Sa isang tabi ng punerarya ay umiinom ng juice si Cedric, di naman maalis ang tingin niya kay Clarisse na nakaupo lang sa harapan ng ataul ng kanyang ama. Nang mapansin iyon ni Lance ay lumapit siya sa kaibigan.
“Dude, kung naikkikita ka lang ng nanay mo, for sure tuwang-tuwa na iyon sayo.”
“Bakit naman?”
“Kanina mo pa kasi pinagmamasdan yang paborito niyang maging girlfriend mo.”
“Ano ka ba, parang tinitignan lang nilalagyan mo na ng malisya. Natural lang yun matagal ko rin siyang di nakita. Saka manahimik ka nga riyan, alam mo namang nililigawan ko yang si Aria.”
“Hindi ka naman sinasagot ni Aria eh, parang pinaghihintay ka lang sa kawalan.”
“Kaya nga nagtiyatiyaga eh .”
“Bakit ba kasi sa dami ng mga babae rito sa mundo ay diyan ka pa sa magkapatid na iyan nag susumiksik. Abnormal ka talaga.” Napailing si Lance.
Sa libing ng ama nila Clarisse. Habang binaba ang ataul ay umiiyak na tinitignan iyon nila Aria. Napayakap si Clarisse kay Aria habang katabi ni Aria si Cedric. Nilapitan naman ni Kian ang kanyang ina at binulungan, “Ma, si Cedric Jacobs.” At itinuro niya si Cedric.
“Hanggang ba ngayon nilalapitan niya si Clarisse?” tanong ni Lena.
“Ewan ko, pero para namang di sila nga-uusap. I think sila ni Aria ang close.”
Sa dining table ay kumakain ng hapunan sina Clarisse at Lena nang may tinanong sa kanya ang kanyang ina.
“Clarisse… si Cedric Jacobs ba yung kasakasama ni Aria kanina.”
Tumango si Clarisse.
“Ano ba niya si Aria? Kaya ba kayo naging close dahil kay Aria.”
“Ex niya si Aria, ma.”
“Ah so siya yang sinasabi ng daddy ni Cedric na girlfriend niya. Anak alam mo mukhang okey naman yang si Cedric…”
“Ma, nililigawan ngayon ni Cedric si Aria.”
“Nagtatanong lang naman ako. Naibulong lang kasi ng kuya mo sa akin kanina na siya pala si Cedric.”
“Ma, ayoko na munang pag-usapan natin si Cedric.” Tumayo si Clarisse at pumasok sa kwarto niya.
“Ced, thank you sa pagsama mo sa akin ha.”
“Palagi naman akong andito para sayo eh.” Sabi ni Cedric kay Aria.
“Pansin ko nga.”
“Paano na yan mag-isa ka na lang.”
“Hindi bago sa akin yun. Ced. Di ba piloto ang tatay ko, palagi siyang wala sa bahay.” Sagot ni Aria.
‘Hindi mo naman kasi kailangang mag-isa eh.” Sabi ni Cedric, “Andito ako.”
“Bilang kaibigan.” Sabi ni Aria, “Bilang matalik na kaibigan ko.”
Pumunta si Aria sa University para umattend ng meeting ng sorority pinakilala sa kanya ni Gia ang mga bagong miyembro ng sorority.
Lumapit si Aria sa isang bagong miyembro, “Ikaw? May kapatid ka bang lalaki?”
“Wala po.”
“May mga kaibigang lalaki? May pinaplano ako, at kinakailangan ko ng lalaki.” Sabi ni Aria.
“Anong gagawin mo sa lalaki?” sabi ni Gia kay Aria.
“Tignan niyo na lang.”
“Hello?”
“Hello, Ced. May bago kasing bukas na bar sa libis, gusto ko sanang magpunta.”
“Sure ano oras ba kita pupuntahan diyan sa inyo?”
“Naku wag na, doon na lang tayo magkita sa bar,” binigay niya ang address ng bagong bar kay Cedric “Saka may pupuntahan din ako this afternoon tutuloy na lang ako ron.”
“Ah ganon ba? Sige bahala ka.”
“Sige magkita n alang tayo mamaya ha.”
“Okey.” At binaba na ni Cedric ang phone.
“Ano na naman ba yan, Aria? Ang tiyaga-tiyaga na nga ni Ced sa iyo tapos may nimimeet ka na namang lalaki.” Sabi ni Clarisse sa kapatid habang kausap ito sa phone.
“Eh kailan ko ba sinabi sayong type ko yang si Cedric? Baka ikaw, baka ikaw ang may gusto sa kanya.”
“Aria…”
“Ano ba sis, ipakikilala ko lang sayo yung boyfriend ko kung anu-ano na ang pinagsasabi mo riyan.”
“Sis, matanda ka na, dapat magseryoso ka na pagdating sa ganyan. One of these days maiisipan mo ng mag-asawa.’
“At sis, importante rin sa akin ang mag-enjoy sa buhay. Ano sumama ka na.”
“Okey, okey. Pupunta na ako.”
Sa isang bar sa libis ay nakita agad ni Clarisse ang kapatid na may katawanang lalaki.
“Youre so funny talaga.” Sabi ni Aria sa lalaki.
“Aria..”
