Nagising ng tuluyan si Cedric nang mauntog siya sa center table ng salas niya na pang-ibaba lang ang suot. Napatayo siya at naupo sa sofa pilit iniisip ang mga nangyari sa kanya. Napatingin siya sa orasan niya na nakasabit sa pader ng condo niya, alaskwatro na ng madaling araw.
Napapikit siya ng sumakit ang ulo niya, Mahal na mahal kita Cedric. Napadilat si Cedric nang maalala ang bulong na iyon.
Paano ko nagawa yun kay Clarisse? Ba’t ko nagawa yun sa kanya?
“Parang puyat na puyat ka ha.” Bati ng kasamahang babae ni Clarisse sa kanya.
Napahawak si Clarisse sa ulo niya, “Medyo nga masakit ang ulo ko.” Umupo siya sa table niya.
“Ano bang ginawa mo kagabi at napuyat ka ng bonggang-bonga?”
“Ha? Ahh.. nanood lang ako ng movie sa bahay, pinilit ko kasing tapusin.”
“Maganda ba yung movie, anong pelikula yun?”
“Ah eh… nakalimutan ko na.”
“Grabe ang weird mo naman, pinagpuyatan mo yung movie tapos makakalimutan mo yung title.”
“Kasi naman ang dami kong iniisip.” Sabi ni Clarisse. Tumayo si Clarisse at nagtungo sa pintuan ng opisina niya, “Wash room muna ako ha.” Sa pintuan ay nakita niya si Cedric na parating.
“Am.. kapag may naghanap sa akin, pakisabi nag-absent ako.”
“Hala teka, may pinagtataguan ka ba?”
“Wala, basta sundin mo na lang ako.” Lumabas ng pintuan si Clarisse na yukong-yuko at ayaw magpakita kay Cedric.
Lumapit si Cedric sa isang empleyado ron at tinanong kung nasaan si Clarisse.
“Ah si Ma’m Clarisse po. Parang kakikita ko lang sa kanya ha.” Tumingin sa paligid ang empleyado at itinuro si Clarisse na nakayukong naglalakad, “Ayun pala si Ma’m Clarisse oh.”
Napahinto sa paglalakad si Clarisse.
“Mam may naghahanap po na tisoy sa inyo!”
Napabilis ng lakad si Clarisse at agad pumasok ng Girl’s CR. Hahabulin pa sana siya ni Cedric pero napahinto na lang siya ng makitang pumasok ng CR si Clarisse.
Napasandal agad sa pader ng cubicle ng CR si Clarisse. Relax, Clarissa, relax. Kaya mo yan. Madali lang naman yun, sabihin mo lang kalimutan na natin ang mga nangyari, pareho lang tayong nadala sa sitwasyon. Hay.. ba’t ko pa kasi pinatulan yun eh, sana pala sinapa ko na lang siya, ang hina ko talaga. Pero kailangang harapin ko siya, haharapin ko na siya. Bahala na.
Bago tuluyang lumabas ng CR ay tinignan muna ni Clarisse kung na kaistambay sa labas si Cedric at nang makitang wala sa paligid si Cedric ay lumabas na siya ng CR.
“Clarissa.”
Nang marecognize ni Clarisse ang boses na iyon ay napabilis siya ng lakad pero naabutan siya ng lalaki.
“Ano? Tatakbuhan mo na naman ba ako tulad ng dati.” Sabi ni Cedric sa kanya.
“Ced kung ipununta mo rito ay yung tungkol sa nangyari sa atin kagabi mas makakabuti sa atin na kalimutan na lang iyon, okey.”
Hinawakan ni Cedric ang braso ni Clarisse, “Teka, ano yun ganon na lang yun. Akala ko pa naman iba ka kay Aria. I can’t believe this na ganyan ang magiging reaction mo sa nangyari sa atin, di pa naman ako makatulog sa kakaiisip sayo.”
“Di ka makatulog sa kakaiisip sa akin?”
“Oo naman noh, nakakaguilty kaya yun. Clarisse, yung mga nangyari, pananagutan ko yun.”
