Your Story Haven
Share Your Stories Online
Novels Index      ariadnemaia-moonlight10
Print this pageAdd to Favorite






 
 
 
 
 


 
Moonlight Memories
 
 
 

CHAPTER X

                “Have you brought the clothes I told you to bring?” tanong ni Karen ng makalapit si Greiye sa front gate ng mansyon. The mansion was considered the family house of the clan, that’s why occasions are celebrated in the billionaires’ home. Lahat kasi silang magkakapatid nagtulong-tulong bilang mga propesyonal para sa mansyon para sa buong pamilya. At nagtawag sila ng family dinner para sa buong pamilya para sa pagpapakilala ni Ervinne kay Greiye. They wanted to give the best for the first grandson of the Deveratura, as much as he wanted, as long as there’s time, Uncle Tommy would do everything for him.

                Tumango si Greiye. “Kinakabahan ako, nandiyan na ba silang lahat?”

                “Almost,” hinawakan ni Karen ang kamay niya. “We better use the backdoor, para surprise.”

                Sumunod lamang siya rito dahil hindi naman niya alam ang lugar. Hindi niya mapigilang maapreciate ang garden nila na puno ng berdeng-berdeng Bermuda grass at iba’t-ibang bulaklak, sa isang parte ay mayroong punong-puno ng roses at sa gitna ay may naglalakihang fountain na sa tuktok ay may estatwang cherubim. Hindi niya akalaing makakapagtayo ang mga ito ng ganoong kalaking mansiyon sa lugar nila. Kahit na naging parang subdibisyon na rin ang lugar nila mula ng naging mayor si Hernandez. Dati ay mukhang squatter’s doon, ngunit inayos nito ang mga bahay bahay at nagbigay na rin ng mga murang pabahay. At sa tuktok ng purok nila, doon nakatayo ang mga mansiyon ng Deveratura na siya ring isang bagay na nagbibigay ng magandang pangalan sa lugar.

                Nakarating na sila sa isa sa mga pinto sa likod kung saan ang kusina. May iilang tagapaglingkod doon na nagluluto at nagaayos ng pagkain.

                “Hi George,” sabi ni Karen sa isa sa lalaking tingin niya ay ang mayor doma. “This is Greiye.”

                Ngumiti ito ng tignan siya. “Magandang araw Ms. Greiye sana’y masiyahan ka sa mga putahe natin ngayon.”

                Nilibot niya ang mga mata sa nakahilerang pagkain at pinigilan ang sariling mapa-wow. Para siyang kakain sa resto… tuloy ay naramdaman niya ang panliliit sa sarili dahil bigla niyang napagtanto ang social status ng mga Deveratura.

                “Karen,” bulong niya dito nang tangkang aalis na sila. “Ayoko na. nakakahiya, ‘di ako bagay dito.”

                “What?”

                “Feeling ko e, ang baba ko,” napangiwi siya. “Nakalimutan kong Deveratura pala ‘yong pinasok ko.”

                “Greiye? What’s with you? E ‘di ba you like Ervinne for what he is not for what he has, you saw him as Ervinne not as a Deveratura right? That’s why you love him right? The money doesn’t matter.”

                “Pero—“

                “This dinner is for you, y’know. Kaya let’s go!”

                Wala na siyang nagawa nang hilain siya nito at itago sa mga tao sa salas papunta sa guest room na tutuluyan niya para sa gabi.

 

                Napatitig si Greiye sa sarili sa full length mirror matapos siyang ayusan ni Karen. Ginamitan nito ng iron curler ang unat na unat niyang buhok at dinagdagan lamang ng manipis na make-up sa mukha. Nabigyang empasis ang mga mata niya ng paikutan ng eye liner ang mga ito at mascara sa mga pilik-mata. Tumingin din siya sa mga hindi pamilyar na mga paa niya na nakasuot ng itim na gladiator heeled sandals. Ngayon pa lang ay ramdam na niya ang pananakit ng mga ito.

