“Outch!” Napangiwi si Joana nang mapaso ang labi sa init ng kapeng iniinom. Inis na binaba niya ang tasang hawak at nangalumbaba sa maliit na dining table ng kitchen niya. “What’s happening to the world, Joana? This is not actually happening, right?”
Naalala niya ang magulong pagsisimula ng kanyang araw at ang nakaka-stress na pag-uusap nila ng mom at dad niya.
“Seryoso ba kayo?!” Gulat ang mukhang tanong niya sa mga magulang habang nag-aalmusal sila sa apartment niya. Pagkatapos niyang sapilitang palayasin ang lalaking hindi man lang niya natanong ang pangalan ay agad na siyang nagbihis at humarap sa mga magulang.
“Joana, bakit ba mukhang hindi ka naniniwala sa mga sinasabi namin?” May himig pagkainis na sa boses ni Fernan, ang kanyang ama. Kahit na retired
U.S. Navy at puti na halos ang buhok ay palangiti at masigla pa rin itong kumilos. “Totoo nga, your mom underwent a major heart bypass operation in
New York!”
“Eh bakit hindi n’yo man lang sinabi sa akin. Para namang hindi naimbento ang telepono sa pinaggagawa n’yo eh. Kapag tumatawag naman ako kay Ate Cath sa New Jersey, palagi niyang sinasabing nagku-cruise daw kayo. Hindi naman niya sinabing nag-cruise pala kayo sa ospital.” Aniyang nakasimangot ang mukha.
“Little princess, we don’t want to bother you. Ayoko namang maunsyami ang paghahanap mo ng prince charming dahil lang sa operation ko. Kung nalaman mo ba, hindi ka lilipad agad papuntang
New York?”
“Eh pa’no kung hindi naging successful ang operation n’yo, eh nagulat na lang ako dahil minumulto n’yo na ako.” Parang batang maktol ni Joana na nagpatawa sa dalawang matanda.
“Hay Joana, you never fail making us laugh. Kaya nga nagpasya na kami ng mommy mo na magbakasyon dito sa Cagayan. Napakasariwa ng hangin and of course makakasama namin ang bunso namin, ‘di ba langga?” Masayang turan ng ama.
“But of course! You just don’t know how happy I am right now lalo na dahil nakikita kong hindi ka na matutulad sa Ate Cath mo. Tamang tama ang dating namin ng dad mo, ako mismo ang magiging punong abala sa wedding ninyo ni Michael!” Excited na turan ni Luisa.
“Kasal?! Pero mom, hindi po ako magpapakasal sa lalaking ‘yon! Ayan na naman kayo eh, pinapangunahan n’yo na naman ang desisyon ko.” Nakita ni Joana kung paano nag-shift ang mukha ng ina. Automatikong napalis ang ngiti nito at malungkot na napatingin sa asawa.
“Oh I…I’m sorry. I just thought I can help you out.” Napapikit si Joana nang makitang gumagaralgal na ang boses ng inang napakababaw ng luha.
“Joana, hindi mo dapat pinasasama ang loob ng mommy mo. She just survived an operation and the doctor said she should not be depressed. Ano ka ba naman? You should be thankful dahil sa lahat ng naging boyfriend mo, si Michael lang ang nagustuhan namin at the first glance. Hayaan mo ang mommy mo ha,” malumanay na payo ni Fernan na panay ang himas sa balikat ng humihikbing asawa.
“Pa’no naman kami magpapakasal, hindi ko nga alam ang cellphone number ng lalaking ‘yon eh,” mahinang bulong niya sa sarili at helpless na ginulo ang wavy na buhok sa harap ng mga magulang.
“Pa’no ko siya hahanapin?! Anong gagawin ko!!!!” Inis na sigaw niya sa sarili at iniuntog ang ulo sa dining table. Narinig niya ang ringing tone ng kanyang cellphone na kanina pa tumutunog. Napabalikwas siya ng tayo at tarantang hinanap ang telepono.
“Cellphone ko!”
Wala sa bedside table at shoulder bag niya. Kulang na lang baligtarin niya ang
kama para mahanap ang kanina pang tumutunog na bagay. Nagkalat na ang unan at bed sheet sa sahig saka pa niya nakapa ang hinahanap sa pantalong suot kahapon.
