Binuksan ng daddy niya ang pintuan kaya agad siyang napayuko, “Good evening dad, si Aria po?”
“Teka tatawagin ko lang, tumuloy ka muna.” At pumasok ng bahay si Clarisse para hintayin si Aria.
Ilang sandali pa ay bumaba na rin si Aria, “Sis napadaan ka yata.”
“Kailangan nating mag-usap tungkol kay…” napatingin si Clarisse sa kanyang ama.
“Dad, doon muna kami sa kwarto ni Clarisse.”
“Aria, ano ba naman ito? Paano ko aayusin ito? Ito namang boyfriend mong ito hindi pa yata alam kung paano sasabihin sa nanay niya ang totoo, lagi na lang niyang sinasabi na bahala na siya, bahala na siya.”
“Sorry Clarisse, hindi rin naman kasi kami nagkakausap ni Cedric, di ba nga, galit na galit sa akin yun.” Sabi ni Aria.
Napaiyak si Clarisse, “Pano kapag nalaman ni mommy ito?”
“Magtiwala ka na lang kay Cedric, baka naman may plano na siya.”
“Ano na nga bang plano mo?” tanong ng matalik na kaibigan ni Cedric na si Lance sa kanya, “Kawawa naman si Clarisse.”
“Sa akala mo ba hindi ako naaawa kay Clarisse, naaawa rin ako sa kanya, kasalanan naman kasi talaga ito ng kapatid niya eh.” Sabi ni Cedric, “Ito naman kasing si mommy, parang kahit aminin ko yatang hindi ko girlfriend si Clarisse, ipagpipilitan pa rin niya si Clarisse sa akin.”
“Kasi naman tol, iba si Clarisse, ibang-iba siya kay Aria, napakadisenteng babae ni Clarisse at matalino pa, mapapakinabangan ng nanay mo. Unlike nitong si Aria, pasensya na pare, pero we all know, naging syota ng bayan na yang si Aria. Hindi ko nga ba alam sayo kung anong nagustuhan mo sa Aria na yan at pinatulan mo. Pare, tutal naman medyo nagkakalabuan kayo ng syota mo, ba’t hindi mo na lang totohanin ang pangdidate diyan kay Clarisse, kung ako tatanungin mo, mas boto ako sa kanya.”
“Pare tumigil ka nga, kapatid ni Aria yun.” Sabi ni Cedric.
“Ayos ka lang ba?” hindi makakibo si Clarisse sa loob ng kotse ni Cedric, nakatingin lang ito sa side mirror, “Nacoconscious ka ba? Wag kang mag-alala, maganda naman ang ayos mo eh.”
“Sana matapos ang gabing ito na masabi na natin ang totoo.” Sabi ni Clarisse.
“I can’t promise you that. Pero I will try.” Lumabas ng sasakyan niya si Cedric at pinagbuksan ng pintuan si Clarisse. Nagulat si Clarisse ng maramdaman niya na nasa likuran niya ang isang kamay ni Cedric inaasahan niya kasi na di siya aalalayaan nito dahil hindi naman siya nag tunay na girlfriend ni Cedric, pero siguro nga talagang gentleman ang lalaki.
Sa gate pa lang ay sinalubong ni Myla ang dalawa at agad bineso-beso si Clarisse. “Iha, you are so beautiful.”
“Thank you po.” Sagot ni Clarisse.
Lumapit sa kanila ang tatay na Amerikano ni Cedric, natuwa si Clarisse nang makitang kamukhang-kamukha ni Cedric ang kanyang ama. “My husband, Frederick. Frederick, siya ang sinasabi ko sayong special someone ng anak natin.”
“Ma?” sabi ni Cedric sa ina.
‘Its good to see you, Clarisse, I heard so many good things about you, I can say that my wife is really right, you are beautiful.”
Namula si Clarisse sa papuring sinabi ng ama ni Cedric.
Hinila ni Myla si Clarisse, “Halika iha, ipakikilala kita sa mga amiga ko.”
