Nagmamadaling lumabas si Juliette ng bahay. Hindi na siya nag-abalang palitan ang college uniform niya. Late na late na siya sa usapan nila ni Glenn, tiyak na naghihintay na ito sa kanya.
Automatic na napangiti siya nang maalala ang pangalan ng binata. Ilang buwan bago sila grumaduate ay sinagot na niya ito. Kahit na puno ng agam-agam ang puso at isip niya ay mas pinili niyang sumugal kay Kupido. After all, cupid was too cute to ignore.
She never expected that it would work out well for both of them. Sa Maynila ito nag-kolehiyo samantalang siya ay nanatili sa Balayan. Gustuhin man niyang mag-aral sa ibang lugar ay hindi kaya ng budget nila kaya kung hindi siya iskolar ni mayor, ang Daddy ni Glenn, malamang hindi na siya makakapag-kolehiyo.
‘Di pa man nakakapasok sa loob ng McDo ay agad na niyang natanaw ang binata. Her heart went wild again just by the mere fact of seeing this guy. Ilang buwan din ang hinintay niya bago muling masilayan ang ngiting iyon. Agad itong tumayo para salubungin siya.
“Sorry late na naman ako.” Masuyo siya nitong hinalikan sa pisngi at inalalayan pabalik sa mesa.
“Okay lang, halos kadadating ko lang din.” Kagaya pa rin ito ng dati, hinding-hindi nito aaminin sa kanya na inip na ito sa kahihintay sa kanya.
“Hindi ka galit? Sorry talaga, ha. Tinulunga ko pa si Mrs. Custudio sa library kaya—”
“Relax.” Natatawang pigil nito sa anumang ipapaliwanag pa niya. “Hindi ako galit, really. Sulit naman ang paghihintay ko, nakita na kita.”
Hindi niya napigilang mapangiti sa hirit nito.
“There. ‘Yang ngiting iyan ang nakakapagpawala ng pagod ko. I miss that for almost three weeks.”
“Pagod? Teka, umuwi ka na ba sa inyo?” Tanong niya. Saka lang niya napakatitigan ang binata. Bakas ang pagod sa mukha nito bagaman masigla pa rin. Halata ring medyo bumagsak ang katawan nito, sa tabi nito ay ang sports bag.
“Glenn,
sana sinabi mong kakauwi mo lang. P’wede namang bukas tayo magkita.”
Agad na nagpanic ang ekspresyon nito. “No way. Nagtiis na nga akong hindi umuwi ng ilang linggo, kaya gusto ko pag-uwi ko makita kita agad.”
Na-guilty siyang bigla sa sinabi nito. Siya ang pumipigil dito na umuwi linggo-linggo para lang magkita sila. Bukod sa magastos sa pamasahe, na alam niyang balewala rito ay nahihiya rin siya sa mga magulang nito. Baka isipin ng mga itong nagde-demand siyang umuwi ng lingguhan ang binata.
“Luluwas na ako before lunch bukas. May practice pa kami, nag-paalam lang ako kay Coach na uuwi rito.”
“Dapat tinetext mo ako para--”
Itinaas nito ang hintuturo sa mga labi niya.
“Iyan ang dahilan kung bakit ‘di ko sinabi. Alam kong pipilitin mo akong huwag na lang umuwi.” May himig na pagtatampo ang boses nito.
“Hindi naman sa gan’on. Kaya lang ikaw din ang iniisip ko. Masyadong napapagod ang katawan mo. Isa pa, nakakahiya sa Daddy mo. Magtatampo panigurado ang mga iyon kapag nalamang ‘di sila ang dahilan ng pag-uwi mo.”
Bumuntong-hininga ito. Nakagat naman niya ang ibabang labi. Patay nasira ko ang mood.
“Jules, for the nth time, relax. Chill. Hindi ka ba masayang makita ako. Milya ang biniyahe ko para lang makasama ka. So
sana ma-appreciate mo iyon at huwag na munang iniisip ang sasabihin ng ibang tao.” Seryosong-seryoso ang mukha nito. Hinawakan niya ang kamay nito para kahit paano ay mabawasan ang pagtatampo nito.
“Sorry na po.” She can’t reason out herself dahil totoo ang mga sinabi nito. Masyado siyang concern sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa relasyon nilang dalawa, lalo na nga ang Daddy nito. Humilig siya sa balikat nito.
“Hmm, kung hindi lang kita love.” Automatic na umakbay ito sa kanya. “Sige na, I-kiss mo na ako para ‘di na ako galit.” Parang batang request nito.
“You’re impossible.” She rolled her eyes and diligently kissed him on the cheeks.
“Medyo na lang. Kapag medyo bumababa pa ‘yung kiss baka sakaling mabura na ang tampo ko.”
Nag-blush siya sa ibig nitong ipahiwatig. “Glenn, ha, madaming tao.”
Isang malutong na halakhak ang isinagot nito sa kanya na ikinalingon ng mga naroroon. Wala itong pakialam sa mga naroroon at niyakap siya ng mahigpit. Ah, heaven!
