A Magical Summer
Chapter 13: The Revelation
“Gracie, pahiram uli ng cellphone mo, pwede?” sabi ni Wim habang naghahanda siya ng almusal nang umagang iyon.
“Ha? Bakit po, kuya?” tanong niya nang sulyapan ito. Bihis na ito at nag-hihintay na lang ng almusal nila.
“Pupunta kami ng friends ko sa Apollo sa weekends. Picture taking...” nakangiti at kunindat pa ito sa kanya.
“Bakit n’yo naman naisipang pumunta ng Apollo, kuya? Hindi pa naman tapos ang pasukan, ah?”
“
Plano ng barkada. Pinayagan na ako ni Dad.”
“Talaga? Mabuti ka pa at may oras magbakasyon, ha?” tudyo niya rito.
“Asus!
Para namang ikaw walang panahon para sa sarili mo? May boyfriend ka na nga d’yan, eh,” kantiyaw nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Kuya!” parang nagbabantang sabi niya.
“Totoo naman. May Migs ka na, ‘di ba?”
“Hindi ko pa siya boyfriend,” depensa niya.
“Pero soon-to-be boyfriend?”
“Hindi, ah? Ikaw, iniiba mo ang usapan. “Sige ka, hindi kita papahiramin ng cellphone ko.”
“Gracie, if I know, kinikilig ka lang. Saka, ikaw ang nag-iiba ng usapan. O ano, papahiramin mo ako, ‘di ba?” malambing na sabi ng kapatid.
“Oo na…”
Ang date nila ni Miguel noong Valentine’s Day ay nasundan ng isa pa. Umamin itong may gusto sa kanya. Palagay niya ay nanliligaw na nga ito sa kanya. Minsan na rin siyang naimbitahang mag-hapunan sa bahay nina Miguel at nakilala na niya ang ina at ang tito at tita nito.
Napag-isip-isip ni Miguel na sabihin na kay Gracie ang totoo. Ayaw niya itong lokohin. Sa susunod na date nila ay sasabihin na niya rito ang totoo. At isa pa, napakabait ng pamilya nito. Sa tingin niya ay kailangan niyang ipaalam kay Dr. Gonzaga ang nangyari sa kanila noon ni Gracie, dalawang taon na ang nakakaraan.
Parehas ng cellphone ni Miguel ang cellphone ng kuya Wim niya na ginagamit niya ngayon. Parehas na parehas, pati ang kulay. Dalawang araw itong mawawala para mamasyal sa Apollo.
“Hi!” bati ni Gracie sa ama nang pumunta siya sa opisina nito, katulad ng nakagawian.
“O, Gracia…” sumulyap ito sa kanya. Nakatutok ito sa laptop.
Ipinatong niya ang gamit at cellphone sa mesa ng ama. Nakita niya ang isang cellphone na
paris ng cellphone na ginagamit niya ngayon at ang MP3 doon at kasalukuyang tumutugtog. “Kanino ‘to?” tukoy niya sa MP3.
“Sa rumoured boyfriend mo,” sagot ng ama. “Pumunta lang ng rest room sandali.”
“Dad!” sa halip na mainis ay napangiti siya.
“Ang anak ko, may panibagong pag-ibig…”
I may burn out like a candle, and I may pass away. I may fall just like a shooting star, my heart will stay. I’ll be yours until forever, forever I’ll be true to the promise I have made from the day that I found you…
Hindi niya alam kung bakit tila sumakit ang ulo niya nang marinig ang awiting iyon.
“Are you okay?” Marahil ay napansin iyon ng ama.
“Medyo masakit lang po ang ulo ko. Mabuti pa mauna na ako. Magpapahinga ako sa office ni ate. Andun po ang mga gamit ko,” paalam niya. Iniwan niya sa opisina ng ate niya ang mga libro niya.
“Sige. Ingat ka.”
Kinuha niya ang cellphone at inilagay sa bag niya at lumabas ng opisina. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba tila sumakit ang ulo niya nang marinig niya ang awitin kanina?
