Chapter 9: Dream come True
Parang kay bilis ng panahon. Sa wakas ay natapos na rin niya ang kurso. Masayang masaya si Miguel. Umuwi ng Athena Island ang kapatid niyang si Red at ang pamilya nito para masaksihan ang pagtatapos niya. Hindi nakasama ang isa pa niyang kapatid dahil sa trabaho.
“Saan mo balak mag-intern?” tanong ng Kuya Red niya.
“Nag-usap na kami ni Mommy. Sa Athena City na lang ang post-graduate internship ko. Babalik na kami ni Mommy sa Aphrodite,” sagot niya. Matapos ang trahedya sa Posiedon ay nagpasya silang mag-ina na tuluyan ng lisanin ang Posiedon at bumalik na lamang sa Aphrodite City.
“That’s good.
Para naman may kasama na uli sina Tito Gary at Tita Nita.” Nasa Canada na rin kasi ang mga pinsan nila kaya’t ang tiyuhin at tiyahin na lang nila ang magkasama sa bahay nito sa Aphrodite City. “Aalis din kaagad kami next week. May trabaho kasi kami ng Ate Lina mo,” sambit ng kapatid niya sa pangalan ng asawa nito.
“Sige,” aniya.
“
Sana makasunod ka na rin doon sa amin.”
Saglit siyang nag-isip. May isang tao siyang ayaw iiwan sa Athena. Tipid siyang ngumiti. “Titingnan ko.”
Sister company ng Athena University ang napili ni Miguel na pasukan para sa post-graduate internship niya, ang St. Elizabeth Hospital. Sa loob mismo ng school campus ang ospital. Naitanong tuloy niya sa sarili kung ano ang pakay niya roon. Umaasa pa ba siya na makikita niya ang babaeng kay tagal na niyang hinahanap? Napabuntong-hininga siya. Muli niyang naalala ang masasaynang sandali ng buhay niya na nakasama niya ang babaeng iyon. Hindi pa rin niya alam kung galit siya o hindi. Hindi niya masabi.
“Gracie, how was the first week for you?” tanong sa kanya ng ama habang kumakain sila ng hapunan. Unang linggo ng pagbabalik niya sa klase. Unang linggo ng semester. Noong nakaraang taon ay nagpahinga at nagpagaling siya at nagsanay uli ng volleyball. Pabalik-balik lamang siya sa Athena City at sa Hacienda Laureeana. Madalas din siyang lumabas kasama ang mga matatalik na kaibigan na ngayon ay graduating na.
Tumingin siya sa ama. “The first week was fun and exciting. My classmates are very nice and friendly. Still adjusting, because I was off to school for a year. And I’m also thankful for the guidance of my teachers..”
Masaya na naman siya na bumalik sa pag-aaral. Kahit graduating na ang batchmates niya at napag-iwanan na siya ay ayos lang. Nakakasama pa rin naman niya ang mga kaibigan.
“You are the love of my life. You give me reason to live. You taught me how to be strong, with you is where I belong.” Narining niya ang awiting iyon sa radyo habang nasa common room ng Archaeology Building. Mag-isa lang siya doon. Natigilan siya at napatingin sa kawalan. Bakit parang may kulang sa kanya? Masaya naman siya sa mga ginagawa niya at sa pamilya niya. Ano ang kulang? Pag-ibig nga ba?
“I’ll spend the rest of my days just loving you…” Lumingon siya sa pinaggalingan ng tinig. Naroroon na pala si Raine, isa sa mga matatalik niyang kaibigan.
Nang magsalubong ang tingin nila ay nag-ngitian sila. “Hi Gracie!” masayang bati nito at humalik sa pisngi niya. Napaka-masayahin nito, kahit noong magka-klase pa sila.
“Hi Rainee,” ganting-bati niya.
“Wala kang pasok?” tanong nito.
“Three o’clock pa.”
Pumasok ito sa Ladies’ room at nakatingin na naman siya sa kawalan. Natapos na ang awiting iyon, at may sumunod na kanta na nakaantig na naman ng puso niya. Nag-iba ang pakiramdam niya nang marinig ang tinig ni Josh Groban.
“You raise me up so that I can stand on mountains. You raise me up to walk on stormy seas. I am strong when I am on Your shoulders. You raise me up to more than I can be.”
Naalala niya si Joss, ang kaibigan ng kuya Phil niya na kamukhang-kamukha ni Josh Groban at kaparehong-kapareho nito ng isitlo ng pag-awit. Ngunit maliban doon, hindi niya maintindihan kung ano ang nadarama. Para bang napaka-significant sa kanya ng mga awitin ng Josh Groban. Parang mayroon siyang alaala sa nakaraan.
“Parang ang lalim ng iniisip mo, ah?” umupo sa tabi niya si Raine.
Tumingin siya rito at tipid na ngumiti.
“Are you okay? Do you want to share something?” sabi pa nito.
“I just feel incomplete. I don’t know why,” amin niya. “Masaya naman ako sa ginagawa ko. Masaya ako sa pamilya ko. Hindi ako nagkulang sa pagmamahal kay Daddy, pero bakit gano’n? Bakit parang naghahanap ako ng pag-ibig?”
