Chapter Eleven
Masaya ang atmosphere sa bakuran ng mga Yakobovitch. Iyon ang araw ng launching ng bagong Ryabinov. Ngunit taliwas sa kasiyahan ng mga tao roon ang nararamdaman ni Alexia. Ninenerbiyos siya. Nang matanggap niya ang imbitasyon mula kay Rayne ay hindi na siya mapakali. Iyon na rin kasi ang araw na hinihintay niya, ang araw kung saan handa na siyang aminin sa binata at sa buong mundo na handa na siyang tanggapin ang pag-ibig nito. Hindi birong pagpipigil ang ginawa niyang pag-iwas sa binata sa tuwing tatawag ito sa telepono, dangan nga lamang ay ayaw niyang masira ang
plano nila ni Tres.
“Hija, you looked tense? May problema ba?” Tanong ng Mommy niya. Hindi siya nag-iisa ng pumunta roon kaagapay niya ang kanyang mga magulang. Her parents looked so happy inlove with each other again.
“Wala, Mommy.” Pagtanggi niya.
“Oo nga naman, Mommy hindi siya tense. May hinahanap lang ang kanyang mga mata.” Sansala naman ng ama niya. May himig na panunukso ito.
”Oh, I see.” Luminga-linga na rin ang kanyang ina. ”Hindi ko pa nga nakikita si Rayne dito.”
”Busy siguro siya, Mom. This past few days nga ay hindi na rin kami masyadong nag-uusap. Alam n’yo namang very hands-on iyon sa pag-aasikaso ng party na ito.” Pagbibigay rason niya. But deep inside her she wanted to see him badly.
May ilang katanungan pa ang mga ito bago siya tinantanan. She mingled with the other guest na pamilyar sa kanya ngunit habang lumalalim ang gabi ay hindi pa rin niya nasisilayan ni anino ng binata, nandodoon na si Uno, Tres at Cuatro. Animo’y mga diyos ang mga ito sa
Olympia na bumababa upang makihalo sa mga mortal. But her heart longed for someone. Hindi pa nga nagtagal ay nagsalita na si Uno. Maiksi lang ang speech nito, ipinaliwanag ang bagong Ryabinov at ang goal nito. Hindi ba dapat ay si Rayne ang nagpapaliwanag ang mga bagay na iyon?
“Ate Alexia, kamusta?” Bati ni Tres sa kanya. Kumunot ang noo niya sa bati nito. Nasaan na ang plano nila?
“Tres, nasaan na ang Kuya mo?” Kung wala lang sila sa party ay tiyak niyang kanina pa siyang nagsusungit sa paghahanap sa binata.
“Si Kuya Uno o si Kuya Dos?” Halatang nang-aasar na sagot nito.
She hissed between her teeth. “Bakit ko naman hahanapin si Kuya Uno samantalang kanina ko pa siya nakikita. Nasaan si Rayne?”
“Ah, si Kuya Dos. Hindi ka ba niya sinundo? Sabi niya sa amin may pupuntahan lang siya kaya maaga siyang umalis.” Paliwanag naman ni Cuatro. May hawak itong isang baso ng inumin.
“Sina Mommy ang kasama kong magpunta rito. Tres, I thought ngayon yung
plano natin? Paano ko naman siya makakausap kung wala siya rito.”
Bago pa man makasagot ito ay nagsalita na ang emcee ng party na iyon. Tinatawag na nito ang banda ni Cuatro upang magperform para sa mga bisita. Mabilis na nagpaalam si Cuatro sa kanila samantalang si Tres ay hindi na siya sinagot. Nakadagdag ang malamyos na tugtugin sa lungkot na nararamdaman niya. She wanted to shout Rayne’s name. Matapos niyang maibaba ang hawak din na champange ay determinadong hakbang ang ginawa niya patungo sa stage na kinaroroonan ng banda ni Cuatro.
Huminto ang banda ni Cuatro ng makita siya sa itaas ng stage. Isang namamanghang ngiti ang pinakawalan ni Cuatro ng tumingin sa kanya. Lumayo ito sa mikropono at masiglang sinalubong siya. Alam niyang lahat ng mata ay nakatutok sa lahat ng gagawin niya.
“The floor is all yours, Ate Alexia. This is your chance to happiness.” Bulong ni Cuatro sa kaniya habang iginigiya siya nito papunta sa harap ng mikropono.
“Ladies and gentlemen, sorry for the interruption but this is something important. This lady here wants to say something. I want to give the floor to Miss Kristine Alexia Espejo.” Naguguluhan man ay pinalakpakan siya ng mga tao roon.
Buong encouragement na tumango si Cuatro sa kanya na para bang inaasahan na nito na gagawin niya iyon.
Buong tapang na lumapit siya sa tabi ni Cuatro sa harap ng mikropono. “Ahm, good evening everyone. Alam kong lahat kayo ay nagtataka kung anong ginagawa ko rito. Sa maniwala kayo’t sa hindi, hindi ko rin alam. All I know is I wanted to see someone, I wanted to tell him something pero mukhang pinagtataguan niya ako. Well, maybe it’s my fault, naduwag akong harapin ang totoo kong nararamdaman. Naduwag akong aminin sa sarili kong kailangan ko din ang isang katulad niya sa buhay ko. Natakot akong sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. But I loved him more than my fear. I learn to face my fears because I learn to love you. I just love him now and more than ever.” Narinig niya ang mahinang pagsinghap ng mga taong naroroon. Sino nga ba ang hindi magtataka sa kanyang ginawa. Isa siyang Espejo kaya wala sa hinagap na siya pa ang magtatapat sa isang lalaki. Nang mahagip ng kanyang paningin ang mga magulang ay isang tango ang ibinigay ng mga ito sa kanya. She even saw her mother wiping tears.
