“Hay ang tanga-tanga mo talaga, Joana!!! Akalain mo bang makalimutan mo ‘tong ibigay kay Michael kanina when in fact these should be given to the printing press first thing in the morning!” Inis na winagayway ni Joana ang booklet kung saan naglalaman ng menu layout with all the food pictures na ilalagay sa bagong menu booklet.
“Ngayon kailangan mo pang bulabugin ang taong ‘yon sa gitna ng gabi. Camote ka talaga.” Inis na kausap niya sa sarili habang naglalakad sa tahimik na kalsada ng village patungo sa bahay ni Michael na isang block lang ang layo sa bahay nila.
Nang makarating sa tapat ng kulay light brown French style na bahay si Joana ay bigla siyang nagdalawang isip na pumasok. Mula sa pahabang glass window nito, nakita niyang madilim na ang loob at tanging ang mapanglaw na liwanag ng lampshade ang bukas. Pero si Michael lang ang may contact sa printing press.
“Bakit naman kasi hindi sinasagot ang phone eh,” inis niyang pinindot ang doorbell sa gate. Makailang pindot na siya pero hindi pa rin lumalabas ng bahay si Michael. Nakaparada ang kotse nito sa garahe kaya imposibleng wala ito sa loob.
“Naku, baka inakyat bahay na ‘yon. Oh my God baka nakagapos na ‘yon banyo.” Worried na napatakip ng bibig si Joana.
Bukas ang pinto kaya nagtuloy-tuloy siya sa loob ng dim na bahay. Wala roon ang binata kaya umakyat siya ng hagdanan at paranoid na sumilip-silip sa dalawang madidilim na silid. Kinakabahang dumako siya sa tantiya niyang master’s bedroom at napansing bahagyang nakabukas ang pinto nito. Bukas ang lampshade na nakapatong sa study table nito.
“Michael…Michael?” Tawag niya sa lalaki sabay pasok sa loob ng silid. Namilog ang kanyang mata nang makitang nakadapa sa malaking kama si Michael. Tila walang malay at ganoon pa rin ang suot nang maihatid siya nito sa bahay.
“Michael!” Kaagad siyang napasugod sa kama at niyugyog ang balikat nito. “Michael, wake up! My god, ang taas ng lagnat mo! Michael, answer me.” Sinikap niyang ipatihaya ang katawan nito at narinig ang nanginginig na ungol ng pawis na pawis na binata.
“Joana, is…is that you?” Natigilan siya nang bahagyang bumukas ang mga mata nito at tignan siya. Sinapo niya ang pisngi nito.
“Oo, ako ‘to. May lagnat ka. Bakit hindi mo sinabi kanina na masama na pala ang pakiramdam mo? Camote naman, halika umayos ka ng higa.” Natatarantang nilagyan niya ng unan ang ulo nito.
“It’s so cold…Joana, ang ginaw. Please stop this, I can’t bear the cold.” Nanginginig ang buhok katawan nito na mas lalong ikinataranta kay Joana.
“Ha? Teka, pa’no ba? I’m just a chef, hindi ako marunong mag-alaga ng may sakit. Eto magkumot ka,” Mabilis niyang kinumutan ang binta, tinanggal ang sapatos nito at naghanap ng medicine cabinet sa bathroom.
Nang may makitang paracetamol tablet ay kaagad siyang kumuha ng tubig sa baba at mabilis na pinainom sa binata. Nilagyan rin niya ng thermometer ang kili-kili nito, kumuha ng ice bag at inilagay sa noo nito. Hindi pa rin tumigil ang panginginig ng binata at saglit siyang nag-isip.
Maya-maya pa’y nakita na lamang niya ang sariling nagluluto ng macaroni soup sa state of the art na kitchen nito. Nang matapos ay matiyaga niyang sinubuan ang binata kahit kailangan pa niya itong alalayang bumangon at piliting kumain.
Nangalahati na ang bowl nang tumigil na sa pagsubo ang lalaking nakabalot ng kumot.
