Hindi naman nakatanggi si Mika sa alok ni Nate na tumulong at silang tatlo nga ang nagwalis sa buong school. Hindi alam ni Mika ang kanyang gagawin, hindi rin niya alam ang kanyang nararamdaman. Hindi napansin ni Mika na tapos na pala silang magwalis.
“Tumigil ka na sa pagwawalis mo Mika, gusto mo bang walisin pati ang lupa?” sabi ni Nate.
“Ha? Ahh ~ tapos na pala, hehe Jsalamat sa inyong dalawa, sige – uuwi na ako. Bye,” paalam ni Mika sa dalawa.
“Mika, hatid na kita sa inyo,” alok ni George.
“Clumsy girl, sabay na tayong umuwi,” alok din ni Nate. Napanganga si Mika at naguguluhan at hindi alam ang isasagot sa dalawa.
“Hiniling ko ba ang ganito, Lord? Bakit naman dalawa pa? Pwede naman sigurong isa lang, si George,”banggit ni Mika sa isip niya. “Uhh~ Nate, George – sabay na’lang tayong tatlo pauwi sa amin.”
At ‘yon nga ang nangyari, inihatid ng dalawa si Mika. Sa may daan ay may nakita silang tindahan ng juice.
“Mika, gusto mo ng juice?” sabay tanong ng dalawa. Gulat naman si Mika at hindi niya talaga alam kung ano na talaga ang gagawin. She feels so unfree.
“Oo,” sagot ni Mika. Agad na bumili ang dalawa ng juice at ibinigay kay Mika. “Dalawa? Hehe – dami.”
“Ubusin mo ‘tong sa akin, sayang ang pera ko,” sabi ni Nate. Ininom ni Mika ang juice na ibinigay ni George sa kanya samantalang itinapon niya ang ibinigay ni Nate at tiningnan niya ng masama si Nate. “Ba’t mo tinapon? Sayang ang pera ko,” galit niyang tanong.
“Hindi ka na lang sana bumili para hindi nasayang ang pera mo,” sagot ni Mika. Nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad at may nadaanan silang GROOVE TO MUSIC na maraming tao ang nakamasid.
“Lapit na kayo! Lapit na kayo! Magbigay lang ng limampung piso at kung sino ang pipiliin ng machine na pinakamagaling sumayaw ay mananalo ng limang daang piso. Hali na’t sumayaw!” sigaw ng mama sa may kalye.
“Uy, sumali kayong dalawa,” sabi ni Mika. “Masaya siguro ‘yan ano? Sige na, sumali na kayo.”
“Ikaw na lang kaya,” sagot ni Nate. Lumapit si George sa mama. “Eiisshh!” at lumapit din doon si Nate.
“Akala ko ba hindi ka sasali?” tanong ni Mika kay Nate.
“Wala kang paki-alam.” At sumali nga ang dalawa.
“Ang ating susunod na kalahok ay itong dalawang binata na mga gwapong bata ‘to ah,” sabi ng mama. “And now , let’s groove!”
Palakpakan agad ang lahat ng tao pati na rin si Mika, tilian naman ang mga babae kina George at Nate. Nagsimula na nga ang showdown ng dalawa sa dance floor. Whoo ~ Napakagaling ng dalawa sumayaw at sayang-saya si Mika na pinapanood ang dalawa.
“Ang galing ng dalawang ito, whooo~ daming nagtitiliang babae. Ngayon, ayon sa ating computer, ang nanalo ay si … player no … 1! Ikaw!” announced ng mama sabay turo kay Nate. Kinuha na ni Nate ang premyo niya at pumunta na ang dalawa kay Mika.
“WOW! George, ang galing-galing mo namang sumayaw. Hangang-hanga ako sa’yo!” puri ni Mika.
“Thanks Mika,” sabi ni George.
“Ako mas magaling, ako kayang nanalo,” sabi ni Nate.
“Unfair ang machine na’yon. Hindi marunong pumili. Para sa’kin, mas magaling si George.”
“Ewan ko sa’yo! Bahala ka nga diyan.” At umuna na si Nate sa kanila.
“Nagalit yata ‘yon,” sabi ni George.
“Huwag mo ng pansinin ang lalaking iyon, pahamak lang siya sa buhay ko.”
“Manliligaw mo ‘yon?”
“Siyempre, hindi. Pa-epal lang ‘yon.” Naglakad na ang dalawa at dumating na sila sa harap ng bahay nina Mika.
“Oh, Mika. Bukas ulit,” sabi ni George.
“Sige, ingat ka George.” Umalis na agad si George doon. Pumasok na si Mika at isinara ang gate at binuksan ang pinto ng kanilang bahay at gulat na gulat siya ng naroon pala si Nate sa loob ng kanilang bahay.
“N-N-N-N-Nate?!!”
“Andito ka na pala, Mika,” salita ng mama niya. “Ikaw talagang bata ka, bakit naman si George ‘yong gusto mo? Kung si George man lang ang magiging BF mo, mas mabuti pang maging madre ka na lang.”