“It’s very normal at our age, Gracie. You’re now at the peak of your dreams. And I guess, you are now satisfied with your life, because you really have a good life. I guess what you are feeling right now is you want to fall inlove, since you don’t have a boyfriend for nearly two years now.” Mukhang kilalang-kilala talaga siya ng kaibigan.
Napangiti siya. “Absolutely,” sabi niya. “Kelan kaya ‘yun? Kelan kaya masusundan si Jeremy?” Sinubukan pa noon ni Jeremy na makipagbalikan sa kanya, pero hindi na niya tinanggap. Hindi pa rin siya nakakalimutan nito.
“Just wait my dear, and be patient. Time will come. Ako nga, hanggang ngayon, wala pa rin boyfriend. Okay lang ‘yan. Let us enjoy being single. Welcome to the club!” masayang sabi nito sa kanya.
Ngumiti lamang siya sa sinabi ng kaibigan. “By the way, matagal na rin tayong hindi naglalaro ng volleyball. Let’s have a game on Saturday?” alok niya.
“Sure,” kaagad na sabi ni Raine. “I’ll inform Floriza, Yha and Che,” sambit nito sa mga matatalik na kaibigan nila.
Bakanteng oras ni Miguel. Kaunti lang naman ang mga pasyente sa ospital. Pumasok siya sa university library para magbasa-basa. Hindi pa rin niya matiyak kung talagang iyon lang ang pakay niya o may iba pa.
Pumunta si Gracie sa Reserve section ng library para hiramin ang librong ipina-reserve ng guro nila sa isang major subject. Hindi siya madalas pumunta sa library dahil palagi siyang nasa opisina ng daddy niya, o kaya sa common room. Napansin niya ang isang lalake na isang doktor base sa uniporme nito. Mayroon pa itong sthetoscope sa leeg. Nakaupo ito malapit sa kinatatayuan niya at nagbabasa ito ng diyaryo. Parang pamilyar sa kanya ang mukhang iyon. Hindi lang niya alam kung saan at kailan niya iyon unang nakita. Pero natitiyak niyang hindi niya kilala ang lalake. Pinagmasdan niya itong mabuti. Marahil ay naramdaman nitong may nakatingin rito. Tumingin ito sa kanya. Maamo ang mukha nito, pero bigla itong nag-iwas ng tingin. Kilala ba siya nito? May
mali ba sa kanya?
“Good morning Gracie!” bati sa kanya ng isang lalakeng estudyante na palapit sa kinatatayuan niya. Papunta ito sa reserve section.
Nakilala niya ito. Isa ito sa mga ka-klase niya. Gumanti siya ng bati. “Good morning, Willy!” Ibinalik niya ang tingin sa doktor. Hindi na ito nakatingin sa kanya. Nakatuon ang pansin nito sa diyaryo. Lumabas na siya ng library at hindi na lang ito pinansin. Marahil ay suplado ito.
Hindi alam ni Miguel kung papaano magre-react nang magtama ang paningin nila ni Gracie. Pagkatapos ng dalawang taon, muli silang nagpalitan ng tingin. Tila hindi siya kilala nito. May amnesia pa kaya ito? Marahil ay mayroon pa. Bumalik na pala ito uli sa eskwela. Bagay na bagay rito ang unipormeng suot.
“I’m warning you, son,” simula ng Mommy niya. Lahat ng nangyayari sa kanya ay sinasabi niya rito. Ito lamang ang pinagsasabihan niya ng mga sama ng loob. “Mahihirapan ka lang sa ginagawa mo. Then what, you will reveal to her who you are? You are going to tell her of everything?”
“Mommy, you know how much I love her. And I want to stay close to her. Kahit hindi niya ako kilala, ok lang sa akin. Gusto ko lang siyang makita,” aniya na halatang nahihirapan at nalulungkot.
“Pero ikaw din ang nahihirapan.”
Hindi siya umimik. Sa loob ng isang taon, kahit wala si Gracie, nananatili ito sa puso niya. Mahal na mahal niya ito kahit sandaling panahon lang silang nagkasama. Ito pa rin ang hinahanap-hanap niya.
Napapadalas si Miguel sa university library sa tuwing bakante siya sa ospital. Isang oras din siya roon, pagkatapos ay aalis na. hindi na niya uli nakita sa library ang hinahanap niya. Hula niya ay hindi ito madalas pumunta doon. Naisip niyang pumunta sa opisina ng Archaeology Department. Baka sakaling naroroon ito. Ano pa ba ang department ni Gracie kundi ang kurso nito, ang Archaeology?
Natagpuan niya ang sarili sa harapan ng pintuan ng opisina. Ano ang gagawin niya? Papasok na ba siya? Marahil ay wala naman doon si Gracie nang ganoong oras at ang chairperson yata ang maaabutan niya. Naisip niyang huwag na lang ituloy ang binabalak. Wala naman siyang gagawin doon. Alangan namang pumasok lang siya ng wala namang sadya.
Paalis na siya ng building nang masalubong niya si Gracie na palabas ng tanggapan ng Business Administration Department. Nagkatinginan na naman sila at umiwas siya ng tingin. Bumalik na lamang siya sa ospital.