Pagdating niya sa
Psychological
Services
Center ay nakita niya ang ate niya na nasa Psychology Laboratory at nagtuturo. Umupo siya sa sofa at minasahe ang ulo. Narinig niyang tumunog ang cellphone na nasa loob ng bag niya. Babasahin na
sana niya ang mensahe nang mapansin niyang hindi pamilyar sa kanya ang settings ng naturang aparato. Binuksan niya ang gallery upang makatiyak, at nagulat siya nang makitang larawan ni Miguel ang naroroon at… larawan niya? Mga kuha iyon sa
Eco
Village at kung saan-saan pang lugar na hindi niya maalala. Nakaakbay sa kanya ang lalake sa ibang mga pictures. Ano ang ibig-sabihin nito? Dali-dali siyang lumabas ng PSC at patungo sa opisina ng ama. Gulong-gulo ang isip niya. Bahagi ba si Miguel ng nakaraan niya?
Nakapag-desisyon na si Miguel na sabihin kay Dr. Gonzaga ang tungkol sa kanila noon ni Gracie. “Sir Rolly, naniniwala po ba kayong hindi lahat ng may itinatagong lihim at nagsisinungaling ay may masamang intesiyon?”
Sumulyap ito sa kanya. “Oo naman.”
“Matatanggap n’yo po ba kapag nalaman n’yong naglihim sa inyo ang anak n’yo?”
“Maiintindihan ko ‘yon. Lahat ng tao may sikretong itinatago. Hindi natin dapat hayaang malaman ng iba ang lahat tungkol sa atin. Sa pamilya, kailangang bigyan ng magulang ng privacy ang anak, and vice versa,” paliwanag nito.
“Sir, may sasabihin po
sana ako sa inyo…”
Itinigil nito ang pagbabasa at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. “Ano ‘yon?”
Magsasalita na
sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa niyon si Gracie na halatang nangangamba. May kailangan siguro itong sabihin sa ama.
“Dad… Can we talk?”
“Gracie, come in, what happened?” nag-aalalang sabi ni Dr. Gonzaga. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”
Tumayo siya. “Aalis muna po ako,” paalam ni Miguel.
“Aalis ka?” tanong sa kanya ni Gracie.
Nagtaka siya sa tanong nito. Ayaw muna
sana niyang umalis ngunit mukhang seryoso ang pag-uusapan ng dalawa. “Ah, oo. Pupunta muna ako sa ospital. May usapan kami ng mga kasama ko dati doon.”
Tumango lang si Gracie ngunit hindi ito tumingin sa kanya. Nagtatampo kaya ito dahil aalis siya gayong hindi maayos ang lagay nito? Halatang may problema ito.
“Would you like me to stay?” tanong niya.
“Sige na, it’s okay. You can go,” sabi nito.
Matapos magpaalam ay lumabas na siya.
“Gracie, what happened?” alalang-alala ang Daddy niya. “Kanina ka pa mukhang hindi okay.”
Inabot niya rito ang cellphone at ipinakita ang mga larawan nila ni Miguel. “I can’t remember anything about this…”
Tiningnan iyon ng Daddy niya at halatang nagulat ito sa nakita. “Gracie, you and Migs are dating.” Tila kinukumbinsi nito ang sarili at ang anak na bago lang ang larawang iyon.
“Dad, hindi po ‘yan ngayon. And we never take pictures.”
Kinuha ni Miguel ang cellphone para tawagan ang kaibigan niyang nakasama niya noon sa ospital. Napansin niyang hindi anoon ang settings ng cellphone niya. Tiningnan niya ang number ng sim card na niyon. Hindi sa kanya ang numerong iyon, kundi kay Gracie. Pamilyar sa kanya ang numero nito dahil magmula nang mag-date sila ay nakuha na niya uli ang numero nito. Mukhang nahuhulaan na niya kung bakit ganoon kanina si Gracie. Nagkapalit sila ng cellphone. Dali-dali siyang bumalik sa tanggapan ng Business Administration Department.
Kaagad niyang binuksan ang pinto. “Gracie!”
Nagulat ang mag-ama sa pagpasok niya. Matalim ang tingin sa kanya ni Gracie. May alam na nga ito. May na-diskubre na si Gracie. Si Sir Rolly naman ay hawak ang cellphone niya at waring naghihintay sa sasabihin niya.
“Let me explain…” simula niya.
