Your Story Haven
share your stories online
Emzzz Page      minsanpa
Minsan Pa
by Emzzz
 
 
 

Mula ng magkaisip si Andrea ay kinailangan na niyang magbanat ng buto para sa pamilya niya. Lalo pa nang magkasakit ang ama, siya na talga ang bumubuhay sa pamilya nila dahil may tatlo pa siyang mg kapatid na mga bata pa lamang. Ang ina naman niya’y nagtitinda ng kakanin sa hapon sa lugar din nila.

Halos lahat ng trabaho’t raket pinasok na niya, kulang na lang pati ang pagiging dancer o

G. R. O. pero hindi niya maatim na pumasok sa ganoong trabaho dahil malakas ang kompiyansa niya sa sarili sa taglay niyang kagandahan at kasexyhan. Hindi man siya tapos ng kolehiyo at naniniwala siyang makakahanap siya ng matinong trabaho. Hanggang sa may nakita siyang appylan sa itatayong maliit na kompanya sa kabilang bayan nila. Napaka raming requirements bago mainterview at mag –exam. Kailangan niyang makumpleto at requirements kaya naman kahit linggo ay rumaraket siya. Maganda kasi ang boses niya. Dati siyang kumkanta sa kanilang simbahan pero simula ng nagkasakit ang ama ay wala na siyang oras para magsimba. Pag Linggo ay pumunta siya sa kabilang bayan para  kumanta sa isang pipitsuging bar doon katwiran niya dagdag kita rin iyon.

 

“Iha, hindi ka ba sasama sa amin para magsimba man lang. Magpasalamat ka man lang at kahit papaano ay gumagaling ang ama mo.” sabi ng nanay niya.

 

“Naku!, nay, sa susunod na lamang po. Hapit po ako kasi may kompanya akong gustong pasukan.” Sagot ni Andrea habang nagme –make – up. “ Hay, bata ka puro yan na lang ang iniisip mo. Kaya nga nagtitinda nag inay po para hindi mo naman bugbugin ang katawan mo sa pagtatarabaho.” “Tay naman… alam nio naman po sa gamot nio pa lang kulang yang kita ni inay. Tas yung pagkain pa saka baon ni Andres.”  Sagot ni Andrea. Nakita niyang nag –iba nag mukha ng ama. “Pasensiya na po kayo sa nasabi ko, pero alam niyo naman po yuon di ba…” sagot niya sa ama at hinalikan ito sa pisngi maging ang ina din. “Mauna na po ako, babayahe pa ako. Mag –iingat kayo.” Paalam niya sa mga ito.

 

Araw at gabi ay abala si Andrea, trabaho… asikaso ng requirements niya.. trabaho…. yuon ang naging routine niya sa mga nagdaang araw. Hanggang sa dumating ang araw ng interview niya bitbit ang mga requirements bihis na bihis siya. Bumili pa siya ng damit. Matgal niyang inantay ang pagkakataon iyon dahil buwan ang binilang niya para sa binuksan kompanya. Sawa na siya sa mga pinapsukan na puro barya lang halos ang kita.

 

Nadismaya siya ng makitang babae ang mag -iinterview. Pakiwari niya mas mainam sana kung lalaki. Pero kumpiyansa pa rin siyang matatanggap sa dame ng work experiences niya.  “ So why do you think we should hire you in this company?” “Well Mam, I am very much willing to learn and aside from that I am a competitive person….” Sagot niya.

“Okay sige here’s your exam then come back in the afternoon and see if your name name will be posted.”. sagot sa kanya ng babae. Kumain muna siya sa may maliit na kainan kahit pa nagtitipid. Kailangan niyang maging alert at di gutom dahil baka nga naman mag start na siya agad. Nagmamadali siyang bumalik sa naturang lugar at doon na lamang nag –antay hanggang sa napost na ang mga pangalan ng applikanteng natanggap.

Pero gumuho lahat ng pangarap niya ng di niya makita ang pangalan sa mga natanggap na applikante. Gusto sana niyang magprotesta pero ano bang magagawa niya. Hindi muna siya umuwi. Nag –ikot –ikot. Inantay niyang maggabi para tulog na ang pamilya. Ayaw niya kasi malaman ng mga ito na hindi siya natanggap.

 

Gabi na pero ayaw siyang dalawin ng antok dahil siguro sa nagyari kanina. Paano na ngayon na inaashan nila ang trabahong iyon….. pumasok ang ina niya sa silid niya. “Gising ka pa, hindi ka natanggap ano?” sabi ng ina. Pero hindi siya sumagot. “ Ayos lang iyon anak. Marami pang mas magandang trabaho na alam ko na mas karapatdapat ka. Medyo nakalimot ka na kasi eh…. Magsimula ka uli. Ibalik mo yung dating Andrea na matapat na naglilingkod sa Panginoon. Ikaw ang nagdala sa amin sa sambahang iyon at nagbigay ng taimtim na pananampalataya. Bakit hindi mo subukan uli? Minsan pa pagkatiwalaan mo Siya….” Imbis na sumagot ay niyakap ang ina.

 

Sumunod nga siya dito. Masarap pa rin ang maglingkod sa Panginoon. Muli ay kumakanta siya pag –Linggo at nararamdaman niya na hindi siya nag –iisa sa mga suliranin. At matapos ang ilang buwan ay sunod –sunod ang tawag sa kanya para sa ilang interview. At hindi nagtagal ay natanggap siya sa isang technical support company. Hindi dahil sa ganda at sexy niya pero dahil sa galing at tiyaga niya. Doon nagsimulang gumanda ang buhay nila at pag nakaipon siya ay mag –aaral siya kahit pa working student para mas maganda ang kinabukasan nila.

 

 

* May mga bagay na nangyayari talaga dahil may purpose at reason ang Panginoon. You just have to trust Him with all your heart.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 Books & Literature - Top Blogs Philippines
 
  
 
spam blocker
 
 All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.