Your Story Haven
share your stories online
Miss Gem Page      michaelangelo10
MichaelAngelo
by Miss Gem
 
 
Chapter Ten
 
 

          Nagulantang si Michael sa ginagawang paglalagay ng cold compress sa pasang nasa gilid ng bibig nang mabilis na bumukas ang pinto ng kanyang opisina at nakita ang galit na mukha ni Trixie.

          “Nasa’n ang locker dito ni Joana?” Dire-diretsong bungad ni Trixie sa kanya.

          “Bakit, Miss Trixie?” Kunot-noong tanong niya.

          “Kukunin ko ang mga gamit ni Joana sa locker niya.” Matalim ang tinging anito.

          “I’ll call Yumi to guide you to the locker room.”

          “No.” Pipindutin na sana niya ang intercom nang matigas na tumutol ang babae. “Gusto kong ikaw ang magdala sa akin sa dating locker ng bestfriend ko.”

          “Okay.” Feeling pissed off, Michael still stood up. “Follow me, Miss Trixie.” Gentleman niyang iginiya ang nagdadabog na babae sa locker room.

          Huminto siya sa mismong tapat ng locker ni Joana.

          “Heto ba?” Maangas na tanong nito. Binuksan ang locker, kinuha ang back pack na dala at pinagpapasok na sa loob ang mga natirang gamit sa locker.

          “Bakit hindi siya ang nagpunta rito para kunin ang mga gamit niya?”

          “Hindi na niya magagawa ‘yon dahil ngayon na ang alis nila papuntang New York.” Automatikong napakunot noo siya.

          “What did you say? New York?”

          “ Oo, New York, USA. Tama ang rinig mo.”

          “Pero bakit? I mean…bakit hindi niya sinabi sa akin?” Bigla siyang pinawisan kahit malamig ang aircon. Tense niyang hinintay ang sagot nito.

          “At bakit naman niya sasabihin sayo, the last thing I know Michael tapos na ang kasunduan nyo kaya wala ka nang kaugnayan sa buhay niya ngayon. After all you chose the liar and traitor Denise over my bestfriend.”

          “What? I chose Denise over her? That’s not true!” Mariing tanggi niya.

          “That’s not true ka dyan! Joana saw you kissing Denise in your room. Ano ba pa ang kailangan niyang ebidensiya para isiping si Denise pa rin ang mahal mo?!”

          “For Christ sake Trxie, hindi kami nagkabalikan ni Denise. Mali ang akala ng kaibigan mo.”

          “ Mali? At ano pala ang tama. Ikaw, naisip mo bang mali din ang akala mong pinaubaya ka ni Ming kay Denise 10 years ago?

          “What?!” Kuyom ang palad na bulalas ng binata.

          “Hindi galing kay Joana ang sulat na ‘yon, Michael. You were the first love of my bestfriend. Hindi ka niya napuntahan sa lugar kung saan kayo magkikita dahil pinilit si Joana ng mommy niyang makipagdate sa ibang lalaki. Nakiusap si Joana kay Denise na siputin ka muna. After that, nagmakaawa na si Denise na ipaubaya ka na lang sa kanya. Ang tanga namang si Joana, pumayag siya sa ngalan ng pagkakaibigan. ‘Coz you know what? Denise said you fell in love with her on your first date. Sinayang mo lang ang pagmamahal mo sa isang babaeng makasarili at sinungaling.”

          “Damn it! Joana never told me all about this. Trixie, I need to see her. I need to talk to her.” Natatarantang nagpalakad-lakad siya paroo’t parito. Panic is now running through his whole system and he’s sweating all over his body.

          “Bakit?”

          “Because I love her! I love her so much! Kahit hindi ko nalaman ang tungkol sa pekeng sulat, I decided to forget it and just love her.”

          “Hep, huwag mo nang ituloy ang iba pang sasabihin mo!” Nangingiting itinaas ni Trixie ang kamay sa ere. “Baka mahuli ka. You tell it to her. Go! May oras ka pa para habulin siya. Hindi ko papayagang lalaki ang inaanak kong walang kikilalaning ama no!”

          “Inaanak? You…you mean, Joana’s pregnant?” Namimilog ang matang nahawakan niya sa balikat ang babae.

          “Isang napakalaking oo, kaya go!” Masayang bulalas nito.

          “Thank you, Trixie, thank you!” Sa sobrang tuwa ay nahalikan niya sa pisngi ang nagulat na dalaga.

          “Michael, wait!” Tatalikod na sana siya nang pigilan nito ang braso niya. “Anong nangyari dyan sa mukha mo?”

          “Mamaya ko na ipapaliwanag sayo Trixie. I need to stop my future wife!”

          Halos liparin ni Michael ang kotse sa labas at mabilis na itong pinaandar patungong Cagayan de Oro Domestic Airport.

