Your Story Haven
Share Your Stories Online
Novels Index      mysticfrance-amagicalsummer12
Print this pageAdd to Favorite






 
 
 
 
 


 
A Magical Summer
 
 

Chapter 12: My Valentine

“Gracie, magtapat ka nga, mag-on na ba kayo ni Miguel?” tanong ni Heart habang kumakain sila ng tanghalian.

“Ate, hindi po, noh? Nag-yaya lang ‘yung tao ng dinner,” sabi niya.

“Dinner sa Valentine’s Day?” sabi naman ni Sugar.

“Oo,” sagot niya.

“Eh ‘di may ibig-sabihin ‘yon…” si Heart ulit.

“Gracie, baka naman may gusto na sa’yo ‘yang Migs na ‘yan?” sabi naman ni Wim.

“Kuya, ano naman po ang masama kung meron?” dahilan niya.

“Wala. Walang masama dun,” sabi ni Wim. “Mas maigi nga ‘yun. May gusto na rin siya sa’yo. Uuuyyy… Si Gracie…”

“Tigilan mo nga ako, William James Gonzaga!”

 

Pagkatapos ng klase niya nang araw na iyon ay kaagad siyang umuwi para makapaghanda sa date nila ni Miguel. Excited na siya, pati na rin sina Heart, Sugar, Che, Raine, Floriza at Yaeza. Tinulungan siya ng mga kapatid at kaibigan na maghanda. Doon dumiretso ang ate niya sa bahay nila pagkagaling nito sa trabaho. Susunduin din ito ng kuya Phil niya para sa date ng dalawa.

“Gracie, kwentuhan mo kami kung ano man ang mangyayari, ha?” sabi ni Raine habang sinusuklay ang buhok niya.

“Oo naman…”

“Alam na ba ni Migs kung saan ang bahay natin?” tanong naman ni Heart.

“Oo, alam na niya po, ate. Sinabi ko sa kanya sa text message. Alam daw niya ‘tong lugar natin.”

            Isang blue sleeveless dress na abot hanggang tuhod ang suot niya, pink sweater at heeled sandals. Mayroon din siyang handbag. Inilugay niya ang mahaba niyang buhok.

“Ang ganda mo, Gracie…” Humahangang sabi ni Floriza.

“Oo, maganda kasi kayo ang nag-ayos. Tulong-tulong kayo. Kinabahan tuloy ako sa inyo. Date pa nag lang ito, joined forces na kayo. Papaano pala kung ikakasal?” naka-ngiting sabi niya.

“Ako muna ang susunod na ikakasal, ha?” kaagad na sabi ng ate Sugar niya. “Ikaw ang huli.”

Natawa siya, maging ang mga kaibigan niya. “Palagi talaga akong huli.”

“Syempre, ikaw ang bunso, eh,” sabi ni Che. “Parehas tayo.”

“I’m sure sasabihin din ni Migs na maganda ka. May gusto talaga siya sa’yo,” sabi ni Yaeza.

 “Hindi natin alam. May ibang mahal si Migs.”

“Gracie naman. Nasaan na ang katalinuhan mo? Hindi ka niya yayayain kung wala siyang gusto sa’yo,” tumatawang sabi ni Raine.

Ngumiti siya. “Nawawala yata ang katalinuhan kapag nagkaka-amnesia.”

“Wrong,” protesta ni Floriza. “Nawawala ang katalinuhan kapag umiibig. Kaya nga ayaw ko pang umibig.”

Kumatok sa pinto ng kwarto si Wim. “Gracie, andyan na yung date mo.”

“Sige, kuya, bababa na ako,” sabi niya.

“Good luck! Enjoy the night,” sabi ni Heart.

“Thanks, ate!” Bago siya tuluyang lumabas ng silid ay humalik siya sa mga kapatid at mga kaibigan.

Naabutan niya sa sala si Miguel na kausap ang daddy niya. Nakasuot ito ng red polo at itim na slacks. Mayroon itong dalang red roses. Napatingin ang dalawa sa kanya habang papalapit siya.

“Hi!” bati niya.

“Hi!” ganting-bati ni Miguel na hindi maikakailang humahanga sa kanya. “This is for you.” Inabot nito ang mga bulaklak.

Tinanggap niya iyon. “Thank you.”

“Let’s go?” sabi nito matapos silang magpaalam sa ama. Hiningi nito ang kamay niya.