“Ate, kamusta na po kayo?” Kaagad niyang dinalaw ang ate Heart niya sa ospital nang bakanteng oras niya. Sa ospital ng unibersidad ito isinugod. Bigla na lang daw itong nahimatay habang nasa opisina.”
“I am ok now, Gracie. Napagod lang siguro ako,” sagot ng ate niya.
“Pinag-alala mo naman kami,” sabi niya.
Marahang tumawa ang ate niya. “Don’t worry. Okay na talaga ako. Kailangan ko lang ng ilang araw na pahinga.”
“Sige po, magpahinga lang kayo.”
“Salamat, sis.”
Ngiti lamang ang isinukli niya. Ngayon ay siya naman ang mag-aalaga sa ate niya na siyang tumayong nanay nila.
“Parehas na parehas talaga tayo kapag nagkaka-sakit,” sabi niya sa kapatid.
“Oo nga. Parehas tayo sa maraming mga bagay.”
Bumukas ang pinto sa private room na kinaroroonan nila at pumasok ang isang doktor, ang lalaking nakikita niya sa unibersidad. Nakangiti ito sa pasyente. Hindi siya nito tiningnan.
“Hello Miss Heart! How are you?” masayang bati nito at lumapit sa higaan.
“I am fine. I feel better now,” sabi ng pasyente. “By the way, I would like you to meet my youngest sister, Gracie. Sis, he is Miguel, Medical graduate, having his internship. He’s a Filipino, too.”
Nagpalitan sila ng tingin ng lalake at nagbatian. “Nice to meet you.”
“My pleasure,” tipid na sagot nito. Tila may pagka-suplado nga ito. Kaagad itong umiwas ng tingin sa kanya at ibinalik ang tingin sa pasyente ng nakangiti. “Maiwan ko muna kayo. Kung may kailangan ka, nasa labas lang ako.”
“Thank you,” sabi ng ate Heart niya.
Pagkatapos niyon ay lumabas na ito at iniwan sila. “Nakita ko na siya dati,” kwento niya.
“Si Miguel? Saan?” tanong ni Heart.
“Sa university library, pero isang beses lang yun. Akala ko noon, doktor na siya.”
“Gano’n ba?” Tumango pa ito. “Sa Posiedon daw siya nagtapos ng medicine.”
Sa Posiedon? Kaya ba familiar siya? Nagkita nab a kami dati? tanong ng isip niya. Pagkatapos ay iniba niya ang usapan. “Where’s your hubby?”
“Bristol,” sagot nito.
“Bakit nasa U.K. siya?” nagtatakang tanong niya.
“Mum was rushed to the hospital because of heart attack,” paliwanag ng ate niya. “Uuwi na rin ‘yon after two days.”
Palabas na si Gracie ng ospital nang masalubong niya si Miguel na papasok. Nagpalitan sila ng tingin at kapwa tipid na ngumiti. Bakit ba parang pamilyar sa kanya ang mukhang iyon? At bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa tuwing magkikita sila? Nagkibit-balikat na lamang siya at tuluyang umalis ng ospital para bumalik sa paaralan.
“O, Gracie, where have you been?” tanong ng Daddy niya pagpasok niya ng opisina nito. Naabutan niya itong may ginagawa sa harapan ng computer.
“Sa ospital po. Dinalaw ko si ate Heart,”sagot niya at umupo sa tapat ng ama.
“Naabutan mo ba ang Tita Gina mo?” Sinulyapan siya nito. “Dumalaw daw, eh.”
“Hindi po. Wala nga siyang kasama doon.”
“O, bakit hindi mo muna sinamahan? May pasok ka ba ngayon?” Tiningnan pa nito ang orasan. Ala-una pa lamang ng hapon.
Sa halip na sagutin ang tanong ng ama, gumawa siya ng sariling tanong. “Dad, nakita mo na ‘yung intern doon na med graduate na nag-aasikaso kay ate Heart?”
Saglit itong huminto sa ginagawa at tumingin sa kanya. “’Yung matangkad na gwapo at bata pa? Parang kasing-gulang lang ng ate mo?”
“Basta yung nag-aasikaso kay ate.”
“Kung si Miguel Atienza ang tinutukoy mo, oo nakita ko na. Bakit mo ba naitanong?”
Bumuntong-hininga siya. “He looks familiar. Nagkakilala na ba kami dati?”
“Hindi siguro. Baguhan ‘yon dito. Saka, kung magkakilala kayo, siyempre sasabihin niya. May sinabi ba siya?”
Umiling siya. “Wala po.”
“May problema ba?”
“Ewan ko ba, Dad. Parang pamilyar talaga siya. Saka, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kinakabahan ako sa tuwing makikita ko siya.”
“Crush mo lang siguro ‘yun,” sabi ng ama. “Sabagay, gwapo naman saka mukhang mabait.”
“Mabait? Dad, ang sabihin mo, suplado.”
“Hindi, ah? Ang bait-bait nga.”
“Sa akin hindi. Suplado siya. Parang nakakatunaw ang mga tingin niya. Parang may galit sa akin.”
