Your Story Haven
share your stories online
Hope Shardae Page      tuyasiempre03
Tuya Siempre
by Hope Shardae
 
 
 
Chapter Three
 
 
 

            “Shalmai, nakikinig ka ba?” Kinalabit niya ang kaibigan para mapansin siya nito.

            “Ha? Anong sabi mo?” Patuloy lang ito sa paglingon.

            “Pambihira! Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig. Sino bang tinitingnan mo?” Kanina pa ito lingon ng lingon at animo’y may hinahanap.

“Wala pa ang admirer mo? Malapit na tayo sa palengke pero ni anino ni Glenn hindi ko pa nakikita.” Maging ito ay nasanay na lagi nilang kasabay ang binata.

“Hindi na dadating ‘yon.” Iniiwas niya ang mga mata sa kaibigan.

“Paano mo nalaman? Nagpaalam sa’yo?”

“Hindi. Kasi kahapon nung PE natin tinanong niya ako kung p’wede raw bang manligaw. Sabi ko hindi.” Kunwa’y balewalang sabi niya pero ang totoo ay nanghihinayang siya sa pangre-reject sa binata.

“Ano?!” Kulang na lang yata ay tumalsik ang eardrums niya dahil sa OA nitong reaction.

“Ang boses mo. Parang ikaw ang tinanggihan, ah.” Puna niya sa reaksiyon nito.

“Nasa getting-to-know stage pa lang kayo binasted mo na agad si Mr. Dimples. Ano ba naman ‘yan.”

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang nagmamaktol ito. “Ayokong umasa siya. Isa pa wala pa sa isip ko ang tungkol sa mga ganyang bagay.”

“Naku, narinig ko na naman ‘yang linyang ‘yan. At kalian mo pa maiisip kapag wala nang nanliligaw sa’yo? Kapag uugod-ugod ka na?”

“Fourth year pa lang tayo, Shalmai. Kung pagnonobyo na agad ang aatupagin ko ano nang mangyayari sa buhay ko.” Paliwanag niya sa kaibigan.

“’Yun na nga, fourth year na tayo at ilang buwan na lang naman ay gra-graduate na tayo. Tama lang na ma-enjoy mo ang high school life mo. Minsan lang dumaan sa buhay na magiging high school ka, ano. Hindi na tayo babalik pa kahit kailan sa pagiging high school so might as well enjoy it.”

“Shalmai, ayokong dumating ang araw na mahulog ng tuluyan ang loob ko sa kanya at wala na akong mapanghawakan para bumalik sa reyalidad. Kaya mabuti pang hangga’t maaga pigilan ko na rin kung ano mang nararamdaman ko.” Malungkot na wika niya. She know very well the story between the rich guy falling inlove to a nobody like her.

“Anong masama kung hindi mo pigilan?”

“Ayoko kong matulad sa Nanay ko, Shalmai.” May lungkot sa tinig niya.

Nagulat na lang siya nang hilahin siya nito sa tapat ng maliit na tindahan.

“Umupo ka nga diyan at paki-paliwanag sa akin ang point mo dahil medyo nawawala ako sa katinuan dahil sa lalim mong mag-isip. Kaya ayaw kong maging matalino eh.”

Yumuko siya at sandaling bumuntong-hininga. “Magkaiba ang estado ng buhay namin, Shalmai. Mayaman siya samantalang mahirap ako. Alam mo na typical, against all odds. Ayoko kong dumating ang araw na kinakailangan niyang mamili sa pamilya niya at sa akin. Ayoko ring dumating sa puntong alipustahin nila ang pagkatao ko.”

“As in classic na telenovela? Alam mo, Jules, all is fair in love and war. Saka ganyan ba ang tinggin mo kay Mayor.” Tanong nito. Kilala sa pagiging mabait ang mayor nila kaya nga nakakailang termino na ito at wala naming reklamo ang mga kababayan niya.

“Hindi. Basta ayokong maranasang sapilitan kaming paghiwalayin dahil sa agwat namin sa buhay.”

“Hay, naku. ‘Di kita maintindihan. Ang bata mo pa para sa mga insecurities na ganyan, ano.” Humalukipkip ito, halata pa ring hindi Masaya sa nagging desisyon niya.

“Sa natatakot ako, magagawa mo.”

Tumayo na si Shalmai at nagsimulang lumakad kaya wala siyang magawa kundi ang mapasunod dito.

“Ewan ko sa’yo. Kung ayaw mo kay Mr. Dimples sa akin na lang siya. Sayang kung sa akin siya nanligaw malamang hindi pa siya nagtatanong iniaalay ko na ang matamis kong Oo.”

“Oo pala, ha. Isumbong kaya kita sa Tatay mo.” Biro niya. Numero unong istrikto ang Tatay nito kaya natawa siya ng sumimangot ito.

“Hindi ka na mabiro. Halika na nga. Sabi ko nga insecure kung insecure.”

 

Malayo pa lang siya ay kitang-kita na niya si Glenn. She was schocked. Masaya itong nakikipag-kwentuhan sa mga tricycle driver na nakaparada pauwi sa kanila. At mukhang feel na feel naman ng mga iyon ang pakikipag-k’wentuhan sa binata.

“Eto na pala ang hinihintay mo.” Itinuro pa siya ng isang driver na kakilala niya.

Sinalubong na siya nito bago pa man siya makalapit sa paradahan nila.

“Anong ginagawa mo rito?” Agad niyang tanong dito.

“First of all, hi. At napapansin kong laging iyan ang tinatanong mo sa akin sa tuwing magugulat ka.”

Nahiya naman siya sa inasal. “Pasensiya na. Hindi ko lang inaasahan na makikita kita rito.” Mabilis na kinuha nito ang mga hawak niyang libro bago pa siya makapag-protesta.

“Lika na.” Yaya nito sa kanya.

“Teka, teka. Ihahatid mo ako sa bahay?” Napalabas muli siya ng tricycle.

“Oo, dati pa naman kitang inihahatid, diba?”

Ang buong akala niya ay titigil na ito sa pagsunod-sunod sa kanya mula ng sabihin niyang hindi siya p’wedeng magpaligaw.

“Glenn, alam mo namang ayoko pang magpaligaw diba?”

“You know that you can’t stop me. Hindi ko ipiplit ang sarili ko sa ‘yo, just let me do this. This makes me happy.”

Wala na siyang naisagot dito dahil mukhang kahit anong gawin niyang pagkumbinsi ditong tigilan siya ay magiging wala ring silbi. At isa pa kahit pigilan niya, napapaligaya siya nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
Cover Page   Chapter 1   Chapter 2   Chapter 3   Chapter 4   Chapter 5   Chapter 6   Chapter 7
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
 Books & Literature - Top Blogs Philippines
 
 
 
spam blocker
 
 All contents of this site are copyrighted by the authors/owners or Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.