Your Story Haven
share your stories online
Miss Gem Page      michaelangelo06
MichaelAngelo
by Miss Gem
 
 
Chapter Six
 
 

          “Is it true?” Nabigla si Michael nang padabog na inilapag ni Maricar ang folder sa kanyang mesa. Dire-diretso itong pumasok sa kanyang opisina at galit ang mukhang namewang sa kanyang harapan.

          “What?” Maang na niya at itinigil ang ginagawa sa harap ng laptop.

          “Am I the only person here who doesn’t know that you and Joana were all along lovers? Pinag-uusapan ng lahat ng staff mo rito ang nakita nilang eksena kahapon. How dare you do this to me, Michael!”

          “What? I don’t need to explain anything to you. Alam mo naman kung ano ang papel mo sa buhay ko.” Patay malisyang tugon niya. Magsasalita pa sana siya nang bigla na lang bumukas ang pinto at excited na pumasok ang napaka-sophisticated na si Vanessa kasunod si Joana na labis na nagpakaba sa kanya.

          “Sugar! I missed you!” Confident itong lumapit sa kanya at bago pa siya nito mahalikan sa labi ay agad na siyang tumayo.

          “Vanessa, why are you here?”

          “I intentionally came here to see you. Your chef is so nice to send me in. I miss you Sugar!”

          “Sugar?” Taas kilay na lumapit si Maricar sa babaeng kaagad natigilan sa panghi-head to foot ni Maricar. “Sino na naman ‘to, Michael? Another fooled woman who doesn’t know where she stands in your life?”

          “What are you talking about? Girlfriend ako ni Michael!” Inis na sagot ni Vanessa.

          “Wake up, girl! The chef who just sent you in is his fiancĂ©e.”

          “What?! Michael?”

          “If I were you, hindi ko na sasayangin ang panahon ko sa lalaking hindi lang manloloko, sinungaling pa.” Matigas na turan ni Maricar, tinignan nang napakasama si Joana at padabog na lumabas ng opisina.

          “Totoo ba ang sinabi ng babaeng ‘yon, Michael?” Naiiyak na hinarap ni Vanessa ang pinapawisang binata.

          “I’m sorry, Vanessa. It just happen.” Tensyonadong sagot niya ito. Mabilis siyang tinulak ng galit na galit na babae.

          “Both of you can go to hell!” Bulyaw nito sa kanilang dalawa ni Joana at umiiyak na lumabas.

          Naikuyom ni Michael ang palad nang inis siyang tinignan ni Joana sa mga mata matapos ang pagwo-walk out ng dalawang babae.

          “Buti nga sayo. ‘Yan ang napapala ng mga playboy na katulad mo! Makarma ka sana!” Inirapan muna siya nito bago tuluyang iwan doon.

          Napahilamos ang binata sa sariling mukha at inis na sinipa ang swivel chair. Naiinis siya hindi dahil nawala sa kanya sina Maricar at Vanessa kundi dahil masyado nang dumudumi ang pagtingin ni Joana sa pagkatao niya.

          Damn it! Why is this role playing affects me so much, Joana? And why am I so pissed off thinking how you perceive me?

 

          “Trixie!!!!” Mabilis sinugod ng yakap ni Joana ang bestfriend na nakitang pumasok ng resto pagkagaling niya sa opisina ni Michael.

          “Huwag mo nga akong yakapin! Galit ako sayo.” Kunwaring inis siyang itinulak nito.

          “Bakit?”

          “Nakakahiya ka talaga! Nag-resign ka sa ‘Thai Me Down’ tapos dito ka lang pala lilipat sa…” Nilibot muna ni Trixie ng tingin ang dining area. “sa boring at walang ka-art art na pipitsuging French Resto kuno? Hindi lang pala sa mga lalaki ka walang taste, pati rin sa working environment mo.”

          “Grabe ka naman makapanglait! Hindi mo ba nakikita close kami ngayon kasi binabago ang interior design.” Hinila niya ang kaibigan sa bar counter. Umismid lang ito at tinignan ang tatlong taong abala sa pagre-rearrange ng mga upuan at wall decorations sa dining area. “Punta ka ulit dito sa re-opening the week after next ha. With new improved menus and proper advertisements, siguradong dudumugin na ang resto na ‘to.”       