Umiwas ito ng tingin. “Pull a chair and sit down,” sabi ni Gracie.
Hinila niya ang isang upuan at umupo sa tapat nito at ni Sir Rolly. “I’m sorry, I didn’t tell you the truth.”
“And what’s the truth? Na nagkakilala na tayo dati? Nagkasama na tayo sa Posiedon? Naguguluhan ako. Noong una kitang makita dito, pamilyar ang mukha mo, pero kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi tayo magkakilala kasi hindi ka rin kilala ng pamiya ko. At alam ko na alam nila ang lahat tungkol sa akin at hindi sila nagsisinungaling. Tell me, Miguel, sinamantala mo ba ang pagkakaroon ko ng amnesia?”
Umiling-iling siya. “Grace, hindi… Ayaw ko lang makagulo…” Hindi na niya kailangan pang magkunyari. ‘Grace’, “Honey” at ‘Pepay’ naman talaga ang tawag niya kay Gracie.
“At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Pakinggan n’yo muna ako, kung pwede…” Sinulyapan niya si Sir Rolly na nakikinig lang at nakatingin sa ibang bagay. Pagkatapos ay tumingin siya kay Gracie.
“Una kitang nakita sa birthday party ni Philsan year 2009 sa
Eco
Village.
Doon pa lang interested na ako sa’yo. Humingi ako kay Philsan ng informations tungkol sa’yo, pero wala siyang ibang sinabi kundi ang first name mo at hindi ka raw taga-Dionysus. After two months, nagkita tayo sa Posiedon. Magkapitbahay pala tayo. Nalaman natin ‘yon dahil uli kay Phil. And then we became friends. Madalas tayong mag-kwentuhan noon at nanligaw ako sa’yo. You told me about your ex, pero hindi ka gaanong magku-kuwento tungkol sa family mo. Hindi ko alam kung saan kayo nakatira, at kung sino sila. Ang sabi mo lang, professor ang Daddy mo, wala ka ng Mommy at may dalawa kang nakatatandang kapatid at pinsan. Naging mag-on tayo. Pero konti pa rin ang mga nalalaman ko tungkol sa’yo. Sabi mo, malalaman ko ang lahat pagdating ko ng
Athena
City para makilala ko ang family mo, at makilala mo rin ang Mommy ko. Pero hindi ka nagpakita noong August 15, 2009. Hindi kita ma-contact. Nag-hire ako ng private investigator. Nalaman ko na naaksidente ka, pero hindi ka naming makita. Hanggang magkita kami ni Philsan after few months and he told me what happened to you. Sa mga kwento niya, I figured out na hindi mo ako nabanggit sa pamilya mo dahil ang sabi mo raw wala kang kaibigan doon sa Posiedon. At ang masakit, walang ibang nakakaalam sa relasyon natin kundi sa side ko.”
Naalala ni Gracie ang sinabi sa kanya noon ni Heart na madalas daw siyang mag-kwento noon na wala siyang kaibigan sa Posiedon. Pero ang iba pang mga sinasabi ni Miguel ay hindi niya alam. Hindi niya maalala.
“Pero bakit ako naglihim ng ganoon sa family ko?” Palipat-lipat nag tingin niya sa ama at kay Miguel. Walang masabi ang Daddy niya, pero wala sa anyo nito ang galit para sa kanya, o para kay Miguel.
“Hindi ko rin alam. Wala akong maisip na dahilan. Nang makilala ko si Sir Rolly at ang pamilya n’yo, napatunayan ko na hindi kayo matapobre, and you all have a big and kind heart. Kaya mas lalo akong napaisip kung bakit mo inilihim ang tungkol sa atin.”
“Ang tanong ko ngayon ang sagutin mo,” sabi niya. “Sinadya mo bang mapalapit uli sa akin at sa pamilya ko?” May galit sa tinig niya.
Marahan itong tumango. “Because I still love you. Marami akong mga nalaman tungkol sa’yo, lalo na nang mag-hire ako ng imbestigador. Sinadya kong dito mag-intern para magkita tayo uli. Pero hindi ko intention na talagang mapalapit sa pamilya mo, lalo na sa Daddy mo.”
