Your Story Haven
share your stories online
Emzzz Page      kotse
Kotse
by Emzzz
 
 

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Marianne dahil late nanaman siya sa opisina. Kung hindi lang pamangkin siya ng isang bisor ay napatalsik na siya ng bisor niya. Pagdating sa opisina ay walang pagkakaiba sa mag nagdaang araw usap –usapan pa rin siya ng mga katrabaho na porket pamangking ng isang bisor ay plage late. Siya na ang kusang pumasok sa opisina ng boss niya. “Sir, pasensiya na po kayo. Hindi ko naman po talaga, gustong nalalate plage. It’s just mahirap talaga ang nagkocommute.” Paliwanag niya dito.

 

“Alam kong alam mo na I hate employees who are always late pero sayo talo ako. Hindi dahil sa pamankin ka ni Ms. Tessa.” Sabi ni Mr. Ramirez na kaharap niya. Hindi siya umimik. Tumayo ito sa may lukuran niya’t bahagyang hinimas ang kanyang balikat. “ Sir, mauna na po ako sa inyo.” Sabi niya at nang akmang tatayo na siya sa kinauupuan.. mas humigpit ang hawak nito sa kanyang mga balikat at “ I’m not talkative or something or coercive call it that way. Hindi ako ganoon kaya kung sakali it will just between the two of us, I promise.” Agad inalis ni Marianne ang mga kamay ng boss niya. “ I have to go.” Sabi niya dito at dali –daling lumabas ng opisina.

 

Buong araw niyang tinuon ang sarili sa trabaho. gusto niya sanang isipin na simpleng biro lang ito. Dahil sa late siya ay kinailangan niyang mag – overtime. Hindi niya inaasahan na sa ganoong oras ay may kasama pa siya doon kaya nagulat siya ng may hakbang na narinig. Napatingin siya sa bandang kaliwa niya… si Mr. Ramirez. Nagmadali siyang iligpit ang mga gamit. Bahala na bukas kung hindi niya matapos ang trabaho. Pero bago niya pa natapos ligpitin ang mga iyon ay mabilis na itong nakalapit sa kanya. “Gusto mo ihatid na kita. “sabi ito sa kanya. “ No need sir. Susunduin po ako ng boyfriend ko.” “Ms. Enriquez, in case you do not know eh gustong gusto talaga kita, kaya inaalam ko lahat sayo. And sabi din ni Ms. Tessa wala daw. Halika na sumabay ka na sa akin.” At hinila na niya ang kamay ni Marianne papunta sa parking lot. Wala siyang nagawa, kulang na lang ay kaladkarin siya nito.   “Listen Mr. Ramirez, kung pinagnanasahan niyo ko o may gusto kayo sa akin, dream on! Dahil kailanman ay hindi ko kayo magugustuhan!” bulyaw ni Marianne sabay talikod. Ang ginoo naman ay sumakay sa kotse binuksan ang bintana at tinawag siya. “Marianne………” nang lumingon  siya ay nakita niya itong may hawak na baril at natutok sa sarili nitong ulo..  sinira ang bintana. Tinalikuran niya ito sa takot.

 

“BANG!!!!!!” sa ilang saglit ay kinabit nito ang gatilyo. Napalingon siya. Hindi siya maaring magkamali si Mr. Ramirez iyon. Nakita niya ito ng parang nasubsob sa manibela. Nagtatakbo siya sa lugar na iyon sa sobrang takot ni hindi niya naisip na tulungan ang lalaki dahil sa takot. Ilang araw siyang hindi pumasok at pagpasok niya.

 

“Why are you late? If I’m not mistaken you are Ms. Marianne Enriquez ,right?” sabi sa kanya ng babaeng naksalamin na sa hitsura ay mukhang matandang dalaga. “You’ve been absent for a couple of days tas pagpasok mo late ka pa…” “ Excuse me. I’m sorry Ma’am but I don’t even know you so why should I explain to you?”  “Allow mw to introduce to you myself, I am Ms. Natividad Oretta, your new supervisor.” “I am sorry Ma’am. What happened to Mr. Ramirez?” “ Haven’t you heard iha, Mr. Ramirez died three days ago. So you better go to your desk and start your work.” Sabi nito sa kanya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya malaman nag gagawin. Bigla siyang nakonsensiya. Hindi niya ito dapat iniwan. Balisa siya at hindi makakain at makatulog ng maayos. Makailang ulit napapanaginipan niya ito na tinatawag siya’t humihingi ng tulong. Kahit saan siya pumunta ay pakiramdam niya nakamasid ito sa kanya. Naging masalimoot ang mga nagdaang araw para sa kanya hanggang sa nagkaroon siya ng nervous breakdown at naospital.

 

Paggising niya ay  nakaramdam siya ng pagkainip sa ospital. Tinungo niya ang bintana at pagtanaw niya’y halos mapasigaw siya ng makita niya sa tapat ang kotse ni Mr. Ramirez nakasakay ito’t matalim na nakatingin sa kanya. Kinilabutan siya ng husto at pumikit na lamang. Agad na sinara ang kurtina ng bintana at pagharap niya “AAAAAAAAAHHH!” sigaw niya. Si Mr. Ramirez na puro dugo.

 

Nagising siya sa tapik ng nurse sa kanyang pisngi “okay ka lang ba kanina ka pa nagsisisigaw pero tulog ka. Mukhang binabangungot ka Miss.” Sabi nito sa kanya. Panaginip lang pala. Pero pakiramdam niya’y totong totoo ito. Wala na siyang ibang pwedeng gawin kung hindi umuwi na lang sa probinsiya nila sa Pangasinan.

 

Ito ang araw ng kanyang pag –alis matapos asikasuhin ang lahat ng kailangan maging ang resignation niya. Nakataxi siya papunta sa terminal ng bus. Asar na asar siya’t halos isang oras na ang traffic. Bumaba siya sa bus para tingnan ang pinagmulan ng traffic. Sa di kalayuan ay nakita niya ang mga taong nagkakagulo. May nagbanggaang sasakyan at para siyang mababaliw ngmakita nag kotseng isa ay kay Mr. Ramirez. Pero tuluyan na siyang napasigaw ng makita ang sakay nito ay si Mr. Ramirez, duguan at wala ng hininga, tulad ng nasa ibang pnaginip niya.  Naiwan siyang tulala hanggang sa paglipas ng araw ay nakatayo lang siya.

 

Nanatili sa isip niya ang pag –iisip na buhay pa rin pala noon si Mr. Ramirez matapos niyang iwan ito ay totoong nakikita niya ito, hindi panaginip o imagination ang ilang pagkakataon. Pero nagyon nakita niya ito sa sinaryong dugua. Patay na kaya talaga ito? Naiwan ito sa isp niya at hindi siya makausap na parang plageng takot  kaya naman isang ambulansiya galing Mandaluyong ang kumaon sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 Books & Literature - Top Blogs Philippines
 
  
 
spam blocker
 
 All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.