“Oh, Clarisse, Benedict I want you to meet my half sister Clarisse.”
“So ikaw pala ang half sister ni Aria.”
“Yah and youre her new boyfriend.” Umupo si Clarisse sa tabi ng magkasintahan.
‘Paano pala kayo nagkakilala?” tanong niya sa dalawa.
“We just met in a bar sa Malate and he has the best sense of humor ever.” Kuwento ni Aria sa kapatid.
“Talaga lang.” Sabi ni Clarisse.
“Aria…”
Napalingon si Clarisse at nagulat siya ng makitang nasa likuran na pala niya si Cedric.
“Oh, Cedric, buti naman andito ka na. Benedict I want you to meet my bestfriend, Cedric Jacobs.’
Napatingin si Clarisse sa kapatid, “Aria, alam mo ba itong ginagawa mo?”
“Na surprise mo ako ha.” Sabi ni Cedric kay Aria.
Tumayo si Clarisse, “Am, Ced, I’m so sorry about this...”
“Ganyan ka ba talaga ha, tingin mo sa lahat ng bagay laro.”
“Am, Cedric, wag ka namang magsalita ng ganyan sa harap ng boyfriend ko.”
“Ginawa ko naman ang lahat para mahalin ako, tapos ito ang pamumukha mo sa akin. Hindi ka na talaga magbabago Aria.” At nagwalk out si Cedric sa lugar na yun hinabol naman siya ni Clarisse.
“Cedric, I’m so sorry sa nagawa sayo ni Aria.” Sabi ni Clarisse kay Cedric.“Alam kong di mo deserve ito, mabait kang tao at talagang matiyaga ka pero…”
“Pero nagawa pa rin niyang paasahin ako.” Sabi ni Cedric, “At okey lang naman sayong paasahin niya ako di ba?”
“Of course not, Cedric magkaibigan tayo at alam mong hindi totoo yan.” Sabi ni Clarisse. “Saka hindi ka dapat maghinanakit ng ganyan sa kapatid ko dahil unang-una hindi naman kayo nagkabalikan at naging honest siya sayo na hanggang magkaibigan lang kayo.”
“Magsama kayo ng kapatid mo.” At umalis siya ng tuluyan sa lugar na yun.
Pagkauwi ni Clarisse ay di siya mapalagay, iniisip pa rin niya kung ano na ang nangyayari sa lalaking sinaktan ng kapatid niya sa labas. Sinubukan niyang tawagan ang ina ni Cedric.
“Hi,tita, gusto ko po sanang makausap si Cedric, alam niyo po ba ang number niya.”
“Ay naku iha, sinusubukan ko nga rin tawagan yun eh, pero hindi niya sinasagot ang celphone niya. nag-aaalala na nga kaming mag-asawa, andito kasi kami sa Cebu. Iha, pakisuyo na lang sayo, pakitignan naman siya sa condo niya, sabihin monag-aaalala na kami sa kanya.”
‘S-sige po. Pupuntahan ko na lang po siya ron, saan po ba ang condo niya?”
Napabuntong hininga si Clarisse ng matapat siya sa pintuan ng condo ni Cedric. Sabi ng mga tao sa building na iyon ay mula pa ng magkita sila ay hindi pa lumalabas ng kuwarto niya si Cedric. Kumatok siya sa pintuan ng condo, ilang katok ang ginawa niya pero walang sumasagot sa kaniya. Sinubukan niyang pihitin ang door knob at nagulat siya nang magbukas ito.
Sa pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad si Cedric na nakaupo sa sofa at umiinom ng beer. Napatalikod siyang ng makitang walang suot pang-itaas ang lalaki.
“Pinapapasok na ba kita?” tanong sa kanya ni Cedric.
Napilitan siyang tumingin sa lalaki, “Ano bang nangyayari sayo Cedric, hindi mo pa sinasagot ang phone mo, alam mo bang nagwoworry na ang mga magulang mo sa Cebu.”
“So, inutusan ka pala ng nanay ko na puntahan ako rito. Hanggang talaga ngayon pinagpipilitan pa rin niya ako sayo.”
“Hindi naman siguro yun ang gusto ng nanay mo, nag-aaalala lang siya sayo.”
Lumapit si Cedric kay Clarisse, “Eh ikaw, nagwoworry ka rin ba sa akin?”
“Cedric, gusto ko lang magsorry for what happened last night. Alam kong nasaktan kita sa mga nasabi ko sayo, pero Ced, I just want you to realize na tanggapin mo na lang ang mga nangyari.”
“Ibang-iba ka talaga kay Aria, talagang opposites kayo. Buti ka pa nga naiisip mo ang nararamdaman ko.” Napangiti si Cedric at hinawakan ang kamay ni Clarisse, “Namiss tuloy kita.”
Napalunok si Clarisse ang inalis ang kamay niya kay Cedric “Ced, mas maganda siguro kung mag-aayos-ayos ka na at pumasok ka na sa opisina mo. Try to move on.”
Tumango si Cedric, “Yes ma’m.”
“S-sige I’ll go ahead.’
Bago pa lumabas ng pintuan ay tinawag siyang muli ni Ced, lumapit ito sa kanya saka siya isinandal sa likod ng pintuan at biglang hinalikan sa labi nito.