“Baka naman ikaw lang ang nag-iisip niyan? O baka napag-taasan mo na naman ng kilay ng hindi mo alam?”
“Hindi naman, eh. Basta, suplado siya.”
“Hay naku, Regina Gracia. Mag-ingat-ingat ka sa mga pinagsasasabi mo. Mamaya may makarinig sa’yo, hindi maniwalang anak kita,” biro nito.
“Sorry.” Tama nga naman ang ama. Baka kapag may nakarinig sa kanya, ang sabihin mapang-husga siya. Nakaramdam siya ng guilt dahil tila hinuhusgahan niya si Miguel. “Pero, Dr. Gonzaga, ‘wag mo na akong tatawagin sa hindi ko naman pangalan. Regine Grace ang pangalan ko, hindi Regina Gracia.”
“Parehas lang ‘yon. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit hindi mo muna sinamahan si ate Heart mo?”
“Si Miguel nga, suplado. Hindi ako komportable kapag nasa malapit siya.”
“Crush mo lang talaga siguro ‘yun.”
“Hindi, ah? Saka, malabo, Dad.”
“Bakit naman? Dahil kay Jeremy?” Alam nitong intresado pa rin sa kanya ang ex-boyfriend. “Anak, ‘wag mo ng babalikan ‘yun, ha?” Tila may takot sa tinig nito.
Natawa siya. “Oo naman po, hindi ko na babalikan ‘yun.”
“Mas mabait naman si Miguel kesa dun.”
“Miguel?” bulalas niya.
“’Di ba nga, crush mo?”
“Dad! Hindi po!”
“O, hindi na kung hindi. Basta anak, ‘wag mo ng babalikan si Jeremy.”
“Ang kulit ng Tatay. Hindi na nga po.” Natatawang sabi niya.
“Saka, pahabol. ‘Wag mo namang iiwan ang ate mo dahil lang sa gwapong lalake’ng ‘yon.”
Isang linggo munang nagpahinga si Heart kaya’t si Gracie muna ang nag-alaga sa kapatid sa dalawang araw na wala ang asawa nito. Pagkatapos ay bumalik na ito sa trabaho. Hiniling nito na pumunta naman siya paminsan-minsan sa Psychological Serivces Center, ang opisina nito dahil madalas naman na walang tao roon. Nagkakaroon lang ng mga kliyente tuwing weekends, pero minsan ay may walk-in.
Naghahanda si Gracia para umalis. Lunch break na kasi, at katulad ng dati, sabay silang kakain ng ama at mga kapatid. Maging ang ate Heart nila ay nakakasama pa rin nila kahit nag-asawa na ito. Sa Psychological Services Center siya noon at naghihintay sa kapatid nang mapansin niya sa one-way mirror ang pagpasok ni Miguel sa Psychology laboratory na katabi lang ng PSC. Mayroong one-way mirror na pumapagitan sa Psychology laboratory at PSC kaya’t kahit iwanan nila ang mga estudyante ay nakikita nila ang ginagawa ng mga ito sa tulong ng one-way mirror. Madalas mag-ayos ang mga estudyante sa harapan ng one-way mirror at sanay na sila doon. Nakita niyang kausap ni Miguel ang ate Heart niya. Pagkaraan ng ilang saglit ay nagpaalam si Heart at naghintay si Miguel sa laboratory.
Panay ang pag-aayos nito sa harapan ng one-way mirror na marahil ay inaakala nitong ordinaryong salamin lang. Wala itong kaalam-alam na nasa harapan na siya nito.
Malaya niyang napagmamasdan ang maamo at gwapong mukha nito. Saan ba niya nakita ang mukhang iyon? Hindi naman ito mukhang suplado. Sa kanya lang talaga siguro. Ano ba ang nagawa niya para maging mailap ito sa kanya?
“Hi, Gracie!”
Lumingon siya. “Hi ate Heart!”
“Ready ka na for lunch?”
“Yeah,” sagot niya. “Ah, ate Heart, bakit andito si Miguel?” Tumingin siya sa one-way mirror. Nakikita pa rin niya si Miguel sa harapan ng salamin.
“Ah, sabay siya sa atin na kakain ng lunch. One way of thanking him sa pag-aasikaso niya sa akin sa hospital.”
“Ok.”
“Sandali lang, ha? Aayusin ko lang ang mga gamit ko.”
“Sure.”
Bumalik sa isipan niya ang mukha ni Miguel. Bakit hindi ito maalis sa isipan niya? Nagkaka-gusto na ba siya sa lalakeng ito? May kinalaman ba si Miguel sa nakaraan niya?
“Gracie, ano ka ba?” sabi niya sa sarili. “Nababaliw ka na ba? Kung magkakilala kayo dati, siyempre papansinin ka no’n. Saka, ngayon nga lang siya nakilala ng Daddy at ate mo.”
Biglang nag-ring ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, nakita niya ang pangalan ng Daddy niya sa screen. Sinagot niya iyon.
“Yes, Dad?”
“Gracia, nasaan na kayo? Hindi pa ba tayo kakain?”
“H-ha? Oo nga pala. Sige po, pupunta na kami d’yan ni ate.
