Chapter Ten
Tiyak ang mga hakbang niya patungo sa opisina ni Rayne. Now more than ever, siguarado siya sa kanyang nararamdaman. Her mother was right, she should take the risk of confessing her feelings, after all Rayne took so much risk on loving her. Mabilis siyang umibis sa elevator at excited na tinungo ang opisina ni Rayne. Nasa fifth floor ang opisina nito, matapos niyang ibigay sa receptionist ang kanyang pangalan ay agad siyang iginiya nito papasok. Agad niyang natanawan ang magkapatid na Tres at Cuatro. Kapwa abala ang dalawa, si Tres ay kaulayaw ang laptop samantalang si Cautro ay may hawak na PSP.
“Hi, Alicia, Ate Alexia.” Masiglang bati ni Tres sa kanila.
“May meeting ka rin with Kuya Dos?” tanong ni Cuatro. Hindi ito nag-abalang tingalain siya.
“Ah, eh, wala naman may kailangan lang akong sabihin sa kanya kaya ako nandito.” Bigla tuloy siyang na-disorient ng maalalang magtatapat na nga pala siya kay Rayne. Kakaiba pala ang feeling ng magtatapat, ngayon ay mas lalo siyang humanga kay Rayne. Hindi pala biro ang inipon nitong lakas ng loob makapagtapat lang sa kanya.
“Sir, bakit hindi ko ho yata kayo nakitang pumasok?” Magalang na tanong ng receptionist sa dalawa.
Ngumisi si Cuatro at itinuro ang pinto sa bandang likuran nila.
“Back door.” Pagsasatinig naman ni Tres.
“Late kayo, ano?” Biro ni Alicia. Napakamot sa ulo si Tres samantalang si Cuatro ay inilapat ang hintuturo sa labi.
“Hindi kami late, mas maaga lang dumating si Kuya Uno at Dos. Ayaw lang naming mang-istorbo kaya di na kami pumasok sa loob. Kayang-kaya na nilang dalawa ‘yon.”
“Asus, edi late nga kayo. Kaya sa likod na kayo dumaan, ano?”
Natutuwa siya kay Tres at Cuatro dahil cool na cool lang ang dalawang ito.
“Dito na lang muna kami. Huwag mo nang itawag kay Kuya Dos na nandito kami ni Kuya Tres. I-eentertain muna namin si Ate Alexia habang nag-uusap ng maduguan ang dalawang iyon. Hindi pa kami handang makipag-espadahan ng business conncept sa dalawang iyon.”
Bumaling naman sa kanya ang receptionist. “Miss Alexia, maiwan ko na muna po kayo. Gusto n’yo po itawag ko na kay Sir Dos na nandito na kayo?”
“Ah, huwag na. Hihintayin ko na lang siyang matapos.” Naupo siya sa bakanteng upuan sa katabi ni Tres. Kung pagmamasdan talaga ang apat na magkakapatid ay makikilala mo agad ang mga personality ng mga ito. All of them is definitely handsome and lovable but of course among them she love Rayne the most. Love your own yata talaga.
“Would you like anything, Ma’am?” Magalang na muling tanong nito.
“Alicia, don’t worry. Kami na ang bahala sa aming sister-in-law to be.” Biro ni Tres na sinamahan pa ng kindat.
“Kaya nga ako lalong nag-aalala kay Miss Alexia kayo ang kasama niya.” Ganting biro nito. “Sige po Miss Alexia, maiwan ko na muna po kayo.”
Tumango siya at nakangiting muling nagpasalamat dito.
Nang makaalis ito ay pinagmasdan niya ang opisina ni Rayne, maluwang iyon at maayos ang bawat detalye. Sabi ni Rayne ang buong fifth floor ay sa Ryabinov, iyon ang nagsisilbing recording studio at opisina ng buong Ryabinov staff. So kung matutuloy ang pagpapalawak nito sa kompanya ay tamang-tama lamang iyon. Bukod sa recording company ay gustong palawakin iyon ng binata bilang isang multi-media company. Masusi nitong pinag-aralan ang pagkakaroon ng isang dubbing studio kung saan nagce-cater ng mga palabas ng ibang bansa na gustong i-translate sa English. Hit ang mga ganong bagay sa US.
