Napakunot noo ni Michael nang i-search sa google ang pangalan ng nasa I.D. na napulot niya sa bus. Tanging ang liwanag mula sa laptop screen niya ang nagbibigay ng liwanag sa madilim niyang silid. Nasa isang uptown exclusive village ang bahay niya at tanging siya lamang ang naninirahan doon.
“Joana Francisco…One of the youngest Filipino elite chef...candidate of an international culinary competition presented a dish that poisoned two of the contest judges.” Basa niya sa isang article kung saan may nakapost na larawan ng nakangiting dalaga na nakasuot ng chef apparel at dalawang judges na nakahiga sa hospital stretchers. Kunot-noo niyang pinagpatuloy ang pagbabasa at nalamang bagamat napatunayan nang sinabotahe ng isa pang candidate ang ginawang dish ni Francisco, the damage had been done to Francisco’s name. Ito na mismo ang nagresign sa pinagtatrabahuhang 5-star hotel sa
America at umuwi ng Pilipinas.
That was two years ago…Where would I contact that woman so that I could retun this stupid I.D.?
Agad siyang nagsearch sa facebook at doon tumambad ang pangalan at magkamukhang larawan ni Joana Francisco.
Bull’s eye! Kaagad niyang kinopya ang contact number nito sa profile. Hindi pa niya naisusulat ang number ay biglang tumunog ang mobile phone na nasa mesa.
“Hello sweetheart,” Malambing at malamyos na bati ni Vanessa sa kabilang linya.
“Hey, what’s up?” Agad siyang napangiti. Flight attendant si Vanessa at napakaseksi ng flawless nitong katawan. Kaya naman isa ito sa maraming ka-fling niya.
“What’s up with me? What’s up with you? You haven’t called me since last month. Are you free tonight?”
“What if I’m not?” Flirty niyang sagot at muli na namang ngumiti nang nakakaloko.
“Well, you should coz I badly want you tonight. Mine alone.” Narinig niya ang seductive nitong tawa kaya mabilis na niyang kinuha ang susi ng kotse.
“I’m all yours.” Aniya at diretso nang lumabas ng silid tangan ang nag-iinit niyang katawan.
“Halika ka na, sayaw tayo!” Makulit na hinila ni Joana ang nakasimangot na si Trixie sa dance floor ng isang bar. Mausok, maraming tao at nakakabingi ang lakas ng dance music na pinapatugtog sa loob. Palibhasa Night Café kaya marami talagang mga taong gumigimik
sa Divisoria Street ng gabing ‘yon.
“Joana, tama na. Lasing ka na, ang dami mo nang nainom na tequila oh. Ano ka ba?!” Naiinis na hila rin nito sa kaibigan. Palibhasa sa taas niyang 5’7’’ ay mabilis niyang nahatak si Trixie sa dance floor.
“Nope, hindi ako lasing! Napaka-KJ mo talaga! I just want to celebrate! I want to welcome myself to the Single Blessedness World! Wohoo!” Tipsy na si Joana kaya hindi na nahihiyang magsisigaw at kumembot sa dance floor.
“Lukaret ka talaga! Stop it, okay? Hindi ka tatandang dalaga! Halika na sabi eh!”
“Ayoko nga! Let’s dance! Wohoo!” Hinawakan niya ang dalawang kamay ng bestfriend at umikot-ikot pa.
“Hay nako kung sumama lang
sana si Ma’am Carmela, hindi ka malalasing nang ganyan!”
Lumayo nang bahagya si Trixie para kunin ang nagba-vibrate na phone sa bulsa. Nagtatakang sinagot niya ito.
“Ma?...Ano?!...O sige..sige…pupunta na agad ako dyan!” Nag-aalalang binaba nito ang phone.
Nakita ni Joana ang labis na pag-aalala sa mukha ng kaibigan kaya kagyat na nawala ang kalasingan niya at seryoso itong nilapitan.
