustong kumain?”
“Talagang ako na naman ang pinapa-pili mo, ha? Ikaw d’yan ang gutom. Ikaw, saan mo gusto?”
Nagkasundo sila na kumain uli sa Purple Bell ng pizza. Dalawang buo ng pizza ang in-order nila. Akala mo, gutom na gutom talaga si Henry.
“Ang lakas mo’ng lumamon. Dahan-dahan lang,” biro niya.
“Para pagdating sa bahay, hindi na ako kakain. Mag-aaral na lang at matutulog. Kumain ka rin ng marami.”
“Kain ka nang kain, payatot ka pa rin. Akala mo, hindi pinapakain, eh lamon nga ang ginagawa...”
“Ganito na talaga ang katawan ko. Tumatangkad lang ako, hindi tumataba. Alam mo, kung babae lang ako, sexy ako,” biro nito.
“Walis ting-ting ka kamo kung babae ka.”
“Grabe ka kung makalait. If I know, guwapo rin naman ako sa paningin mo. Baka nga may gusto ka sa akin.”
Kinabahan siya sa sinabing iyon ni Henry kahit alam niyang nagbibiro lang ito. “E-excuse me. Projection mo lang yata ‘yan. Ano ka, overhead projector o LCD projector?”
“I’m neither an overhead nor LCD, but I am a projector. The most handsome projector on Earth.”
“Projector ka pala, ha? O sige, ubusin mo na ‘yang kinakain mo, Mr. Projector!”
“Masyado kang seryoso. Ang cute mo kapag napipikon,” tumatawa-tawang sabi ni Henry.”
“I’m not cute.”
“O, sige. Acute.”
“Nakakainis ka! Kung hindi lang kita...” Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili at nakapag-isip siya bago pa mabitawan ang sususnod na salita.
“Ano, ano? Kung hindi mo lang ako ano? Mahal? Ma-swerte ka sa akin kung mahal kita. May boyfriend ka na, may best friend ka pa. Saka gwapo na ako, macho pa. Akala mo lang na payatot ako. Pero ang hindi mo alam, meron akong abs,” pagyayabang nito.
“Kapal muks!”
Tawa nang tawa si Henry pero hindi na siya nagsasalita kaya’t tumigil na rin ito sa pang-aasar. Why are you doing this to me, Henry? Kung alam mo lang, nasasaktan ako kasi totoong mahal kita at gusto kita. I love you more than just a friend.
Naging abala si Diana nang mga sumunod na linggo dahil sa pag-aaral at sa ilang problema sa pamilya nila na dumating. Tuluyan ng nag-hiwalay ang mga magulang niya. Hindi na kasi masaya ang mga ito sa isa’t-isa. Hindi rin naman niya masisisi ang ina dahil maraming pagkukulang ang Daddy niya hindi lang sa Mommy niya kundi pati sa kanilang magkakapatid. Ang bigat ng loob niya. Umalis ang Mommy niya ng bahay nila kaya’t sila na lang ng Daddy niya ang naiwan. Hindi na rin sila masyadong nagkikita ni Henry. Masyado siguro itong abala sa pag-aaral. Nagpapalitan pa rin sila ng text messages, pero hindi na sila nagkikita. Nang mga sandaling iyon, mas napalapit siya sa mga ka-klaseng sina Candice at Wendy. Nag-uusap-usap pa rin sila nina Leesh, Kate at Brit sa messenger. Kahit malayo ang mga ito, napapagaan ng mga kaibigan ang loob niya.
“Dee, kumusta na kayo ni Henry?” tanong ni Candice isang araw na nasa cafeteria silang tatlo nina Wendy.
“Hindi ko alam. Okay lang naman siguro siya. Bakit mo naitanong?” aniya.
“Madalas ko siyang makita rito sa school,” kuwento ni Wendy.
“Talaga? Mabuti ka pa.”
“Oo. May... mga kasama siyang ano... kaibigan. Mga kaibigan siguro niya, kasi marami...” sabi pa ni Wendy. Parang hindi ito makapag-salita ng diretso.
“Wendy, hindi na bata si Diana. She will understand,” sabi ni Candice. “Dee, listen,” malumanay na sabi nito sa kanya. “Henry has been spending time with a friend of mine, si Sheryll, one of his classmates.
“I see. I haven’t met her,” amin niya.
“Minsan, grupo sila. Minsan naman, silang dalawa lang ang magkasama. May nabanggit ba siya sa’yo about her?” tanong ni Candice.
Umiling siya.
“May girlfriend na ba siya?” nag-aalangang tanong ni Wendy.
“I don’t know either.”
“Para kasing... sila na,” halos pabulong na sabi ni Candice.
“Paano mo naman nasabi?” Pinilit pa niyang ngumiti.
“I saw them one time, nakaupo sa labas ng library, nakasandig yung ulo ni Sheryll sa balikat ni Henry,” sagot ni Candice.
Napalunok si Diana. Hindi iyon basta-basta gagawin ni Henry sa kahit na sinong babae, lalo na sa hindi naman nito girlfriend. Hindi pa nga iyon nangyari sa kanila ni Henry sa mahigit isang taong pagsasama nila.Dumating na ba ang kinakatakutan niya? May ibang special na ba sa buhay ng lalakeng minamahal niya? The guy wilth a blond hair and blue eyes.