“Little Princess, langga, hindi nyo ba gusto ang ulam natin? Bakit mukhang wala kayong ganang kumain?” Takang tanong ni Fernan sa dalawang babaeng kasama sa dining table ng gabing ‘yon.
Nag-angat nang mukha si Joana na kanina pa nilalaro ang beef steak sa plato at napansing nakayuko lang ang ina. Namumutla ang labi at nakatitig lang sa pagkain.
“Langga, are you okay? You’re pale. May masakit ba sayo?” Hinawakan ng ama ang kamay nito.
“Okay lang ako. Huwag nyo akong intindihin.” Matamlay nitong sagot at hindi man lang siya sinulyapan.
“Ah, mom, dad, may ipagtatapat
sana ako. Mom, huwag ho
sana kayong mabibigla sa sasabihin ko. Hiwalay na ho kami ni Michael.”
“Sinungaling.” Sinugod siya ng kaba nang galit ang mukhang tinitigan siya ng ina. Nakakuyom ang palad nito sa mesa. “’Yan ba ang naisip mong paraan para pagtakpan ang panlolokong ginawa nyo sa amin ng daddy mo?”
“Mom…” Tense na aniya sa nakikitang galit sa boses at mukha ng ina.
“Huwag ka nang magkaila, Joana. Narinig ko ang pag-uusap nyo ng peke mong boyfriend kanina.” Nakita niya ang pamimilog ng mga mata ni Fernan sa narinig. “Kailan nyo pa kami niloloko ni Michael ha? Ganyan na ba kababa ang pagtingin mo sa sarili mo para pumayag kang maging chef ng papalugi niyang resto kapalit ng pagiging pekeng boyfriend mo?! And for what reason? To save me from depression?
Para hindi ako malungkot at atakihin sa puso? You are doing it now! Parang dinudurog ang puso ko ngayon.”
Automatikong bumalong ang mga luha ni Joana. Nanginig ang buo niyang kalamnan habang pinagmamasdan ang umiiyak at namumutlang ina na tila hirap nang huminga.
“Mom…Patawarin nyo ako. It’s all my fault. I started the whole thing. Walang kasalanan dito si Michael. I’m begging you. Please, try to understand. Dad, please.”
“You’re asking us to understand you now when all along you didn’t consider that we are capable of understanding our own daughter, Joana!” Matigas na turan ng ama. Ito na yata ang unang pagkakataong nakita niyang nangangalit ang bagang nito sa sobrang poot. “I know where this is coming from. Hindi mo alam kung paano sasabihin sa amin ng mommy mo na pareho ka rin ng Ate Cath mo, tatandang dalaga at hindi na magkakaanak. Pero hindi mo naisip na kaya ka naming intindihin. Hindi mo na kami kailangang lokohin pa.”
“Dad, Mom, please patawarin nyo ko. I didn’t know what to do. Natakot akong maulit ‘yong nangyari noon. Inatake kayo sa puso dahil tumanggi akong makipagdate sa lalaking gusto nyo para sa akin. Ayokong mangyari ‘yon ulit, mom.”
“I had an attack because I was so guilty seeing you crying in your bed at that time, Joana! Kailanman wala akong ibang ginusto kundi ang kaligayahan mo. That’s why it’s so painful to know that you lowered your self like this just to satisfy me!” Halos humagulgol si Luisa nang tumayo at iwanan sila sa mesa. Nanghihinang umakyat ito nang hagdanan at bigla nalang napahawak sa dibdib.
“Luisa?” Nahintakutang lumapit si Fernan sa nakatalikod na asawa. “Langga, are you okay? Joana, tawagin mo si Dr. Villaverde sa kabilang bahay, dali!” Matigas na utos sa kanya. Umiiyak at natatarantang tumakbo siya palabas ng bahay para tawagin ang retired doctor na nakatira sa tabi ng bahay nila.