“Sige. Hintayin namin kayo dito.”
Sumakay silang buong pamilya sa Toyota hi-ace nila, samantalang si Miguel naman ay sa Honda Civic nito. Pagpasok nila ng Kenny Rogers restaurant ay nakakita kaagad ng mauupuan sina Wim at Sugar. Habang nag-oorder ang daddy at ate Heart niya, nakaupo silang magkakapatid kasama si Miguel. Panay ang pag-uusap nina Miguel at Wim. Hindi naman siya umiimik. Paminsan-minsan ay si Sugar naman ang kausap nito.
Habang kumakain ay nagpatuloy ang kwentuhan at ang daddy naman niya ang kausap ni Miguel. “Sobrang close po kayong magpapamilya, ano po?”
“Sinabi mo pa. Sobrang attached ang apat ‘yan sa isa’t-isa,” sabi ng daddy niya.
“At siyempre sa Daddy, sobrang attached din sa amin,” dugtong ni Heart.
“Papa’no ‘yan magkakaroon ng boyfriend at girlfriend?” tanong ni Miguel.
“Madami naman silang mga kaibigan at nakakasama naman nila. Pero mas gusto pa rin nilang sabay-sabay kaming kumakain. Malungkot kapag wala ang isa. Saka isa pa, ayaw pa yata nitong tatlo na pumasok sa ganoong relasyon. Gusto daw muna nilang makatapos.” Itinuro ng daddy niya silang tatlo—sina Gracie, Sugar at Wim.
“Dad, we already graduated,” sabi ni Sugar. Kaka-graduate lang ng ate Sugar at kuya Wim niya noong nakaraang June.
“Pero wala pa kayong mga trabaho,” sabi ng daddy nila. Natawa silang lahat.
“Wala pa kaming napipili, eh,” sabi ni Wim. Madaming mga job offers sa ate Sugar at kuya Wim niya pero wala pang napipili ang mga ito.
“Eh papaano naman po si Heart? May trabaho na at may asawa,” sabi naman ni Miguel.
“Si Heart? May boyfriend na ‘yan since college. Masaya na rin ‘yan sa bagong profession niya ngayon: housewife,” kwento ng daddy nila. Natawa uli sila.
“Hindi nga lang full time,” dugtong naman ni Heart. “Sina Sugar at Gracie din, nagka-boyfriend. Si Wim pa lang ang hindi pumapasok sa romantic relationship,” kwento naman ng ate Heart niya.
“Sina Heart at Sugar, may ipinakilala na. Si Gracie, wala pa,” sabi ng daddy niya na ngumingiti-ngiti.
Marahang tumawa si Heart. “Dad, meron ng ipinakilala si Gracie. Hindi ka lang boto.”
“Sino, si Jeremy? Ay naku, sabi ko kay Gracie, ‘wag ng balikan ‘yun. Ang tagal-tagal na. Bihira pang pumunta ng Athena.”
Natawa siya. “Dad… Hindi ko na nga po babalikan ‘yun.”
“Mami-miss ka kasi ng Daddy kapag umalis ka na naman. Ang layo-layo pa naman ng
Denmark. Kung si Jeremy ang makakatuluyan mo, siguradong doon na kayo titira,” sabi ng ate Heart niya.
“Mabuti na lang, ‘yong napangasawa ni Heart, ditto na nakatira sa Athena. Kung hindi, baka sa U.K. na rin ‘yan nakatira ngayon,” anang daddy nila.
“Kaya nga po hindi na ako bumalik ng Posiedon para mag-bakasyon uli,” sagot niya. “Kasi alam kong mami-miss n’yo na naman ako. Saka kung babalik man ako do’n, hindi na ako pupuntang mag-isa.”
Natigilan si Miguel sa narinig. Hindi na pala talaga bumalik ng Posiedon si Gracie. Talaga bang ayaw na nitong alamin kung ano nag naging buhay niya sa Posiedon? “N-nagbakasyon ka sa Posiedon?”
Nagulat si Gracie nang marinig ang tinig ni Miguel. Alam niyang siya ang kinakausap nito.
“Ay, oo nga pala… Sa Posiedon dati nakatira si Miguel,” kwento ng ate Heart niya.
Tumingin si Gracie kay Miguel. Nakatingin ito sa kanya at naghihintay ng sagot. “Y-yes.” Hindi siya komportableng kausap ito kaya kaagad niyang binaling ang atensyon kay Wim. Kahit hindi kausap si Miguel ay napapansin niyang ngumingiti ito sa kanya. Ilang beses niya iyong napansin. Sinuklian niya lamang ito ng tipid na ngiti.
“
Doon tumira si Gracie noong summer, sa bahay ng kaibigan ko,” kwento ni Dr. Gonzaga.
‘Alam ko ho,’ tila gusto niyang sabihin. “T-talaga ho?”
“Oo. Sayang, hindi man lang kayo nagkakilala.”
