Dahil sa nasa kalagitnaan pa lang sila ng theatre season ay naging abala siya. Isang araw na lang ang nagiging pahinga niya at tuwing Lunes pa iyon. Minsan nga ay gusto na niyang pagsisihan kung bakit ipinagpalit na niya ang dati niyang trabaho sa pagtra-trabaho sa teatro. Pero sa tuwing tatapak siya ng stage at raratratin ng kanyang adrenaline rush nawawala lahat ang kanyang agam-agam. Kaya naman sa pagiging abala niya ay nawawalan na rin siya ng panahon para sa nobyo. Lagi siyang late o laging nagca-cancel ng date nila dahil sa mga rehearsals at iba’t-ibang demands ng play nila.
“Jules, are you all right?” untag ng binata sa kanya. Sinundo siya nito para sabay na silang mag-dinner. Kaya lang dahil sa late na natapos ang rehearsal nila ay ngayon pa lang sila makaka-kain ng hapunan.
“Yeah. Antok na antok lang talaga ako. Sorry.” Paghingi niya ng paumanhin dito.
“No, it’s okay. Kung gusto mo dumiretso na lang tayo sa bahay mo para naman makapagpahinga ka na.”
Umuling lang siya. Marami ng beses na napo-postpone ang lakad nila dahil sa kanya. Lagi siya ang iniisip ng binata. At nahihiya na rin siya rito dahil lagi na lamang ito ang nag-aadjust sa schedule niya. Pero ni minsan ay hindi niya ito narinig na nagreklamo man lang o nag-demand ng oras sa kanya.
“At saka alam ko naman pong hindi ka pa kumakain dahil sa kahihintay mo sa akin.” Again, she felt guilty. Baka pag nagka-ulcer ito ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
“Mas gusto kong kasabay ka. Ginaganahan akong kumain kapag nakikita ka. Ikaw ang appetizer ng buhay ko, eh.”
Humilig siya sa balikat nito at awtomatiko naman nitong ginagap ang kamay niya habang ang isang kamay ay nasa manibela.
“Sa bahay na lang tayo mag-dinner. Ako na lang ang magluluto para naman makabawi ako sa paghihintay mo sa akin.” Boluntaryo niya.
“Marunong kang magluto?”
“Oo naman. Talent ko yata ‘yon.” Pagmamalaki niya.
“That’s good. Para kapag mag-asawa na tayo personal kang magluluto para sa akin. And I promise you na hindi ako kakain ng ibang luto maliban sa luto mo.”
Hindi niya napigilang mapangiti sa tinuran nito. Nagtatanong ang mga mata nito sa pagngiti niya.
“What?”
“Wala lang masama bang ngumiti?” She inosently asked.
“Hindi naman. Mas gusto ko nangang makita naka-ngiti. Pag masaya ka, masaya na rin ako.”
“Masaya ako dahil kasama kita.” Buong pagmamahal niyang deklara sa binata.
Ito naman ang ngumiti ng may pagkapilyo. “Pakasal na kaya tayo ngayon.”
“Glenn!” Gulat na sambit niya sa pangalan nito. Hindi dahil sa ayaw niyang mapakasal rito, pero napakabilis naman kung magpapakasal na agad sila.
Humalaklak ito sa reaksiyon niya pagkatapos ay hinalikan ang likod ng palad niyang hawak pa rin nito. “Just joking. Pero seryoso ako sa magpapakasal tayo hindi nga lamang ngayon. I want to do it right.”
Nang makarating sila ng bahay ay hindi ito pumayag nma siya lamang mag-isa ang magluto. Nagpumulit itong tumulong sa kanya kahit na anong taboy ang gawin niya rito. In the end wala na rin siyang nagawa kundi pumayag sa gusto nito. Ito ang nagsaing para sa kanila habang siya naman ang nagluto ng uulamin nila. Natuwa siya dahil parang nakikini-kinta na niyang magiging spoiled siyang may-bahay dito.
Kasalukuyan silang naka-upo sa sofa, kakatapos lang nilang kumain. She was enjoying the silence between them. Yakap-yakap siya nito habang siya naman ay nakahilig sa balikat nito. Bahagya pa niyang naririnig ang tibok ng puso nito, tila musika iyon sa kanyang tenga. She playfully run her friends on his chest. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang malalim nitong pagbuntong hininga. Tiningala niya ito.