                Si Karen ay nasa kabilang kuwarto na, na inasikaso naman ang sarili. Napa-upo siya sa malambot na kama, rinig ang mga yabag mula sa labas ng pinto at pabulong na pag-uusap ng mga tao.

                Napa-isip siya kung may alam bang naroon siya maliban kay Karen. Paano kung biglang binuksan ang pinto tapos hindi siya kilala? Tapos nagsisisigaw? Ipinilig niya ang ulo, masyado na ata siyang paranoid.

                Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Bakit kailangan pang kumatok kung si Karen ‘yon? Bumilis ang tibok ng puso niya ngunit minabuti na lang niyang tumayo at buksan iyon. Agad namang ikinaginhawa niya nang makitang si Ervinne iyon na nakasuot ng polo na nakapatong sa itim na vest, naka-slacks sa pang-ibaba at Chuck Taylor Converse. May chain na nakasabit sa bulsa nito at malinis na inayos ang buhok. Ngayon lang niya napansin na nagwo-work-out pala ito dahil lagi namang nakasuot ng makapal na jacket.

                Ngumiti siya rito at niluwangan ang bukas ng pinto. “Magsisimula na ba?”

                Pumasok muna ito at isinara ang pinto bago nagsalita. “Hindi pa naman,” bumaling muli ito ng tingin sa kanya at kinilatis mula baba hanggang taas. “Wow.”

                “Panget ba?”

                “Are you kidding me?” hinawakan nito magkabila ang mga pisngi niya. “You are the most beautiful woman I’ve ever seen. Bagay mo pa lang mag-suot ng ganiyan.”

                Napataas ang kilay niya. “Weh, ‘wag ka nga. E matagal pa ba? Marami na ba sila? Sa’n si Karen?”

                “Relax,” ibinaba naman nito ang hawak sa mga kamay niyang nanlalamig na. “Nanlalamig ka.”

                Mainit ang kamay nito, gaya noong unang hawak niya rito sa SM. Ang pamilyar na init na dala niyon ay naroon pa rin. Bumuntong hininga lang siya rito.

                “Si Karen sinundo si Gabriel, siguro nando’n na sila. Meron na silang lahat. Ikaw na lang hinihintay kaya sinundo na kita.”

                “Ha? A-ano, punta na ba tayo? Nanliliit ako.”

                “Greiye,” nilaro nito ang buhok niya. “You look beautiful. I promise they’ll like you.”

                “E bakit ba kasi kailangan pang lahat sila nandito?”

                “Because my family exaggerates, no’ng sinabi kong may girlfriend na ako e nagsimula na ring mag-dial si mama mg numbers. I’m sorry babe, but you need to see them. Para sa’kin?”

                Bumuntong hininga siyang muli. “Oo naman. Para sa’yo.”

 

                Mula pagbaba ng hagdan ay hawak-hawak ni Gab ang kamay niya hanggang makapasok sila sa dining room kung nasaan nandoon ang mahabang mesa na ilang tao siguro ang maookupa. Halos puno ang hapagkainan ngunit may limang upuan pang hindi naookupahan. Napansin niyang hindi pala karamihan ang pamilya nila. Tantiya niya ay tatlo lang na pamilya ang naroon. Nakita niya si Karen na kumaway sa kaniya maging si Gabriel na ngumiti rin, gumanti siya ng ngiti sa dalawa. May mga tagalingkod sa sulok at nakahanda ang mga nakakalulang putahe sa gitna.

                Lahat sila nakatingin sa kanila ni Ervinne lalong-lalo na sa kaniya. Nagsimula na namang manginig ang tuhod niya at manlamig ang mga kamay na mahinang pinisil nito. Nakakahanap siya ng lakas ng loob mula roon.

                “Hello dad, mom, and everyone,” itinaas ni Ervinne ang kamay nilang magkahawak. “This is Greiye, my girlfriend.”