“S-sayang nga po,” aniya. “Sayang ang pag-ibig ko sa kanya,” sabi na naman niya sa sarili. Mukhang gusto naman siya
ni Dr. Gonzaga. Mabait at maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Ano ang dahilan ni Gracie para itago siya nito sa pamilya? Dahil ba may pagka-protective ang ama nito? Baka nga naman istrikto si Dr. Gonzaga pagdating sa mga anak? Baka mapili ito sa mga manliligaw ng mga anak, lalo na kay Gracie. Halatang protective ito pagdating kay Gracie, base sa nakikita at naririnig niya. Nakikita niyang palaging nasa tabi ni Dr. Gonzaga si Gracie. Hindi ito pinababayaan ng anak. At nai-kwento sa kanya noon ni Gracie na ayaw na ayaw niyang nadi-dissapoint ang ama.
Nagbingi-bingihan si Gracie sa sinabi ng ama. Kunwa’y may pinag-uusapan sila ni Wim.
“By the way, Miguel, I often see you in the university library,” ani Dr. Gonzaga.
“Yes, Sir, during my vacant hours. Nakaka-bore naman po kasi sa hospital kung minsan, kaya nagbabasa-basa po ako sa library,” sagot niya.
“Dalaw ka naman sa office ko minsan para may ka-kwentuhan ako, kung ok lang sa’yo. Wala naman kasing gaanong tao doon kapag class hours, sa Department of Business Administration.”
“Sure. My pleasure, sir!” Kaya pala nakita niya doon dati si Gracie. Akala niya, sa Archaeology Department niya ito makikita. Hindi pala.
Nakatingin si Gracie kay Wim, ngunit nakikinig siya sa usapan ng Daddy niya at ni Miguel. Bakit naman iyon sinabi ng Daddy niya? Pa-simple siyang tumingin dito, ngunit nahuli siya nitong nakatingin rito. Kaagad siyang bumawi ng tingin. Mapapahiya pa yata siya.
Pakiramdam ni Miguel ay masyadong naging suplado ang dating niya kay Gracie dahil hindi na ito makatingin sa kanya ng diretso, at tila ayaw nitong magkausap siya, kaya’t nginitian niya ito. Sinabi niya sa sarili na hindi na siya magiging suplado rito, para naman mapalapit sila sa isa’t-isa.
“O,o.. ano na naman ang ginagawa mo, Miguel?” tila sabi ng konsensya niya. “Bakit na naman gusto mo sa kanyang mapalapit? ‘Di ba sabi mo, hindi mo guguluhin ang isip niya? Bakit eeksena ka sa buhay niya?”
“Makikipag-kaibigan lang naman, eh,” sabi ng isang banda ng isip niya.
“Hello? I don’t even know your name,
But I’m hoping all the same
This is more than just a simple Hello?
Hello! Do I smile and look away
No I think I’d smile and stay
To see where this might go.
‘Cause the last time I felt like this,
I was falling in love.
Falling and feeling I’d never fall in love again
Yes the last time I felt like this
Was long before I knew
What I’m feeling now with you.
Hello, I can’t wait ‘till we’re alone
Somewhere quiet on our own
So that we can fall the rest of the way
I know that before the night is through
I’ll be talking love to you
Meaning every word I say
‘Cause the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling I’d never fallin love again
Yes the last time I felt like this
Was long before I knew
What I’m feeling now with you.
Oh, the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling I’d never fall in love again.
Yes, the last time I felt like this was long before I knew
What I’m feeling now with you…
Pagkatapos nilang kumain ay sabay-sabay nilang nilisan ang restaurant at bumalik ng unibersidad. Sumakay sila sa kanya-kanyang sasakyan.
“Dad, why have you invited Miguel to visit you in your office?” tanong niya nang nasa sasakyan na sila.
Tumingin ito sa kanya. “Ano’ng masama? Mabait naman ‘yung tao. Saka, wala pa ‘yung maraming kaibigan sa school.”
Hindi na siya umimik pa. Natatakot siya. Alam niyang napapalapit din sa kanya ang taong malapit sa Daddy niya. At tila mapapasama si Miguel sa mga iyon. Ewan ba niya, pero hindi talaga niya gustong naririyan sa malapit si Miguel.
“Bakit, dahil ba suplado pa rin siya sa’yo?” tanong ng daddy niya.
Napatingin siya rito. Hindi siya nagsalita.
“Why don’t you give yourself a chance to know him better? Gracie, it’s our nature to reach out to people. Don’t be picky,” sabi ng daddy niya.
“Oo nga naman, Gracie,” sabi ni Sugar. “Mukhang mabait naman si Miguel.”
“Mabait talaga ‘yon,” sabi ng ate Heart nila.
“Ano ba’ng ikinakatakot mo dun?” tanong ni Wim.
“Wala naman. I just don’t feel comfortable when he’s around.,” amin niya. “But I’ll try to give myself a chance to know him better.”
‘Don’t try, my dear Gracie. Do it!” sabi ng ate Heart niya.
Pagpasok ni Gracie sa opisina ng Daddy niya ay nakita niya roon si Miguel. Nagsalubong ang kanilang mga tingin. “H-hi!”
“Hi!” naka-ngiting bati nito.
‘Himala naka-ngiti? Hindi kaya dahil nasa opisina siya ng Daddy?’ Ngumiti na rin siya. “Si Daddy?” nag-aalangang tanong niya.