          “Maliban ba sa pagiging chef mo dito, kailangan mo ring magpanggap na boyfriend mo ang Michael Castillo na ‘yon?” Mahina ngunit may riing anito. Automatikong nalaglag ang panga niya sa tanong ng bestfriend.

          “Ba…Bakit mo nalamang nagpapanggap lang ako?” Kabadong aniya.

          “Naku, sinasabi ko na nga ba eh! So tama pala ang hinala ko na walang katotohanan ang sinabi ni Ma’am Carmela na boyfriend mo ang boss mo dito! I know you, my friend. Ano na namang kalokohan ang pinasok mo ha?” Namewang pa ito sa kanyang harapan.

          “Teka, paano nalaman ni Tita Carmela ang tungkol kay Michael? Oh my God! Baka nagkita na sila ni mommy at binuking ni Tita ang tungkol kay Glen! Sinabi ko pa namang one year na kami ni Michael. Naku patay! Patay talaga!” Magkapatid ang ina at si Tita Carmela kaya hindi malayo ang posibilidad na ‘yon.

          “As if naman hindi ka kilala ng tiyahin mo. Unang buka pa lang ng bibig ni Ma’am Luisa tungkol sa Michael na ‘yan, lihim na kaming nagtinginan ni Ma’am Carmela. I was there ‘nong pumunta ang nanay mo sa resto. Huwag ka nang tumambling dyan, ang mabuti pa you tell me what’s this strange deception all about!”

          “Joana?” Napalunok ng laway si Joana nang bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan si Michael na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Trixie.

          “Friend, don’t tell me this is Michael Castillo. Hm, gwapo naman pala. Now I’m not wondering-“

          “Trixie!” Napapahiyang siniko niya ang madaldal na kaibigan.

          “Hi Michael, I’m Trixie, Joana’s bestfriend.” Confident at nakangiting inilahad nito ang kamay sa binata.

          “Hello Trixie. It’s a pleasure meeting you.” Magalang na nakipagkamay ang binata.

          “Since nagkakilala na kayo. Let’s go the kitchen at ikukuwento ko sayo kung pa’no ko naging boyfriend ang mayabang at playboy na si Michael Castillo.” Inis niyang inirapan ang binata at hinila na sa loob ng kusina ang kaibigang bagama’t nagtaka sa sinabi niya ay hindi na lamang nagsalita.

 

          Lumipas ang tatlong araw, naging intensive ang trabaho sa MichaelAngelo. Abala ang buong staff sa pagtulong sa interior design changes sa dining area. Michael was so busy with the ads and promo strategies sa reopening while Joana was spending her day inside the kitchen improvising and making new dishes for the menu.

          Pagod na napasandal si Michael sa kanyang swivel chair. Sumasakit na ang mata niya sa buong araw na pagtitig sa laptop. Maghahating gabi na and he wasn’t able to notice the time. Tumayo siya at nag-unat ng katawan pagkatapos ay sinilip ang madilim na dining area. Kanina pa nagsiuwian ang staff niya pero bukas pa rin ang ilaw sa kitchen.

          Nagtatakang sumilip siya sa kusina at automatikong nakita si Joana na nakayuko sa mesa at nakaunan sa sariling braso. Naka-chef uniform pa rin ito ngunit nasa sahig na ang chef hat. May hawak na tinidor at nasa harap nito ang well garnished French appetizer na malamang nakatulugan na ni Joana sa sobrang pagod.

          May kung anong pumintig sa loob ng puso ni Michael nang makita ang ayos ng dalaga. Matindi rin ba ang kagustuhan nito na iangat ang resto niya para mag-overtime sa pagluluto at makatulog sa sobrang pagod?

          Tahimik siyang lumapit dito at maingat na tinanggal ang fork sa kamay ni Joana. Ginamit niya iyon para tikman ang appetizer at kaagad niyang nahigit ang hininga sa sobrang sarap ng pagkain. He was like under her spell that he can’t stop himself from touching her rosy cheek. Hinawi pa niya ang buhok na nalaglag sa mukha nito.

          Bahagyang umungol si Joana na nagpatigil sa kanya.

