CHAPTER 8: THE HABIT
Hindi makatulog si Heart, kahit tinakpan na niya ng unan ang ulo at dalawang tenga. Naiinis siya sa ingay nina Sugar, Seph at Wim sa sala. Nasa silid siya noon, kadarating lang at pagod sa biyahe. Sinalubong sila ng mga kapatid sa Zeus grounds. Pagdating sa bahay, hinayaan niyang mag-unahan sina Seph at Wim sa mga pasalubong niya. May mga pangalan na ang mga damit at chocolates na pinamili niya. Hindi na makakapili pa ang dalawa. Nakita niya kanina sina Sidney at Felice na nakikipag-kulitan kina Philsan at Jonam sa labas ng apartment na inookupa ng mga Dela Cruz. Nakikipag-pilisopohan ang bata sa dalawang matanda. Si Felice naman ay kuntento na sa pagsakay sa likod ni Philsan. Nang makita siya ni Felice, kaagad na bumaba sa likod ni Philsan at tumakbo ang dalawang taong gulang na bata patungo sa kanya at sumunod naman si Sidney. Pinapasok nila ang mga bata sa bahay at ibinigay ang mga pasalubong. Tuwang-tuwa naman ang mga ito sa tsokolate.
Naririnig pa rin niya ang ingay ni Sugar. Ina-upload nito sa internet ang mga larawang kinunan sa London gamit ang laptop sa sala. Wala bang jetlag si Sugar? Hindi pa ito nakakapag-bihis, dumiretso na ito sa harapan ng computer. Pinilit niyang makatulog. Masakit ang ulo niya.
Araw ng Lunes. Oras: alas-kwatro ng hapon. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang naglalakad papunta sa Victoria Building. Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa piano room? Naroroon kaya uli si Phil? Nang marating niya ang tapat ng pintuan, huminga siya ng malalim. Hinawakan niya ang door knob at dahan-dahang binuksan. Sumilip siya sa loob bago tuluyang pumasok. Wala siyang marinig na tugtog. Ngunit nakita niya si Phil na inaalis ang piano cover at nag-aayos ng upuan at piano. Napansin nito ang pagbukas ng pinto. Lumingon ito at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng silid. Kaagad itong ngumiti. Ngiting hindi niya matatanggihan.
“Hello Heart! Come in.”
“Hi,” bati niya ngunit hindi kasing-sigla ng bati nito. May mahihimigang hiya sa tinig niya.
“Come, have a seat. Magsisimula pa lang ako. I’m glad you came.” Itinuro nito ang isang bakanteng upuan malapit sa piano.
“Thank you,” sabi niya at umupo. Nang makaupo siya, saka lang umupo sa harapan ng piano si Phil.
“So, how’s the trip?” Sa kanya ito nakaharap. Hindi muna nito pinansin ang piano.
“Good,” sabi niya. “Maganda talaga sa London. Marami kaming mga pagkaing nagustuhan. Tapos, maraming magagandang views. Marami nga kaming pictures, lalo na sa Metropolitan University and sa hotel,” kwento niya. Nabawasan na ang kabang nararamdaman niya.
Marami pa siyang ikinuwento kay Phil tungkol sa mga nangyari at ginawa nila sa London. Ikinuwento rin niya kung ano ang mga natutunan niya sa convention—ang iba’t-ibang kultura at pag-aaral sa ibang bansa, ang mga natutunan niya mula sa speakers nila, ang tungkol sa body language and handwriting, workshop—at ang mga taong nakilala niya. Mukhang naaaliw naman si Phil sa pakikinig. Sa kanya nakatutok ang buong atensiyon nito at panay ang tango at ngiti. Napag-usapan din nila ang mga pagkaing-Briton, mga restaurants, mall at iba’t-ibang tindahan at pasyalan sa London.
Pagkatapos ng trenta minutos na pagku-kwento niya ay saka lamang ito nagpasyang tumugtog. Ni-request niyang tugtugin uli nito ang Endless Love at ibinigay naman nito ang kahilingan niya. Pagkatapos niyang marinig ang paboritong tugtog, ipinarinig naman sa kanya nito ang ilang komposisyon ni Bethoven.
