Mula pa noon walang ibang nakikita si Trina kung hindi si Mark lang. Crush na crush niya na ito nung high school pa lamang hanggang sa na inlove siya dito. Si Mark ay isang athlete, kilalang playboy, and heartthrob hanngang sa hindi niya inaasahang magugustuhan siya nito. Mahal na mahal niya si Mark at mahal naman siya nito dahil simula ng naging sila ay one woman man na ito. Lahat ay binigay niya dito. Maayos naman ang relasyon nila maliban sa Mama nito. Pinaglalayo sila sa sariling nitong paraan dahil takot siyang mag- asawa ang anak. Gusto nito ay gumaya siya sa kapatid nitong si
Troy, graduate at binata.
Tulad ng ibang mga kabataan naging mapusok sina Trina at Mark. Sa hindi inaasahan ay nabuo ito. Ngunit hindi sapat na mahal ni Mark si Trina. Hindi pa niya kayang panagutan ito. Sa awa ni Troy, siya ang sumalo sa mga responsibilidad
sana ni Mark. Tinanggap ito ni Trina para na rin sa kanilang mag –ina. Mabilis lumipas ang oras, araw, buwan. nagkasakit na si
Troy sa kakatrabho para mabuhay sila. Paano ngayon na handa na silang panagutang mag –ina ni Mark... Sino ang dapat niyang piliin? Si Mark na mahal na mahal niya at pinangarap o si
Troy na hindi niya maiwan dahil sa karamdaman.