“Bakit?”
“Si papa, nahulog sa hagdanan. Ewan ko kung bakit! Sinugod daw sa ospital. Joana, I need to go.” Bumalik sila sa bar counter kung saan sila nag-inuman.
“Sure, go ahead.”
“Pa’no ka? Sabay na lang tayo.”
“Ay hindi na. I can take care of myself.”
“Are you sure?” Nag-aalalang tanong nito.
“Oo nga sabi eh. Sige na, go ahead. Okay lang ako dito.”
“O sige..sige. Bye.” Nagmamadaling humalik ito sa pisngi niya at nawala na sa crowd.
“Two shots, tequila please.” Aniya sa lalaking bartender. Napahawak siya sa noo para pigilan ang pag-ikot ng paningin. Yumuko siya sa bar counter at malungkot na ginawang unan ang sariling braso.
“Walang lalaking nagtatagal sa ‘kin…I want to die…I want to die…Ayokong maging old maid…I’m hopeless.” Lasing at lumuluhang kausap niya sa sarili habang iniikot-ikot ang maliit na baso ng tequila na nasa counter.
“I’m on my way. Where are you exactly?” Malambing ang tono ng boses ni Michael habang kausap si Vanessa sa phone at nasa daan ang paningin. “Yeah, I miss you too, babes…Masyado mo na akong pinapa-excite ha.” Tumawa siya nang bahagya at nagpreno. Sobrang traffic kapag ganitong Night Café sa siyudad. Sadyang sinasara ang mga major streets para sa maraming street restos at rtw stores na tinatayo tuwing weekends.
Nang makaalis sa masikip na daan ay agad na siyang lumiko sa isang shortcut route patungo sa isang German Resto kung saan sila magkikita ni Vanessa. Tatapakan na
sana niya ang accelerator nang tumambad sa harapan niya ang isang babaeng nasa gitna ng kalsada. Nakapikit ang mga mata at nakataas ang mga braso na animo’y magpapasagasa. Nahintakutang tinapakan niya agad ang preno ng sasakyan at napagtantong gahibla na lamang ang distansiya ng kotse niya sa binti ng babae.
Nakita ni Michael ang pagdilat ng mata at galit ang mukhang nagpasura-suray na umatras.
“Hoy ano ba! Bakit ka huminto?! Come on, sagasaan mo na ‘ko!” Narinig pa niyang sigaw ng babaeng nasa harap pa rin ng kotse niya. Sinipat niya ang matangkad na babae at kaagad napansing lasing ito. Magulo ang buhok at nakasuot ng maluwang na khaki pants, rubber dollshoes at puting spag strap blouse na pinaresan ng green-colored sleeveless blazer. May nakasabit na maliit na leather bag sa balikat nito.
Kung kanina namangha siya sa kinikilos nito, ngayon ay sinugod siya nang matinding galit nang makitang pinupukpok na nito ang unahang bahagi ng kotse niya.
“Hey, ano ba??! Bakit ka humito??! Sagasaan mo na ako, gusto ko nang mamatay! I don’t want to live anymore. I hate this life! Gusto ko nang mamatay!” Hysteral at lasing na hinahampas nito ang kotse niya.
Mabilis na lumabas si Michael ng sasakyan at galit na pinigilan ang braso ng babae.
“Excuse me miss, what’s wrong with you? Pwede ba umalis ka sa harapan ng kotse ko. Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo ‘kong idamay.” Inis na aniya sa babaeng tumatawang nag-angat ng mukha. Nahigit ni Michael ang hininga nang makilala ang hugis pusong mukha ng babae.
Joana Francisco? Ito ang hinahanap niya sa facebook, ang nakabanggaan niya sa bus at siyang nagmamay-ari ng I.D. na napulot niya!
“Gusto ko nang mamatay. Sagasaan mo na ‘ko, parang awa mo na! Ayoko nang mabuhay!” Parang baliw na humagulgol ang babae at muli na namang pinukpok ang kotse niya.