Napailing siya. Naguguluhan siya sa mga nalaman.Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon kay Miguel, kung bakit niya ito itinago sa pamilya niya. “Excuse me.” Lumabas siya ng opisina at bumalik ng opisina ng ate niya para kunin ang mga gamit. Gusto na niyang umuwi. Gulong-gulo ang isip niya.
“I’m sorry, Sir,” sabi ni Miguel kay Dr. Gonzaga.
“Naiintindihan ko. You need to give her a space. I hope you don’t mind. Naguguluhan pa siya,” sabi nito.
“Naiintindihan ko po. Sir, I want you to know that my intention for your daughter and your family is good.”
“I know, Miguel. Nakikita ko naman ang sincerity mo. I am sorry kung naglihim man siya ng ganoon. I don’t know her reason, pero marahil ay kaming pamilya niya ang iniisip niya.”
Nakabalik na kay Miguel ang cellphone nito, at nasa kanya na rin ang cellphone ni Wim. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Miguel. Naging abala rin siya sa pag-aaral dahil malapit na ang finals kaya inalis muna niya sa isip ang problema rito.
Bakasyon nang mag-desisyon si Gracie na bumalik ng Posiedon. Maghahanap siya sa mga gamit na naiwan niya kung may bagay doon na makakatulong upang maalala niya ang mga nangyari sa kanila ni Miguel dalawang taon na ang nakakaraan.
Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Parang hindi siya makapaniwalang tumira siya doon dati. Napansin niya ang katabi nitong bahay. Iyon kaya ang bahay na tinirahan ni Miguel? Wala ng tao roon. Marahil, iyon nga.
Inikot niya ang kabahayan. Wala na siyang nakikitang gamit niya, pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Pumasok siya sa stock room. Inisa-isa niya ang mga kahon na naroroon, baka sakaling may mahanap siya. Hindi nga siya nagkamali. Bumulaga sa kanya ang ilang mga larawan nila ni Miguel. Ang iba ay kuha sa bahay na iyon. Mayroon sa kotse, na malamang ay kotse ni Miguel, sa Watersports Complex, at malapit sa Ahera Volcano at tabing-dagat. Mayroon din doong isang notebook. Parang nahuhulaan niya kung ano iyon. Lumabas siya ng stock room dala ang mga gamit na nakuha at binasa niya ang diary habang nakaupo sa sofa sa sala.
Nagsimula ang entry niya nang sariwain niya ang araw na nagkita sila ni Miguel. Halos dalawang buwan na ang nakakaraan nang makita sila nito sa party ni Philsan, at naging intresado tio sa kanya. Hanggang sa magkita nga sila sa Posiedon at magkapitbahay pa pala sila.
Naging malapit sila sa isa’t-isa at nanligaw ito sa kanya. “Honey”, “Grace” at “Pepay” kung tawagin siya nito, at pagkaraan ng isang buwang panliligaw ay naging mag-on sila. Waring natawa pa siya nang malaman kung paano niya ito sinagot.
Sa wakas ay nabasa na niya ang rason kung bakit hindi niya sinabi sa pamilya ang tungkol rito. Kagagaling lang niya sa break up noon at ayaw muna ng daddy niya na magkaroon siya ng nobyo. Isa pa, ayaw muna niya noong malaman ni Miguel ang tunay niyang katayuan sa buhay. Saka na lang kapag pumunta na ito ng
Athena
City para makilala ang pamilya niya. Minahal niya si Miguel. She’s madly inlove with him, at ganoon din ito sa kanya. Siya rin naman pala ang may kasalanan.
Pero nagkamali pala siya ng iniisip. Nabasa niya ng huling entry niya doon. August 15, 2009. Pumunta ang isang babaeng nagngangalang Carla sa bahay ni Miguel, pero wala ito. Naisip niyang baka iyon ang ex-girlfriend ni Miguel. Nang dumating si Miguel ay nag-usap ang dalawa at napaka-sweet ng mga ito. Parang nadurog ang puso niya. Niloko lang siya ni Miguel. At iyon ang dahilan kaya siya umalis at naaksidente…
Kinumbinsi ni Gracie ang sarili na alalahanin ang nakaraan. Pinapatugtog niya ang awiting “Forever” na narinig niya noon sa opisina at sumakit at ulo niya. Iyon pala ang theme song nila ni Miguel.