“So, Ate Alexia, kamusta na?” Paninimula ni Tres sa kanya.
“Mabuti naman. Never been better.” Amin niya sa nararamdaman. Sa totoo nga lang ay gustong-gusto na niyang makita si Rayne. Nasasabik na siyang makita ang ngiti nito, ang maaliwalas na mukha nito, ang marinig ang masigla nitong tinig.
“Hmm, pinapunta ka rin ni Kuya Dos dito?”
“Hindi naman. Mukhang busy pa nga siya dapat saka na lang ako pumunta rito.”
“Naku, pagdating sa iyo walang busy-busy kay Kuya Dos. Sukdulang nasa gitna ‘yon ng giyera sa Iraq basta tumawag ka, dadating at dadating iyon.” Paliwanag ni Cuatro. Bigla tuloy niyang naalala ang sabi ni Rayne at ang ibinigay nitong calling card. He said that no matter what tumawag lang siya at agad na dadating ang binata.
“Sinagot mo na ba Ate Alexia?” Walang kaabog-abog na hirit ni Tres. Hindi agad siya nakapagsalita. Paano ba niya sasabihin na ngayon ay handa na siyang tanggapin ang pag-ibig ni Rayne, na handa na siyang sumugal at harapin ang tawag ni kupido.
“Kuya Tres, obvious bang hindi pa. Kita mo namang gabi-gabi pa rin tayong may swimming session nina Kuya Dos.”
Ano naman koneksiyon ng pagsagot niya kay Rayne sa pagswi-swimming ng mga ito? “Swimming?”
“Hay, naku, Ate Alexia, utang na loob sagutin mo na ang torpe naming utol. Dahil baka sa ilang gabi nang kakayaya niya ng swimming magkaroon na kami ng pulmonya.” Magkasalikop pa ang mga palad ni Tres na animoy dinadasalan siya.
“Bakit kayo nagni-night swimming?”
“Iyon ang paraan niya para sabihing depressed siya o kaya naman ay nalulungkot siya. Weird ano?”
Hindi siya nakasagot at napayuko na lang. Agad siyang inatke ng guilt. Siya ang dahilan kung bakit nalulungkot ang binata. Nang dahil sa kanya ay na-dedepressed ang binata.
“I’m sorry.” Aniya sa mababang tinig. Pati ang mga ito ay nadadamay sa depression ng binata ng dahil sa kanya.
“Hey, cheer up. Hindi ka namin sinisisi. Kung nagkakaganoon man si Kuya Dos, ibig sabihin mahal ka talaga ng kapatid naming iyon. Walang bola, walang halong biro, kahit walang kitain ang album nina Cuatro, ipupusta kong mahal na mahal ka niya.”
“Kuya Tres naman, huwag mo ng idamay ang album namin. Ate Alexia, just one question.” Bago muling nagsalita ay kinuha ni Cuatro ang wallet sa likod ng pantaloon, may hinugot ito na kung ano roon at pagkatapos ay iniabot iyon sa kaniya. Kaparehong-kapareho iyong ng golden calling card na ibinigay ni Rayne sa kanya, ang pagkakaiba nga lang ay pangalan ni Cuatro ang nababasa niya roon.
“May hawak ka bang kahit isa na katulad nito?” Seryoso ang mukha nito na para bang may isang hiwagang nagtatago sa likod ng sagot niya.
“Yeah. Yung calling card ni Rayne.” Inlibas niya ang dalawang calling card na ibinigay sa kanya ng binata.
Tuwang-tuwang nag-high five ang magkapatid samantalang siya ay punong-puno ng katanungan.
“Well, Ate Alexia, congratulations. Nasa sa iyo ang parehong passes para sa puso ng isang Yakobovitch.” Maingat pa siyang niyakap ni Tres.