           “Anong nangyari do’n kay Sir Michael, Trixie?” Takang tanong ni Yumi sa masayang lumabas ng locker room na si Trixie.

          “Akala ko hindi uubra ang plano ko. Luckily, it turned out so good! Oh I love it!” Kinikilig na humilig si Trixie sa balikat ng kaibigang waitress.

 

          Calling all passengers of flight 2375 bound for Manila. Please proceed to the pre-departure area…

          Umalingawngaw ang malamyos na boses ng flight attendant sa buong airport. Sabay na napatayo ang mag-asawang Francisco at ganun din ang matamlay na si Joana hila-hila ang maletang de-gulong. Nagsitayuan din ang mga taong nandoon para pumasok na sa departure area.

          Mami-miss ko ang Cagayan…and I will miss you, Michael. I never love a man as much as I love you. Sana maging masaya kay Denise. Naluluhang inilibot ni Joana ang tingin sa buong bulwagan na para bang may hinihiling na makita roon.

          “ Tara na, Little Princess,” tawag sa kanya ng ama kaya muli siyang naglakad kasunod ng mga ito.

         

          Halos liparin ni Michael ang daan papasok ng airport. Maraming tao sa loob at hindi niya mahagilap si Joana. Huminto siya sa gitna ng bulwagan at inilibot ang tingin sa mga nagdaang mga tao roon. Pawis na pawis na at may pasa pa sa mukha. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga tao doon.

          Joana, where are you? Please, huwag kang umalis. Don’t leave me! Sigaw ng kanyang utak.

          “Little Princess, come on. Mahuhuli na tayo sa eroplano.” Kinakabahang napalingon siya sa gawing unahan nang marinig ang boses ni Luisa at ganun na lang ang tuwa ng kanyang puso nang masilayan ang nakayuko at nakatalikod na si Joana.

          “Joana!” Tumatakbo siyang lumapit dito. Parehong natigilan sa paglalakad sina Luisa at Fernan ngunit hindi pa rin lumilingon ang dalaga.

          “Ming…Sweety pie, ano pa bang gusto mong itawag ko sayo? Please harapin mo naman ako o.” Hinihingal niyang turan sa nakatalikod na babae. Nabuhayan siya ng loob nang unti-unti itong humarap sa kanya. Naghinang ang kanilang mga mata at kusa na siyang kumilos upang yakapin ito nang mahigpit.

          “Thanks God, naabutan pa kita. I thougt I will lose you forever. Please Joana, huwag ka nang umalis. I need you.”

          “You need me? Camote ka talaga.” Napangiwi siya nang mariin siyang kurutin nito sa tagiliran.

          “Outch! What’s that for?” Napakalas siya ng yakap dito.

          “Che! You only need me for MichaelAngelo! Bakit, hindi ko ba kasing galing na chef ang nakuha mo kaya hinabol mo pa ako dito para kumbinsihing huwag iwan ang resto mo?”

          “What are you talking about? Why are you thinking so negative about me? You’re always jumping into wrong conclusions. Joana naman, can’t you get it? Kaya kita hinabol dito kasi ayokong iwan mo ‘ko, ayokong lumaki ang anak natin na walang kinikilalang ama.”

          “Anak?? Little Princess, buntis ka?” Napatakip ng bibig si Luisa sa narinig at ganun din si Fernan na litong-lito ang mukha.

          “Opo, tita. Magkakaapo na kayo.” Sa gitna ng tension sa kanila ng dalaga, nagawa pa rin niya ngumiti nang matamis sa dalawang matanda.

          “Oh my God, I can’t believe this, langga.” Masayang napayakap si Luisa sa asawa at hinintay ang susunod pa niyang sasabihin.

          “How did you know? Babaeng ‘yon talaga. Sinugod ka ni Trixie ano?” Inis na asik ni Joana sa kanya.

          “Oo. And I’m so thankful to her dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko malalamang iiwanan mo na pala ako. Joana, please. Listen to me first.” Masuyo niyang hinawakan ang kamay nito.

          “What you saw-“

          “I saw you kissing Denise in your room. I saw how you kiss her, the longing was still there. Kaya naiintindihan ko kung bakit nagkabalikan kayo.” Naiiyak na sabat ni Joana.

          “Hindi nga kami nagkabalikan! Sana tinapos mo ang pag-uusap namin para nalaman mong pagkatapos ko siyang halikan, I realized that I don’t love her anymore. Sa lahat ng kasinungalingan at panggagamit niya sayo, pati na ang pekeng sulat mo, do you think I can love her again?”

          “Pa…pa’no mo nalaman na peke ang sulat na ‘yon?” Maang na tanong ng naiiyak na dalaga. The woman just doesn’t know how cute and pretty she is for him. Lalo na kapag umiiyak.