“Halika na. Sa bahay tayo mag-dinner. Gusto kang makita ni Shelley.” Ang tinutukoy nito ay ang nakababatang kapatid na kasamang mag-aral sa Maynila.
“Kasabay mo si Shelley?”
“Oh-oh. Sinabi ko na nga bang huwag nang isama ang kutong-lupang iyon.” Tumayo ito at isinukbit na ang bag. “Come on. Baka lumamig na ang pagkain natin.”
Tumayo na rin siya at umagay sa paglalakad nito.
“Ate Juliette!” Malayo pa lang ay nagkakakaway na si Shelley sa kanya. Glenn’s sister never seized to amaze her. Mukha naman itong gypsy princess this time. Huling kita niya rito ay naka-goth outfit ito.
“Shelley. Kamusta? You’re cute.” Ito na ang kusang yumakap at humalik sa pisngi niya.
“See, Kuya. Ikaw lang ang nagsabing hindi bagay sa akin ang suot ko. Mom says I’m cute too.”
“Heh! Hindi ka cute, weird ka.” Angil ni Glenn sa kapatid.
“Cute ako. Ate Shelley, you should see my new doll. It’s unique. She had blue eyes at kamukha ko siya.”
“Shells, nag-usap na tayo. You owed me this night.” Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita ang mga magulang nito.
“Mommy, si Kuya ayaw ipahiram si Ate Jules.” Nag-susumbong na bungad ng kapatid nito. Nangingiti siya dahil para lang siyang manikang hinihiram nito.
“Good evening po.” Magalang niyang bati sa mga ito. Tumayo ang ginang at humalik sa pisngi niya ganon din ang butihing Mayor.
“Gumaganda ka yatang lalo, hija.” Puna ng ginang sa kanya.
“Thank you po.” Kiming sagot niya. Tanggap na tanggap ng mga magulang ni Glenn ang relasyon nila. Very vocal ang Mommy nito na gusto siya nito para sa binata.
“Dad, okay na ba?” Untag ng binata sa ama.
“Yes, hijo. As requested. Enjoy your date, hija.” Kumindat pa ito sa kanya kaya maging siya ay naguluhan.
“Thanks, Dad. You’re the best.”
“Pero, Dad—” Bago pa niya marinig ang protesta ni Shelley ay nahila na siya ni Glenn papuntang garden.
“Hey, akala ko magdi-dinner tayo kasabay sila.” Hindi siya pinakinggan nito at patuloy lang sa paghila sa kanya.
Kulang ang salitang shock sa bumulaga sa kanya. Puno ng ilaw at kandila ang garden ng mga ito. Nagmistulang arranged flowers ang mga namumulaklak na halaman doon. At sa pinakagitnang bahagi ay isang lamesa na may dalawang upuan. Gusto na niyang maluha sa sobrang tuwang nararamdaman. Hindi niya alam kung paano nito nakumbinsi ang ama nito para gawin iyon.
“Happy second year anniversary.” Bulong nito sa kanya.
Her jaw dropped. How can she ever forget such thing.
“Glenn, I..ahmm…”
“You like it?” Alanganing tanong nito. “Hindi ko pa kayang ilibre ka sa mamahaling restaurants kaya minabuti kong dito na lang natin I-celebrate ang anniversary natin.”
“Like it? Nagbibiro ka ba? I love it. Thank you so muc!.” Dala ng bugso ng damdamin ay nayakap niya ito sa sobrang tuwa. Hindi na rin niya napigilan ang mapaluha. This guy went through enormous power just to surprise her.
“I love you.” Puno ng sinseredad na wika niya.
“I love you too.”
“I love you more.” Muli niyang sagot.
Naramdaman niyang hinalikan nito ang buhok niya. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinakatitigan siya.
“Kung alam ko lang na iiyak ka. Hindi ko na dapat ginawa ito.” Pinahid nito ang kanyang mga luha at hinalikan siyang muli sa noo.
“Masayang-masaya lang ako.” Ipinaghila siya nito ng upuan. “Glenn.”
“Hmmm.”
“Sorry ulit. Palagi na lang akong nagso-sorry. Hindi ko naalala na ngayon ang anniversary natin. Nahihiya ako dahil ako dapat ang nakaka-alala ng mga ganitong bagay.” Sasagot pa
sana ito nang muli siyang nagsalita. “Hindi dahil sa hindi mahalaga ang araw na ito sa akin. It’s just that ngayong mga nagdaang araw--”
Muling lumapat sa labi niya ang hintuturo nito. “It’s okay. Alam ko kung gaano kadami ang ginagawa mo. I understand, absolutely. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang sarili mo. I also don’t have time for you kaya kahit man lang sa ganitong bagay I made you feel special.”
“Argh! Nakakainis ka naman pinaiiyak mo na naman ako.” Ramdam niya ang mga luhang muling nag-uunahan sa kanyang mga pisngi.