Pagpasok pa lang ni Michael sa bahay ng mga Francisco, nakita niyang bumababa ng marble staircase si Dr.Valdevilla na may dala-dalang itim na bag. Umiiyak na sinalubong ito ni Joana sa paanan ng hagdanan.
“Doc, kumusta na si mommy?”
“There’s nothing to worry, Joana. Nagkaroon lang ng mild muscle contraction ang mommy mo. Siguro dahil naging emotional siya kanina. But she’s okay now. Just avoid making her so sad. I’ll go ahead, tawagin nyo lang ako bahay kung kailangan ni Luisa ng medical attention.” Turan ng 75 year old doctor, tumango kay Michael at lumabas na ng bahay.
“Ano’ng nangyari sa mommy mo?” Diretsong tanong niya sa babaeng magang-maga na ang mata sa kaiiyak. Malungkot siyang tinignan nito at humakbang patalikod sa kanya.
“I told them already. But it turned out narinig pala tayo ni mom nag-uusap kanina.”
Tiim bagang siyang napatakip ng bibig. Dumating na yata ang kinatatakutan niyang araw.
“Talaga bang gusto mo nang kumawala sa akin? Hindi ba importante sayo kung anong meron tayo, Joana?”
“Sinabi ko na ‘di ba? I’m tired, Michael. I’m always been like this, hindi ba? Easy go lucky at madaling magsawa. If you think kaya kong habambuhay manloko ng tao, nagkakamali ka.” Malumanay nitong sagot na para bang walang ibang nararamdaman. Napapikit siya. Ayaw niyang makita sa blangkong mukha ni Joana na walang katugon ang pagmamahal niya rito.
“So, is this goodbye?” Mahinang niyang tanong.
“I guess so. Isang linggo na lang matatapos na ang tatlong buwan ko sa resto. After that, you can be free again.
Malaya ka nang gawin ang gusto mo.” Nag-angat ng mukha ang dalaga at nagtama ang kanilang mga mata. “So I think the whole thing ends here…now. Goodbye, Michael.”
Parang nagslow motion ang mundo sa pagtalikod ng dalaga.
“Joana!” Nagtangka pa siyang tawagin ito pero hindi na ito lumingon at dire-diretso nang umakyat ng hagdanan at pumasok ng silid.
How stupid you are, Michael. Hinayaan mo na namang saktan ka ulit ni Ming na minsan ka nang tinalikuran.
Kung masakit ang maiwan sa harap ng altar, mas masakit para sa kanya ang muling layuan ng babaeng una mong minahal nang totoo.
Mula nang gabing iniwan niya si Michael sa sala ng kanilang bahay, hindi na muling nagtagpo ang kanilang landas. Tinapos ni Joana ang isang linggo sa MichaelAngelo, nagpaalam nang maayos sa mga nag-iiyakang kasamahan at tahimik na umalis nang hindi nakikita ang binatang isang linggo na ring hindi pumapasok.
Napabuntong-hininga siya habang gumagawa ng sariling birthday cake ng gabing ‘yon. Nasa sariling apartment siya at nag-iisa sa kanyang kaarawan. Ilang araw na rin niyang sinusuyo ang mga magulang pero nanatili pa rin itong cold sa kanya. Kaya hindi na siya umaasang sasamahan siya nito sa kanyang birthday. Sinasanay na rin niya ang sariling nag-iisa, after all activated na ang sumpa ni Clara Samonte. Siya na talaga ang ikalabing isang old maid sa angkan nila.
Bigla na lang siyang napaluha habang nilalagyan ng icing ang chocolate cake. Dahil sa pinaghalong lungkot at takot ngunit kahit ganun nangibabaw pa rin ang kaligayahan sa puso dahil sa natuklasan dalawang araw na ang nakakalipas.
Namilog ang mga mata ng kaibigan nang iabot niya dito ang kapirasong pregnancy test kit.