“Ano, okay ka na ba? Nabawasan ba ang ginaw?”
“I think so, pe..pero maginaw pa rin, Joana. Please I need body heat.” Namilog ang kanyang mata sa sinabi nito.
“Body heat?! You mean, I’ll hug you?”
“Please…” Tila nagmamakaawang ginagap ni Michael ang kanyang kamay. “I just need it now.”
Ilang minuto pa ang nagdaan, nakahiga na rin si Joana sa malambot nitong kama at niyayakap na ang lalaking binihisan muna niya ng malinis na shirt. Nakaunan ang ulo nito sa kanyang balikat at nakabalot ang mainit nitong braso sa balingkinitan niyang katawan.
“Kasi naman masyadong workaholic, hindi naman pala kaya.” Himutok niya sa binatang mahimbing nang natutulog sa kanyang balikat. Magkunwari man siyang inis sa pangyayari, she can’t deny the strange sensation running through her veins while feeling Michael’s breathing in her chin. Mahigpit ding nakapulubot ang braso niya sa katawan nito at aminin man niya o hindi para siyang sinisilaban sa pagkakadikit ng kanilang katawan sa ilalim ng comforter.
Pambihira namang puso ‘to, nag-iinarte na naman! Sigaw ng kanyang utak.
Matamis na napangiti si Michael habang tinititigan ang naghihilik na si Joana. Nakahiga ito sa mismong kama niya, magulo ang buhok sa mukha at careless na nakadipa ang mga braso. Bahagya pang nakabukas ang mapupula nitong labi. It’s like inviting him to kiss her hard on the lips.
Kahit na ganoon ang ayos ng dalaga, tila pa musika sa tainga niya ang hilik nito. Kailangan pa naging musika sa tainga ang paghihilik? Napapailing siya sa sarili. Matitigan lang ang mukha ni Joana kumpleto na ang araw niya.
Napaigtad siya habang nakaupo sa gilid ng kama nang biglang dumilat ang mga mata nito at blankong napatingin sa kanya.
“Michael! Gising ka na! Are you okay? Bakit nakaupo ka na dyan? Lie down and rest.” Nag-aalala itong bumangon at kinapa ang leeg niya.
“Joana, don’t worry. I’m okay, really. It’s you who needs some rest. Napuyat ka yata kagabi kakaalaga sa akin.” Nakangiting pinisil niya ang baba ni Joana. Ang cute talaga ng mukha nito.
“Ha?” Tila naalimpungatang tanong nito. “Naku patay! What time is it? Ang printing press!” Tatayo na sana ito nang pigian niya ito sa braso.
“Okay na. Nahatid ko na. It’s 10 already. Maaga akong nagising kanina kaya relax ka lang, okay?” Malambing niyang kinuha ang kamay nito at dinala sa labi. “Thank you for taking care of me last night. I really appreciate it, Joana.”
Hindi ito kumilos at nakatitig lang sa kanya. He will forever regret this day if he can’t kiss that irresistible lips of her. Mapangahas niyang inilapit ang mukha at pinaglapat ang kanilang mga labi. Masuyo niyang hinawakan ang leeg nito at bago siya pumikit para namnamin ang halik, nakita niya kung paano namilog ang mata ng dalaga pero maya-maya pa’y napapikit na rin at kusang tumugon sa kanyang halik.
My heart is beating so fast again, Joana. The same feeling I have with Ming…
Hindi malaman ni Joana kung nananaginip lang ba siya o naging totohanan na ang pagpapanggap nila ni Michael bilang magboyfriend. Pagkatapos ng unang paghahalikan nila sa silid nito, pinagluto siya ng breakfast ng binata. Naging natural ang lambingan nila sa harap ng parents niya. Magkawahak kamay, maglalambingan at magtatagpo na lamang ang mga labi kapag silang dalawa na lamang. Natapos ang buong linggo nang walang gustong magsalita sa pagbabagong nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi man niya aminin sa sarili, she’s in love with him. Muli na naman niyang sinusugal ang puso kay Michael, her boss and the guy who was shattered by love, a guy who doesn’t want to fall in love again.