          “I love you, sweety pie…”

          Automatikong napangiti nang matamis si Michael sa sleep talk nito.

          And you’re effortlessly lovable too, Joana. Sa araw-araw na dumadaan, nasasanay na akong makita at mayakap ka. Your careless charm captivates me so much, kinakabahang usal niya sa sarili.

         

          Napangiwi si Joana nang maramdaman ang nakakasilaw na liwanag na tumatama sa kanyang mukha. Nagmulat siya ng mga mata at kaagad nakita ang pamilyar na ayos ng kanyang silid sa bahay ng mga magulang sa Morning Mist.

          Napabalikwas siya ng bangon at nagtatakang nilibot ang paningin sa napakalinis at kulay pink niyang silid na may malaking glass window kung saan abot tanaw ang bilugang swimming pool. Suot niya ang kanyang kulay asul na silk pajama.

          “Ano ba ang nangyari? Bakit dumiretso ako dito? Ano’ng araw na ba?” Tarantang lumabas siya ng kuwarto, bumaba ng marble staircase at tinungo ang malaking sala. Wala roon ang mga magulang. Malapit na siya sa pool area nang marinig ang tumatawang boses ng kanyang ina.

          She immediately saw her mom and dad having fun talking with Michael over a cup of coffee by the pool side. Nakaupo ang tatlo sa metal table and chairs na nakapwesto roon. She suddenly felt strange about how good it felt to have a man who can effortlessly make her parents laugh like that. Hindi rin niya maitatanggi ang kakaibang pakiramdam habang tinititigan ang guwapong mukha ni Michael.

          “Sweety pie! Nagising ka na pala!” Magiliw na tumayo si Michael at sinalubong siya ng masuyong halik sa pisngi na talagang nagpalundag ng puso niya.

          “Little Princess, you never changed! Naglalakad ka pa rin nang nakapaa sa loob ng bahay.” Tumatawang sabi ng ama. She looked at her feet and was surprised that her old habit had not been changed.

          “Sweety pie, bakit hindi ka nagsuot ng sapin sa paa?”

          “Naku Michael, kakaiba yang si Joana namin. Hindi yan nagsusuot ng tsinelas kapag nasa bahay lang. Hindi mo ba napapansin ‘yon sa kanya?” Sabat ng ina at nakita ni Joana kung paano mangunot ang noon ng binata na para bang may biglang naalala.

          “Ahh…I wasn’t able to observe that unique trait from her. Ngayon lang.” Maagap nitong sagot mula sa nalilitong mukha.

          “Wait…I was just wondering, nahimatay ba ako kahapon? Hindi ko kasi maalala na umuwi ako dito kagabi,” patay malisyang putol niya sa pag-uusap ng tatlo.

          “Hindi ka nahimatay, Joana, nagmantika ka. Tulog kang hinatid dito ni Michael kagabi. Kailangan ka pang buhatin ng boyfriend mo.” Masayang turan ng ama.

          Napatingin siya kaagad si binatang may nanunuksong ngiti at agad niyang na-picture out ang pagbuhat ni Michael sa kanya.

          Nakapa na niya ang hindi dapat makapa? Oh my God!!

          “Huwag ka nang mag-blush, little princess. Huwag ka nang mahiya sa boyfriend mo. Pasasaan ba’t magiging asawa mo na rin siya.” Sabat ng ina na madaling napansin ang pamumula ng pisngi niya.

          “Ahhh mom, papasok na po kami ni Michael sa resto!” Mabilis na agap niya sa susunod pang sasabihin ng ina.

          “Puro kayo trabaho. Take some rest guys malayo pa naman ang reopening ah. Little Princess, magdate naman kayo ni Michael. Kanina while we’re jogging around the village, nabanggit ni Michael na miss ka na daw niya.”

          Lihim niyang dinilatan ang binatang nakatitig sa kanya.

          Pumapapel ang camote!

          “Sweety pie, ‘di ba may time naman ako sayo? Ikaw talaga, parati na nga tayong kasama sa resto eh,” kunwaring kumapit siya sa braso ni nito sabay kurot. Agad namang napangiwi ang mukha nito.

          “Dad! Mom!” Malakas niyang bulalas upang makuha ulit ang atensyon ng mga magulang.