“Saan ka nga pala umuuwi?” tanong ni Phil nang palabas na sila ng Victoria Building.
“Sa Jade St.,” sagot niya.
“Talaga? Dumadaan ako do’n. Sa Emerald ako umuuwi. Sa’ng banda ka do’n?”
Medyo malapit lang pala ang mga bahay nila at dumadaan ito sa tapat ng bahay nila. Bakit hindi niya ito napapansin sa tuwing dumadaan? Baka may sasakyan. “Sa tapat kami ng Baker’s Pride at St. Lawrence Funeral Homes.”
Tumango-tango si Phil. “Palagi akong dumadaan do’n. Uuwi ka na ba?”
Pupunta pa kaya sa library si Phil? Gusto pa sana niya itong makasama. May panghihinayang siyang naramdaman. “Y-yes.”
“Sasabayan na kita, kung okay lang sa’yo. Uuwi na rin ako.”
Parang gusto niyang tumalon sa tuwa sa narinig. Magkakasama sila ni Phil ng mas mahabang oras. Maglalakad silang magkasama. “Wala ka ng pasok ngayong araw? Baka kailangan mo pang pumunta ng library?”
Umiling si Phil. “Wala na akong pasok. Hanggang four o’clock lang ako. Kailangan ko na rin umuwi. May trabaho pa ako ng alas-sais.”
Working student si Phil? Hindi na siya umimik. Tinahak nila ang daan patungo sa Gate 12. Muli, marami siyang nakitang mga babaeng nakatingin sa kanila. Nang malapit na sila sa Gate 12, biglang huminto si Phil.
“Sandali lang, ha?” sabi nito at dumiretso sa parking area. Siya naman ay naiwang nakatayo at nagtataka sa covered walk. Kinuha ni Phil ang isang kulay blue na mountain bike. Hindi ito sumakay. Sa halip, hinila lamang nito ang bike at bumalik sa kinaroroonan niya. “I ride on bike when going to school and work,” sabi nito nang makita ang pagtataka sa anyo niya.
Tumango-tango siya. “I see… Lagi kang naka-bike?”
“Yes,” sagot ni Phil. “Pero ngayon, hindi muna ako sasakay. Sasamahan muna kitang maglakad. Kapag nakarating ka na sa inyo, saka na lang ako sasakay ng bike.”
Ngumiti siya. “Thank you.” Kaya pala hindi niya ito napapansin na dumadaan sa kanila dahil nakasakay ito ng bisekleta.
“You’re welcome. Hindi ka ba sumasakay sa shuttle bus?” tanong nito sa kanya.
“Minsan,” sagot niya. “Kapag nagmamadali lang.”
“I see.”
Katahimikan. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. “Briton ang mother mo, Filipino naman ang father mo?” tanong ni Heart habang naglalakad na sila sa kahabaan ng Sta. Cruz proper.
“Yes. Kaya Pinoy na Pinoy ang tunog ng first name and surname ko,” sagot nito.
“Magka-pangalan kayo ng kinakapatid ko, si Philsan. We also call him ‘Phil’,” kwento niya.
Napatingin sa kanya si Phil. “Talaga? Philsan is a nice name… Unique.”
“It’s from a patron saint, Felipe Santiago. Ginawa lang Philip yung Felipe. Kaya Philip plus Santiago is equal to Philsan.”
“Philip Santiago ang pangalan niya?”
“No. Philsan lang. May similarities din kayo…”
“Like?”
“Your skin color, your eyes, your… cheeks.”
Marahang tumawa si Phil. “Parang gusto ko tuloy siyang makilala.”
Ngumiti siya. “Sige, kapag nakita natin siya mamaya sa amin, ipapakilala kita… Sa Pilipinas ka lumaki?”
“Nope.” Sinulyapan siya nito. “I’ve never been to the Philippines. Sa England na talaga ako ipinanganak at lumaki.”
“Then, papaano ka natutong magsalita ng Tagalog? Fluent ka pa,” humahangang sabi niya.
“Dahil sa grandfather ko. Lumaki kami ng sister ko na kasama siya. Sinanay niya kaming magsalita ng Tagalog. Kapag nasa labas, English ang salitang ginagamit namin. Kapag nasa bahay, Tagalog.”
