Lumipas ang ilang linggo ay parang di na magkakilala sina Cedric at Clarisse. Marami ang nagtaka, kung dati ay sobrang close ng dalawa na magpapakamalaman mo pang karelasyon bakit ngayo’y daig pa nila ang di magkakilala.
“Ano bang balita mo riyan sa sisterette mo at sa jowajowaan niyang ex mo?” tanong ni Gia kay Aria.
“Di ko na kasi nakakausap yung dalawang yun, si Cedric, hindi ako pinapansin, tapos ito namang si Clarisse biglaan na lang hinatid sundo ng kuya niya.”
‘Kaya naman pala nagbababaan ang grades mo eh, wala ka ng tutor.” Biro ni Gia sa kanya. “Pero sa tingin mo, break-breakan na sila ngayon?”
“Kung nagkaganon, di pala umepek ang mga plano ko.”
“Anong plano? Anong ibig mong sabihin? Teka, siniset up mo ba talaga yung dalawang yun?”
Ngumiti lang si Aria.
‘Sira ka rin noh, ano namang akala mo sa ex mo? Damit na madaling ipamigay sa kapatid?”
‘Bagay naman sila di ba.”
‘Naku ikaw talaga, paano na nga ba yan? Di effective ang strategy mo? Parang lumalabas na hindi talaga sila para sa isa’t isa. Kapag nagkabalikan ba sayo yang si Tisoy babalikan mo ba?”
“Bahala na.”
Sa canteen ay kumakain ng lunch si Clarisse nang magulat siya ng tumabi sa kanya si Aria.
“Aria.”
“Lukarit ka rin noh, nakalimutan mo bang estudyante mo ako at di mo na ako tsinutsutoran?”
“Pasensya, ang dami lang problema sa bahay.”
“Pansin ko nga, di mo na nga kami dinadalaw ni daddy eh. Parang grounded ka.”
Tumango si Clarisse, “Akala kasi nila karelasyon ko si Cedric.”
‘Shet! Sorry ha. Ano bang nangyari?’
“Hinatid kasi ako non ni Cedric sa subdivision, nahuli kami ni kuya ayun nasampal ako sa harapan ni Cedric, tapos heto hinahatid sundo na niya ako ngayon.”
“Dyahe talaga yang pamilya mo. Buti pala pinalayas ako noon ng nanay mo kundi hindi ako ngayon ang hindi makakawala.”
“Kamusta na pala si daddy?’
“Nagtataka rin siya kung bakit di mo ako tinuturuan? Namimiss ka na nga niya eh.”
“Talaga?”
“Oo naman, anak ka naman niya eh. Di ka rin niya matiis.”
“Siguro kung makakatakas ako, dadalawin ko kayo.”
‘Good luck sis, sana nga makatakas ka nga, kaya mo yan sis.”
Sa isang table naman ay napansin ni Aria na nakaupo si Cedric kasama si Lance, “Sis oh, may guwapo.’
“Ikaw talaga ang landi mo.” Lumingon si Clarisse at napayuko siya nang makita si Cedric.
“Miss mo na siya noh?” tanong ni Aria.
“Aria, ano bang klaseng tanong yan? Ikaw ang mahal niya.”
“Hay naku sis, nagpakipot ka pa kasi. Kumain na nga lang tayo.”
Lumabas ng garden si Clarisse nang marinig niyang may kausap na lalaki ang kuya niya sa may labas ng gate nila.
“Akala ko nakalimutan mo na ako eh.” Sabi ng lalaki sa kapatid niya.
“Masyado lang akong busy these days, ito kasing si Clarisse mukhang nakikipagboyfriend na.”
Natawa ang lalaking kausap ni Kian, “Ikaw talaga, kill joy ka rin noh, dalaga na yang kapatid mo at natural na lang yun.”
“At paano naman ang negosyo namin, paano ang pag-aaral niya? pababayaan ko bang unahin niyang ang pakikipaglandian sa lalaking yun kesa makagraduate siya ng cum laude?’
‘Alam mo iho, nagmana lang siya sa nanay.”
“Pwede ba wag mong idamay ang nanay ko rito.”
Tumawa ang lalaki, “Ikaw talaga dakilang mama’s boy. Paano ba ito, salamat na lang ha, hanggang sa susunod muli.”
Tumango si Kian, “Sa susunod pala, sa ibang lugar na lang tayo magkita, mahirap kasi rito baka makita ka pa ni mommy mapagalitan pa ako.”
“Sige ba. Basta ba hindi mo kakalimutan eh kasi kung kakalimutan mo ako talagang sasadyain kita rito.”
“Oo na, oo na. Tatawagan na lang kita. Sige na, baka abutan ka pa rito ni mommy.”
Umalis agad ang lalaki at pagkaalis nito ay agad pumasok ng bahay si Clarisse.
Yes he it’s the same guy again. The same guy five years ago. And again tinago niya ito kay mommy. Ang sama niya talaga, sinasamantala niya ang kuya ko. Palibhasa kasi alam niyang walang magagawa ang kuya ko.
Lumipas ang mga araw ay di na tuluyang nagkibuan pa sina Cedric at Clarisse hanggang sa dumating ang araw ng graduation nila.
“For the batch’s cum laude, Clarissa de Dios.” Nagpalakpakan ang mga tao sabay tayo ni Clarisse at ng kanyang ina.
Binulungan ni Cedric si Lance, “Pare CR lang ako.”
Pagkaakyat ni Clarisse sa stage ay saka naman tumayo si Cedric at lumabas ng hall. Sa pintuan ng hall ay nakita niya ang ama ni Clarisse nakatayo sa may pintuan at tinatanaw ang anak.