          “What??” Takang tanong ni Luisa.

          “Aalis na po kami. Tara na sweety pie!” Pagkatapos fake na bumungingis ay mabilis nang hinila ang lalaki.

          “Joana, change your clothes first. Naka-pajama ka pa.”

          Hindi na narinig ni Joana ang pahabol ng ama sa bilis ng paghila niya sa binata palayo roon.

 

          “Why didn’t you wake me up last night? Hindi naman ako si sleeping beauty para hindi magising ah! Gusto mo lang yatang makachansing eh.” Sunud-sunod na tanong ni Joana kay Michael nang marating nila ang paanan ng marble staircase. Kanina pa ito nakasimangot sa kanya.

          “Hindi ka ba talaga nagsasapin ng paa sa loob ng bahay?” Seryosong tanong niya sa dalagang agad ding napakunot noong tinignan ang paa. “’Yong buhok mo, ganyan ba talaga kagulo tuwing umaga?”

          “Ano?” Mas lalong nainis si Joana sa tanong niya.

          It was not his intention to insult her. Lihim lang siyang nagtataka sa pamilyar na mga katangian nito.

          “Oo. Hindi lang ‘yon, naghihilik din ako, tumutulo ang laway ko habang natutulog. One more thing, burara rin ako and I’m fond of landfills kaya mukhang tambakan ng basura ang apartment ko. What other shamefull traits do you want to know about me?”

          “Joana, I’m just asking. You’re freaking out.”

          “Che! Ewan ko sayo! Maghintay ka dyan, magbibihis lang ako! Huwag mong puntahan sila mommy, patay ka sa ‘kin.”

          Hindi na napansin ni Michael ang pag-akyat ng dalaga sa hagdanan dahil mga sinabi nitong traits.

          Why are they so much alike? Kinakabahang naisip ni Michael.

         

          Pagdating ng dalawa sa resto ay naging abala na naman sila sa pagtatrabaho. Joana was really pushing herself to the limit just to finish the new menu.

          Nakakapanibago ang stress pero nakakawala naman ng pagod ang panay na silip sa kanya ni Michael sa kusina. Kapag nahuhuli naman niya itong nakatingin sa kanya ay kaagad ding umiiwas at mabilis na pumapasok sa opisina.

          “What a long day! I’m finally done with the menu guys!” Masayang itinaas ni Joana ang black folder sa kasamahang cook at waitresses na abala sa pag-aayos ng kusina.

          Alas siyete na iyon ng gabi at naghahanda na ang lahat para umuwi.

          “Congrats Chef! Ang galing nyo talaga!” Sabay-sabay na sagot nina Yumi, Candice at ng tatlong cooks.

          “I didn’t do it myself. Tayong lahat ang nag-effort nito kaya congrats sa ating lahat. Now, mukhang handang-handa na tayo para sa reopening next week. Thanks guys, lalo ka na Marvin. You’re really good!” Masayang nilingon niya ang matabang lalaking tipid lang na tumango habang naghuhugas ng kamay sa sink.

          “Excited na ako sa reopening! Alam nyo Chef, mula no’ng nagresign si Miss Maricar, puro na lang magaganda ang nangyayari!” Lahat nagtawanan sa sinabi ni Candice.

          Natigil ang tawanan nang bigla pumasok sa kusina si Michael at tinungo ang coffee maker sa sulok ng kitchen.

          “Mukhang nagkakatuwaan kayo rito ah,” nakangiting sabat nito at naglalagay ng kape sa tasa.

          “Sir Michael, ako na lang po ang gagawa ng kape nyo.” Awat ni Yumi sa amo.

          “No, it’s ok Yumi. This is really for Joana.” Agad umugong ang tuksuhan sa loob ng kitchen.

          Nag-angat ng mukha si Joana mula sa binabasang recipe book at diretsong nagtama ang mga mata nila ni Michael.

          “Sweety pie, magkape ka muna. Masyado mo yatang pinapagod ang sarili mo ah.” Malambing na inilapag nito ang tasa sa mesa kung saan nakaupo.

          Joana felt the hair at the back of her neck stood up! Parang naninigas ang kalamnan niya sa sobrang kilig na nadarama sa mga oras na ‘yon.