“Kaya pala napaka-fluent mo.”
Ngumiti lang si Phil. “Kapag nag-uusap kami ng kapatid ko na kaming dalawa lang, lalo na kapag nag-aaway kami, English ang ginagamit namin. Mas nae-express namin ang gusto naming sabihin.”
Tumawa silang dalawa. “Mas matanda sa’yo ang kapatid mo?”
“Yes. Ate ko siya, si Polly. Two years ang gap namin. She’s my one and only sister. My one and only sibling.”
“You must be very close to each other.” Naisip niya na baka katulad ng samahan nilang magkakapatid ang samahan nina Phil at ng kapatid nito.
Tipid na ngumiti si Phil. “Hindi,” mahinang sabi nito. “We’re not close. We barely know each other. Para kaming strangers.”
Natigilan siya. Mali ang iniisip niya kanina. “How can you say so?” nag-aalangang tanong niya. Nasa tinig niya ang empathy.
“Hindi kami masyadong nag-uusap. Hindi namin alam ang gusto at ayaw ng isa’t-isa. Mas gusto niyang kasama ang mga kaibigan niya. Mas gusto ko rin kasama ang mga kaibigan ko. Kapag nasa bahay, may kanya-kanya kaming mundo. Nasa kwarto siya, nasa kwarto ko rin ako. Minsan, hindi siya nakikisali sa mga usapan dahil lahat kami lalake. Mahilig siyang mag-sound trip. Nag-aaway kami sa lakas ng radyo niya. Naiistorbo ang pag-piano namin ni Dad at naiinis si Grampa sa ingay.”
“Hindi kayo magkasundo sa maraming bagay, am I right?”
Tumango si Phil. “Yes.”
“Well, that’s what we call individual differences. Pero hindi kayo totally strangers. You should try to understand each other. Lalo na, magkapatid kayo. Magkasama sa iisang bubong.”
“Medyo hindi lang kasi niya gustong tumira sa amin. Mas gusto niya kay Mummy.”
Napansin niya ang kakaibang pagbigkas nito ng huling salita. Mummy. Iba talaga ang British English sa American English na ginagamit nila. “Um, nasaan ang mom n’yo, may I ask? If you don’t mind.”
“Nasa England din,” mabilis na sagot nito, pero humina ang tinig at naramdaman niya ang lungkot sa boses nito. “Divorced na sina Mum and Dad.”
“Oh, I’m sorry to hear that,” pag-aapologize niya.
“It’s alright.” Ibinaling ni Phil ang tingin sa kalsada at parang ang layo ng tingin nito. “Matagal na rin ‘yon nangyari. Hindi na kami affected kapag tinatanong kami. And divorce is very common in my country. Marami akong friends na hiwalay ang mga magulang. Normal na rin sa kanila.”
Iba nga pala ang kultura sa United Kingdom. Ibang-iba sa Pilipinas at Athena Island. “How long na silang hiwalay, may I ask?”
“I can’t remember,” kunot-noong sabi ni Phil. Parang limot ito. “I think they separated when I was two? Or three?... Yeah, three years old! Wala na akong memory na magkakasama kaming apat. Siguro si Polly, merong naalala. Ako wala na.”
Himinto si Phil sa pagsasalita. “And then, tumira na kayo sa daddy n’yo?” tanong niya.
“No’ng una, hindi pa sila divorced, naghiwalay lang sila ng tirahan. Kay Mum kami nakatira ni Polly, until I was six years old. Hindi naman kami lumipat ng lugar. Bahay lang. Sa Bristol pa rin kami at palagi naming nakikita si Dad tuwing weekends. Hanggang sa nag-aral kami ni Polly sa Bishop Road Primary School. Then, nag-decide si Mum na lumipat sa Devon. Ipinagbili niya yung bahay namin. Ayaw naman namin ni Polly na umalis ng Bristol, kaya lumipat kami kay Dad. Every summer na lang namin nakakasama si Mum. After she graduated from high school, Polly moved out from Dad’s place. She went to Devon and lived with Mum, katulad ng matagal na niyang gusto. I stayed with Dad. On my last year in high school, Grampa passed away. And after I graduated from high school, Dad and I moved here in Athena. My Mum and my sister moved back to Bristol.”
