Bumalik siya ng kuwarto upang kunin ang cellphone. Tinawagan niya si Henry. Naka-dalawang tawag na siya ngunit hindi sinasagot ni Henry ang cellphone nito. Tiningala niya ang wall clock. Alas-dose na ng hatinggabi. Come on, Henry. Pick up the phone. Nang mga sandaling iyon ay wala siyang pakialam kung may girlfriend na si Henry o wala. Gusto lang niyang ibalik ang kaibigan niyang palagi niyang natatakbuhan.
“Dee?” sagot ni Henry sa kabilang linya.
“Henry, it’s about my Dad. I don’t know what to do...” halos naiiyak na sabi niya.
Hinintay ni Diana ang pagdating ni Henry. Dala nito ang kotse at pinag-tulungan nilang isakay ang daddy niya papunta sa ospital.
May epilepsy nga ang Daddy niya, sabi ng doktor. Hindi naman daw lalampas sa limang minuto ang pag-atake nito. Kapag lumampas ng limang minuto, kailangan na itong dalhin sa ospital. Marami pang ipinaliwanag ang doktor at pinayuhan sila nito na ipa-confine muna ang Daddy niya ng ilang araw para na rin ma-obserbahan dahil iyon ang pinakaunang beses na inatake ito.
“Thank you,” simula niya kay Henry habang tulog ang Daddy niya. Iyon ang unang beses na nakapag-pasalamat siya simula kagabi at unang beses din na pormal silang nag-uusap ni Henry.
“Always welcome. I’m glad tinawagan mo ako kaagad. I’m sorry kung hindi na tayo nagkikita the past few weeks. But it’s great seeing you again, Dee,” sabi ni Henry.
Tipid na ngiti lang ang isinukli niya. “Baka gusto mo ng umuwi? Alas-tres pa lang naman ng madaling araw. Puwede ka pang matulog.”
“I’m fine, Dee. Ikaw, baka gusto mong matulog? Dito lang ako.”
Kinaumagahan, nagpaalam si Diana sa ama na papasok muna siya sa paaralan at kukuha ng mga damit sa bahay. Ayos lang naman daw kung iiwan muna ito maghapon sabi ng doktor. Nagpasalamat ang daddy niya kay Henry. Magkasabay silang umalis ng ospital. Hindi siya tumanggi nang mag-alok si Henry na ihatid siya. Alam kasi niyang magpupumilit lang ito.
Nang sumunod na gabi, naabutan ni Diana si Henry sa ospital na ka-kuwentuhan ang Daddy niya. Kung anu-ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Sinamantala niya ang pagkakataon upang tawagan ang mommy at mga kapatid niya. Nasa ibang bansa ang kuya Homer niya. Hindi naman makauwi ng Bicol ang ate niya. At ang mommy niya... ayaw umuwi ng Bicol. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Papaano ang Daddy niya kapag nasa paaralan siya?
“Anak, ako na ang bahala sa sarili ko, ‘wag mo na silang istorbohin,” sabi ng ama nang marinig nito ang pag-uusap nila ng mga kapatid niya at ina.
“Pero Dad, papaano kung atakihin ka ng umaga o tanghali?” aniya.
“May mga kapitbahay naman tayo. Papakiusapan ko si Tito Rudy mo na doon ako sa tindahan niya kapag umalis ka. At least may ka-kuwentuhan ako. Babalik ako ng bahay kapag dumating ka na. Ayos lang ba sa’yo?” Malapit na kaibigan ng daddy niya ang Tito Rudy na kapit-bahay nila kaya kahit papaano ay magiging kampante siya kung doon ang Daddy niya mananatili sa buong maghapon.
“Sige po, Dad. Doon ka na rin lang bumili ng pagkain kita Tito Rudy. ‘Wag ka ng magluto.”
Kinuha ng daddy niya ang newspaper at nagbasa. Napansin naman niya si Henry na abala sa cellphone. Narinig niyang kausap nito si Sheryll. Lumabas siya ng kuwarto dahil ayaw niyang marinig kung ano ang piang-uusapan ng dalawa.
“She, I know you can do that. Cry if you want, pero after that, promise yourself to cheer up,” sabi ni Henry.
“Henry, I really need you here... I need someone to speak with,” sabi ni Sheryll sa kabilang linya.
“I can’t come, She. Dee’s father is in the hospital and I want to be here for them.”
“Si Dee...” sabi ni Sheryll. “Like her, I’m also your friend.”
“She’s more than that... She’s more than a friend. I’m sorry, I really can’t come now. I know, malalampasan mo rin naman ang problem na kinakaharap mo ngayon.”
Matapos magpaalam, lumabas ng kuwarto si Henry upang hanapin si Diana. Nakita niya ito sa may terrace malapit sa lobby.
“Dee.”
Lumingon sa kanya si Diana. “Henry. Sino yung kausap mo?”
“Si Sheryll, friend ko.”