“Ha?” Lalo lang siyang naguluhan sa sinabi ng dalawang ito. Lalo na ng bigla na lang tumayo ang dalawang ito at hinila siya kaya napatayo na rin siya. Nagtataka man ay natatawa siya habang parang bata ang dalawang ito na tumatalon habang hawak pa rin siya. Natigil lang ang dalawa ng may tumikhim sa gilid nila.
“Kuya Uno!” Halos magkasabay pang tawag ng dalawa. Agd na umayos ang mga ito ng masilayan ang pormal na mukha ni Uno. Tres mouthed something to Cuatro but she didn’t understand a bit about it.
“Late kayong dalawa.” Akusa ni Uno. “Cuatro sumunod ka sa akin. Ikaw Tres, kausapin mo si Dos para sa assignment mo pagkahatid niya kay Hannah.” Matapos ang bilin na iyon ay mabilis nitong tinungo ang pinto. Parang nagmamadali ito at may iniiwasan.
“Sure, Kuya.” Pag-alis ni Uno ay agad na ring sumunod si Cuatro. Sumulyap siya sa may pinto, naiinip siya sa paglabas ni Rayne.
“Alexia! Hi.” Agad na lumapit sa kanya ang binata. Katulad pa rin ng dati, hindi niya mapigilan ang damdamin sa pagkakasilay na pagkasilay pa lang sa ngiti ng binata. “Kanina ka pa?”
“Hindi naman.”
“Huwag ang mag-alala, Kuya Dos, inaliw na namin si Ate Alexia.” Singit ni Tres sa nanunudyong tinig.
“And what do you mean by that?”
Bago pa man makasagot si Tres ay may babae nang umabriste sa braso ni Dos. Namumula ang ilong nito at parang kakagaling lang sa pag-iyak. May hitsura ang babae ngunit mailap ang mga mata nito at nanatiling nakayuko lamang.
“Ah, Alexia. This is Hannah, Hannah meet Alexia.” Pagpapakilala ni Dos sa babae. Tumango lang ang babae at muling nag-iwas ng tinggin.
“Si Tres na lang ang maghahatid sa akin.” Baling nito sa binata. Nakita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata na na-alarma ang hitsura ni Dos.
“Ako na lang.” Bumaling ito sa kaniya. ”Alexia, sandali lang ako ha, pagkahatid ko kay Hannah babalik agad ako.”
Ngumiti siya rito ngunit alam niyang hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. “No, don’t bother. Kelangan ko ring bumalik ng office ngayon, hinihintay ako ni Saime para sa pamimili ng mga bagong designs.” Pagdadahilan niya. Pero ang totoo ay naninibugho siya kay Hannah. Ngunit alam niyang wala siyang karapatang magselos.
“Sigurado ka?” Alanganing tanong nito.
“Oo naman. I’ll go ahead.” Hindi na niya hinintay na sumagot ito at nagmamadaling humakbang siyang papatalikod dito dahil baka hindi magtagal ay ipagkanulo na siya ng kanyang nararamdaman. Gusto niyang siya lamang ang ihahatid ng binata, alam niyang makitid siya sa rason niyang iyon ngunit natatakot siyang may iba na agad siyang kapalit sa buhay ni Rayne.
“Ate Alexia! Wait!” Umagapay sa kanya si Tres. Pinilit niya ang sariling huwag lumingon para huwag nang dagdagan pa ang namumuong selos sa kanyang dibdib. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya kay Tres nang bumaling siya rito.
“Selos ka ano?” Walang pag-aalilangang tudyo nito sa kaniya.
“Ako?” turo niya sa sarili. “Bakit naman ako magseselos? Lumamang naman siya ng height sa akin.” Hamak na mas matangkad sa kanya ang babae. Pero hindi ikaw ang ihahatid. Sigaw ng nagseselos niyang puso.