Kinakabahan siya sa gagawin. Nakakahiya man, pero kailangan talaga niyang makausap si Miguel kaya’t pumunta siya sa bahay nito sa Aphrodite.
“Yes?” isang babae ang nagbukas ng pinto. Bata pa ito at maganda.
Ngumiti ng maluwag si Gracie. Mukhang mabait naman ang babae. “And’yan ba si Migs?”
“Carla, sino ‘yan?” Nakita niyang palapit ang ina ni Miguel. Nakita siya nito. “Gracie, ikaw pala,” natutuwang sabi nito.
“Good afternoon po,” bati niya.
“Halika, tuloy ka.Wala si Migs, nasa Dionysus, sa Eco Village, kasama ng mga dati niyang ka-klase sa med school.”
Tumuloy at naupo siya. “Wala po pala si Migs…”
“Oo, sayang at hindi mo naabutan. Mga ilang araw muna siya doon, pagkatapos ay babalik din siya para mag-review. Kaya nga nagpasama muna ako sa pamangkin ko’ng si Carla. Pinsan siya ni Miguel. Umalis din kasi ang kapatid at hipag ko.”
Nagbatian sila ng babae. “Familiar ka…” sabi nito.
“Ako?” aniya.
“Tama! Nagkita na tayo dati sa Posiedon. Pinuntahan ko noon si Migs. Ikaw ang nagsabi sa akin noon na wala siya. Kaya pala familiar yung babaeng ipinakita niya sa akin sa picture na sabi niya, girlfriend niya.”
“Carla ang pangalan mo?” tanong niya.
“Oo.”
“May ex-girlfriend si Migs na Carla rin ang pangalan, ‘di ba?” aniya.
“Oo. Si Carla Mesolas ‘yon,” sagot ng ina ni Miguel. “
Nasa Marshall
Island na ‘yon ngayon, may asawa at mga anak na.”
Nagkamali pala siya. Hindi siya niloko ni Miguel. Pinsan nito ang Carla na nakita niya. Napakalaki ng kasalanan niya kay Miguel. Mapapatawad pa kaya siya nito?
“Go and tell him you love him,” sabi ng Daddy niya. “Humingi ka ng tawad sa mga pagkukulang mo. Hindi pa huli ang lahat.”
“Thank you, Daddy.”
“You’re welcome, anak. Sige na, sundan mo na ang mamanugangin ko,” biro nito.
Final Chapter: Forever
Naglakas-loob siyang tawagan si Miguel upang itanong kung pwede silang mag-usap. Ang sabi nito ay nasa Eco Village ito kasama ng mga kaibigan. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Nagpasama siya kay Wim sa lugar na iyon at upang makapag-usap sila.
Naabutan niya itong mag-isang nakatayo sa cottage sa fish pond. Sa cottage na iyon, una siyang nakita ni Migs, at doon din sila pumunta at nag-usap nang i-celebrate nila ang first monthsary nila.
“Migs?” tawag niya.
Lumingon ito. “Pepay…”
Lumapit siya rito. “Migs, I am so sorry sa mga nagawa ko.”
“Naalala mo na ang lahat?” tanong nito.
Umiling isya. “Hindi pa. Pero nabasa ko sa diary ang lahat. Pinagdudahan kita. Akala ko, si Carla na pinsan mo ay si Carla na ex-girlfriend mo. Akala ko niloloko mo lang ako kaya ako umalis ng walang paalam. Patawarin mo ako, Migs.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Hindi ko man alam ang totoong dahilan mo noon, pinatawad pa rin kita. Dahil mahal na mahal kita.”
Naluha siya dahil sa tuwa. “Salamat, Migs. Hindi ka man maalala ng isip ko, kilala ka ng puso ko. Sinasabi nitong mahal na mahal kita.”
Mahigpit nilang niyakap ang isa’t-isa. Hindi man maalala ni Gracie ang nakaraan nila, alam niya, tapat ang pagmamahal sa kanya ni Miguel, at ganoon din siya rito.
I’ll be yours until forever, forever I’ll be true to the promise I have made from the day that I found you…
END
|