“Anong ginawa ko?” Inosente nitong tanong.
“Marunong ka bang magalit? Mag-demand?”
Tumawa lang ito bilang kasagutan.
“You know me better than that, honey.”
She just pouted. Mula sa ilalim ng mesa ay may kinuha ito. Inaabot nito sa kanya ang isang nakapasong cactus. May nakatusok doong stick na may nakadikit na larawan nilang dalawa.
“For you.” He handed it to her.
“Thank you so much.” She then again felt guilty even more. “Anong gusto mong gift?”
“You know what I want,” simpleng sagot nito.
Napabuntong-hininga siya. Gusto nitong sa Maynila na rin siya mag-aral. Ayon dito ay willing ang Daddy nitong I-extend ang scholarship program niya at doon na rin siya mag-aral. Alam niyang sa lahat ng scholars ng kanilang bayan ay p’wede iyon dangan nga lang ay nahihiya siya at walang makakasama ang nanay niya kapag umalis pa siya.
“Maliban doon.”
Lumamlam ang mga mata nito.
“Ganito na lang. Payag na akong sumama sa’yo sa
Manila next weekend. Pero kailangan mo akong ipagpaalam kay Nanay. Kailangan mo ring magsabi sa Mommy at Daddy mo.”
Ginagap nito ang kanyang mga kamay. “Sige, pwede na rin. For sure matutuwa si Shelley kapag nalaman niya ito. Matagal ka nang niyaya ‘nun sa bahay.”
“Hindi mo pa ako naipagpapaalam which means ‘di pa sigurado ang pagpunta ko.”
“Papayag si Nanay. Malakas ako ‘don, eh.” Muli itong ngumiti.
“Well, tingnan natin.” Isipin pa lang na matutuloy siya ay nininerbiyos na siya.
“Parang hindi para sa akin ang regalo mo. I think I have to bribe Shelley again.”
Natawa si Juliette dito. Matagal na siyang kinukulit ni Shelley na sumamang mag-shopping, katwiran nito ay hindi nito feel ang mga kaklase dahil masyadong ma-feeling maganda.
Bahala na nga si Batman
“Glenn, magsi-CR lang ako sandali.” Paalam niya sa binata. Pinayagan siyang sumama rito. At iyon ang huling araw niya roon. Sinamahan niya ito sa practice dahil gusto raw siya nitong ipakilala sa ka-team nito. Ngayon siya nagtataka kung paano pa ito nagkakalakas na umuwi samantalang bugbog na bugbog ang katawan nito sa paglalaro.
“Sige. Magpapalit na rin ako para maihatid na kita.”
Tinungo niya ang CR. Isa na lang ang bakanteng cubicle kaya wala na siyang pagpipilian kundi ang magmadali na. Pagpasok niya ay siya namang paglabas ni Angelica at kaibigan nito.
“Angel, may girlfriend na pala si Glenn.” Narinig niyang sabi ng kasama nito.
“Kanino mo naman nasagap ang tsimis na ‘yan?” Hindi niya alam kung sinasadya lang ba nang pagkakataon na magtagpo ang landas nito at ni Glenn o sinusundan talaga nito ang binata.
“Kasama niya kaya. Ipinakilala pa nga raw sabi ni Luis. I think Juliette ang pangalan.”
“Oh, really. Kilala ko si Juliette. Sila pa rin pala hanggang ngayon.”
“What do you mean?”
“Well, kita mo naman kung gaano ka-baduy ang girl na iyon. Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Glenn at pinatulan siya. I mean, hindi na ba niya naisip ang magandang buhay para kay Glenn. Balita kasi sa amin parang naka-depende na lang kay Juliette ang pangarap ni Glenn.”
Nahigit niya ang paghinga sa sinabi nito. Hindi niya akalain na ganon na ang tingin ng mga tao sa binata.
“At alam mo ba, balitang-balita na ginagamit lang naman talaga niya si Glenn para makakuha ng scholarship at makapag-aral. Paano na kapag nakatapos siya at nakakita ng mas mapera kay Glenn, edi iiwan na niya ito,” dugtong pa ni Angelica.
“Nakaka-awa pala si Glenn.
Sana matauhan na siya. Ang dami-daming babaeng mas bagay sa kanya.”
“Hay, naku, tama ka diyan, girl. Come on, let’s go na.”
Ilang sanadali pa ay natahimik na at kasabay ng pagtahimik doon ay ang pagpatak ng luha niya. Kaya ba niyang masira ang pangalan ng binata ng dahil sa kanya? Wala itong ginawa kung hindi ang mahalin siya at ito pa pala ang idudulot ng pagmamahal na iyon. Hindi lang ang kredibilidad ng binata ang nasisira kung hindi pati na rin ang sa pamilya nito. Kung ang pagmamahal na iyon ang magiging dahilan para maibalik nito ang pangarap para sa sarili at buuin muli ang sarili handa siyang magparaya gaano man kasakit iyon.