“Buntis ka??!” Bulalas ni Trixie at napaupo sa harap niya minsang nag-malling sila.
Malungkot man ang mga mata ni Joana, matamis siyang ngumiti at tumango.
“Pambihira naman, broken hearted ka na nga, may iniwan pa sayo ang lalaking ‘yon.”
“Huwag mo ngang sabihin yan, Trixie. You just don’t know happy I am now. This baby is a gift for me. Hindi na ako tatandang nag-iisa. May baby na ‘ko, friend.” Naiiyak na turan niya.
Napabuntong hininga ang kaibigan at malungkot na hinawakan ang kamay niya sa mesa.
“Pero friend, iba pa rin kung may kikilalaning ama ang anak mo. Kung hindi ka lang isa’t kalahating gaga, sana pinaglaban mo ang pagmamahal mo sa kanya.
Sana rin itinama mo ang maling akala niya sayo.”
“
Para sa’n pa? Para mas lalo pa siyang masaktan at muling magalit sa pekeng sulat na ginawa ni Denise? It doesn’t change anything, Trixie. Si Denise pa rin ang mahal niya. And Denise still loves him. Ayoko nang makialam sa kanila. Masasaktan lang ako.”
“Hay nako, hindi ka lang pala werdo, martir ka pa. Hindi naman bagay sayo. Nakakainis!” Napaluhang nag-inis-inisan na lamang si Trixie sa awa sa kaibigan.
Napahawak siya sa hapis niyang tiyan. Nabigo man siya sa pag-ibig niya sa ama ng baby, masaya pa rin siyang lalayo.
“Ay, camote!”
Nagulat si Joana nang bigla na lang bumukas ang lahat ng ilaw sa loob ng kanyang apartment kasabay ng tunog ng party poppers.
Bumulaga sa kanya ang masasayang mukha ng mga taong espesyal sa kanya na kumakanta ng ‘happy birthday’, may hawak na cake, wine at mga regalo.
“Trixie, Yumi, Candice, Tita Carmela…” Maang na napatayo siya at nilapitan ang lahat matapos kumanta ang mga ito. Agad bumalong ang luha niya nang makita ang nakangiting mukha ng mga magulang. “Mom, Dad.”
“Oh Little Princess! Happy Birthday! I missed you so much!” Naiiyak na niyakap siya ng ina.
“Happy Birthday, Little Princess.” Niyakap din siya ng ama.
“Hindi na kayo galit sa akin, mom?”
“No, hindi na. Sinabi na sa akin ni Carmela ang lahat, Joana. We understand you now. We are sorry, hindi namin pinakinggan ang paliwanag mo. Malungkot lang kami dahil hindi kayo ang magkakatuluyan ni Michael.” Naluluhang sinapo ni Luisa ang kanyang mukha.
“Naku, tama na nga ang iyakan ate!” Sabat ng masiglang si Carmela sa kapatid. “Nandito tayo para sa surprise party ni Joana. Dapat masaya! Ang mabuti pa Joana, you open your gifts first. Eto unahin mo ‘tong regalo ko.” Natawa siya sa ingay ng tiyahin. Kinuha niya rito ang paper bag at binuksan.
“Ha?
Reading glasses at shawl?! Tita, nang-aasar ba kayo? Mukhang tuwang-tuwa pa kayo na mapapabilang na ako sa Old Maid of Samonte Clan ah.” Natawa ang lahat sa sinabi niya.
“Nope. That’s not what I mean when I chose to give you those. Gusto ko lang maramdaman mo na totoo man ang sumpa o hindi, hindi kami mawawala sayo. We are always here to make your life beautiful, not romatically but as your family.” Nagyakapan ang magtiyahin kasabay ng masayang palakpakan ng mga tao sa paligid.
“Thank you po…Salamat talaga.” Walang nagawa si Joana kundi ang magpasalamat. She may be broken hearted but she will always be whole hearted when it comes to the love of her family.