Isa lang ang tanong niya, pero napakahaba na ng sinabi ni Phil at marami na siyang nalaman. Mas naunawaan niya kung bakit hindi masyadong close sina Phil at Polly. Nakaramdam siya ng lungkot at awa para sa pamilya ni Phil. Hindi iyon ang isang masayang pamilyang matatawag. Hindi iyon ang klase ng pamilyang kinagisnan niya. At hindi iyon ang pamilyang pangarap niyang magkaroon balang-araw. “Thank you for sharing that.”
“It’s okay. I guess, kabaligtaran ang kwento ng family mo,” tipid ang ngiting sabi nito na yumuko upang salubungin ang mga tingin niya.
Ngumiti rin siya, ngunit hindi tipid. “Lahat naman tayo, may kanya-kanyang istorya. Iba-iba. Iba ang story mo, iba rin ang story ko.”
“Would you like to share?”
Tiningala niya si Phil at binigyan ito ng isang tipid na ngiti. Bukas na aklat ang istorya ng pamilya nila. “I have two younger sisters, Sugar and Gracie and two cousins, Seph and Wim na kapatid na rin kung ituring namin. Their parents passed away eight years ago, few months before my mom’s demise. Mag-isa kaming pinalaki ni Dad. We’re very close to each other. Para kaming magbabarkada. Yung mga kinakapatid ko, sina Philsan, close din sa amin. Sabi nga ng Dad ko, sampu daw ang anak niya. Sampu din ang anak ni Mama Gina, yung ninang ko. We celebrate holidays together, we spend vacations together…”
“Wow, very nice,” humahangang sabi ni Phil. “Ideal ang family n’yo.”
“Thanks.”
Huminto si Phil sa paglalakad. “Baker’s Pride,” deklara nito at itinuro ang tindahan.
Huminto siya sa tapat ng gate nila. “We’re here.”
Pinagmasdan ni Phil ang kabuuan ng compound—ang mga apartments at malaking bahay sa dulo. “Lahat ng nagre-rent dito, Pinoy din?”
“Yes,” sagot niya. “Pinoy ang may-ari, eh.”
“D’yan din sila nakatira?”
“Yes.” Hindi na siya nag-abalang sabihin dito na ang daddy niya ang may-ari ng compound at apartments. “Would you like to come inside?” alok niya.
Sinipat ni Phil ang wrist watch. “I would like to. However, I have to go home to prepare for my work at 6 pm. Maybe next time.”
“Sure, next time. Thank you for your time and for sharing your story.”
“You’re welcome. See you on Wednesday?”
“Sure.”
“SINO’NG nasa isip mo kapag tinutugtog mo ang Endless Love? curious na tanong ni Heart habang naglalakad sila palabas ng campus pauwi nang hapong iyon. Dala uli nito ang bisekleta. Nagkita uli sina Heart at Phil sa piano room at tinugtog uli nito ang paborito niya.
“You mean, special someone?” tanong nito.
“Sort of,” tingala niya rito.
“Wala pa. Wala naman akong girlfriend, wala rin akong nililigawan.”
“Talaga?” kaswal na sabi niya, ngunit tuwang-tuwa ang puso niya sa sinabing iyon ni Phil. “Parehas pala kayo ni Sam.”
“Nagka-boyfriend ka na, Heart?”
Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa tanong na iyon ni Phil. Hindi siya nakatingin ng diretso sa mga mata nito. “No boyfriend since birth,” deklara niya. “I-ikaw? Nagka-girlfriend ka na ba?”
Tumingin ito sa kanya. “Yes, once.”
“And then?”
“We broke up. High school pa kami noon. Six years ago.”
“Hindi na nasundan?”
“Nanligaw ako ngayong college na. Pacific Islander, pero wala rin nangyari.”
“Papaanong walang nagyari?”
“Hindi niya ako sinagot. Nagkaroon siya ng ibang boyfriend.”