Nabigla si Clarisse, tumingin siya kay Cedric pero parang wala rin itong magawa.
“Amiga, ito pala yung kinukwento ko sa inyong special someone ng unico ijo ko, Clarisse de Dios, running for cum laude yan sa school nila.”
“Wow ang galing naman.’
Di naman makaimik si Clarisse sa mga sinasabi ng mga amiga ni Myla.
“Naku ang swerte-swerte naman pala nitong si Cedric, Myla, baka magkakaapo ka niyan ng matalino.”
“Mana sa lola.” Sabi ni Myla at biglang nagtawanan ang mga kaibigan niya.
“Mam, excuse lang po, magsiCR lang po ako.” Paalam ni Clarisse kay Myla at agad naman itong pinayagan at itinuro pa ang CR.
Sa loob ng CR ay agad nagkulong si Clarisse, Ano ba ito Clarisse, paano mo lulusutan, mukhang wala ng atrasan ito, alam na ng lahat na ikaw ang girlfriend ni Cedric.
Napatingin si Clarisse sa pintuan nang may narinig siyang nagtatawanan na mga babae.
“Hay naku kung di lang dahil kay Frederick hindi ko na pinansin yang ambisyosang bisaya na yan.” Sabi ng isang babae.
“Buti na lang matalino ang naging girlfriend nitong si Cedric, kung hindi, kawawang mga apo, imagine mo ko magmana yan sa lola nila.’
Nagtawanan ang mga babae, “Sana nga makatuluyan ni Cedric yung babaeng yun para di man siya sinuwerte sa ina, sinuwerte pa rin naman siya sa asawa.”
Lumayo ang mga babae sa lugar na iyon at napahawak siya sa salamin, wala na talagang atrasan ito.
Paglabas ni Clarisse sa CR ay nakita siya ni Cedric at nilapitan siya nito. “Clarisse okey ka lang?”
Tumango si Clarisse.
“Gusto mo don muna tayo sa likod, madami kasing tao rito sa salas.”
“S-sige.”
Sa may swimming pool area nagpunta sila Clarisse at Cedric. Walang tao ron at tahimik kaya naupo muna sila sa gilid ng swimming pool.
“Ang daming tao sa loob eh. Ang sikip-sikip.”
“Oo nga.”
“Clarisse, pasensya na ha, hindi ako makatiyempo kila mommy at daddy.”
“Naintindihan kita, naisip ko nga kung paano natin lulusutan ito eh mukhang pinagkalat na ng nanay mo sa mga bisita niya na girlfriend mo ako. Ayoko namang ipahiya sa kanila ang nanay mo”
“Naku sorry talaga. Hindi ko tuloy alam kung paano babawi sayo, kasalanan kasi ito ng kapatid mo eh.“
“Siguro, Cedric maghintay na lang tayo ng tamang timing para sabihin sa kanila ang totoo.”
“Thank you for understanding. Buti naman naiintindihan mo ang kalagayan ng pamilya ko.”
At tumango si Clarisse, “Paalala ko lang, hanggang alas diyes lang ang paalam ko kay mommy.”
“Ang istrikto talaga sa bahay niyo noh. Parang nakakatakot tuloy ang nanay mo” Sabi ni Cedric.
“Medyo.”
“Kaya rin siguro di makapunta sa inyo si Aria.”
“Hindi kasi siya tanggap ng mommy ko, nine years old kami noong una kaming nagkita ni Aria, kamamatay lang kasi ng mama niya noon kaya pinatuloy muna siya sa amin ni dad. Doon pa nga siya nakitulog sa kama ko ng isang linggo, ang saya-saya nga nun eh, parang for one week nagkaroon ka ng bestfriend, yun nga lang di talaga siya maatim makita ni mama kaya napaalis siya at sila ang nagsama ni daddy.”
“Buti nga di kayo nagkahiwalay.”
“Noong thirteen years old kasi kami nagkataon na nagkita kami sa isang mall kasama niya si daddy then mula noon we always keep in touch hanggang sa magcollege, nirequest niya kay daddy na sa pareho kaming eskwelahan mag-aral.”
