|
Sweet Victory
by Lyzah
Chapter Eleven
KUNG gaano kabilis ang pagpatak ng ulan ay ganoon rin kabilis ang pagpatak ng kanyang mga luha. Kanina pa siya iyak ng iyak at nakasubsob ang mga mukha sa unan. Tila hindi nagsasawa ang puso niya sa kadramahan niyang iyon. Ang gusto lang naman niya ay maibsan ang bigat ng kanyang nararamdaman kahit konti lang. Ngunit tila wala naman siyang naramdamang nabawas sa sakit. Habang tumatagal ay lalong dumadami ang tinik na nakatarik sa kanyang puso. She can’t help but think how helpless she is—how worthless she is to him. She can only think that crying is her only remedy since she can’t tell him the truth. He doesn’t have the right to know. At mas lalong wala itong karapatang saktan siya ng ganoon.
Naiinis siya sa sarili. Kung bakit siya nagpaloko rito—hindi, mas dapat niyang sabihing kung sana ay hindi niya hinayaan ang sariling magpaloko rito. Humanda talaga ito dahil oras na matapos siya roon sa kaka-emote ay ipapakulam niya ito. Ipapa-disarrange niya ang mukha nito. Gagawin niyang kulubot ang balat nito. Natawa siya sa sariling kahibangan.
“Tanga na nga ako, gagagahin ko pa ang sarili ko,” kausap niya sa sarili at napasinghot. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi. “Akala mo nasira mo na ako ng tuluyan—no way! Ang ganda ko kaya, maraming lalaki ang mahihibang sa `kin!”
“Yeah, right!” sarkastikong sagot mula sa likuran. Hindi na niya kailangan pang lumingon upang malaman kung sino ito. Tuluyan nang nawala ang boses bakla nito.
“Ano na naman? Si-sermunan mo na naman ako?” Umupo siya at humarap rito.
“Nope. You’ll never listen and you’ll never learn. I just checked if okay ka na.” Namaywang ito at pinakatitigan siya.
“Ba’t ka ganyan makatingin. May gusto ka sa `kin?” Naiinis siya sa pinsan kung ganoon ito—nakatitig lang at walang gaanong sinasabi. Kahindik-hindik kasi ang mga bagay na naiisip nito kapag ganoon. Nagulat pa siya nang umalis agad ito roon nang walang pasabi. Napakibit-balikat siya at tumayo. Pumunta siya sa may bintana at huminga ng malalim roon. Laking pagtataka niya ng may maaaninag na pigura ng isang tao. Hindi nga lang niya iyon makita nang husto dahil madilim at walang masyadong liwanag ng buwan. Nahugot niya ang hininga ng masiguradong tao iyong nakaupo sa harap ng gate at nakasampay ang mga braso nito sa mga tuhod. Mas nagulantang pa siya ng mapagtanto kung sino iyon.
What the heck…He’s not supposed to be here! Paano nito nalaman ang kinaroroonan niya. Wait! Kanina pa ba ito roon? Base sa kanyang nakita ay basang-basa na ito. At kung kanina pa ito roon, baka nilalamig na ito at baka magkasakit na ito. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto at pumanaog. Nakailang hakbang na siya pababa ng hagdan nang dahan-dahan siyang tumigil.
“Bakit ko pa ililigtas ang kumag na iyon?” tanong niya sa sarili. Dahil mahal mo siya…anang munting tinig sa kung saan. “Pero siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.”
“Malay mo, siya rin ang dahilan kung bakit mawawala ang sakit na nadarama mo ngayon,” sagot naman ni Drae sa likuran niya. “Hindi mo ba talaga siya patutuluyin? Kanina pa `yon roon.” Tiningnan nito ang suot na wrist watch. “Two to three hours.”
“What?!” Hindi niya naitago ang pagkainis sa pinsan. “Ba`t `di mo sinabi sa `kin? At bakit `di mo man lang siya pinatuloy?”
“He said he’s fine. Kontento na raw siyang makita kahit ang kwarto mo man lang. And so, I let him.”
Inirapan niya ang pinsan. Dali-dali siyang kumuha ng payong, lumabas ng bahay at dinaluhan ito roon. Nakita niyang nakayuko lang ito.
“J-jad?” Wala siyang nakuhang sagot mula rito. Binuksan niya ang gate at nilapitan ito. Niyugyog niya ito. Lalo siyang nag-alala nang maramdamang mainit ito. Tinawag niya si Drae at nagpatulong rito sa pagpasok.
“M-MING?” mahinang sambit ni Jad na nakahiga sa kama ni Minggie. Kasalukuyan niyang hinuhubad ang mga basang damit nito. Nag-offer naman ng tulong si Drae kanina ngunit pinaalis lang niya ito. What’s wrong with her? Gusto lang naman niyang siya lang mismo ang mag-alaga rito. Umupo siya sa gilid ng kama. Pinunasan niya ang basang katawan nito at binihisan. Pagkatapos ay kumuha ng bimpong ilalagay sa noo nito.
Bakit mo kasi naisipang gawin iyon? She touched his cheek and gently kissed him there. Akmang babawiin na sana niya ang kamay nang pigilan nito iyon. Nagmulat ito ng mata at akmang uupo ngunit siya naman ang pumigil rito. “Rest.”