“Isa lang ang alam kong paraan para maiparating sa kanya kung gaano siya kahalaga sa buhay ko.” Pumikit siya at inisip ang mga bagay na may kaugnayan sa binata. At naniniwala siyang malaki ang maitutulong ng musika.
“Thank you for teaching me how to love. Showing me what the world means. And now I know that there’s nothing I could not do. Thanks to you.” Ginawa niyang akapela ang kanyang kanta. She sing with all her heart and soul. Si Rayne ang dahilan kung bakit niya nakita ang mga bagay na kaya niyang gawin sa buhay niya. Kung ano siya ngayon ay malaking bahagi noon ay ng dahil sa binata. “For teaching me how to feel. Showing me my emotion. Letting me know what’s real from what is not. What I’ve got is more that I’d vere hope for. And a lot of what I’ve hope for is Thanks to you.” Rayne showed her the true meaning of unconditional love. She learned to love because of him. He taught her to accept herself kasama na ang kanyang takot at imperfection. Tinanggap siya nito at minahal ng buong-buo and for that she is so lucky to be loved by a man named Rayne. Hindi niya namalayan na nadadala na siya sa kanyang pagkanta. Naramdaman na lang niyang tumutulo ang kanyang luha. Luha iyon ng sobrang nagmamahal. Maya-maya pa ay narinig na niyang umaagapay sa kanyang pagkanta ang banda. With the music accompanying her mas lalo niyang naramdaman ang pagkanta.
Hindi nagtagal ay natapos rin ang kanta. Umani siya ng isang masigabong palakpakan sa mga manonood. May ilan pa ngang nadala yata sa kanyang pagkanta at nagpapahid ng luha kasama na ang kanyang ina. Ngunit wala pa rin si Rayne sa bulawagang iyon.
Rayne, come on. I need you. I love you. “Sabi mo isang tawag ko lang dadating ka. Rayne, I need you. I’m sorry. I love you.” Buong pagmamahal niyang turan.
Biglang nahawi ang daan at iniluwa noon ang binata. Hinihingal pa ito at may ilang butil ng pawis sa noo. Kasunod nito si Tres at Uno. Tres was grinning ear to ear as if he was pleased with something. Mabilis na umakyat si Rayne sa entablado kaharap niya. Buong pagmamahal siya nitong tinititigan, isang titig na animoy mawawala siya kung ito’y kukurap. Tumaas ang kamay nito upang haplusin ang kanyang pisngi. Masuyo ang paraan nito ng paghawak.
“Rayne.” Itinapat nito ang hintuturo sa kanyang mga labi.
“Shh. I’m sorry. I’m so sorry.” Gusto niyang batukan ito. Siya na nga ang nagpahirap dito ito pa ang nagso-sorry.
“Ano ka ba, bakit ka nagso-sorry. I should be the one saying that. Pinahirapan kita, pinaasa.”
“No, hindi totoo yan. Hindi mo ako pinahirapan, hindi ka mahirap na mahalin. That’s the easiest thing to do. Ngayon ako nagsisi kung bakit nakinig-kinig pa ako kay Tres. Siya ang may pakana kung bakit hindi rin ako nagpaparamdam sa’yo. Gaya ng sinabi ko dati handa akong hintayin ka hanggang sa maging handa kang tanggapin ako, na handa na ang puso mong magmahal ng walang pag-aalinlangan.” Damang-dama niya ang pagmamahal sa tinig nito. ”I would never ask anything from you just let me love you. Wala akong pakialam abutin man ako ng pagtanda ko.”
Natatawang nahampas niya ito. “Hindi mo na kailangan pang maghintay ng pagtanda mo. Handang-handa na ang puso kong tanggapin ang pag-ibig mo. Kagaya ng sinabi ko kanina, I love you more than my fear. Binura ng pagmamahal mo ang takot sa puso ko. I love you, Mr. Rayne Yakobovitch. I love you more than ever.”
Buong ingat na niyakap siya nito. ”I love you more, Miss Kristine Alexia Guivar. I love you until eternity, until the very last of my breathe.”
Masayang-masaya ang pakiramdam niya. Hindi pa nga
sana sila maghihiwalay kung hindi nila narinig ang pangangatiyaw ng mga naroroon sa pangunguna ng magkakapatid. Lumapit si Cuatro sa kanila, kinamayan nito si Dos samantalang siya naman ay niyakap nito.
“Welcome to the family, Ate Alexia.”
“Bitawan mo si Alexia, may kasalanan kayo ni Tres sa akin.” Napakamot ito sa ulo at sumulyap kay Tres sa ibaba ng stage.
“Ano ka ba naman Kuya Dos, nang dahil sa amin nagkaroon ng lakas ng loob si Ate Alexia na ideklara sa buong mundo ang inaamag niyang pagmamahal sa’yo.” Binalingan siya ni Cuatro. “Ano na? Hanggang yakapan na lang ba kayo?” Kantiyaw nito.
Inulan sila ng kantiyawan. Masunurin namang tumalima ang binata at maingat na kinabig siya. She could feel such passion, such tenderness, and such love with his kisses. And with all of her she responded with equal fire.