Ibinigay naman niya iyon at hinayaan niyang lalalayan siya nito. “Sure.”

“Bye, youngest,” nakangiting sabi ng daddy niya.

“Bye, Dad.” Humalik siya sa pisngi ng ama. Sa may dining area, nakamasid lamang si Wim. Lumapit siya sa kapatid. “Bye kuya.” Humalik din siya sa pisngi nito.

“Bye,” sabi ni Wim na halatang masaya para sa kanya.

Matapos magpaalam sa dalawang lalake, inalalayan siya ni Miguel hanggang makasakay ng kotse nito. May kakaiba siyang naramdaman nang nakasakay na sila sa kotse ni Miguel, ang puting Honda Civic. Nangyari na ba ‘to dati?  Sa isang hotel restaurant sila pumunta. Madami rin ang mga naroroon, mag-asawa at magkasintahan para ipagdiriwang and araw ng mga puso.

“You look more beautiful,” humahangang sabi nito sa kanya.

            Ngumiti siya. “Thank you. Do you know that this is my first Valentine’s date?”

“Really? Pero ‘di ba nagkaroon ka na ng boyfriend before?”

“Yes, but he was in Denmark during Valentine’s Day that year.”

“Maswerte pala ako,” biro nito.

“Talaga. Hindi ako noon pinapayagan ng Daddy na makipag-date. Sa first boyfriend ko lang siya pumayag. Ngayon na lang uli ako nakipag-date,” kwento niya. “Migs,” tawag niya rito.

Tumingin ito sa kanya. “Yes?”

“May itatanong lang sana ako sa’yo…”

“Go ahead,” naka-ngiting sabi nito. Napaka-gwapo pa rin nito. Napakaamo ng mukha.

“Why did you asked me for a date? Bakit hindi na lang ‘yung babaeng nagugustuhan mo?” nag-aalangang sabi niya.

“Well, I did. And she’s here with me right now. It’s you.”

Bahagya siyang napakunot-noo ngunit ngumiti din kaagad. “A-akala ko, may iba kang gusto, ‘yong girlfriend mo in your heart.”

“Let’s not talk about it, pwede?” pakiusap nito. “Saka na lang. Let’s enjoy the night. Basta malinis ang intention ko sa’yo. Sasabihin ko rin ang lahat pagkatapos ng gabing ito.”

Tumango na lamang siya. Hindi nga naman iyon magandang pag-usapan sa mga oras na iyon. Masisira lang ang gabi nila.

Madami ang pumunta sa dance floor para sumayaw nang tumugtog ang musika. Hiningi ni Miguel ang kanyang kamay. “May I have this dance?”

“Sure,” pagpapaunlak niya.

Nasa baywang niya ang mga kamay ni Miguel, at nasa balikat naman nito ang mga kamay niya. Para siyang makukuryente. Nakatingin ito ng diretso sa mga mata niya. Nangyari na ba iyon dati? Minsan na ba siyang nakalapit ng ganoon kay Miguel? Minsan na ba niyang napagmasdan ang mga matang iyon, at nahawakan ang mga balikat na iyon?

 

You're my peace of mind in this crazy world.
You're everything I've tried to find, your love is a pearl.
You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies,
and my only paryer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.
The world will turn, and the seasons will change,
and all the lesson we will learn will be beautiful and strange.
We'll have our fill of tears, our share of sighs.
My only prayer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
that you will always grow ever more beautiful in my eyes.
When there are lines upon my face from a lifetime of smiles,
when the time comes to embrace for one long last while,
we can laugh about how time really flies.
We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll always be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
that you will always grow ever more beautiful in my eyes.
The passing years will show that you will always grow
ever more beautiful in my eyes.

 

Napakasarap sa pakiramdam na nasa piling ni Miguel. Tila ayaw na niyang matapos ang gabing iyon. Kung maaari lang… Sana ay palagi niya itong nakikita at nakakasama. Ngayon, parang gusto niyang isiping pareho sila nito ng damdamin para sa isa’t-isa dahil sa sinabi nito kanina na siya ang babaeng gusto nito.

 

 
 
 
 
Chapter 9   Chapter 10   Chapter 11   Chapter 12   Chapter 13
 
 
 
 
VISITORS ONLINE 
 
YSH SHOUTBOX

 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
LOVE MATCH AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
 
**Contact us if you want your link included here
 
 
 
spam blocker
 
All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.