“Hey, stop it!” Pigil niya sa mga braso nito.
“Stop it ka dyan! Pare-pareho kayong mga lalaki!” Nagulat si Michael nang galit itong humarap sa kanya. “Lahat kayo iniiwan n’yo ‘ko! Ang sasama ng ugali n’yo! Bitiwan mo nga ako! Gusto ko nang mamatay! I don’t want to be an old maid! Sagasaan mo na lang ako!” Umiiyak na kumapit pa ito sa poloshirt niyang suot.
“What? Magpapakamatay ka dahil ayaw mong maging old maid? Are you stupid?” Inis na hinablot ni Michael ang kamay ng babae polo niya. “Mabuti pa miss, umuwi ka na sa inyo.”
“Ayoko! Ayokong umuwi! Bitiwan mo nga ako sabi eh! Saklolo, tulungan n’yo sinasaktan ako ng lalaking ‘to! Sak---“ Mabilis na tinakpan ni Michael ang bibig ng babaeng kanina pa nagwawala. Inis na hinawakan niya ang bewang nito para hindi na ito maglupasay sa kalsada. Huli na para pagsisihan ang ginawa dahil lahat ng dumadaang tao sa lugar na ‘yon ay masama na ang tingin sa kanya.
“Hoy lalaki, anong ginagawa mo sa babaeng ‘yan ha! Baka gusto mong masumbong. Malapit lang ang presinto dito.” Malakas na turan ng isang patpating matandang babae na nagtitinda ng sigarilyo sa tabi ng daan. Nakaagaw ito ng atensyon ng maraming bystanders doon.
“Ahhh…wala ho akong ginagawa sa kanya, ale. Girlfriend ko ho ito, nasobrahan ng alak. Ito, nalasing.” Tiim bagang ngunit nakangiting turan niya hawak-hawak pa rin ang nagpupumiglas na babae.
“Naku, girlfriend mo ba talaga, baka ina-abduct mo na ang babaeng yan ha!” Narinig niyang sabat ng isang ginang na naghihintay ng jeep sa tabi ng daan. Marami na agad ang nagbulungan kaya pasimple siyang nagpa-cute.
“Naku, hindi ho, girlfriend ko ho talaga ang babaeng ‘to. Ahh..honey, halika ka na, uwi na tayo ha.” Bagamat sobra ang inis na nararamdaman, nagawa pa rin niyang gentleman na ipinasok sa front seat ang nagsisigaw na babae, nginitian ang mga bystanders at mabilis nang pinaandar ang kotse palayo sa lugar na ‘yon.
Parang sasabog ang ulo ni Michael sa sobrang pagkainis. Hindi na nga niya nasipot ang ka-date, nakatagpo pa siya ng babaeng umiiyak na parang bata sa passenger’s seat ng kotse niya.
“Hayop ka Glen! Matapos kitang mahalin nang sobra-sobra basta mo na lang akong iiwanan? Pinagpalit mo pa ako sa pukpok na babaeng ‘yon! Ano nang gagawin ko ngayon ha? Magiging old maid na talaga ako! Hindi na dadami ang lahi ko dito sa mundo…Wala na akong pag-asa. Tatanda na akong nag-iisa!”
“Pwede ba miss, tumahimik ka! Kanina pa natuturete ang tainga ko sayo eh! Hindi ko na nga nasipot ang ka-date ko, muntik pa akong makulong dahil sayo! Tell me your address para maihatid na kita at para matahimik na ang gabi ko!”
“Idiretso mo na lang sa
Marcos
Bridge. Ihulog mo na lang ako sa ilog! Sige na, mister! Aray!!!” Malakas na tumama ang ulo nito sa dash board dahil sa mariing pagpreno ni Michael.