“Hello!” Hinihingal na bati niya sa ‘di kilalang numero.
“Joana Francisco. This is Michael Castillo.” Baritonong bungad ni Michael sa telepono. Nasa sariling office siya ng hapong ‘yon at hanggang sa mga oras na ‘yon hindi pa rin siya mapakali sa nangyari buong araw. Kaya minabuti na niyang tawagan ang babaeng kanina pa hindi maalis sa isipan niya in a very negative way.
“Magkita tayo, ngayon din!”
Mabilis na inilayo niya ang telepono sa tainga sa lakas ng boses ng babae.
“Well, we should! Dahil puro kamalasan na lang ang nangyari sa akin simula nang makasalubong kita kagabi.” Nagtitimping sagot niya. Narinig niyang napasinghap ang babae sa kabilang linya.
“At ako pa ang malas ngayon? Eh ‘kaw nga ‘tong natulog sa
kama ko, kilala ng mga magulang ko at naging boyfriend ko nang hindi ko nalalaman!!!!”
“I was about to explain this morning but you never listened. You kept on shouting at me and you even attacked me, crazy woman! Meet me at MichaelAngelo Resto one hour from now. Alam mo na siguro kung nasa’n ‘yon!”
Inis na binaba ni Michael ang telepono. Kanina pa nauubos ang pasensiya niya sa freak na babae.
Wala pang isang oras ang nakakalipas, natatanaw na ni Michael ang papalabas na si Joana sa kulay pink nitong Beetle car sa tapat mismo ng resto niya sa kahabaan ng Rosario Archade. Nakasuot ito ng longsleeve bolero, pregnant style blouse, khaki pants at nakasuot rin ito ng white cap.
Cute…but not sexy. Komento ng binata sa isipan. Bagamat agad ding kumontra ang isang bahagi ng utak niya. With those cute dimples and rosy cheeks, hindi niya maitatangging maganda nga ito.
“You better start explaining now!” Mabilis naglaho ang good features ni Joana sa kanyang isipan nang padabog at walang ka-finesse-finesse itong umupo sa harapan niya. They are seating in a two seater table with an attached umbrella outside the resto.
“I accidentally answered a call from your phone last night.” Seryoso siyang nagsalita at tinignan ng diretso ang namimilog na mga mata ni Joana. “Ganito kasi ‘yon…..”
“Yuck!” Nandidiring tinulak ni Michael ang tulog nang babae sa malambot nitong
kama at mabilis na naghubad ng nasukahang poloshirt. Gumawa ng ingay ang pagkakahulog ng bukas na bag nito sa sahig. Agad naglabasan ang mga gamit na nasa loob nito.
Hindi iyon pinansin ng binata bagkos nilibot niya ng tingin ng kabuuan ng silid. Kahit madilim iyon ay kitang-kita pa rin niya kung gaano kagulo sa loob kung saan walang division ang kusina at maliit nitong sala. Kanina pa rin nananakit ang braso niya sa ginawang pagbubuhat sa babae patungong second floor.
Nakakalat ang mga damit, magazines, at libro sa sahig. Marami ring hindi nahugasang plato sa sink nito. Napapailing na nilingon niya ang naghihilik na babaeng nakatihaya sa
kama.
“She’s really unbelievable. Naturingan pa namang chef, napakaburara.” Inis na bulong niya sa sarili. Agad siyang napatigil sa pagkilos nang may maalalang babae na hindi rin nag-aayos ng silid.
Pinatong niya sa bed side table ang kanyang damit at hinanap ang switch. Hahakbang na
sana siya nang biglang may marinig na matinis na tili ng isang babae na parang sinasakal. Sa sobrang gulat ay natapakan niya ang nagkalat na mga gamit mula sa bag nito.
“Damn it!” Tiim bagang niyang mura nang mapansing natapakan niya pala ang cellphone ng babae. Automatikong tumigil ang matinis na boses na siya palang ringing tone ng telepono. Nalilito niya itong pinulot at tinignan ang screen. He stepped on the receive call button!
“Hello little princess! Hello? Joana? Si mommy mo ‘to.” Masayahing boses ng matandang babae ang narinig niya sa kabilang linya.