“Mama naman eh! Ibang-iba kayo sa lahat ng ina, pinagtutulakan mo ako sa pag-ibig,” reklamo ni Mika.
“Magpasalamat ka nga at hindi ako KJ, diba Nate?” Omoo si Nate sa sinabi ni Aling Rosa. Ibinaling ni Mika ang masamang tingin kay Nate.
“Hoy Nathan Mercado! Ano bang ginagawa mo dito at nagsumbong ka pa kay mama? Huh?”
“Ikaw kasi, Ikaw kasi … kakainis ka,” banggit ni Nate na malumanay ang boses. “Aling Rosa, aalis na po ako.”
“Ayaw mong maghapunan dito, Nate?” imbita ni Aling Rosa, umiling-iling lang si Nate at lumabas ng pinto na malungkot ang mukha. Paglabas niya sa gate ng bahay nina Mika ay napabuntong-hininga siya at tiningnan ang langit. Kinabukasan, pasukan na naman ulit. Pagdating niya sa school ay sinalubong agad siya ng isang magandang babae at napaka-sexy na parang isang cover girl sa men’s magazine.
“MIKAA!!!” malakas na sigaw ng magandang babae.
“Je-Jessica? Jessica, nagbalik kana?” tanong ni Mika na nakangiti.
“Hindi! Hindi! Picture ko lang ‘to,” pabiro niyang sabi. “Ano ka ba! Siyempre – ang ganda talaga ng Tokyo kahit nilindol. Long time no see!”
“Oo nga, mabuti na lang at safe ka at nakabalik ka na nga. I’m so happy. Teka, ba’t ka nga pala bumalik?”
“Kasi, sabi ni Jane sa akin na may dalawang gwapong guys daw ang nag-transfer dito. You know naman, dapat akin lang silang dalawa. Hohoho!”
“Patay ako nito talaga!” aniya sa isip niya. “Ahh~ oo, meron at-at gwapo nga silang dalawa. Hehehe.”
“Sige, Mika. May bibilhin lang muna ako sa canteen, babalik agad ako. Wait for me,” sabi ng babae at pumunta na sa canteen.
“Paano na ‘to? Paano na talaga ‘to?” tarantang tanong ni Mika at hindi siya mapakali. “Kapag nalaman niya ang tungkol kina George, Nate at sa akin – This is the end of everything. WAA!”
Sino ang babaeng iyon? Iyon ay si Jessica, hindi Soho, kundi Samonte. Siya ang pinakamaganda sa school nila at siya din ang President ng student council. Matalik din siyang kaibigan ni Mika katulad ni Jane, noon. Ang gusto niya’y walang kaagaw at dapat lahat ng gwapong lalaki ay sa kanya lang kaya hindi na alam ni Mika ang kanyang gagawin. Bumalik na si Jessica galing sa canteen.
“Mika, s-si George! Si George nandoon sa canteen, samahan mo ako,” sabi ni Jessica na nagmamadali.
“Ha? Aaa – ok, sige.” Dali-dali silang pumunta sa canteen at hinanap si George at naroon nga ito at naka-upo sa bandang kaliwa. Nang Makita ni George si Mika ay lumapit ito sa kanya.
“OMG! Mika, paparating na siya dito. Ang gwapo niya talaga! Sobra!” pagsisigaw ni Jessica. Naroon na nga si George sa harap nila, hindi na alam ni Mika ang gagawin niya.
“Hi Mika,” bati ni George at agad itong umalis sa kanilang harapan. Ngumiti si Mika at pagbaling niya ng tingin kay Jessica ay galit na galit ito at parang kakainin siya nito.
“Miikkaaa!!!” sigaw ni Jessica. “Ano’ng ibig sabihin ‘nun? Paanong pinansin ka niya? Bakit?! Bakit?!”
“Ano kasi – Jessica,”
“Traydor ka! Sabi kong huwag kang mang-aagaw! Ayaw ko na sa’yo!”
“Let me explain, hindi ko naman sinasadyang magkalapit kami.”
“Ano ‘yon? Destiny?”
“Destiny ba tawag dun?”
“Tse! Tumahimik kang babae ka. Well, diba – dalawa ang guwapo dito? Hindi na ako galit sa’yo basta sa akin na talaga ‘yong isa.”
“Buti na’lang, sure! Sige, sa’yong sa’yo na ‘yon.”
“It means, may gusto ka kay George?” ngiting tanong ni Jessica.
“Hehehe – Oo, konti lang.”
“Mabuti na’lang mabait ako, kung hindi – hay naku. Sige, hanapin na natin ang yong isang gwapo, sino nga ulit ‘yon?”
“Si Nate, ang bakulaw na ‘yon.”
“Bakulaw? Anong …”
“Ako ba’ng nagsabi nun? Kung ako nagsabi nun ay joke lang. Hohoho!”