“Something wrong?” Agad siyang nag-alala. Baka pagod na ito at gusto nang magpahinga.
Bago sumagot ay muli itong nagpakawala ng isang marahas na paghinga. “Kung ako sa iyo ititigil ko na ‘yang ginagawa ko. That’s a bad idea.”
“Ang alin?” Naguguluhang tanong niya. May nagawa ba siyang
mali?
“That.” Sinundan niya ang mga mata nito. Humantong iyon sa mga kamay niyang patuloy na naglalaro sa dibdib nito.
“Oh!” Agad naman niyang naunawaan ang ibig nitong sabihin. Itinigil niya ang ginagawa at piniling humilig na lang sa balikat nito. But then again, she got bored again and rested her palm on his chest. Ramdam niya ang kamay nitong humahaplos sa kanyang buhok and that made her sleepy. Nang muli siyang tumingin sa mga mata nito ay sinalubong siya ng mga titig nito. He gazed at her with so much passion.
Para siyang nahihipnotismo sa pagtitig sa mga iyon. He lowered his lips into hers. Magaan ang halik nito, punong-puno ng pagmamahal at pag-iingat.
Para siyang isang babasaging kristal sa ilalim ng pag-iingat nito. Tinugon niya iyon ng buong puso.
Nagsimulang maglakbay ang kamay nito sa kanyang likod, slowly as if he was teasing her. Hindi niya napigilang mapa-ungol sa ginawa nito. It was all new to her yet her body responded to it with equal fire. Naramdaman niya ang paglayo nito at ang isang malalim na buntong hininga. Nagtatanong ang kanyang mga mata ng tumingin rito.
“I might not stop, sweetheart. You’re too tempting to resist.” Bakas sa boses nito ang ibayong control na ginagawa.
Hinaplos niya ang pisngi nito. “Then don’t.”
Handa siyang ibigay dito ang lahat. She belong to him. Puso, isip, katawan at kaluluwa. Siya na ang kusang humalik dito. He scooped her and continue kissing her until they ended up to her room. Handa siyang isuko ang lahat para rito dahil ramdam ng puso niya na karapat-dapat ito.
Nagising siya sa mabangong amoy na pumupuno sa loob ng kanyang silid. Pagmulat ng kanyang mga mata ay agad na tumambad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Glenn. Titig na titig ito sa kanya na animo’y mawawala sa pagkurap nito. Wala itong pang-itaas at agad na nagbalik sa isip niya ang nangyari kagabi. Namula siya at biglang nahila ang kumot sa kanyang dibdib.
“Good morning!” Nahihiyang bati niya rito. Umupo siya sa
kama kipkip pa rin ang kumot sa kanyang dibdib.
“You made my morning beautiful.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. Napangiti siya sa sinabi nito. May kinuha itong tray ng pagkain mula sa lapag. “Breakfast on bed.”
“H-Hindi mo na kailangang gawin ito, Glenn.” Muntik pa siyang mag-buckle sa sasabihin dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan.
Inilapag muna nito sa bedside table niya ang tray ng pagkain pagkatapos ay hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang naliligaw sa kanyang pisngi. “I want to. Gusto kong pagsilbihan kita.”
“Akala ko ba ako dapat ang mag-aasikaso sa ‘yo?”
“Well, babawi naman ako kapag kasal na tayo, which is kailangan na nating madaliin.” Tumaas-taas pa ang kilay nito at pilyong kumindat sa kanya.
“Ayos lang sa akin ang simpleng wedding.” Pagbibigay alam niya.
Pinisil nito ang ilong niya. “Sa palagay mo ba papayag si Mommy at Daddy, lalo na si Shelley na simple lang ang maging kasal natin?”
“Ikaw ang bahala. Basta ang mahalaga ikaw ang magiging groom ko.”
“Of course. ‘Lika na nga kain na tayo. Baka hindi ako makatiis ikaw ang makain ko.” Pilyong biro nito. Hindi pa man siya nakakailang subo nang tumunog ang telepono sa bedside table niya. Mabilis na sinagot iyon ng binata.
“Hello. Good morning, Shalmai. Yeah, it’s me, Glenn.” Kumindat pa ito sa kanya. “Yep, nandito siya. Sandali lang.”