“Lumabas lang sandali,” anito.
“I see,” aniya at naupo malapit sa inuupuan nito. “Wala kang duty ngayon?” Tila gusto niyang bawiin ang tanong. Siyempre, wala itong duty ng ganoong oras. Dahil kung meron, hindi pupunta doon si Miguel. Naisip tuloy niya na baka sagutin siya nito ng pabalagbag. Hindi pa sila close kaya malaki pa rin ang posibilidad na maging suplado ito sa kanya.
Ngumiti ito at sumagot. “Sa ngayon, wala. Mamaya meron.”
Nanibago siya kay Miguel. Bakit hindi na ito suplado ngayon? Dala siguro ng pagiging mabait dito ng daddy niya.
Sinipat niya ang orasang pamibisig. In five minutes ay aalis na siya. May klase pa siya sa kabilang building. Nahuli niyang nakatingin sa kanya si Miguel.
“May date?” naka-ngiting tanong nito.
Napakunot-noo siya. “I beg your pardon?”
“Baka ‘ka ko may date ka. Tumitingin ka kasi sa orasan,” sabi nito ng naka-ngiti pa rin. Hindi na ito ang supladong lalakeng nakilala niya noong una.
“I don’t have a date. I have a class,” sabi niya. Siya naman ngayon ang hindi gaanong ngumingiti.
“Totoo ba ang sinabi ng Daddy mo na ayaw mo pang magkaroon ng boyfriend?” tanong nito.
Napatingin siya rito. “Sinabi niya ‘yon?”
“Well, ang sabi niya, ayaw n’yo pa raw na magkakapatid na magkaroon ng boyfriend at girlfriend.”
“Kelan niya sinabi?”
“Nung nasa Kenny Rogers tayo nung isang araw."
“Hindi naman sa ayaw. Siyempre gusto ko rin. Darating din kasi ‘yan. Hindi ‘yan katulad ng pera na hinahanap. Kusang darating ‘yan.”
“I agree.”
“Eh ikaw, may girlfriend ka na ba?” Tila ok naman ang usapan nila kaya naisip na niyang magtanong.
Parang hindi nito inaasahan ang ganoong tanong mula sa kanya. “Yes, I have a girlfriend, in my heart,” makahulugang sabi nito.
“Does it mean, ikaw lang ang nagmamahal, hindi mutual?”
“Sort of. Hindi ko kasi alam kung ano ang nasa loob niya.”
“Why don’t you ask her?”
“It’s not that easy. I mean, malayo siya, literally and figuratively. Malayo ang loob niya sa akin.”
Muli niyang tiningnan ang orasan. Kailangan na niyang umalis. “Miguel,” tawag niya rito.
“Yes?”
“Salamat sa kwentuhan. I have to go. May klase pa ako,” paalam niya.
“Ah, sure. No problem. Til next time.”
Kinuha na niya ang mga gamit. “Sige.”
“Ah, Gracie,” tawag nito bago siya tuluyang umalis.
“Yes?” lingon niya rito bago buksan ang pinto para lumabas.
“M-maybe we can chat again…”
Gusto pala nito uli na magka-kwentuhan sila.
Nakadama ng tuwa si Miguel dahil sa pag-uusap nila ni Gracie. Tama nga ang desisyon niya na huwag ng maging mukhang suplado rito.
Pumasok sa opisina si Dr. Gonzaga. “Pasensya na, medyo natagalan. Naharang kasi ako ng ilang kakilala. Alam mo na, kwentuhan.”
“Ok lang po ‘yun. By the way, kagagaling lang po dito ni Gracie. Umalis na po siya kasi may pasok pa daw.”
Tumango ito. “Ganyan ‘yang mga anak ko. Dadaan dito ng saglit, tapos aalis uli.”
“Parang madali nila kayong ma-miss.”
“Hindi naman siguro. Sanay lang kasi sila siguro na palagi akong nakikita, palagi akong nakakasama, at palagi ko silang sinisilip noon sa klase nila noong mga bata pa sila. Ngayon, sila naman ang sumisilip sa akin dito,” kwento nito.
“Close na close po talaga kayo sa kanila.”
Ngiti lang ang isinukli nito. Siguro ay kupas na ang sinabi niyang iyon. Madami na siguro ang nakapag-sabing close na close sa isa’t-isa ang mag-aama.
“Pwede pong magtanong?”
“Go ahead.”
“Gusto ko lang pong marinig sa isang ama, dahil wala na rin akong ama,” simula niya. “Ano po ang pangarap n’yo para sa mga anak n’yo?”
Napako sa kanya ang tingin nito. “Simple lang naman. Makapag-tapos sila, makapag-trabaho ng maayos, maging masaya sa buhay at magawa nila ang gusto nila nang hindi nakakalimot sa Diyos.”
“Eh, para po kay Heart na ngayon ay stable na at may asawa?”
