Her eyes widened in shock. Then in pain. Zero was kissing Leslie, his beautiful secretary. Pagkuwa’y natigilan ang babae, mabilis na bumitiw at napatingin sa kanya. Awtomatikong lumipad ang kanyang mata sa mukha ng kasintahan. Bahagya itong nagulat pero mabilis ding naging blangko ang ekspresyon nito, na para bang walang nangyari. Na para bang wala itong pakialam kung nasaktan man siya sa nakita o hindi.
“Get out.” utos nito sa secretary na mabilis namang tumalima. He was still looking at her as he spoke. “You’re here.” umupo ito sa swivel chair at sumandal doon. Walang emosyon ang magaganda nitong mga mata habang nakatingin sa kanya. “Didn’t I say never come to see me?”
Galit na naglapat ang kanyang mga labi. Sunud-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Pain for what she saw, pero mas masakit palang malaman na wala na itong pakialam sa kanyang damdamin.
“Stop crying!” tila naiiritang nag-iwas ito ng tingin. Ipinako nito ang mga mata sa kanan at nagbuga ng hangin. “She kissed me, I didn’t. You know the difference. Besides, it doesn’t matter who I kiss, wala na tayo. I can do any hell I want.”
So, he’s expecting her to believe just that? Na hindi siya magagalit? Na okay lang? Pero tila nabasa nito ang kanyang naiisip.
Inilipat nito ang tingin sa mga papel na nasa ibabaw ng mesa. “If you don’t want to believe me then don’t. I’ve got a bunch of work to do. You can leave now.”
“I-Ipinagpalit mo ako ng ganun k-kadali…? I hate you!” humahagulhol na lumabas siya mula sa opisina nito at dumiretso sa elevator.
Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7