“Grabe, nakakatuwa naman kayo, kayo na yata ang nakita kong close na close na half siblings.”
‘Wala kasi akong kapatid na babae eh, wala naman siyang kapatid kaya din siguro nagclick”
“Buti nga kayo eh, kahit kalahati may kapatid kayo, eh ako unico iho lang talaga.”
“Ayaw mo non, nag-iisa kang tagapagmana.’
“Oo nga eh, kaya masyadong ingat na ingat si mommy sa akin. Lahat na lang pinakikialaman.’
“Pati ang lovelife noh.”
Natigilan si Cedric, “Sorry talaga ha. Ikaw ang nagustuhan niya eh.”
“Ewan ko ba, pero alam mo flattered na rin ako kasi nagustuhan ako ng mommy mo.”
“Lahat naman yata magugustuhan ka, maganda ka, matalino, disente at mabait. Ang swerte nga ng makakatuluyan mo eh. Teka baka naman may napupusuan ka na.” Tanong sa kanya ni Clarisse.
Di agad nakatingin si Clarisse kay Cedric, “W-wala pa naman.’
“Sabagay puro ka kasi study kaya wala kang time for love.”
Ngumiti si Clarisse, “Tama nga, mag-aaral muna ako.”
Sa may glass door ay nakangiting nakasilip sa kanila si Myla at sinamahan naman siya ni Frederick.
“Parang I can’t believe that our son will like her.”
Napatingin si Myla sa asawa niya, “Bakit naman?”
“What I know that Cedric doesn’t like girls who are conservative and studious, he is more on sophisticated and liberated.”
Ngumiti si Myla sa asawa, “Ngayon, maniwala ka na, because there is nothing impossible, believe, believe the children of our future.”
Napakunot ng noo ang ama ni Cedric dahil sa naguluhan siya sa sinabi ng asawa..
Nang mag-alas diyes na ay nagyaya na ring umuwi si Clarisse, hinatid siya ni Cedric. Pero nagtataka si Cedric kung bakit parang pamilyar yung daan na tinuturo sa kanya ng kasamahan hanggang sa pinahinto ni Clarisse ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Aria.
“Hay naku, panadya ka talaga.” Sabi ni Cedric.
“Kausapin mo na kasi siya, kunwari ka pa kasi, mahal mo naman.”
Ilang sandali pa ay lumabas ng pintuan si Aria.
“Ayun siya oh. Ang ganda niya di ba?”
Ngumiti si Cedric.
Lumabas ng kotse si Clarisse at tinawag si Aria.
Napatigil si Aria nang namataan si Cedric na palabas ng kotse.
Hinila ni Clarisse si Cedric palapit kay Aria.
“Mag-usap na kasi kayong dalawa noh. Tama na yang isnaban niyong yan” Sabi ni Clarisse.
Habang kausap ni Clarisse ang ama niya sa dining room ay nag-uusap naman ng masinsinan si Cedric at si Aria sa salas.
“Mukha namang masaya siya. “ sabi ni Aria kay Cedric nang tinitignan niya si Clarisse.
“Masayahin naman talaga si Clarisse. Saka hindi na rin kasi siya masyadong kabado.”
“Gustong-gusto ko siyang makitang masaya. Gustong-gusto ko siyang makitang ganyan.” Sabi ni Aria.
“Aria… yung sa ating dalawa. Hanggang kasi ngayon palaisipan sa akin kung bakit mo sinabi yun kay mommy.”
Ngumiti si Aria, “Nakakatuwa kasi yung mommy mo, obviously, gustong-gusto niya talaga ang kapatid ko.”
“Pero hindi nakakatuwa yung ginawa mo.” Hinawakan niya ang kamay ni Aria, “Mahal kita, mahal mo ba ako?”
Di makasagot si Aria, inalis na lang nito ang kamay ni Cedric sa kanya at saka pinuntahan sina Clarisse.