“Kay Heart? Madami akong gusto para sa kanya. Gusto kong matupad niya ang pangarap niyang maging successful clinical counsellor. Katulad kasi siya ng Mommy niya. Bukas ang puso sa mga taong nanganagilangan. Masaya na siya ngayon sa pagsisimula nila ni Phil ng isang pamilya. Masyado siyang maraming naranasang sakit sa nakaraan niya. Gusto ko, tuloy-tuloy na ang kaligayahan niya sa piling ng asawa niya. At kung may pagsubok pa mang naghihintay sa kanya, sana ay malampasan niya iyon. Sana ay makayanan uli niya. Alam ko, hindi na siya iiiwan uli ni Phil.
“Kina Sugar at Wim naman, ganoon din. Gusto ko na maging successful sila sa napili nilang profession. Gusto ko na makapag-asawa rin sila balang-araw, magkaroon ng masayang pamilya.
“Eh, kay Gracie naman po na bunso n’yo?” Iyon naman talaga ang gusto niyang malaman.
“Si Gracie... Sana huwag na siyang lumayo uli sa amin. Sana huwag na siyang masaktan uli sa pag-ibig. Magkatulad sila ng ate Heart niya nang mabigo sa unang pag-ibig. Ang kaibahan nga lang, sunod-sunod ang mga pagsubok na dumating kay Heart. Si Gracie, medyo magaan lang. Akala ko, mawawala na rin siya sa amin nang maaksidente siya. Akala ko, susunod na siya sa kuya Seph niya. Hahayaan ko na lang siya sa kung ano ang gusto niya, basat’t makakabuti para sa kanya.”
“Ano naman po ang gusto ninyo para sa lalakeng mapapangasawa niya?” Kinabahan siya sa posibleng sagot sa tanong na iyon. Magugustuhan kaya talaga nito ang isang lalakeng tulad niya para sa pinakamamahal nitong anak?
Napangiti ito. “Alam mo, sa totoo lang, overprotective ako pagdating kay Gracie magmula nang magkaroon siya ng Jeremy. Mahal ko silang tatlo, pero si Gracie ang pinaka-malapit sa puso ko. Mas naging close kami nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa Pilipinas.
“Metikuloso ako sa mga manliligaw niya. Noong una, hindi madaling tanggapin na may mga manliligaw na siya at papasok na sa isang relasyon. Pero unti-unti ko rin natanggap. Masaya ako kapag masaya siya. Pero nang mabigo siya sa pag-ibig, parang nadurog ang puso ko bilang ama. Ayaw ko ng maulit ang naranasan niya sa first boyfriend niya, at ganoon din siya. Gabi-gabi siyang umiiyak, hindi makatulog, hindi makakain ng maayos. Kailangan pa namin siyang tabihan para makatulog. Katulad na katulad ng ate Heart niya noon. Hirap na hirap ang kalooban ko, Miguel. Kaya siguro ngayon, hindi pa siya nagpapaligaw dahil takot siyang maulit ang nangyari sa kanila ni Jeremy. Mabuti na lang, mas madali siyang naka-recover kesa kay Heart. At least kasi kahit papaano, may dahilan talaga para mag-break sina Gracie at Jeremy. Si Heart, biglaan lang. Kasabay pa ng pagkawala ng best friend niya.
“Simple lang ang gusto ko para sa kanya, at kina Heart, Sugar at Wim na rin. Isang taong magmamahal sa kanila ng tapat at buong puso, at mamahalin din nila ng ganoon. Isang taong kahit hindi kayang higitan ang pagmamahal ko sa kanila, taos-puso silang mamahalin habambuhay.
Para kahit wala na ako, alam nilang mayroon sa kanilang nagmamahal ng totoo,” mahabang salaysay nito.
Touched si Miguel sa sinabing iyon
ni Dr. Gonzaga. Napaka-dakila nito kaya hindi siya nagtataka kung bakit malaki ang pagmamahal at paggalang ni Gracie sa Daddy nito. “Nakaka-iyak naman po ang mga sinabi n’yo,” sabi niya.
Muling napa-ngiti si Dr. Gonzaga. “Sila ang buhay ko. Alam kong hindi ko sila pwedeng angkinin habambuhay. Hindi ko sila pwedeng itali sa poder ko. At pinahiram lang sila sa akin ng Diyos. Malaki ang pasasalamat ko dahil lumaki sila ng maayos. Sila ang kayamanan ko.”
“
Sana katulad n’yo po ang Daddy ko.”
“Nasaan ang Daddy mo?” tanong nito.
Tipid siyang ngumiti. “He died four years ago.”
“I’m sorry to hear that.” Nasa tinig nito ang pagkagulat.
“It’s ok, Sir,” sabi niya. “Hindi kami masyadong malapit ni Dad noon sa isa’t-isa kaya nanghihinayang talaga ako.”
“Ganoon talaga ang buhay. Kadalasan, maa-appreciate natin ang isang bagay o tao kapag wala na ito.”
Ngayon ay alam na ni Miguel kung gaano kamahal si Gracie ng Daddy nito. Marahil ay isa ito sa mga dahilan kaya inilihim ni Gracie sa pamilya ang tungkol sa relasyon nila. Pero ayaw na niyang mabuhay sa mga haka-haka. Gusto na sana niyang malaman ang totoo. Kaso, papaano? Si Gracie lamang ang makakasagot sa mga katanungan niya, ngunti hindi pa siya nito maalala.