Hindi niya alam kung icacancel niya ito o hahayaan na lang ng ganoon. Pero kalaunan ay nanaig pa rin ang respeto niya sa matatanda.
“Ahhh…hello po.”
“Joana, bakit naging boses lalaki ka?!” Exaggerated nitong tanong.
“Hindi po ‘to si Joa—“
“Oh my God!! So you mean boyfriend ka ng little princess ko? Langga, guess who’s on the line? Boyfriend ni Joana!”
“Ahh..excuse me po, hindi---“ Nati-tense na awat niya sa madaldal na matandang tila may ibang kausap sa katabi.
“What’s your name, hijo?”
“Michael Castillo po.” Tumili na naman ang babae na lalong nagpakaba sa kanya.
“Nasa’n ang little princess namin, Michael ha. Magkasama pala kayo ng anak ko ngayon.”
“Opo, pero…pero…hinatid ko lang ho sa apartment ang anak ninyo…lasing po kasi siya.” Napapapikit si Michael dahil sa inis sa sarili. Nagkakabuhol-buhol ang dila niya gayong kailangan niyang itama ang iniisip nito ngayon.
“Ano na namang kalokohan ang ginawa ni Joana. Naku, batang yan talaga, napakapasaway! Mabuti na lang nandiyan ka hijo para mag-alaga sa anak namin. Tamang-tama, kararating lang namin ng daddy niya galing
New York. We will visit the two of you first thing in the morning---“
“Pero---“
“Sige na Michael, see you tomorrow. Hindi ka na namin didistorbohin sa gagawin ninyong dalawa ngayon.” Kinikilig pang tumawa ito. “Thanks God, hindi na tatandang dalaga ang anak natin, langga.” Excited nitong turan sa animoy katabi nito. “Bye Michael, see you tomorrow!” Anito at nawala na sa linya nang hindi man lang siya nakapagpaliwanag.
“If you have no choice, bakit hindi ka umalis sa apartment ko para hindi ka na nila naabutan kaninang umaga?!” Sagot ng dalaga na mataas ang boses.
“Can you please lower down your voice? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito o.”
“I don’t care! As if naman ang dami ng taong kumakain sa bulok na restaurant na ‘to.”
Agad napataas ang kilay ni Michael sa sinabi nito ngunit pinili niyang magtimpi.
“Look, I’m sorry. Sa pagod at antok ko, hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako sa
kama mo.”
“Oh God!
Sana sinagasaan mo na lang ako kagabi kung ito pala ang mangyayari ngayon! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha?! Ipapakasal na tayo ng mga magulang ko! Oh God, kunin mo na ako!” Parang itong sira-ulong tumingala sa langit.
“What? For God’s sake, may pinagmanahan nga ang babaeng ‘to.” Mahinang bulong niya sa sarili.
“Ano?! Akala mo hindi ko narinig ‘yon ha! Mom just survived a major heart attack. At dahil nga major ‘yon, hindi siya pwedeng malungkot o bigyan ng problema. Ayaw niya kasing tanggapin na parehong old maid ang dalawa niyang anak. As much as I wanted to explain everything, takot akong atakihin ulit siya sa puso
gaya ng ginawa ko noon sa kanya. The doctor said one more major heart attack, mawawalan na ako ng nanay. And obviously Mr. Castillo, ayokong mangyari ‘yon.”
Nakalarawan sa mukha ni Joana ang labis na frustration at pag-aalala.
“So what are you trying to point out, Ms. Francisco?” Matiim niyang tinitigan ang dalaga.
“Kahit hindi ko gusto, hihingin ko
sana ang tulong mo,” tila nahihiyang anito. “I can’t think of any other option. Isa lang ang naisip kong solusyon sa lahat ng ‘to sa ngayon. And that is magpapanggap kang boyfriend ko until I can gain strength and courage na ipagtapat sa parents ko na hindi na talaga sila magkakaapo.”
“Ano?! Are you out of your mind? Ni hindi nga kita kilala. Matapos kitang tulungan kagabi at hindi man lang nakatanggap ng thank you mula sayo, do you honestly think papayag ako sa gusto mo? I’m sorry pero hindi pa ako nababaliw katulad mo.” Inis at ‘di makapaniwalang napatayo si Michael mula sa kinauupuan at matapos tignan nang masama ang babae ay pumasok na sa loob ng restaurant.