“Shut up! Give me your address.” Nagtitimping hinalungkat ni Michael ang bag ng babaeng lasing na nagkakamot ng namamagang noo.
May nakitang I.D. si Michael sa wallet nito kaya mabilis niyang hinablot at naghanap ng address.
“Damn it, ang layo naman pala ng bahay mo. Gagastos pako ng pang-gasolina. Kapag minamalas ka nga naman, Michael.” Malakas na turan ng binata sa sarili at nagngingitngit na pinaandar muli ang kotse.
“Aray…ang sakit ng noo ko,” parang batang daing ng lasing na babae.
Mag-aalas dos na ng gabi nang maiparada ni Michael ang kotse sa tapat ng isang two-storey apartment na 45-minute drive mula sa city proper. Nasa loob ito ng isang subdivision. Tahimik ang paligid at nakikita niya mula sa mga street post na magaganda rin ang disenyo ng mga bahay doon. Nilingon niya ang kanina pa tulog na babae. Napailing siya nang mapansing kumilos ang bibig nito na para bang may sinasabing hindi maintindihan.
“Miss, nasa tapat na tayo ng apartment na nakasulat sa I.D. mo. Gumising ka na dyan.” Tinapik niya ang balikat nito at nagulat pa siya nang mabilis na hinampas ang kamay niya.
“Ano ba? Natutulog ang tao eh!” Napahilamos sa sariling mukha ang binata sa sobrang inis na tinitimpi. Kaagad siyang bumaba ng sasakyan, binuksan ang front seat at sapilitang pinababa ang naalimpungatang babae.
“I have enough of this, masyado mo na akong pinupurwisyo. Baba!” Kahit sobra na ang inis niya hindi pa rin niya magawang mang-harass ng babae kaya dinadaan na lang niya sa salita ang lahat.
“Aray…nahihilo ako…”
“Tumigil ka dyan. Give me the key.”
“Key? Anong key?”Lupaypay na tanong nito. Kulang na lang yakapin niya ang babae para makalakad lang. Nilapitan ni Michael ang metal gate. Bukas kaya tumigil siya sa pag-alalay dito.
“Hanggang dito na lang ako. Pumasok ka na,” salubong ang kilay na turan niya. Saka pa niya napansin na gahibla na lamang ang layo ng mukha ng kanilang mga mukha. Nakapulupot ang mga braso niya sa katawan nito kaya mabilis niyang naramdaman ang pag-init ng katawan nang maramdaman ang dibdib nito sa katawan niya.
Naaamoy pa niya ang baho ng tequila sa hininga ng babae. Ngayon lang niya napansin na ito na yata ang may pinakanatural na mapupulang labi na babaeng nakita niya.
Para bang kay sarap halikan ng labi nito na bahagya pang nakabuka.
She’s not that ugly…stupidly charming. Turan ni Michael sa isipan.
“Nahihilo ako camote ka…” Ungol nito at bigla na lang sumuka sa mismong poloshirt niya.
“Oh, double shit!” Mariing mura ni Michael nang maramdaman ang mainit na likido sa damit niya at nang maamoy ng sinuka nito.
Matamis na napangiti si Joana sa masuyong paghapit ng isang lalaki sa kanyang bewang. Nilingon niya ang lalaki sa kanyang likuran at napagmasdan ang maninipis nitong labi at mapuputing ngipin na para bang para sa kanya lamang ang ngiting ‘yon.
She can smell the scent of flowers around her. Napakaraming bulaklak sa paligid at napakapresko ng hangin. Humarap siya rito at masuyo niyang sinapo ang magkabilang pisngi ng napakaguwapong lalaki.
“I love you, honey…” Malambing nitong sabi.
“I love you too…I love you too,” narinig rin niya ang sariling tumugon.
Suddenly, the flower field was gone…the scents vanished. Pumalit sa kanyang paningin ang pamilyar na kabuuan ng kanyang silid.
Same old dream again. She said to herself dissapointedly.