          “Ang sweet naman ni bosing kay Chef! Hay, gusto ko na ring ma-in love,” kinikilig na bulaslas ni Yumi sa lahat na sinundan naman ng kantiyawan mula sa mga cook.

          “Tama na yan, guys. Mabuti pa iwanan na natin sila Sir Michael at Chef Joana. Harold, hinihintay ka na ng mag-ina mo.” Awat ni Marvin sa mga kasamahan.

          Kahit na nakalabas na ng kusina ang lahat ng staff, rinig pa rin ni Joana ang sarap ng tawanan ng mga ito habang papalabas ng resto. Napalis ang ngiti niya sa labi nang mapansing kanina pa pala nakatitig sa kanya si Michael na ngayon ay nakaupo na sa kanyang harapan.

          Saglit na naghinang ang kanilang mga mata ngunit naputol iyon nang biglang nagtakip ng bibig ang binata at patalikod na umubo.

          “Hey, are you okay? You look sick, maputla ka,” concern na aniya.

Wala ang normal na nakakalokong ngiti nito bagkus matamlay ang mga mata at mukhang sinisipon pa.

          “Yeah, okay lang ako. Konting colds lang ito dahil siguro sa weather changes. Malakas na naman ang ulan sa labas. I’m worried baka umulan sa reopening day natin.”

          “Don’t worry. Let’s check the weather report next week. Ikaw na lang ang uminom ng coffee.” Tinulak niya ang cup ang saucer sa tapat ng binatang matamis na napangiti.

          Aware kaya si Michael kung gaano siya kagwapo sa paningin ko ngayon? Siguro nga, kaya nga playboy ‘di ba? Inis na kastigo ng kanyang utak sa nanlalambot niyang puso.

          “Thanks for everything. Ang laki ng naitulong mo sa akin at sa MichaelAngelo. You’re a great chef, Joana.” Napaigtad at natigilan si Joana nang masuyong ginagap nito ang kanyang kamay sa mesa. “Hindi mo dapat tinatago ang skill na ‘yan nang dahil lang sa eskandalong kinasangkutan mo sa isang culinary competition.”

          Kaagad na nangunot ang kanyang noo sa narinig at hinila ang kamay.

          “How did you know about that?”

          “I happen to read that article when I was searching for your contact number. Tatawagan sana kita para maisuli ko ang I.D. mo.”

          “Talaga? Nalaman mo na pala ang pinakamalaking kamalasan sa buhay ko.” May himig ng bitterness sa kanyang boses. Lihim siyang nainis sa thought na wala na talaga siyang pag-asang magustuhan nito dahil sa nadiskubreng background niya. “Eh ikaw, bukod sa palugi na ‘tong resto, sa’n ka nagmana ng pagiging playboy?”

          Lihim siyang nagsisi sa tactless niyang tanong sapagkat madaling nagbago ang facial expression ng binata. Pumalit ang galit nitong mga mata at nakakalokong ngumiti.

          “What do you expect from a guy who had been a victim of a runaway bride? Do you think I’m still capable of loving a woman when in fact I’ve been torn apart and shattered by one of your species?”

          Natigilan si Joana sa naging sagot nito. She was actually shocked by the things the guy just said. Runaway bride? Kung ganun, may minahal itong babaeng hindi dumating sa araw ng kasal ng dalawa? A sharp pain immediately rushed through her heart. Parang sinabi na rin ni Michael na hindi na ito magmamahal pa ulit.

          “Kung tapos ka na dyan, ihahatid na kita sa inyo. Wait for me outside, may aayusin lang ako sa office.” Matamlay na tumayo ang binata na para bang nawalan na lang bigla ng ganang makipagkwentuhan sa kanya.

          Joana, you can’t be hurting…hindi pwede. Kastigo niya sa sarili habang pinagmamasdan ang likod ng lalaking papalabas ng kitchen.

 

 
 
 
 
 
 
Cover Page   Chapter 01   Chapter 02   Chapter 03   Chapter 04   Chapter 05   Chapter 06
 
 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 Books & Literature - Top Blogs Philippines

        

 
 
 
 
 
 
spam blocker 
All contents of this site are copyrighted by the authors/owners or Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.