“Sir, ba’t hindi po kayo pumasok, magpakita po kayo sa anak niyo, for sure matutuwa siya kapag nakita niya kayo.”
Ngumiti ang ama ni Clarisse kay Cedric, “I’m very proud of her. Napakasuwerte ko sa kanya. Kahit nagkulang ako bilang ama sa kanya lumaki siyang mabait, matalino at maganda.”
“Ba’t hindi kayo magpakita sa kanya? Natatakot ba kayo sa mommy niya?” tanong ni Cedric.
Hindi sumagot ang ama ni Clarisse pinagmasdan lang nito ang anak.
“S-sige po, lalabas lang po muna ako.” Sa pintuan ng hall ay nakasalubong niyang papasok si Aria.
“H-hi, congrats pala.”
Ngumiti si Cedric saka tuluyang lumabas ng hall.
Pagkatapos ng program ay naglapitan ang mga kabatchmate nila kay Clarisse para I-congrats ito. Lumabas naman ng hall si Cedric.
“Pare hindi mo ba lalapitan si Clarisse?” tanong ni Lance sa kaibigan.
“Mamaya na lang. In private.” Sabay ngiti ni Cedric.
Natawa lang si Lance sa kanya.
Sa lobby ay nakasalubong ni Cedric si Aria, “Hoy talaga namang sinasalubong mo ako ha.”
“Andito pa pala kayo.”
“Tinitignan pa ni daddy si sis eh. Tsumatsamba bang makausap. Ikaw? Hinahanap mo ako noh. Joke lang.”
Ngumiti si Cedric.
Lumapit si Frederick kina Clarisse at Lena.
“Congratulations Clarisse, you’re really a bright girl.’
Kinabahan si Clarisse pagkakita sa Amerikano.
“My daughter is really a bright girl.”
“Ma, si Mr. Frederick Jacobs, tatay po ni Cedric. Nasaan po ang asawa niyo?”
Tumango si Lena, “Ah I see. Nice meeting you sir.”
“She’s in Cebu for a while to visit our business there. Well, I’m so glad about the achievement of your daughter. The truth is I humbly apologize for what happened to your daughter and my son.”
“S-sir..” sabi ni Clarisse.
“Our son explained to us everything. My wife made a mistake here, she thought that your daughter is our son’s girlfriend but actually is the other girl around. Were very sorry for the mistake, our son told us about your family’s reaction regarding the incidence. Don’t blame Clarisse, she is a very nice girl and a very good daughter.”
Nagkaroon ng liwanag sa mukha ni Clarisse, hindi niya akalain na maayos din ito ni Cedric, “Nasaan po si Cedric?”
‘He’s in the lobby with his friends.”
“Ma, excuse lang po, pupuntahan ko lang si Ced.”
“Oh sige, bilisan mo lang.” At iniwan niyang magkausap sina Frederick at Lena.
Sa lobby ay patakbong hinanap ni Clarisse pero hindi niya ito nakita pabalik na sana siya ng hall nang makarinig siya ng nagtatawanan.
“Ano ba, tama bang ipaalala mo sa akin yan.” Sa may hagdanan ay nasilip niya sina Aria at Cedric at nagtatawanan.
“Tuwing kasing naaalala ko yun natatawa ako.”
Nalungkot ang mukha ni Clarisse pagkakita sa dalawa parang may naramdaman siyang kirot sa kanyang puso, siya pa rin sa puso niya.
Tahimik na lumayo si Clarisse sa dalawa at pumasok uli ng hall.
Sa loob ng hall ay namataan niyang kausap ng kanyang ina ang mga professors palapit na siya sa kanyang ina nang tinawag siya ng isa niyang kaklase.
“May nagpapabigay sayo nito.” Inabot nito ang isang regalo.
Binuksan ni Clarisse ang card na nakalakip sa regalo, “Clarisse, I want you to know na kahit di tayo nagkikita I’m very proud of you. Daddy.
Lumabas si Clarisse ng convention center na iyon at sa labas nga ay nakita niya sina Aria at ang kanyang ama na pasakay ng kotse. Lalapit na sana siya nang bigla siyang tinawag ng kanyang ina.
“Clarisse, sino pa bang hinahanap mo riyan? Umuwi na tayo at naghihintay na ang mga bisita sa bahay.” Napansin ni Lena ang hawak na regalo ni Clarisse.
“Oh kanino galing yan? Doon ba sa Cedric?”
Umiling si Clarisse, “No ma, bigay lang po ng classmate ko sa akin.”
“Umuwi na tayo at hinihintay na tayo sa bahay.” Sumunod si Clarisse sa kanyang ina papuntang parking lot.
Sa sasakyan ay hawak-hawak pa rin ni Clarisse ang regalo mula sa kanyang ama habang tahimik siyang nakatingin sa bintana ng sasakyan.
“Yun palang tatay ni Cedric..”
Napatingin siya sa kanyang ina.
“Board of Directors pala yun sa school niyo noh.”
Tumango si Clarisse.
“Tapos may mga properties pa pala yang mga yan sa Cebu.”
“Taga-Cebu po kasi ang mommy niya.”
“Not bad naman pala.”
“Anong not bad?”
“Not bad kung naging magboyfriend kayo, maganda ang pamilya nila.” Sabi ni Lena, “Sino ba yang girlfriend niyang si Cedric?”
“Ha? Ahhh, tagaibang college ma. Kakilala ko po sa kabilang college.”
Tumango ang ina ni Clarisse.