Pero hindi nawala ang mukha ng lalaking hinahawakan niya. At dahan-dahan na itong nagmumulat ng mata.
Holy Cow! Sino ‘to?! Katabi niya sa
kama at walang saplot sa katawan?!
“Ahhhhh!!!!!” Hysterical na bumangon si Joana at mabilis na hinila ang dilaw na kumot sa katawan niya. Bagamat nakapants siya, wala siyang pang-itaas na damit maliban na lang sa black strapless niyang bra.
Gulat na gulat na nabalikwas rin ng bangon ang lalaking wala ring damit pang-itaas. Gulong-gulo ang buhok nito at nanlalaki ang matang napatingin sa kanyang pagtitili. May kababalaghang nangyayari! Bakit nabuhay ang lalaking madalas niyang nakikita sa panaginip niya?
“Sino ka?! Sino ka?! Bakit ka nandito sa silid ko!” Sa sobrang kaba niya ay napatayo siya sa sariling
kama habang dinuduro ang lalaking tiim-bagang na napakamot ng ulo. “Anong ginawa mo sa ‘kin ha?! Rapist ka! Rapist!” Nagsisigaw siya sa sariling silid.
“Calm down, okay! I can explain! For Christ sake, Joana. Baka may makarinig sayo sa baba!” Tiim bagang na turan nito trying to reach out for her pero agad siyang lumayo rito.
“Joana? Bakit alam mo ang pangalan ko? I can’t remember meeting you! My God, anong ginawa mo sa ‘kin? Stalker ka no? Saklolo, tulungan n’yo ‘ko may stalker at rapist dito!!!”
“Of course not! Hindi ako rapist! Wala akong ginawa sayo. Kung ayaw mong itali kita dyan sa
kama mo ngayon, tatahimik ka at makikinig ka sa explanations ko!”
“Ayoko! Ayoko! Saklolo!” Nagtatalon niyang tili. Nanlaki ang mata niya nang hilahin siya nito pababa ng
kama. Mabilis namang dumapo ang kamay niya sa pisngi nito.
“Outch! What’s that for?”
“Dahil bastos ka! Walang hiya ka, bakit wala tayong mga damit ha?!” Yakap-yakap pa rin niya ang kumot sa katawan.
“Ang lakas ng loob mong manakit ngayon ha. Can’t you remember what happened last night? You were drunk to death! You were trying to kill yourself.
Para kang baliw na tumayo sa gitna ng kalsada hoping somebody would just hit-and-run you! Unfortunately, ako ang malas na taong ayaw sumagasa sa baliw na katulad mo. I was forced to bring you home because if I wasn’t malamang nakakulong na ako sa kasong abduction. You know why? Because you were shouting like a raped woman last night. And guess why we have no clothes right now? Iyon ay dahil sumuka ka sa damit ko kagabi. Napilitan akong hubaran ka dahil para ka nang baboy sa sobrang baho.” Mahabang paliwanag ng nagtitimping lalaki sa harapan niya.
“Ngayon Miss Joana Francisco, sabihin mo sa akin kung may karapatan ka bang paratangan at sigawan ako ngayon sa kabila ng lahat ng pagmamagandang loob na ginawa ko sayo.”
Parang umurong ang dila ni Joana sa lahat ng narinig. Gusto na niyang lamunin ng lupa sa mga oras na iyon dahil aminin man niya o hindi para nang totoo ang sinasabi nito.
“Ka..kahit na!”
“Ano?”Inis na napakunot noo ang binata.
“Kahit na matulog akong parang baboy dyan, wala ka pa ring karapatan na hubaran ako, camote ka! Kung ganun, nakita mo ang lahat!”
“Hoy miss, hindi ko type ang katawan mo. ‘Di hamak namang mas marami na akong nakitang mas magagandang katawan kaysa sayo.”
“Kapal mo! Get out of my place right now!”