“Ming—”
“Sshh…” Inilagay niya ang hintuturo sa mga labi nito. Ayaw niyang marinig ang kahit anong sasabihin nito. Ngunit hinawi lang nito iyon at umupo.
“Hear me first, Ming, bago ka mag-emote uli,” sabi nitong hinaplos ang mga mata niyang namumugto. Napansin siguro nito iyon.
“Ano pa ang dapat kung marinig mula sa `yo? Niloko mo na `ko’t sinaktan. Hindi ka pa ba nakontento sa ginawa mo?” Hindi na rin niya napigilan ang muling pagdaloy ng kanyang mga luha. How she hates this person for hurting her. How she hates her heart for beating that fast when she’s near him and how she hated herself for loving him.
“Hindi pa dahil may hindi pa akong nagawa. Ming, mahal kita—”
“Aachoo!” Pagkukunwari niya. “Sorry, I’m allergic to bullshit lies!” panggagaya niya sa nabasang text message noon. Aalis na sana siya nang pigilan siya nito.
“It’s not a lie. I’m telling you the truth!”
“Kung mahal mo talaga ako, ba’t ka nakipagniig sa bruhang babaeng `yon,” sabi niyang ang tinutukoy ay si Carla. “Kung hahanap ka lang ng makakaniig mo, `yung maganda at sexy tulad ko! Hindi `yong mukhang model lang ang katawan ngunit sagad sa buto naman sa kapangitan.”
Bahagyang natawa ito sa panlalait niya. “Jealous?”
“Mukha mo!”
“You are.”
“I’m not!”
Napabuntung-hininga ito. “Look, Ming, I’m sorry. Lasing ako ng gabing iyon. Tuwing nalalasing ako, ni-re-rape talaga ako n`un.”
“Aha! Hindi lang pala `yon ang unang beses na ginawa ninyo iyon. Ang kapal rin ng mukha mong sabihing ni-re-rape ka. For all I know, nakikipag-cooperate ka rin. At kung hindi mo naman pala kaya ang sarili mo kapag lasing, dapat sana hindi ka na uminom. Another thing, kung gusto mong gawin `yong mga malisyosong ginagawa ninyo, ba`t tinanggihan mo ko doon sa pool?”
“Natakot lang ako sa maaaring dahilan mo sa pagyaya sa `kin knowing na puno ng salitang ‘competition’ iyang utak mo. Hindi mo naman ako masisisi, `di ba. I admit noon ko pa hinihintay ang pagkakataong iyon. Pero hindi ako sigurado sa nararamdaman mo noon. Gusto kong mahal mo `ko kapag ginawa natin `yon. I treasure you so much that I don’t want to mix those feelings with maliciousness. Inaamin ko ring binalak kong angkinin ka noong doon ka natulog sa kwarto ko. But for God’s sake, hindi ko iyon ginawa. Ni-respeto kita. Kung alam mo lang kung gaanong pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko.”
“So?” tanging naisagot lang niya.
“Anong so?”
“Kulang pa iyang mga sinabi mo sa `kin. May nakalimutan ka pa.”
“Ano pa bang nakalimutan ko, I already said that I love you so much!”
“Ah, galit ka?”
“Hindi naman,” sabi nitong hininaan ang boses at nagpa-cute. “I just missed you so much.” Niyakap siya nito at inihiga. Napaibabawan siya nito.
“Ang bigat mo,” sabi niyang `di pa rin nawawala ang inis. Kinuha niya ang bimpo at idinikit iyon sa noo nito. “May lagnat ka pa kaya umayos ka.” Tinangka niyang bumangon ngunit hindi siya nito hinayaan.
“May naalala tuloy ako dahil sa bimpong iyan.”
“H-ha?”
“I still can remember kung paano mo ko inalagaan nang tamaan ako ng vase.” Tumawa ito. “Hindi ko rin malimutan ang reaksyon mo nang hindi mo ako mabuhat.”
“Aha! Nagtulug-tulugan ka lang pala n`un. Pinahirapan mo pa ako. Another secret revealed.”
“You want another secret?”
“Ano?”
“It’s not true when I told you that you are going to undergo a personality development. Kinuntsaba kasi ako nina mama at ng mama mo na paibigin kita. Of course, pumayag ako. Mahal na kasi kita noon pa.”
Nagulat pa siya sa inihayag nito. “You loved me all this time?”
“Well, yeah. But you’re too cold and the only word in your vocabulary is competition. Hindi ako makasingit.” Dahan-dahan nitong inilapit ang mga labi sa kanya. “In a competition, nothing could ever compare to a sweet victory. And that’s…winning your heart. I never regret to challenge you `cause you ended up loving me. At sa lahat ng kompetisyon, minsan ka lang rin nanalo sa `kin. It’s when you made me fall for you and let me eat my pride.”
“Kinilig naman ako d`yan.” Napangiti siya. “At last, nanalo rin ako.”
Natawa ito. “I love you so much, Ming.”
“I love you, too, Jad.” Akmang hahalikan na sana siya nito nang may maalala siya. “Paano mo nga pala ako natunton dito?”
“Ikaw talagang kuting ka! Makakapaghintay `yang tanong na iyan. Pero ako, hindi na makapaghintay.” Hindi na ito nagpapigil at hinalikan siya sa labi ng ubod tamis.
WAKAS
|