“Hindi ka nagseselos ng lagay na iyan, ha.” Biro nito. Mula sa kanyang peripheral vision ay nakita niya ang malungkot na ekspresyon ni Alexia. Now he was certain that this two is madly inlove with each other. “Hay, ang hirap n’yo namang ma-inlove dalawa. Ang madaling bagay ginagawa ninyong komplikado, it’s just a matter of saying what you truly feel and pursuing the one that deserves it.” Naguguluhang nakamasid lang sa kanya ang dalaga.
Huminto muna siya sandali at pinaharap ang dalaga sa kanya, nakabadha pa rin sa mga mata nito ang panibugho sa nakita sa pagitan ng Kuya Dos niya at ni Hanna.
“Mahal mo si Kuya Dos, di ba?” Mas masasabing nagsabi siya ng katotohanan kesa sa nagtanong. Nag-aalangan itong tumango sa kanya, pero mataman niya itong tingnan upang iparating na isa siyang karamay at hindi kaaway. Maya maya pa nga ay marahang tumango ito. Natampal naman niya ang kanyang noo. “Sabi ko na nga ba eh. So ang tanong na lang bakit hindi mo masabi-sabi kay Kuya Dos na mahal mo siya?”
“Handa na nga akong sabihin pero mukhang nakahanap na agad siya ng kapalit ko.” Wala na, selos nga ito kay Hanna. “Para ilang araw ko lang naman siyang pinaghintay naiinip na agad siya.” Dagdag pa nito.
Napangiti siya sa sinabi ni Alexia. “Don’t worry, Ate Alexia may nagmamay-ari na kay Hanna. Iyong-iyo si Kuya Dos, puso at kaluluwa kasama na ang ibang organs niya. Mahal na mahal ka noon.” Ngayon lang niyang nakitang seryoso ang kapatid sa isang babae kaya naman gusto niyang magkaroon ng katuparan ang nararamdaman nito saka na niya pakikialaman ang kay Uno. “P’wede kitang tulungang magtapat kay Kuya kung gusto mo.”
“Bakit naman ako pa ang magtatapat sa kanya?” Defensive na sabi nito.
“Magtatapat ka ba o buburuhin mo na lang ‘yang nararamdaman mo?” May paghahamon sa tinig niya.
Ilang sandaling nanahimik muna ito bago nakasagot. “Magtatapat.”
“Good. Gawin mo lang lahat ng sasabihin ko at sinisigurado ko sa’yo mapapasagot mo si Kuya Dos.” May ngising sabi ni Tres. Ngayon pa lang ay na-eexcite na siya sa kalalabasan ng pagiging kupido sa dalawang ito.
Kanina pa nafru-frustrate si Dos. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa kanya si Alexia kapag tatawagan naman niya ito ay parang lagi itong nagmamadali at laging abala. Lagi niyang iginigiit sa isipan na kailangan lamang nito ng kaunting panahon. Alam naman niyang marami itong ginagawa simula ng maging successful ang launching ng bagong Alexia’s pero dati naman ay sweet pa rin ito kahit na nga abala ito. Naihilamos niya ang kanyang mga palad sa mukha pagkatapos ay kumuha ng towel sa towel rack sa loob ng cabinet.
Pagkababa ay agad niyang nakita si Tres na abala sa pakikipag-ulayaw sa mahal nitong laptop. Samantalang si Cuatro ay katabi lang nito at abala naman sa panonood sa laptop ni Tres. Pabiro niyang hinampas ng tuwalya si Cuatro.
“Swimming tayo.” Aya niya.
“We’re busy.” Turo ni Cuatro sa pinapanood.
Bigla niyang pinindot ang off switch ng laptop at muling binalingan ang dalawa. “P’wede na?”
Walang nagawa ang dalawa kundi ang tumayo, tinawag niya ang isa sa mga katulong humingi ng tuwalya para sa dalawa.
“Kuya Tres kapag naging broken hearted ka huwag mong gagawing outlet ang pagswi-swimming ha, lalo na kapag kadamay ako. Magkakasipon na yata ako.” Reklamo ni Cuatro.
