Hindi ginusto ni Leesh ang show business. Ngunit iyon ang inilaan sa buhay niya na hindi niya matatakbuhan. Isa lang ang naging konsolasiyon niya at iyon ay ang guwapong direktor na si Abner Meanoz.
Unreachable ang tingin niya rito, ngunit nang dahil sa isang laro, nagkaroon siya ng pagkakataon na mapalapit dito—kasabay no’n ay ang sunod-sunod na pagdating ng misteryo sa buhay niya. Misteryong hindi niya inakalang mapapasukan niya.