Sa taglay na magagandang katangian ni Phil, may tumatanggi pa sa pag-ibig nito? “I see…”
“You’re right. Parehas kami ni Sam. Parehas kaming iisa pa lang ang naging girlfriend and that was in high school. Parehas kaming may niligawan ngayong college, at parehas din ang nangyari. Parehas ang ginawa sa amin ng mga nililigawan namin.” Sa kabila noon, tumatawa si Phil.
“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yes. Magkaparehas kami ni Sam sa maraming bagay. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman namin sinasadya.”
“Baka siya ang soulmate mo.”
“Baka nga… Katulad ninyo ni Seph. Siya rin siguro ang soulmate mo.”
“N-nasaan na ngayon ‘yung mga dating niligawan ninyo ni Sam? Yung mga ex girlfriends n’yo?” Sana ay hindi mahalata ni Phil ang pagiging ususera niya.
“Yung niligawan ko, si Lily, nandito sa Athena Island. Hindi ko alam kung within the city siya, o nasa ibang lugar. Si Beth, yung niligawan ni Sam, nasa England. Long distance communication naman ang sa kanila. My ex-girlfriend, Nicole is maybe in England. I saw her years ago in a university when I was on my way to Devon to visit my Mum. I guess it was her. Marami kasing mga tao, and nakita ko lang siya at a distant. She was holding a dove. I don’t know if she’s there to study, or just for a visit. On the other hand, Lizette, Sam’s ex is now married and currently staying in Isle of Wright in U.K.”
“Akala ko, magkakaibigan din ang mga babaeng minahal n’yo,” sabi niya.
Nakangiting umiling si Phil. “No. Thanks God, hindi,” sabi nito. “So, you’re… what? Eighteen?” tanong ni Phil.
Hindi niya napigilang matawa. “Sobra ka naman. I’m turning twenty.”
“Really? Hindi halata. When?” Natawa rin ito.
“April 30. How about you? How young are you?”
“It’s nice of you to say ‘how young’ instead of ‘how old’. Anyway, I’m two years older than you, I guess.”
“Turning twenty-two?”
“Yes, on October 15th.”
“Um, I’ll mark my calendar,” biro niya. Hindi nila uli namalayan na nasa tapat na sila ng gate nina Heart. “I would like to invite you inside, but I guess you have work at 6 pm?”
Hindi nito sinipat ang wrist watch. “No, it’s alright. Is it okay to come inside?”
“Of course!”
Pagpasok nila sa compound ay nakita niya ang magkapatid na Jonam, Alex at Philsan. Ipinakilala niya si Phil sa dalawa. “Phil, sina Jonam, Alex and Philsan, mga kinakapatid ko. Nam, Lex, Phil, this is Phil Justin.”
Nagkamayan ang tatlong lalake. “Tukayo,” nakangiting bati ni Philsan. Pagkatapos noon ay inalok niya ito sa loob ng bahay at ipinakilala sa mga kapatid. Maganda naman ang pakikitungo ng mga kapatid niya kay Phil. Si Seph ang madalas na kausap ni Phil habang naghahanda siya ng meryenda sa kusina. Halos isang oras dina ng itinagal ni Phil sa bahay nina Heart nang hapong iyon.
“Thanks for the time,” sabi niya nang ihatid si Phil sa labas ng compound. Itinabi nito kanina ang bike malapit sa gate.
“Thank you din. I had fun with you and your family. So, see you around?”
“Yeah,” sagot niya. “And, oh, by the way,” pahabol niya. “I won’t be able to make it on Monday. It’s our final thesis defense.”
“I see. It’s okay. Good luck!”
“Pray for me and Seph,” sabi niya.
“Sure, I will,” nakangiting sabi ni Phil bago tuluyang umalis.
Napadaan si Phil sa Freud building nang makita niya ang isang papel sa bulletin board:
LEVELS OF SELF-ESTEEM, PERSONALITY FACTORS, EMOTIONAL INTELLIGENCE AND COMMON PROBLEMS OF FRATERNAL
AND IDENTICAL TWINS IN ATHENA UNIVERSITY
Final Thesis Defense
Joseph Edgar Gonzaga
Pia Flordeluna Gonzaga
March 16, 2006
Psychology Laboratory 2;
4:30 pm