Perfect gamble, Joana. Sarcastic na usal niya sa sarili.
Hindi magkamayaw ang loob ng kusina ng MichaelAngelo sa araw ng reopening. Occupied na ang lahat ng tables sa dining area. Ang daming orders at abala ang lahat ng waitresses sa pagsi-serve.
Michael can’t believe what he’s seeing. Hindi niya akalaing dudumugin nga ang resto niya sa araw na ‘yon. Kahit lunch pa lang, he can say that the reopening is already successful.
“Michael, ang daming tao!” Masayang sinalubong siya ni Joana ng mahigpit na yakap nang pumasok siya sa abalang kusina.
“Yeah, I can’t believe it, sweety pie.” Tumatawang bahagya niyang binuhat ang babae at inikot sa ere. Malambing na siniil niya ito ng halik kahit makita pa sila ng tukso talo niyang mga cooks.
“I just need that kiss,” natatawang aniya matapos maghiwalay ang kanilang labi. Matamis na tumawa ang dalaga at nanatiling nakapulupot ang mga braso sa kanyang leeg. “Pampaswerte. I’m just so happy. This could not be possible without you, Joana.”
“Hm, bolero! Okay lang ba ang reactions ng mga tao sa menu?”
“Yeah, nabasa ko ang ilang evaluation slips, all of them said our food is great.” Malambing niyang pinisil ang pisngi nito.
“Ah, excuse me po Sir Michael.” Napalingon sila kay Yumi na sumilip sa kitchen. “May costumer po na gustong ipatawag si Chef Joana. Nasarapan ho yata sa specialty natin.” Masayang turan nito.
“Ha? Naku, ayokong lumabas. Ikaw na lang Michael.” Diretsong tanggi ng dalaga na bakas sa mukha ang tension.
“Joana, come on. Babatiin mo lang naman ang mga costumers natin. It’s time to face your fear. Hindi na mauulit ang nangyari sa culinary competition. You’re great! In fact, you’re an elite chef!” Mabahang paliwanag niya habang sapo ang mga pisngi nito. Nang hindi ito tumugon ay nakangiting hinawakan niya ang kamay nito at hinila na palabas. “Come on and face your fans.”
“Sila po ang nagpatawag, sir.” Magalang na itinuro ni Yumi ang mesa kung saan nakaupo ang rich looking Chinese couple sa gawing sulok ng dining area.
“Michael!” Masiglang kumaway ang matabang lalaki sa kanya.
“O, Dominic pare!” Gulat na sinugod niya ng yakap ang bestfriend at hinalikan sa pisngi ang nakangiting asawa nito. “Kayo pala yan! Bakit hindi nyo ‘ko pinatawag pagdating nyo rito?”
“Nah, masyadong kang abala sa dami ng kumakain dito ngayon. Congrats ha, your reopening is a great success! The food is fantastic!”
“Thank you! Oh by the way, this is my chef, Joana Francisco.” Giya niya sa babaeng nakacomplete chef apparel.
“Ming??” Nanindig ang balahibo ni Michael tawag ni Paula kay joana. “Ming, is that you?”
“Paula? Paula, ikaw nga! Kumusta ka na?” Natigilan sina Dominic lalo na si Michael sa nakitang excited na pagyayakapan ng dalawang babae na ikinalingon ng ibang kumakain doon.
“Wait, you know each other?” Takang tanong ni Dom sa asawa.
“Yes, hon. This woman here was actually my closest kabarkada in college! Joana, meet my husband, Dominic. Hon, this is Joana aka Ming Francisco!” Kaagad na tinanggap ni Joana ang handshake ng lalaki.
“Ming??” Kunot noo at kinakabahang tanong ni Michael kay Joana. “You’re name is Ming, Joana?”
“Yeah, Michael. Cute no? Actually that’s only her nickname when we were in college! She looks like a cute kitten way back in Valencia, ‘di ba Joana?” Baling nito sa dalaga. “You will not believe kung sino ang kasama namin ni Dom ngayon!” Excited nitong turan kay Joana.