Nasasaktan si Diana dahil parang katulad na rin ng pag-trato sa kanya ni Henry ang pag-trato nito kay Sheryll. May ibang kaibigan na si Henry. Sa halip na maging masaya para sa tahimik at konti ang kaibigan na tulad ni Henry, mas lalo siyang nalulungkot. Nagseselos kasi siya. Hindi siya sanay na may ibang bukam-bibig na babae si Henry.
“Nililigawan mo ba siya?” tanong ni Diana.
“Nope,” kaagad na sagot ni Henry. “Why?”
“M-may nakakita kasi sa inyo sa school. Parang kayo na raw,” nag-aalangang sabi niya.
“’Di ba gano’n naman ang iniisip ng mga tao sa atin noon?” Sa tono ng pananalita ni Henry, parang normal lang ang mga nangyayari.
“Pero kahit kailan, never ko’ng isinandal ang ulo ko sa balikat mo,” inis na sabi niya.
“Dee, galit ka ba? Pag-usapan nga natin ‘yan... Classmate ko si Sheryll. Naging friends kami dahil sa group project namin sa isang major subject. That’s the only reason why we are together most of my time in school. But we don’t go out like we— you and I— used to do.”
Natahimik siya ng saglit. “Pero bakit nakasandal yung ulo niya sa shoulder mo?”
“She was too tired at that time. Bigla na lang niyang isinandal yung head niya sa shoulder ko. But I told her in a very nice way na kung puwede, umupo siya ng maayos dahil maraming nakakakita sa amin sa school,” paliwanang ni Henry.
“Does she feel like she’s your girlfriend?” Iyon ang hinala niya.
“You know that I don’t like judging people. I think she’s just being nice and sweet.”
“Oh, right. You’re really a gentleman.” Naiirita pa rin siya at hindi niya alam kung bakit. “Hindi mo alam na baka sinasamantala na ng mga babae ang pagiging mabait mo sa kanila at binibigyan na nila ng ibang kulay ang kabaitan mo.”
“Dee, what’s the matter with you? Don’t tell me, nagseselos ka?” biro ni Henry. Hindi niya napigilang maluha. Nilapitan siya ni Henry. “Dee,” sabi nito sa mahinang tinig. “Nagbibiro lang naman ako. Don’t cry. Alam mo ba, Sheryll called me few minutes ago and she was asking me to come to her pad because she’s very sad?”
Hindi siya sumagot. Napatingin lang siya kay Henry.
“But I said I really can’t come because I want to be here for you and your dad.” Nang hindi pa rin umimik si Diana ay nagpatuloy si Henry. “And then, she said that just like you, she’s a friend of mine, too. And I said ‘no, she’s more than that, she’s more than a friend’.”
Unti-unti, napangiti siya. “Special friend pa rin pala ang tingin mo sa akin.”
“More than a friend, Dee. Everytime my friends tell me about their girlfriends, I think about you, because I think I really want you to be my girlfriend. When we were still in Canada, the first time I saw you, I really wanted you to be my friend. I want us to be friends. As the time pass by, the friendship grows deeper... The next thing I knew, it was love. At wala na akong ibang nakikitang babae na makakasama ko for the rest of my life kundi ikaw. I love you, Dee. More than you know.”
That guy with a blond hair and blue eyes is now my boyfriend. Hindi makapaniwala si Diana na boyfriend na niya si Henry. Hindi niya akalaing mahal na mahal din siya nito, higit pa sa isang kaibigan. Kaagad niyang sinabi sa mga kaibigang sina Leesh, Kate at Brit ang magandang balita at tuwang-tuwa naman ang mga ito. Madalas na rin uli silang magkita ni Henry. Nailabas na sa ospital ang daddy niya at patuloy pa rin ang suporta at pag-alalay ni Henry sa lahat ng ginagawa niya. Hindi naglaon, nalaman na rin ng mga ka-klase at kaibigan nila sa paaralan ang tungkol sa relasyon nila.
Mas naging matibay ang samahan nilang dalawa. Hindi nawala ang pagkakaibigan nila. Mas naging open pa nga sila sa isa’t-isa. Kahit conservative si Henry, nahahalata pa rin ang pagiging sweet nila sa isa’t-isa. Sa tuwing maglalakad ay holding hands sila, at sa tuwing tumitingin ito sa mga mata niya, parang may mga kislap na nagpapahiwatig ng paghanga sa kanya.
May mga oras lang na naiirita si Diana sa presensiya ni Sheryll dahil parang napaka-close nito kay Henry. Lahat ng nangyayari kay Henry ay alam niya dahil madalas itong mag-kuwento. Alam niya, may pagtingin si Sheryll sa boyfriend niya. Nakilala na niya ito sa personal, isang beses pero hindi na iyon nasundan pa.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsasawa si Diana na pagmasdan ang lalakeng minamahal sa tuwing magkasama sila. Blond hair and blue eyes.