Pinili niyang huwag magsalita habang naglalakad sila papunta sa kinaroroonan ng swimming pool. Alam niyang kahit nagrereklamo ang dalawang ito ay willing naman ang mga itong samahan siya sa kanyang depression.
“Anong bago, Kuya Dos?” simula ni Tres. Hindi na ito nag-abalang magpalit ng swimming trunks. Hinubad na lang nito ang damit na suot at nauna pang lumusong sa kanila.
Sabay pa silang lumusong ni Cuatro. “It’s Alexia.”
Sinabuyan siya nito ng tubig. “Alam kong si Ate Alexia. Magkakaganyan ka ba naman kung hindi ito tungkol sa kaniya. So what’s up?”
“Lately, nagiging malamig ang pagtrato niya sa akin. Wala naman akong maisip na nagawa kong masama sa kaniya o kaya naman ay ikakagalit niya.”
Tres surpressed a mischivious smile. Umaayon ang lahat sa kaniyang plano. “Maybe she needs time, Kuya. Just let her be.”
“Kaya ko namang maghintay as long as she wants to. Pero pakiramdam ko ay lagi niya akong iniiwasan. Hindi ko matiis na dumaan ang isang araw na hindi ko siya makita o makausap man lang.” Alam niyang nagiging tunog desperado na siya. Pero wala siyang pakialam, iyon ang nararamdaman niya at wala siyang planong itago sa mga ito ang katotohanang he’s crazy over Alexia.
“Anong plano mo?” Curious na tanong ni Cuatro.
“I just wanted to let her know that I’m serious about her.” Determinadong sagot niya sa bunso nila.
“Anong gagawin mo kung sakaling i-reject ka niya?” naghahamon ang tinig ni Tres.
“I guess I have to accept it. Pero hindi ibig sabihin ay hihinto na akong mahalin siya. I guess I’m inlove with her forever.”
Sabay na sumigaw ang dalawa sabay saboy ng tubig sa kaniya.
“Ibang-iba ka na Kuya. Kung ako sa’yo magtatapat na agad ako. You want our help?” Alok ni Tres. Kakaiba ang ngiti nito.
Agad siyang nagdalawang isip. “Kaya kong pasagutin si Alexia sa sarili kong paraan, bakit ko kakailanganin ang tulong ninyo.”
“Kung kaya mo anong ginagawa nating tatlo dito?” Sarcastic na turan ni Tres. ”Come on, Kuya Dos, aminin mo na, kailangan mo ang tulong namin ni Cuatro. Willing na willing kaming tulungan ka. Kung hindi ka kikilos ngayon malamang maunahan ka ng iba, mas gusto mo pa noon kesa dalawang beses kang ma-basted?” Pananakot ni Tres.
”Mas gusto ko pa yatang mabasted.” Hindi siya duwag pagdating sa pag-amin sa tunay niyang nararamdaman kay Alexia.
“Yun naman pala, eh. Magtapat ka na ulit.” Sulsol naman ni Cuatro.
Sandaling nag-isip muna siya bago mabilis na nagdesisyon. Mas malakas ang tawag ng damdamin niya. Ngunit bago pa man siya maka-ahon ay agad siyang napigilan ng dalawa.
”Teka muna, Kuya. Gumawa ka na ng magandang plano para pagnagtapat ka hinding-hindi na makakasagot ng no si Ate Alexia.”
He eyed his brother suspiciously. Halata sa dalawang ito na may plina-plano na agad hindi pa man siya umu-Oo. “Okay, what’s the idea?”
“Alright. Gagawin natin ang pagtatapat mo sa gabi ng launching ng bagong Ryabinov.” Daig pa ni Tres ang nagpanukala ng isang batas sa sinabi. Excited na inilatag nito ang
plano. Daig pa siya nito sa sobrang bilis ng utak na mag-isip, mula sa kaliit-liitang detalye ay alam nito.