Ming? College in Valencia? No, it can’t be…Natigil ang tense thought ni Michael nang tapikin siya ni Dom at seryoso ang mukhang humarap sa kanya.
“Ah pare, may kasama kami ni Paula na pumunta dito ngayon. We met her in Valencia on our way here. Nalaman niyang pupuntahan namin ang resto mo kaya nagpumilit siyang sumama.” Tila hirap na turan ng kaibigan.
“So she’s here…” Mahinang sagot niya na kaagad naintindihan ang sinasabi ni Dominic. He’s like having a heart attack at that moment.
“Luis,” Automatiko siyang napalingon sa nagsalitang babae sa kanyang likuran. Diretso itong nakatingin sa kanya. Mahaba ang tuwid nitong buhok at nakasuot ng eleganteng fashionable white dress.
“Denise…” Hindi niya alam kung paano nabigkas ang pangalan ng babae sa kabila ng sakit na agad na lumukob sa kanyang pagkatao. Muling silang nagkaharap ng babaeng minahal ng mahabang panahon.
“Denise??” napalingon ang magandang babae at nabigla nang makita ang nagasalitang si Joana na namimilog ang mga mata sa gulat.
“Ming?” Kabadong nilingon ni Denise si Michael. “So you’re the chef here? You’re working for Luis?”
“Luis?” Nakita ni Michael kung paano nalito ang mukha ni Joana lalo na nang titigan siya nito. “Ikaw si Luis?”
“Tama ka Ming. Siya si Luis, ang dati mong kapenpal noon.” Tense na sagot ni Denise na hindi makatingin ng diretso kina Michael at Joana sa harapan nito.
“And you are the real Ming.” It was not a question for Michael. Naniningkit ang matang tinignan niya si Joana. Galit na galit siya sa mga oras na ‘yon. “What a great sight. I’m actually standing in front of two women who both broke my heart and made me feel stupid! Thank you for ruining my day.” Matigas niyang turan sa dalawang babae nang nakakuyom ang palad.
Pinili niyang umalis doon dahil kung hindi sasabog siya sa sobrang galit at sakit. Napatiim ng bagang si Dom samantalang nakamasid lang si Paula na walang ideya kung ano ang nangyayari.
Nakayuko lang si Denise at naiiyak na napatingin sa dating bestfriend na si Joana.
“Am, Dom, Pau, mauna na ako sa inyo,” tila nahihiyang paalam ni Denise sa dalawa at agad siyang sinulyapan. “Nice meeting you again, Ming.” Mabilis na tumalikod ito at lumabas ng resto.
Hindi matanggap ni Joana na si Michael at Luis ay iisa. Kusang kumilos ang paa niya upang sundan at pigilan ang braso ni Denise.
“Ano’ng ginawa mo kay Ming, Denise? Bakit galit siya sa totoong Ming? Akala ko ba pinanindigan mo na ang pagiging ako ten years ago. Kung ganun ikaw pala ang babaeng nang-iwan sa kanya sa harap ng altar.” Matigas niyang sumbat dito. She saw the anger and pain in Michael’s eyes and it’s breaking her heart.
“I’m sorry, Joana.” Automatikong napaluha si Denise. Nandoon pa rin ang magandang mukha, modelong katawan at mahabang buhok. Ngunit hindi na ito katulad noon na oozing with self confidence bagkus naging pino ang galaw ng dating bestfriend. “I ruined it all. Sinayang ko ang pagsasakripisyo mo para sa akin noon. I told him everything in a letter I sent him on our wedding day.”
“Denise, sinaktan mo siya. How could you do that? Hindi mo lang alam kung paano nabago ang buhay niya because you runaway from him.”
“Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya. Pero Ming, nagsawa na ako sa pagiging ikaw! When he came home from London, he immediately built this resto because of Ming! Dahil ‘yon ang sinulat mong ultimate dream mo! Hindi ko ‘to gusto but I can’t burst it out! Then Matt came, minahal niya ako at pinangakuan ng modeling career sa Manila. Hindi ko siya matanggihan dahil alam mo, ‘yon na ang pangarap ko.”