Nalaglag ang panga ni Joana sa pagwo-walk ng mayabang na lalaki. Pumasok ito sa loob ng resto kaya nagmamadali niyang sinundan ito.
“Michael please, pumayag ka na. Madali lang naman eh, magpapakita ka lang sa kanila paminsan-minsan. Uuwi rin naman sila ng
New York next month.”
“No.” Mariing tanggi nito at inis siyang hinarap.
“Sige na naman, natatakot akong atakihin ulit si mommy eh. Kumbinsido talaga siyang ikaw ang boyfriend ko.”
If it wasn’t for her mom, she will not stand and plead in front of this arrogant guy.
“No! And it’s final.”
“What do you want me to do to convince you? Ano? I’ll pay for your service! Magkano ba ang gusto mo?”
“What?? Parang ang sanay-sanay mo nang magbayad ng lalaki ah. The answer is still no!”
“Pleeeaassseee!!!!”
Namilog ang mga mata ng binata nang makita siyang bigla na lang lumuhod sa harap nito habang nakadipa ang kanyang mga braso. Bilang nasa gitna sila ng restaurant, kaagad silang nilingon ng dalawang baklang masayang nagchi-chikahan doon at ng matandang tahimik na nagkakape sa sulok. Natigilan din ang dalawang waitress at isang bartender sa lakas ng boses ni Joana.
“What the hell! Can’t you understand? Tumayo ka dyan bago pa ‘ko maubusan ng pasensya sayo.” Nakatiim bagang nitong turan at nilingon ang mga taong nakatutok pa rin ang tingin sa kanila.
“Hindi! Hindi ako tatayo dito hangga’t hindi ka pumapayag sa hinihiling ko. Please Michael, gagawin ko ang lahat ng ipapagawa mo, pumayag ka lang. I’m helpless and always hopeless. Maawa ka naman sa akin. Please!!!!!” O.a. na kung o.a., wala siyang pakialam kung pagtinginan sila ng lahat ng tao roon sa lakas ng boses ng pagsusumamo niya.
“You’re unbelievable! Importante ba talaga ang presence ko para lang lokohin mo ang parents mo?” Nakapamewang na asik ng binata.
“Hindi ko sila niloloko! I’m just saving them from a tremendous depression. Kung desperado ako, mas desperada ang mommy ko kahahanap ng lalaking ipapakasal sa akin. Kaya please, pumayag ka na. I’ll do everything!”
“Sir Michael, pumayag na kayo. Maawa naman kayo kay Madam.” Nangingiting sabat ng waitress na si Yumi at kinikilig na siniko ang kasamahang cashier na si Michelle. Tinignan muna nito nang matalim ang dalawa bago siya sagutin.
“Gagawin mo ba talaga ang lahat para mapapayag lang ako?”
“Gago ka ba? Oo naman, luluhod ba ako sayo ngayon kung hindi!”
“Kung ganun, papayag ako sa gusto mo kung papayag ka ring maging chef ng restong ito.”
“Ano?!” Mabilis siyang napatayo sa sobrang gulat saka inilibot ang tingin sa dull colored interior ng resto. “So you mean, you own this boring resto?”
Kaagad napabungisngis ng tawa ang lahat ng resto staff sa sinabi niya na ikinalukot ng mukha ni Michael.
“At bakit mo alam na chef ako?” Buong pagtatakang tanong niya sa lalaking may kinuhang bagay sa bulsa ng slacks nito saka inabot sa kanya.
“Unfortunately, nabangga mo‘ko sa loob ng bus at nahulog yan galing sa bag mo. That explains why I know you’re name and not because I’m your stalker like what you thought. Ang babaw naman yata ng taste ko kung kaw lang din ang kababaliwan ko.”
Napabuka ang bibig ni Joana sa kayabangan ng lalaki at litong napatingin sa I.D. niyang nasa palad.
The nerve!
“So ano, pumapayag ka na ba sa kondisyon ko?” Napatiim bagang siya nang makita ang tila ngising nasa gilid ng bibig ng binata.
“Hindi ka rin swapang ano? Sige, payag na ‘ko. Call!” Inis niyang asik rito.