CHAPTER II
“I’LL be meeting with my cousin, won’t you mind?” paalam ni Karen, na madalas sumama sa kanya mula nang nagsimula ang unang semester sa pangatlong taon nila sa Psychology.
Hindi niya sana ito gustong kasama pero hindi niya magawang tanggihan. Maingay ito at makulit, hindi makontrol ang pagkuwento at laging nag-iingles sa Australian accent. Australian-Filipino ito, bilugin ang mata, itim na itim ang buhok at may maimpluwensiyang ngiti—ngiting nakapagpapangiti rin sa nginingitian nito. Lumaki ito sa Australia ngunit piniling mag-aral dito sa Pilipinas dahil gusto nitong kilalanin ang bayang pinanggalingan ng nanay nito.
“Sure, sige lang,” sagot niya rito. Ayaw sana niya dahil kailangan nilang magsaliksik sa library para sa Theories of Personalities pero siguradong mangungulit na uli ito. Gusto niya ng katahimikan.
“Let’s go? Naghihintay siya sa third floor,” balu-baluktot ang tagalog nito pero sinusubukan pa ring magsalita ng diretso.
“Why do people try so hard?” tanong niya sa kanyang isipan.
“He’s still not here…” mahinang sabi ni Karen habang lumilinga-linga sa paligid.
“Sigurado ka bang third floor? Sigurado ka bang ngayon?” gusto niyang idagdag, ‘ba’t kailangan pa akong isama?’ pero pinigilan niya ang sarili.
Tumango ito. “I’m sure he—” tumigil ito at biglang may kinawayang lalaki, pamilyar iyon. “Great! He’s here,” lumapit ang lalaki—and she could only catch her breath. “Greiye, meet my cousin Ervinne.”
“Greiye Lizardo…” tatangu-tango si Ervinne habang nakangiting nakatingin dito. He was staring at her with empty eyes, but he seem to remember someone from her. “How are you?”
“You know each other? Since when?” nagtatakang tanong ni Karen. Walang nabanggit si Greiye tungkol sa pinsan niya at wala ring nabanggit ang pinsan tungkol kay Greiye.
“We’ve met a little earlier,” nagkibit-balikat ito. “I saved her day.”
Saved ‘her’ day? Ako ba ‘yon? Arrogant, though she knew it was a joke. Tumango na lamang siya. “I think he really did. Salamat nga pala.”
Ngiti lang ang tugon nito, ngunit madalas ay napapansin niya ang nakaw-tingin na ipinupukol nito sa kaniya.
Itinirik ni Karen ang mga mata. “Whatever, I’m not interested, now—”
“Everything made you interested, Karen,” nagtatakang singit ni Ervinne.
“Maybe,” nagkibit-balikat ito, “but we’re really saving time here so I won’t bother any of you two—it would slow me and Greiye down.” Ngumiti ito. “Give me the thing I’ve asked.”
“Here,” inabot nito ang flash disk na may tatak na kingston. “I’ll be going ahead then. Bye, Greiye, do good with your research.” Ngumiti ito at tuluyan ng umalis, mukha rin itong nagmamadali.
What was that about? Pinigilan niyang mapakunot-noo. Paano nito nalaman na nagreresearch sila?
“Let’s go?” tanong ni Karen na ngingiti-ngiti.
She can’t stop the thing that bothers her. Just when did I see him?
Tinapik ni Greiye ang suot na relo. Isang oras at tatlumpo’t minuto bago mag-ring ang bell—kulang iyon para makumpleto ang pinapasaliksik sa susunod nilang asignatura. Hindi puwede!
Nang makarating sila ni Karen sa third floor ay napansin niyang dumidiretso ito sa gate palabas. “Karen!” Hinabol niya ito. “Sa’n ka na naman ba pupunta?” Hawak niya sa kamay ang pad paper na susulatan nila sa research. Nagpasalamat na lamang siya at puwedeng handwritten iyon dahil kulang na sila sa oras upang mag-encode, gayunman, hindi pa rin nakatulong iyon dahil mukhang may gusto pang puntahan si Karen.
Hinila siya nito sa kamay at binilisan ang lakad. “Somewhere.”