Pagkalapat na pagkalapat ng telepono sa kanyang tenga ay narinig na niya ang nakabibinging tili ni Shalmai. Bahagya niyang inilayo ang telepono sa kanyang tenga sa lakas ng boses nito.
“Shalmai! Tantanan mo nga ‘yang kakatili mo diyan at baka akalain ng mga kapitbahay mo ay kung napapano ka.” She could imagine her bestfriend jumping up and down while screaming to the top of her lungs.
“Best friend! I’m so happy for you. So, ano kelan ang kasal?” Knowing Shalmai to the next level agad ang utak nito.
Sumulyap siya sa binata. “I’ll let you know don’t worry.”
“Isasabay n’yo na ba ang binyag ng magiging inaanak ko?” Patuloy pa rin ito sa pangungulit sa kanya. At hindi pa man ay nagpri-rinsinta na itong maging ninang.
“Shalmai!” She couldn’t help but to roll her eyes. “Bakit ka napatawag?”
“Anong bakit? Huwag mong sabihing nakalimutan mo?” Naging seryoso ang boses nito.
Natampal niya ang kanyang noo ng biglang maalala ang raket na ibinigay nito. May fashion show kasi na i-norganize ang dating TV station na pinasukan niya at siya ang kinuha ni Shalmai na Stage Manager dahil ito ang Production Manager ng naturang fashion show. At ngayon ang unang araw ng meeting nila.
“Ngayon nga pala ‘yon. Shit!”
“Ay, bruha ka! Masasabunutan kita kapag hindi ka umattend ng meeting. Pumunta ka na doon, paalis na ako ng bahay.” Utos nito sa kanya.
“Okay, magkita na lang tayo don.” Pagkababa ng telepono ay napabuntong hininga siya. Muli na naman siyang aalis at iiwan ang binata, and that made her felt guilty again. Nahihiyang tumingin siya rito.
“Glenn.”
“Gusto mo bang ihatid kita?” Naka-uunawang tanong nito.
She bit her lip. “Hindi ka ba galit?”
“Bakit naman ako magagalit?”
“Nakakainis ka naman, eh!” Pabiro pa niya itong tinampal sa may dibdib.
Tatawa nitong hinawakan ang kamay niya at hinalikan. “O, bakit?”
“Hindi ka ba marunong magalit? O kaya naman mag-demand?”
“Sabi ko naman sa’yo kung saan ka masaya, masaya na rin ako. At alam kong mahal mo ang ginagawa mo kaya naiintindihan ko iyon.”
Umusog siya palapit dito at kinintalan ito ng magaang halik sa pisngi. “Promise, pagkatapos ng theatre season namin magbabakasyon tayo. Kahit saan mo gusto.”
“Pangako ‘yan, ha. Tamang-tama malapit na ang San Juan sa atin. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaka-experience ng
San Juan, doon na lang tayo magbakasyon. Tuloy mamanhikan na kami.” Taun-taon ay inaabangan sa bayan nila ang
San Juan dahil sa parada ng lechon. Isang linggo bago mag-fiesta ng
San Juan ay iba’t-ibang pasaya ang nagaganap sa plaza.
“Sige. Magbabakasyon tayo sa Batangas. Kailangan ko munang sabihin kay Tatay na mamanhikan kayo, ayoko naming biglain sila.”
“Gusto mong ako na lang ang magsabi?”
“No, ako na lang.”
Binalingan nito ang pagkain. “Kumain muna tayo bago kita ihatid.”
“Subuan mo ako.” Paglalambing niya at mabilis naming tumalima ang binata.
“Sarap ba?”
“P’wede na.” Tumango-tango pa siya. Kita niya ang disappointment sa mukha nito sa sinabi niya kaya agad siyang napangiti. “Pwede ka nang mag-asawa.”
“Pwede na pala, eh. Halika na, bilis! Dumirecho na tayo sa simbahan.”
“Ano ka ba, maeeskandalo si Father kapag nagpakasal tayo ng ganito ang hitsura natin.” Itinuro pa niya ang hubad nitong katawan at ang sarili.
“Mas maganda kung isasabay na natin ang blessing ni Father sa magiging baby natin. Palagay mo?” Tumaas-taas pa ang kilay nito at bumadha sa mga labi nito ang isang pilyong ngiti.
She couldn’t help but blush. “Glenn!”
Isang matunog na halakhak lang ang isinagot nito sa kanya na siyang pumuno sa kanyang silid ng umagang iyon.