Napangiti si Cedric pagkakita kay Clarisse, “Wow! Akalain mo magkapatid pala kayo.”
“You know her?” tanong ni Aria kay Cedric.
“Classmate ko kaya si Clarisse sa Business Math.”
“Hindi nga… wow, eh di mabuti, you will get to know each other. Naku Clarisse isumbong mo sa akin kung nangtsichicks itong baby ko ha.”
“Hoy hindi ako ganon.” Sabi ni Cedric.
“Hindi, hindi naman nambabae si Cedric eh, ang bait-bait nga niyan eh.”
“Di ba sabi ko naman sayo good boy ako.”
“Okey fine, good boy na kung good boy. Ay Clarisse, wanna join us? Were having lunch na kasi.” Anyaya ng kapatid niya.
Umiling si Clarisse, “Mag-aaral pa kasi ako.”
“Yan ang ayaw ko sa sis ko eh, masyadong nagkakabanal sa pag-aaral. Sige na nga mauna na nga kami sayo, sana makapag-aral ka ng mabuti at wag mo munang pagkaisipin ang crush mo.”
Ngumiti si Clarisse, “Sira.” At umalis na ang dalawa.
Biglang nanlumo si Clarisse pagkaalis ng dalawa.
Bakit naman sa daming lalaki ditto sa mundo, bakit siya pa?
Hindi alam ni Clarisse kung saan nagsimula ang sakit na nararamdaman niya, iniisip niya na dapat okey lang siya, aminado namn siyang may girlfriend si Cedric at imposible itong magkagusto sa kanya, nagkataon lang na si Aria ang girlfriend nito, pero hindi pa rin niya alam kung bakit napakasakit. Pinilit niyang mag-aral sa library para kalimutan ang kanyang mga natukalasan pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang mag-isip. Kinuha niya ang kanyang journal at isinulat na lang ang kanyang nararamdaman, umaasa na baka sakali sa pagsusulat ay mabawasan ang pag-iisip niya.
Hindi ko alam kung anong plano ng Diyos sa akin… bakit ba kasi napakaliit ng mundo. sa dami naman ng mamahalin niya bakit siya pa, siya pang malapit sa puso ko. Ngayon hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang lahat, iwasan ko na lang siya, baka naman isipin niya na napakasuplada ko o kaya ayoko sa kanya para sa kapatid ko. Pero yun lang di ba ang mabisang paraan? Ang umiwas? Pero kaya ko kaya siyang iwasan kung lagi siyang kasama ni Aria.
Umupo ang isang lalaki sa tapat na silya ni Clarisse, “Clarisse..”
Napasara agad ng journal si Clarisse, “Ano ka ba naman Chad, nambibigla ka naman.”
Katulad ni Clarisse, isa ring running for latin honors si Chad at nasa premedicine course, matagal na itong may pagtingin kay Clarisse, inamin na rin niya ito kay Clarisse pero hindi talaga siya magawang sagutin ng dalaga.
“Kamusta ka na?”
“Heto ayos lang, nag-aaral.”
“Alam mo, noong buong bakasyon namiss kita.”
“Chad, ano ka ba, wag mo naman akong daanin sa ganyan.”
Hinawakan ni Chad ang kamay ni Clarisse, “Ano ba kasi ang ayaw mo sa akin?”
“Chad, ang kulit mo naman eh, hindi pa ba maliwanag sayo na wala akong nararamdaman sayo. I’m sorry Chad, alam kong nasasaktan kita, pero sana isipin mo naman yung feelings ko.” Tumayo si Clarisse, “Sige na, may klase pa ako.”
“Worried din ako sa kapatid mong yan.” Sabi ni Cedric kay Aria habang naglalunch sila.
“Why naman?”
“Para kasing may kaaway siya.”
“Naku si sis may kaaway eh napakawalang imik ng taong yan. Sinisigawan na nga yan ng mommy niya hindi pa siya lumalaban.”
“Hindi kasi… minsan kasi muntikan na siyang mabangga ng sasakyan.”
Napatigil sa pagkain si Aria.
“Noong nakaraang araw, first day of classes, hinahabol ko kasi siya nun dahil naiwan niya yung registration card niya sa classroom then nang patawid na siya sa kalsada may humaharurot na sasakyan na parang sadyang babanggain siya, buti na nga lang naitulak ko siya sa gilid ng kalsada. Ang sama nga nong mga yun eh, binantaan pa siya.”
Biglang kinabahan si Aria naalala niya ang sinabi niya kay Clarisse na knight in shining armor na sumagip sa kanya, “Amm..” ngumiti si Aria, “Ikaw pala yun.”
“Alam mo ang tungkol don?”