          “Bakit hindi ka nagpaliwanag the night I confronted you with that letter? You allowed me to think bad about you when in fact, you sacrificed your heart just to see me happy with your bestfriend?”

          “For what? Hindi na mahalagang linisin ko pa ang pangalan ko sayo kung mahal mo pa rin si Denise. It will only hurt and shatter you again kung malaman mong nagsinungaling na naman siya sayo. Ayokong nakikita kang nasasaktan.” Parang batang umiyak si Joana sa kanyang harapan.

          “Napakawerdo mo talaga. Halika ka nga dito,” overwhelmed niyang niyakap ang umiiyak na dalaga. Hindi niya naramdaman kay Denise ang ganoon kalalim na pagmamahal. Kay Joana lang. “Alam mo bang handa na akong tanggapin ang ginawa mong pagpapaubaya sa akin noon? I want to start a new life with you again. Pero bigla ka na lang lumayo at tinapos mo ang akala ko totohan nang pagpapanggap. Naisip ko baka nagsawa ka naman ulit sa akin, I thought Ming can’t really fall in love with Luis. The pain keeps on flashing. That’s why I didn’t do anthing to reach out further to you. Natakot ako, Joana. I don’t want to feel the rejection again. Hindi ko na kakayanin. Pero ngayon alam ko na.”

          “Na ano?” Lumuluhang tinignan siya sa mga mata nito. He can’t help but to smile with happiness.

          “That you love me too. And I love you more, Ming.” Buong pagmamahal niyang sinapo ang pisngi ng dalaga at masuyong hinalikan sa labi. Wala siyang pakialam kung nasa harap sila ng mga magulang nito.

          “Camote naman. Kung totoong mahal mo ‘ko, when did you start falling in love with me as Joana?” Anito pagkatapos nilang maghalikan. Bagamat galit-galitan pa rin ang boses, nakakapit na ang dalawang braso nito sa kanyang balikat.

          Sinulyapan muna niya ang dalawang matandang kinikilig na nakatingin sa kanila pagkatapos ay nakangiting tinitigan ang minamahal.

          “The night I saw you drunk and sleeping carelessly in your bed. I lied when I said I unintentionally fell asleep in your bed. After receiving a call from your mom, something stopped me from leaving. Naramdaman na ng puso ko na ikaw na ‘yong matagal ko nang hinihintay. And when you ask me to be your fake bf, I took the chance. Joana, mahal na kita noon pa man.”

          Muli na namang bumalong ang luha sa mga mata ni Joana.

          “Mahal naman din kita eh. Selos na selos ako no’n kina Maricar at Vanessa eh. Playboy mo kasi.”

          “Please say it again. I want to hear you say you love me too.”

          Bumungisngis si Joana bago nagsalita. “I love you Sweety Pie.” Anito at mahigpit na siyang niyakap.

          “Marry me, Joana.” Napaluha si Michael sa labis na kaligayan.

          “I will.” Puno ng pagmamahal na sinapo nito ang magkabilang pisngi niya at siniil siya ng halik.

          “Outch!” Napasinghap si Michael nang masagi nito ang pasa niya sa gilid ng labi.

          “Teka, ba’t may pasa ka nga pala?” Nangunot ang noo ni Joana.

          “Ako ang may gawa niyan, Little Princess.” Sabay silang napalingon sa nakangiting si Fernan na tila ba wala na ang galit na nakita niya sa mukha nito kaninang umaga. “I went to his resto bago tayo pumunta dito. I gave him the punch of his life. Pinaibig ka niya tapos may mahal pala siyang iba. Aba, hindi yata ako makakapayag no’n. Pero ngayon, okay na. Sorry, son. ‘Kaw naman kasi hindi ka nagsasalita.” Tumatawang bulalas ni Fernan. Nagtawanan na rin ang lahat at masayang niyakap ni Michael sina Luisa at Fernan.

          “So I guess, hindi na matutuloy ang pag-uwi natin sa New York, langga. We already have the reason to stay here for good. Let’s go at planuhin na natin ang kasal ninyong dalawa.” Madaldal na ani Luisa. “What do you think is the best place for the wedding reception?”

          “MichaelAngelo!” Sabay na bulalas ng magkaakbay na sina Joana at Michael. Sabay din silang nagkatinginan at nagtawanan.

          “Where everything started, sweety pie.” Bulong ni Joana sa kanya.

          “And where you have proven that after all, you’re not the 11th old maid of Samonte Clan. I love you.” Ani Michael at masuyo at buong higpit na niyakap ang babaeng magiging ina ng kanyang mga anak.

 

_________________________WAKAS__________________________________

 

 

 
 
 
Chapter 07   Chapter 08   Chapter 09   Chapter 10
 
 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 Books & Literature - Top Blogs Philippines

        

 
 
 
 
 
 
spam blocker 
All contents of this site are copyrighted by the authors/owners or Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.