                “Have a sit Greiye,” anang babaeng, kung hindi siya nagkakamali ay si Lina ang nanay nito, sa kaliwang upuan ng lalaking nasa sentrong upuan. Iyon ay si Architect/Enginneer Tommy na sikat na sikat hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa mundo. Ang asawa nito ay si Lina Deveratura na kahit sa edad na forty-three ay naggagandahan pa rin, madalang ito makita sa pahayagan hindi gaya ng asawa kaya ng makita ngayon ito ay karangalan sa kaniya.

                Hinatid siya ni Ervinne sa upuan niya katabi nito at sa kanan naman ay si Karen. Isang lalaking may hawig kay Ervinne ang nasa tapat niya na hula niya’y nakakababatang kapatid nito. Tingin niya ay magkasing-edad lang sila sa disi-otso, si Ervinne ay nasa beinte-dos. Magkakasama silang nag-aral sa Australia kaya marahil ay nasa beinte naman si Gab at Karen.

                “Our guest of honor is here…” anunsiyo ng tatay ni Ervinne. Mukha silang mabait, iyong kapatid lang siguro ang hindi.

                Minsan pa niyang inilibot ang mata at napansin na si Karen lang pala ang unica-hija ng Deveratura at nag-iisa ring anak ng pangalawang kapatid, iyon din ang nabanggit ni Karen nang matanong niya kung may kapatid ito. Sa bunso sa magkakapatid ang may pinakamadaming anak na tatlo ang lalaki. Hindi rin pala sila ganoon kadami.

                “I’m Tommy or Tito Tom na lang, and the head of the household,” baling nito sa kaniya na nakangiti. “Ito naman si Lina, my wife. And my second child Evant.”

                Isa-isa nitong pinakilala ang mga naroon at nang siya naman ang dapat magpakilala ay tumayo siya at sinabi kung anong dapat na sabihin. Magaan ang pagtanggap sa kaniya ng pamilya at natutuwa siya dahil naging komportable na rin siya sa presensiya ng mga ito mula sa pag-anunsiyo ni Tito Tom na maaari ng kumain hanggang sa pagkukuwento ni Tita Lina na tila hindi na tumitigil.

                Matapos ang kainan ay isa-isang lumapit ang mga tao sa kaniya na nakipagkuwentuhan at nagtanungan ng kung ano-ano. Natandaan niya si Jonathan na ang panganay na anak ng bunsong kapatid ni Tito Tom na si Tony. Magaan at may katuturan ito kung kausap. Si Evant lang siguro ang nagpakita ng pagka-ayaw sa kanya.

                “Greiye,” tawag ni Ervinne. “Halika.”

                “Tita, excuse me lang ha?” aniya kay Tita Lina.

                Tumango naman ito. “We’ll talk later.”

                “Saan?” baling niya kay Ervinne.

                “To the real me…” may pag-aalala sa mata nito na hindi niya naintindihan. Nasabi kasi ni Karen na ayaw ni Greiye sa musika.

                Napangiti si Greiye sa sarili, kailan lang nang hindi niya mabasa ang mga mata nito, ngayon ay napakadali ng gawin iyon. “Hindi ko maintindihan?” aniya nang mapagtanto kung anong nasabi nito.

                Hindi ito nagsalita bagkus ay hinila siya hanggang sa makarating sa isang malaking pinto na nang binuksan ay may isang grand piano at naglalakihang bintana kaya klaro nilang nakikita ang labas. Hindi sinasadyang napatingin siya sa itaas kung saan ang buwan at nakaramdam ng pagkasuya sa tiyan. Nausea, aniya sa isip.

                Bilog na bilog ang buwan.

 

 
 
 
Chapter 8   Chapter 9   Chapter 10   Chapter 11   Chapter 12   Chapter 13   Chapter 14
 
 
 
 
VISITORS ONLINE 
 
YSH SHOUTBOX

 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
LOVE MATCH AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
 
**Contact us if you want your link included here
 
 
 
spam blocker
 
All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.