“Oo naman. Ang totoo nga yan, ako talaga ang pinupintirya ng mga babaeng yun, hindi talaga si Clarisse. Dinadamay lang nila si Clarisse dahil magkapatid kami. Wag mo ng alalahanin yun, nakausap ko na yung mga insikyura na yun.”
Naabutan ni Cedric ang kanyang ina na si Myla na nasa majhongan sa bahay nila. “Ma, maghapon na naman yan.” Sabi ni Cedric sa ina.
“Pagbigyan mo na ako anak, nabasa ko kasi sa horoscope ko, lucky day ko raw ngayon.” Sabi ng kanyang ina na may pagkabisaya pa ang punto.
“Ma, eh araw-araw naman yata nababasa niyo sa horoscope niyo na lucky day niyo.” Sabi ni Cedric.
“Naku don’t disturb me ha, Im concentration here.”
Tahimik na tumawa ang mga kalaro niya dahil sa maling English nito.
“Buti pa Cedric, you upstairs and clothe yourself because….. mabaho ka na.”
“Yes ma.” At pumanik ng hagdanan si Cedric. Ilang sandali pa ay nagring ang phone nila at sinagot iyon ng maid nila.
“Ano po, si sir Cedric po. Sandali po ah.” Papanik na ng hagdan ang katulong ng pinatigil ito ni Myla, “Hoy Day, sino ba yan at kararating lang ng anak ko eh nangiistorbo na.”
“Ay teka po tatanungin ko…”
“Hay naku akin na nga yan, “kinuha ni Myla ang cordless phone sa katulong, “Hello, sino ito?”
Sa kabilang linya ay si Aria ang tumatawag, “Good afternoon po, andiyan na po si Cedric?”
“Hoy ikaw babae, sino ka bang haliparot kang tawag-tawag sa unico iho ko.”
“Amm… mam….”
“Alam mo babae ka, tigilan mo na ang anak ko kasi di ako papayag na ang makakatuluyan niya ay isang katulad mo. Bye.” At ibinigay uli niya ang phone sa katulong.
“Ay mam, tatawagin ko pa po ba si sir Cedric?”
“Nakita mo namang binaba ko na di ba? Eh ba’t tatawagin mo pa yang si Cedric?” napakamot ng ulo ang katulong at lumayo na lang sa amo niya.
“Mare, ba’t mo naman ginanon yung kaibigan ng anak mo, baka naman yan na ang future daughter in law mo.” Pabirong sinabi ng kalaro niya.
“Anong daughter in law ka riyan? Hindi ko ipakakasal ang anak ko sa ganong babae. Hindi sila magkalevel.”
Nagbulungan ang mga kalaro niya, “Sus akala mo naman kung gaano kataas ang level ng anak niya.”
Binaba ni Aria ang phone at bumalik sa dining table kung saan andon si Clarisse para tutoran siya. “Bad trip talaga yang nanay ni Cedric, ano bang iniisip niya, patay na patay ako sa anak niya.”
“Magdisente ka kasi ng pag-aayos para magustahan ka niya.” payo ni Clarisse.
“Hello? Lukring ba siya? Hindi naman nagrereklamo ang anak niya tungkol sa ayos ko noh. Hindi naman siya ang pinakasasamahan ko eh.” Sabi ni Aria.
“Clarisse, kamusta na pala yung crush mo?”
Namula si Clarisse sa tanong ni Aria, “Anong crush ka riyan?”
“Ano, kamusta na kayo nung crush mo, hay Clarisse di ka na makakapagdeny non, nagbablush ka noh.”
‘Ah yun, wala yun, may girlfriend na yun eh.”
“Di mo na siya type?”
“Sa may girlfriend na siya eh. Mas maganda siguro kung magkagusto ka sa walang attachment di ba?” sagot ni Clarisse.
Pagkadismiss ng klase nila Clarisse ay lumabas agad ng room si Clarisse para iwasan si Cedric pero agad siyang nasundan nito.
“Clarisse, pupunta ka ba sa kapatid mo? Sabay na tayo.”
“Naku hindi, pupunta ako ng library, nagmamadali nga ako eh. S-sige ha.” At lumiko agad si Clarisse at iniwan si Cedric. Nang makalayo siya kay Cedric ay huminga siya ng maluwag. Tama, mabuti na ito. Ito ang tama kong gawin.
Sa loob ng female CR tumuloy si Clarisse habang na sa loob ng isang cubicle ay tahimik na dumating ang grupo nila Gia at isinarado ang pintuan ng CR. Nang marinig ni Clarisse na may nagsara ng pintuan ay lumabas agad siya ng cubicle at pinilit buksan ang pintuan pero naka lock ito. Kalalabas naman sa Men’s CR ni Cedric nang makita niya ang grupo nila Gia na nagtatawanan.