“Sa tingin mo naman papayag ako.” Sabi ni Clarisse, “Ayokong matali sa isang tao na ginagawa lang ang isang bagay dahil dinikta sa kanya ng nanay niya.”
“Clarisse gagawin ko yun hindi dahil kay mommy dahil sa nagawa ko yun sayo.”
“Hindi ka sigurado sa ginagawa mo Ced. Nagiguilty ka lang. Katulad ng nasabi ko, kalimutan na natin ang mga nangyari, one night stand lang yun, pareho lang tayong wala sa sarili ng mga oras na iyon, kaya wala kang dapat isipin.” At lumayo na siya kay Cedric.
Lumipas ang mga araw ay naging masamain ang katawan ni Clarisse. Madalas siyang nahihilo, inaantok at laging nanlalata.
“Bakit ba ngayon mga huling araw ay parang namumutla ka?” tanong ni Lena habang kumakain sila ng almusal.
“Ah, mahiluhin nga ako ma, baka stress lang sa trabaho.”
“Naaalala ko tuloy noong pinagbubuntis ko pa kayo.”
Muntikan ng mabuga ni Clarisse ang hinihigop niyang kape, “Ang init pala ng kapeng ito.”
“Nagpacheck up ka na ba? Baka kung may anong sakit ka na, wala ka pa namang boyfriend para mabuntis ka di ba?”
Umiling si Clarisse, “W-wala pa naman.”
Sa tambayan ng sorority ni Aria ay inalapag ni Gia ang isang application form sa harapan ni Aria.
“Ano ito?”
“Application form para sa isang napakagandang opportunity sa Canada. Naghahanap sila ng isang interior designer don, eh naisip kita baka type mong I-grab. Sayang din kasi, malaki ang offer.”
“Papasa ba ako sa ganyan?” sabi ni Aria.
“Bakit hindi? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Saka andito naman ang grupo para tulungan ka.”
“Salamat ha, maraming salamat.” At niyakap ni Aria si Gia.
Tulalang-tulala si Clarisse habang naglalakad ng lobby sa opisina. Hindi niya mapaniwalaan ang balita sa kanya ng kanyang doctor. Ngayo’y ay di niya alam ang kaniyang gagawin, sino ang kanyang pupuntahan? Wala siyang makakaramay.
“Clarisse, congratulations, your one month preganant.”
Parang gusto niyang bumagsak pagkarinig ng balitang iyon. Isa lang ang alam niyang tamang gawin ang ipaalam ito sa tamang tao, ang taong may karapatan malaman ang tungkol sa kalagayan niya.
Agad na umupo si Cedric pagkakita niya kay Clarisse sa restaurant na pinagkakitaan nila.
“Himala yata hindi mo ako pinagtaguan ngayon.’
“I think it’s your right to know.” Sabi ni Clarisse.
‘Ano ba yun? Parang kinabahan yata ako.”
“Dapat ka ngang kabahan. I’m one month pregant’
“Huh? Hindi nga?” reaksiyon ni Cedric.
“Kahit ako, hindi ako makapaniwala. Maybe this is the consequence of what we did.”
“Clarisse, hindi ako papayag na hindi ko pananagutan yang dinadala mo. For this time, anak ko na yang pinag-uusapan natin.”
“Ced, hindi ko naman pinagkakait ang karapatan mo, kaya nga ikaw ang unang-una kong sinabihan nito. Pero intindihin mo naman ako, alam mo naman yung history ng pamilya namin di ba?”
“Kung ang iniisip mo ay matutulad tayo sa mga magulang mo, Clarisse hindi tayo magkakaganon.”
“Paano mo nasabing hindi tayo magkakaganon? Sige nga Cedric, bigyan mo nga ako ng isang matinding dahilan para magpakasal ako sayo.”
Hinawakan ni Cedric ang kamay ni Clarisse, “Clarisse, mahal kita.”
Inalis ni Clarisse ang kamay ni Cedric sa kamay niya, “Sabi ba yan ng nanay mo di ba?”