“You’re still the self centered brat I once knew, Denise.” Matigas niyang sagot. “You knew ten years ago that I was in love with my penpal. Pinakiusapan lang kitang siputin siya, kaagad mong kinuha ang pagkatao ko. I have no choice but to gave him up for you because you were my bestfriend. Bakit nagawa mo ‘yon kay Luis?” Pinigil ni Joana ang pagluha. Ayaw niyang ipakita dito ang nasasaktan niyang puso.
“Joana, nagsisisi na ‘ko sa lahat ng ginawa ko kay Luis.” Lumuluhang hinawakan ni Denise ang kanyang braso. “Simula nang iwan ko siya, lahat na lang naging mali sa buhay ko. Oo, I became a model pero hindi ako naging masaya kay Matt. Joana, its always been Luis. Mahal ko pa rin siya. Kaya umuwi ako dito para gawin ang lahat para mahalin niya ako ulit.” Lumuluhang anito na hindi alintana ang mga taong napapalingon sa kanila.
“Hindi ganun kadali ‘yon Denise.”
“I know. Kaya please tulungan mo ‘ko, Ming. Help me convince Luis na patawarin na ako. Magkaibigan na kayo ‘di ba? Please I’m begging you, help me.”
Napapikit si Joana nang yakapin siya nito nang mahigpit.
Ayoko, Denise. Mahal ko rin siya and I can’t bear giving him up this time. Baka hindi ko na kayanin.
“Ano? Si Michael ang Luis na naging kapenpal mo noon? ‘Yung kinuwento mong nakilala mo accidentally because of wrong send letters noong college ka pa? Si Luis at Michael ay iisa??”
“Oo nga eh. Ang o.a. mo naman makareact dyan.” Naiinis na sagot ni Joana kay Trixie.
Pagkatapos maisara ang MichaelAngelo with no Michael around ng gabing ‘yon, dumiretso na si Joana sa isang bar sa D.V. Soria at doon mag-isang uminom. Kaagad niyang tinawagan ang bestfriend para samahan siya.
“OH MY GOD! I can’t believe this Joana! So you mean ang former bestfriend mo pala ang ex ni Michael na naging impostor mo for three years? Hanep ha!” Anito sabay tungga ng tequila.
Marahas na pinahiran ni Joana ang pisngi basa ng luha.
“Camote talaga! Kung kailan nagmamahal na naman ako ulit, saka pumasok na naman ang Denise na yan. If you just saw how Michael stare at Denise, maiintindihan mo kung bakit ganun na lang ang galit niya dito. He loves her so much.”
“Mas camote ka pala eh! Galit nga siya kay Denise because of their past! Pero ikaw ang nasa buhay ni Michael ngayon. How can you explain this role playing turned into something romantic. Hindi na kayo nagpapanggap. You’re lovers already!”
“Hindi, Trixie.” Lumuluhang sagot niya. “Hindi kami at walang kami. Maybe I’m just his an ordinary fling who’s just there to pacify his wounded heart. Pero magbabago na lahat, dahil nandito na si Denise, ang tanging babaeng totoong minahal niya.”
“Hay nako, tigilan mo na ang cry mode Joana ha. Para kang bida sa mga movies eh, nagko-conclude ka na kaagad. Sabihin mo nga sa akin, paano niya ulit mamahalin ang babaeng nanloko sa kanya ng tatlong taon at pinagpalit pa siya sa ibang lalake?” Naluluha na rin si Trixie pero hindi nito pinapakitang naaawa ito sa sitwasyon niya.
“Hindi ko alam, friend. Hindi ko rin maintindihan kung bakit galit rin si Michael sa akin. I was trying to call him but he wouldn’t answer the phone.” Inis niyang pinunasan ang luha sa pisngi. Sana ganoon din kadaling punasan ang sakit na nasa puso niya ngayon.