“Tignan lang natin kung makakalabas pa yung nerd na yun don.” Sabi ni Gia sa mga kasamahan niya. biglang kinabahan si Cedric hanggang sa marinig niya na may kumakatok sa loob ng Female CR.
“Gia, please, buksan mo itong pintuan.. please…”
Kinatok ni Cedric ang pintuan, “ Clarisse ikaw ba yan?”
“Cedric? Cedric tulungan mo ako rito kinulong nila ako.”
Pinilit buksan ni Cedric ang pintuan pero di niya rin ito nabuksan, “Sandali lang tatawag ako ng janitor. Maghintay ka lang diyan.”
Ilang segundo pa ay dumating si Cedric kasama ang janitor, “Sino ba kasi ang nagsara nito?” tanong ng janitor kay Cedric.
“Mga salbaheng sorority members, wala na kasi silang ibang mapagtripan kundi ang kaibigan ko.” Nang mabuksan ang pinto ay naguumiyak na napayakap si Clarisse kay Cedric.
“Are you okey?” tanong niya sa babae.
“Thank you ha. Akala ko di na ko makakalabas.”
“Sa susunod kasi, bantayan mo na ang girlfriend mo.” Sabi ng janitor at napabitaw si Clarisse sa pagkayakap kay Cedric, “Sige, tutuloy na ako.”
Nagpasalamat naman ang dalawa sa janitor.
“Puntahan na natin si Aria.”
Tumango naman si Clarisse at sumama kay Cedric.
Sa canteen ay malakas na nasuntok ni Aria ang table niya nang malaman niya ang ginawa ng gruo ni Gia kay Clarisse. “Hay naku humanda na talaga sa akin yang babaeng yan, may araw din yan sa akin.”
“Relax lang ang puso mo, baka naman Aria ikaw ang gawan ng masama ng mga yan.” Sabi ni Cedric.
“Eh sa nakakainis na sila! Gusto talaga ng mga yan ng matinding pasabog ha, humanda talaga sila sa akin.”
Hindi makapagsalita si Clarisse dahil sa natotrauma pa siya sa mga nangyari.
“Clarisse, sorry ha, pati ikaw nadadamay dito.”
“Iniisip ko lang, ano pa kaya ang pwede nilang gawin sa akin. Muntikan na nila akong banggain tapos ngayon kinukulong na nila ako sa CR, ano pa bang pwede?”
“Wag kang mag-alala ako ang bahala sa mga babaeng yan.” Sabi ni Aria. “Siguro Clarisse, magpahinga ka muna sa inyo.”
Siya na naman muli ang nagligtas sa akin. Hindi ko alam kung bakit sinasadya ng pagkakataon na iligtas niya ako. Kahit anong iwas ko parang may nagpapalapit sa amin. Alam ba nila kung gaano kahirap ito sa akin, kung gaano kabigat sa damdamin ko ang makasama siya at marealize kung gaano kaswerte ng babaeng minamahal niya.
Nagulat si Clarisse nang may kumatok sa bintana niya, sinara niya agad ang journal niya at nagpunta sa bintana.
“Sino yan?”
“Si Aria ito.”
Tumayo si Clarisse at pinagbuksan agad ng bintana si Aria, “Sira ka talaga, ba’t ka naman sa bintana dumaan?”
“Okey lang yun, ang cool nga eh. “
“Cool ba yun? Kung pagkamalan ka nilang akyat bahay diyan sa ginagawa mo.”
“Ang ganda ko namang akyat bahay.” Sagot ni Aria. “Clarisse, nakausap ko na sina Gia. Wag kang mag-alala di ka na nun guguluhin.”
“Anong ginawa mo?”
“Eh di binantaan ko sila na kung di ka nila tatantanan kakalbuhin ko silang lahat. Di ba ang bongga.”
“Sana nga tigilan na nila ako.” Sabi ni Clarisse.
Sa labas ay narinig nila na dumarating si Lena.
“Asan ba yang si Clarisse?”
“Ma’m nasa kwarto po niya.” sagot ng katulong.
“Teka si mommy lalabasin ko lang.” Lumabas ng kwarto si Clarisse at naiwan dun si Aria. Napansin ni Aria ang journal na nasa kama ni Clarisse, kinuha niya ito at binuklat.
Alam ba nila kung gaano kahirap ito sa akin, kung gaano kabigat sa damdamin ko ang makasama siya at marealize kung gaano kaswerte ng babaeng minamahal niya.
Binuklat muli sa ibang page ni Aria ang journal ni Clarisse, I realized, ang lucky naman ng girl na yun to have him in her life. I think I will never forget his name for the rest of my life… Cedric.
Sinara agad ni Aria ang journal ng kaparid, Si Cedric nga yun…