“Sige na, hanapin na natin si Nate at titingnan ko kung gwapo ba talaga ‘yon.”
At hinanap na nila si Nate. Inikot nila ang buong school at hindi nila mahanap si Nate. Inikot pa nila ulit, hindi na naman nila nakita at isang ikot pa at nakita na nila sa library si Nate na nagbabasa ng libro.
“Iyan ba si Nate?” tanong ni Jessica.
“Oo, siya.”
“Ommooo – Ang gwapo nga niya talaga,” sabi ni Jessica habang kilig na kilig kay Nate. “Hali ka, lapitan natin.”
“Ha? Ano?! Uhh ~”
“Bakit may problema ba?”
“Ano kasi, Uhh - Ano ba?”
“Ang OA mo, hali ka na nga.” Hinila naman agad ni Jessica si Mika papalapit doon kay Nate. Kinakabahan na si Mika sa mga maaaring mangyari. Nandoon na nga sila sa harap ni Nate. Tumingin agad si Nate sa nakangiting si Jessica habang si Mika naman ay nakatago sa likod ni Jessica.
“Uhmmm – hello Nate,” bati ni Jessica. Hindi sumagot si Nate at ngayon ay nakamasid sa may likod ni Jessica. “Nate, hello?”
“Sino ‘yan?” tanong ni Nate, lumunok agad ng laway si Mika at napakagat labi sa kaba.
“Ah! Ito, kaibigan ko siya,” sagot ni Jessica. “Hoy Mika – lumabas ka nga diyan sa likod ko.”
“Patay,” bulong ni Mika at humarap na nga siya kay Nate. “H-Hello,” bati niya.
“Pati ba naman sa library, sinusundan mo ako?” tanong ni Nate na naghahamon na naman kay Mika. Gulat na gulat si Jessica sa mga nangyayari.
“Hoy! Ang kapal din ng mukha mo! Anong sinusundan? Eh, ikaw nga itong pilit akong inihahatid!” sigaw ni Mika. Kumukulo na ang dugo ni Jessica ng marinig niya iyon at umuusok na siya’t namumula.
“Eh, lumalapit ang George na ‘yon at anong gagawin ko? Tatanga-tanga?” Lalo pang umusok sa galit si Jessica at di napigilang pumutok na nga siya.
“MIKA GONZALES!!!” sigaw ni Jessica, takot na takot na si Mika. “Mula ngayon, ako na ang mortal mong kaaway!!!”
“Sandali lang, Jessica.”
“Huwag kang magsalita! Umalis ka dito sa harap ko! Ngayon na! Bilis!” sigaw ni Jessica. Lumapit sa kanila ang librarian at pinatahimik sila. Agad na tumakbo si Mika doon papalayo. Nakarating agad siya doon sa labas ng school at kabang-kaba.
“Ano ba’ng kamalasan ito – Parang mauubos na yata ang kaibigan ko simula ‘nong nag-confessed si Nate! Siya talaga ang dapat sisihin sa mga nangyayaring ito.”
Nakita agad ni Mika si Carol na may kasamang lalaki na gwapo din at sweet na sweet silang dalawa.
“Carol?” tanong ni Mika habang nakangiti. “Sino ‘yan?”
“Hi Mika, meet him – siya si Carlo,” pakilala ni Carol.
“Hello Mika, I’m Carlo.”
“Hi din, Uhh – Carol, kaano-ano mo ‘yan?”
“Mika, he’s my destiny. Magkatulad ang mga letters sa name namin kaya we’re destiny.”
“Ganun? Hmmp.”
“Aalis na kami, Mika. May date pa kasi kami.” At umalis na ang dalawa na sweet na sweet at todo kapit si Carol sa braso ni Carlo. Naiwan naman si Mika sa tabi ng kalsada. Bigla na lamang huminto ang itim na kotse sa harap ni Mika.
“Itim na kotse? Naku, baka kidnapper ito. Oh My God!” tarantang sabi ni Mika, bumukas na ang pinto sa kotse. “Oh my – Hindi. Kikidnapin na ako.”
Aaksiyon na sanang tatakbo si Mika nang ang lumabas pala sa kotse ay si Miguel kasama ang lalaking heartthrob. “Mi-Mi-Miguel?” tanong ni Mika. “Akala ko kung ano na, kinabahan ako.”
“Ate Mika, hali ka! Sumama ka sa’min,” anyaya ni Miguel.
“Saan naman?” tanong ni Mika habang nakatingin sa heartthrob na lalaki. “Wow naman, super gwapo ng lalaking ito. Siguro College student ito. Grabe – ang sarap tingnan talaga! Bagay siguro kami.Oh my ~ New crush ko na ang taong ito,” sabi ni Mika sa isip niya.
“Sa bahay,” sagot ni Miguel.
“Hello Mika, ako pala si Rogelio,” pasimula ng heartthrob na lalaki. “Ang ama ni Miguel at Nate.”
“A-A-ANO?” gulat na tanong ni Mika.
I T U T U L O Y . . .