“We don’t have enough time,” nagsimula na siyang mainis. Kung hindi dahil dito ay sana may karadagan pa silang tatlumpong minuto para manaliksik. “Hindi tayo naglalaro dito. You said we’d do this now instead of yesterday, tapos ngayon may pupuntahan ka pa?”
Lalong bumilis ang lakad nito. “I know. I want to pass too.” Nakangiti ito.
Papasa ka ba sa ganito? Pinipigilan niya ang inis. And you’re smiling too! Can’t she limit her bratty attitude? May tamang oras naman para do’n hindi ba? Napatiim-bagang na lamang siya habang hinihila pa rin ang kamay niya. This is just one assignment, bawi na lang ako.
Patuloy silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang computer shop sa Assumption Road. Internet research? Lalo siyang nainis. Mahigpit ang bilin ng professor nila na hindi sila maaaring kumuha sa internet ng anumang impormasyon. Naaalala niya pa ang sinabi nito, …there are only few books in the library with answers to what I’ve asked, I know them all—I can tell internet research. Matalino naman si Karen, alam niyang alam nito ang sinasabi ng instructor nila. So, what was she up to that day?
Nakahinga siya dahil grinupo sa dalawa iyon ngunit wala din namang kinahinatnan, mas malala pa yata ang nangyari.
Binitiwan nito ang kamay niya at dumiretso sa lalaking nagbabantay. Inilabas nito ang flash disk na ibinigay ni Ervinne kanina. “There should only be one document here, print that.” Tumangu-tango naman ang lalaking inutusan.
Maya-maya ay lumapit na ito sa kanya hawak-hawak ang ilang coupon bond na hindi niya alam ang nakaprint.
“Ano naman ‘yan?”
“Our homework.” Inabot nito ang mga papel sa kanya.
Pagkatingin sa print outs ay nahabol niya ang hininga. Ang laman niyon ay ang pinapasaliksilk sa kanila sa asignaturang Theories of Personalities. Iyon ba ang dahilan ng paghihila-hila nito sa kanya? Si Ervinne bang gumawa no’n? Natigilan siya. “Teka lang! sigurado ka bang hindi ‘to internet research?”
“I’m sure,” nakangiti ito.
Kapagkuwan ay napangiti na rin siya. “Kinulit mo si Ervinne ‘no?”
“Well… yeah, because he has connections. And his friend finished the subject already—with the same instructor,” napanguso ito. “It took me some effort to make him say yes, but it’s worth it.”
Nawala lahat ng inis niya rito. Siya pala ang walang ginawa, si Karen pa ang gumawa ng paraan. Kaya pala lagi nitong sinasabing ‘leave it to me’ tuwing kinakausap niya ito tungkol doon.
“Let’s go?” yaya ni Karen.
Tumango siya at ngumiti. “Thanks.” And to Ervinne, too.
Kanina pa gustong ni Greiye kay Karen ang tungkol kay Ervinne. Kung taga-Gibraltar ito gaya niya, bakit ngayon-ngayon niya lang nakita? Matagal na ba sila do’n? Hindi niya maintindihan ang biglang kuryosidad na bumalot sa kanya hinggil kay Ervinne.
“Ervinne…” basag ni Karen sa katahimikan nang makaupo na sila sa mga benches sa labas ng Adenauer Building. Doon gustong kainin ni Karen ang binili nitong chips, may dalawang oras pa naman silang break time kaya hindi na siya kumontra. Wala rin naman siyang pupuntahan kung saka-sakali.
“Ha?” Nabasa niya ba isip ko?
“No… sorry, I suddenly thought of him.” Napangiti ito at tila may naalala. “You know, that guy—he means so much to the Deveratura household.”
Deveratura household? “Sandali,” singit agad niya at natigil sa pagsasalita si Karen. “Deveratura siya? ‘Yong may-ari ng mansiyon sa Gibraltar?”
Tumango ito. “Oh, yes, yes! You know them?”
Naisip niya iyong misteryosong tao na tumutugtog ng moonlight sonata. “Hindi naman, sadya lang silang maimpluwensiya kaya kilala ang mga Deveratura sa’min. Wala pa nga akong nakikitang Deveratura sa personal—” Napatigil ulit siya nang maalala kung sinong kausap niya. “Deveratura ka din?”
