Priceless Princess: Epilogue
Mystic France
EPILOGUE
Naging magkaibigan uli kami ni Sugar pagkatapos ng araw na iyon na dinalaw ko siya sa bahay nila. Hindi ko ipinilit ang sarili ko. Nakuntento ako sa pagiging magkaibigan namin. Ayaw kong pahirapan siya. Magiging mahirap kasi ang sitwasyon kung sakaling maging kami at nasa loob pa ako ng seminary. Nang bumalik kami ng Athena City, magkaroon uli kami ng communication. Pero dahil bawal ang cellphone sa loob, tuwing walang pasok, bumibisita ako sa kanila. Minsan, nakikitawag rin ako sa seminary. Mahal na mahal ko pa rin siya. Nararamdaman ko rin na mahal pa rin niya ako, pero ayaw muna niya ng commitment… Ang sabi kasi niya sa akin, ayaw pa raw niyang magkaroon ng boyfriend. Wala pa raw sa isip niya.
Sa parehong taon kaming nag-graduate, pero sa magkaibang araw at lugar. Iba ang graduation sa seminary. Nang matapos ko ang Philosophy, nag-trabaho ako sa Athena City bilang Philosophy instructor. Habang nagtuturo, nag-aaral na rin ako ng law. Nakakuha rin si Sugar ng magandang trabaho sa isang malking kompanya sa Athena City. Nag-trabaho siya sa Human Resources Department. Maganda ang takbo ng career niya. Madalas ko pa rin siyang dalawin at yayaing mamasyal. Hanggang sa maisip ko na tila ‘yon na ang tamang panahon upang magtapat ng pag-ibig sa kanya. Niyaya ko siya sa Vinzons beach, isang araw ng lingo matapos magsimba.
“I have a question,” sabi ko habang naglalakad kami sa tabing-dagat.
Nakayapak siya at bitbit ang dalawang tsinelas. Nakatingin siya sa dagat. “Ano ‘yon?”
“Kelan uli kita pwedeng tawaging ‘sweet’?” tanong ko.
Napansin ko na natigilan siya at may naalala. Hindi siya nakapagsalita kaagad. Parang naalala niya nung sinagot niya ako noong high school kami. “Kahit kelan mo gusto,” kaswal na sabi niya.
“Kelan uli kita pwedeng tawaging princess?”
“Anytime…”
“Sweet princess?”
“Anytime… Ang kulit mo!” Pabiro siyang nainis.
“One last question…” hirit ko.
“Ano na naman?” Inis na naman siya.
Hinawakan ko ang isang kamay niya. Pinaharap ko siya sa akin. “Kelan uli kita pwedeng maging girlfriend?” seryosong tanong ko.
Natahimik uli siya pero nawala ang pagkainis niya. “It’s up to you…” Napakagat-labi siya.
“Hmmm… Sige,” sabi ko.
“Sugar… Sweet princess, my priceless princess, pwede nab a kitang maging girlfriend… uli?”
Napangiti siya at base sa mukha niya, kinikilig siya. Tumango siya. “Yes… again.”
“Yahooo!!!” Napatalon ako sa sobrang tuwa. “Kami na uli ni Sweet!!!” sigaw ko. Niyakap ko siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Binuhat ko siya’t tumakbo papunta sa dagat.
“Sweet, put me down, please? Ano ka ba?” natatawang sabi niya.
Marahan ko siyang ibinaba sa tubig. Nag-basaan kami at masayang naligo. Ang saya-saya ko nang mga oras na ‘yon. Dumating na nga siguro ang ‘right time’ para sa amin ni Sugar. Hindi ko na siya uli hahayaang mawala sa akin. Ipinangako ko sa Diyos at sa sarili ko na hindi ko sasayingin ang ikawalang pagkakataong ibinigay sa akin. Hinding-hindi ko iiiwan si Sugar, ang sweet at priceless princess ko.
~END~