“Bago mo ‘ko paalisin, may dapat kang malaman.”
“Kung tungkol lang yan sa nangyari kagabi, ayoko nang marinig!”Parang batang nagtakim siya ng dalawang tainga. The blanket automatically fell on the floor showing her bare upper body.
“Ahhh!!!! Huwag mong tignan. Napakamanyakis mo talaga! Get out! Get out!” Nagwawalang pinaghahampas niya ang braso ng umiilag na binata dahilan ng pagkaka-out of balance niya. Nanlalaki ang matang napatukod siya sa katawan ng lalaki at mabilis na silang natumba sa ibabaw ng
kama.
Pakiramdam ni Joana gustong sumabog ang ulo niya sa sobrang kaba at hiya sa ayos nila. Nasa ibabaw siya ng katawan nito. Nalaglag na ang kumot niyang hawak at magkadikit ang mga dibdib nila! Their eyes met for a while and all of a sudden she felt her body burst into flame.
“Joana?”
Sabay na napalingon sina Michael at Joana sa narinig na nagsalita. Kahit nakakatawa ang ayos nilang dalawa, hindi pa rin maiwasan ni Michael na matuwa at lihim na magnasa sa makinis na katawang nakapatong sa kanya ngayon.
“Mom! Dad?!” Automatikong napatayo ang namumulang si Joana nang mapagsino ang mga nakatayo sa may pintuan ng silid. Maski siya ay nahihiyang napatayo na rin at kinakabahang napatiim bagang.
“My little princess! I miss you!”
“Come here, baby. Kiss your daddy.”
Masayang sinugod ng yakap at halik ang dalagang namumula ang mukha at mahigpit ang hawak sa kumot na nasa dibdib. Tantiya ni Michael nasa lagpas 60 na ang edad ng dalawang matanda.
“Mom, ka..kailan pa kayo dumating? Bakit hindi kayo nagpasabi?” Nag-aalalang turan ng dalaga na napasulyap sa direksyon niya.
“We really planned to surprised you, little princess. Pero ang lagay, parang kami pa ang nasorpresa,” masayang sinulyapan ng ina nito si Michael. Mukhang alam na ng binata kung saan nakuha ni Joana ang cute at malalalim na dimples nito sa gilid ng bibig.
“Mom…Dad, it’s not what you think. I can explain!” Nag-aalalang napahawak ang dalaga sa mga magulang.
“No need to explain, anak.” Nakangiting nilapitan siya ng matangkad ngunit matabang daddy nito. Halos magkasing taas lang sila sa height na six feet. Kung ganun nakuha ni Joana ang mga mata mula sa ama. “I bet ikaw si Michael?” The old man shook his hand and embraced him tightly. “
Aba, little princess, bumubuti na ang taste mo sa mga lalaki ha.” Tumawa pa ito at tinapik siya sa balikat.
“It’s so nice meeting you, hijo! Give your future mother in law a hug!” Malambing din siyang niyakap ng mama ni Joana.
“Future mother in law? Mom, wait! I can’t understand. Bakit n’yo siya kilala?” Nalilito at nati-tense na sabat ni Joana.
“Little princess, ang dami mong tanong when it’s you who is so secretive with your life. Mabuti na lang umuwi kami ng daddy mo dahil kung hindi, hindi namin makikilala ang lalaking magtatanggal ng sumpa sa pamilya natin. I want to scold you. Bakit ka naglasing kagabi ha? Mabuti na lang may Michael ka dito who can take care of your mess!”
Nakita ni Michael kung paano malaglag ang panga ni Joana.
“Huwag mo nang pakawalan ‘tong si Michael, ang swerte mo sa boyfriend mo.” Segunda ng ama nito.
“What???!!”
Napahilamos sa sariling mukha si Michael sa lakas ng bulalas ng dalaga. Kulang na lang iluwa nito ang mga mata sa sobrang pagkalito.