Ngumiti ito. “My middle name says so.”
Napatirik ang mga mata niya. “I wasn’t aware.”
“But do you have to?”
Hindi naman, hindi ko lang gusto ‘yong musika niyo. “E ba’t di ka nakatira sa Gibraltar?”
“Uncle Tommy wanted a house there, but Father wanted to build his house in Aurora Hill.” Napakunot-noo ito. “And we’re not supposed to be living in the same house, right?”
Napangiwi siya. “Oo nga naman, mali ako, magpinsan lang pala kayo.”
Nag-ring ang cellphone nito. “Wait. Let me answer this. Hello?” ngumuso ito habang pinapakinggan ang sinasabi sa kabilang linya. “You know I have plans… yeah, but… mom don’t this—but I said yes to Ervinne! He was first… what?” Maya-maya ay ibinaba na nito ang phone.
“Bakit?” nagawa niyang itanong. Hindi niya ugaling magtanong dito sa tuwing ganoong may phone calls ito—dahil lagi namang nangyayari—ngunit nanaig ang kuryosidad nang marinig niya ang pangalan ni Ervinne.
“Mom suddenly asked me to go with her for a spa,” ngumuso ulit ito na parang bata. “But I already have plans to go with Ervinne—” Natigil ito ng may maisip na ideya at napatitig kay Greiye habang unti-unting lumabas ang ngiti nito.
Oh, God, no! please—
“Go for me?” anitong nakangiting maamong-maamo.
Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo nang marinig ang sinabi nito at patakbong lumayo. Hindi siya papayag sa pabor nito. Mag-isa kasama ni Ervinne? Hindi! Hindi niya gusto, ayaw niya. Maisip na nga lang ito ay nag-iiba na ang tibok ng puso niya, makasama pa kaya ng mag-isa lang? Hindi niya alam kung makakahinga pa siya ng normal.
“Please, Greiye, I don’t have a choice.” Nahabol na pala siya nito na hindi man lang niya namalayan. Nasa tapat na sila ng fountain sa gitna ng pamantasan.
“I won’t! Ayoko. I-cancel mo na lang, tapos punta kayo sa ibang araw. Hindi niya ko kilala, ‘di ko din siya kilala tapos magsasama kami ng ganun-ganun lang?” Muli siyang patakbong lumakad palayo. Pataas na siya ng hagdan sa tabi ng Rizal building papuntang Vath Library Building kung saan may malaking iskulptura ng dalawang taong nagbabasa.
“It can’t be cancelled!” muntikan niyang sabihing, I don’t want it to be cancelled!. “And you knew each other right? You already talked—and… and… I promise he can be trusted!” Hingal-kabayo na ito nang nasa kalagitnaan na sila ng hagdanan. “Just this once… please Greiye, I have no choice.” Tumigil ito at sumandal sa railings. Lalong lumalim ang hinga nito. “I can’t breathe….”
Tumigil sa paglalakad si Greiye at nilingon ito. I forgot she’s asthmatic! Tumakbo siya pabalik sa tabi nito. “Karen?” Bumilis ang tibok ng puso niya. Anong mangyayari sa kanya? She felt uneasy. “Okay ka lang?” Nagsimula na siyang magpanic. “Wait lang, magtatawag ako ng—”
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila pabalik. “Joke lang.”
Natigil siya. What?! Joke? Hindi niya matanggap na mangiyak-ngiyak na siya kanina, sa pag-aakalang may mangyayaring masama rito dahil sa kanya. Gusto niyang mainis pero mas naghahari ang kasiyahan dahil nasa mabuting kalagayan ito. “That wasn’t so nice.”
“I know,” ngumuso ito, “but you’ll go right?”
Nagsimula na naman siyang lumayo nang mapansin na sumusunod pa rin ito. “No!”
“Then I’ll keep chasing.”
Inisip niya ang kondisyon nito. Paano kung inatake talaga ito ng asthma? Bumalik siya sa tabi nito. “I hate you.”
Ngumiti ito. “I know.”