CHAPTER 19: TAKE ME, I’LL FOLLOW
Napukaw ng atensiyon ni Heart ang isang awiting nakita niya sa internet. Binasa niya ang lyrics at nagandahan siya. Naghanap siya ng music video noon. Nang mapakinggan ay tinawag niya si Seph.
“Tingnan mo ‘to,” sabi niya. “’Yan ang song ko para sa’yo.”
Take me wherever you go. I wanna learn the things that you know. Now that you made me believe, I want you to take me. 'Cause I long to be able to see the things that you see, know that whenever you do, I'll follow you.
“This is a song about friendship,” sabi ni Seph nang marinig ang buong kanta at mabasa ang buong lyrics. “Nice!”
Napangiti siya. “’Yan ang sagot ko sa One Friend na kanta mo para sa akin.”
Dumating na ang Psychista Night. Hindi mapakali si Heart sa dressing room ng gym. Kasalukuyang nagpe-perform sina Sugar at Wim. “If We Fall In Love” ang napiling awitin ng mga kapatid niya. Ilang araw din silang nagsanay at naghanda para sa gabing iyon. Hindi maalis ang kaba sa dibdib niya. Unang beses niya iyong gagawin, ang umawit sa harapan ng napakaraming tao. Bigla niyang naalala ng sinabi sa kanya ni Alsheda noong nasa London sila.
“Baka kumanta ka sa harap ng maraming tao bago ka mag-graduate…”
Mukhang nagkatotoo na nga iyon. Tumayo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili. Nasa ayos naman ang buhok niya, ang make-up niya at ang suot niyang kulay blue na bestida.
Pagkalipas ng ilang minuto, pinuntahan siya ni Seph sa dressing room at magkahawak-kamay silng pumunta sa entablado. Napakaraming tao. Mas napakapit siya kay Seph. Kaagad nagsigawan ang mga tao pagpasok na pagpasok nila. Huminga siya ng malalim at inihanda ang sarili. This is your moment, Heart, sabi niya sa sarili.
TAKE ME I'LL FOLLOW
Seph:
Tired of feeling all by myself
Being so different from everyone else
Somehow you knew I needed your help
Be my friend forever
Heart:
I never found my star in the night
Building my dream was far from my sight
You came along and I saw the light
We'll be friends forever
Refrain:
Heart:
I can't face the thought of you leaving
So take me along
I swear I'll be strong
Seph:
If you take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
Heart:
I want you to take me
'Cause I long to be
Able to see the things that you see
Both:
Know that whatever you do
I'll follow you
Seph:
Somebody must have sent you to me
What do I have you could possibly need
All I can give is my guarantee
We'll be friends forever
Heart:
I can't face the thought of you leaving
So take me along
I swear I'll be strong
Both:
When you take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
Seph:
I want you to take me
'Cause I long to be
Able to see the things that you see
Know that whatever you do
I'll follow you
Heart:
Teach me more with each passing hour
By your side
I know I would cover
Is it true that you have the power
To capture this moment in time
Both:
Take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
I want you to take me
'Cause I long to be
Able to see the things that you see
Know that whatever you do
I'll follow you
Seph:
Know that whenever you do
Heart:
I’ll follow you
Abot-tenga ang ngiti niya. Masigabong palakpakan ang binigay ng mga tao at ang iba ay tumayo pa, isinisigaw ang mga pangalan nilang dalawa ni Seph. Napukaw ng atensiyon niya ang dalawang lalakeng nakatayo sa isang tabi, sina Phil at Sam. Nakangiti lamang sa kanya sa Phil, ngunit nakita niya sa mga mata nito na ipinagmamalaki siya nito.
“That was really awesome!” sabi sa kanya ni Phil habang pauwi na sila at inihatid sila nito.
“Thank you,” sabi niya.
“Ang galing mo,” humahangang sabi nito.
“Magaling ang teacher ko, eh,” pagmamalaki niya. “Thanks for building up the best in me and for instilling in me the love for music.”
“Thanks to you. Napatunayan ko na kaya kong magturo. Pwede na pala akong magbukas ng tutorial center, eh.”
“Pwedeng-pwede na.” Nagkatawanan lang sila.
“Heart!!!”
Napalingon sila ni Phil sa pinanggalingan ng tinig. Si She, palapit sa kinaroroonan nila. “Shee!”
Mahigpit nilang niyakap ang isa’t-isa. “Congratulations! You’re great!”
“Salamat,” aniya. Pinakawalan nila ang isa’t-isa.
“Ano, nagkatotoo yung sinabi ko sa’yo dti sa London, ‘di ba? Tama ako, kakanta ka sa harap ng maraming tao bago tayo maka-graduate!”
Natawa siya. “Oo nga, eh. May pagka-fortune-teller ka pala.”
“Ngek! Tsamba lang ‘yon!”
“Magaling lang talaga ang teacher ko,” pagmamalaki niya sa kaibigan at tumingin siya kay Phil.
Napangiti at napa-taas kilay si She. “Ehem… Magaling naman pala talaga kasi ang teacher… Teka, magaling ba talaga, o madalas lang kayong mag-pactice at parehas kayong inspired?”
Marahang tumawa si Phil. “All of the above?” biro nito.
“Phil, nilubos-lubos mo na, ha? Ikaw na rin ang naging teacher nitong kaibigan ko pagdating sa pag-ibig.”
“Gagi!” sabi niya kay She na pabirong kinurot ito.
“O, sige na nga. Maiwan ko na kayo. Alam ko, marami pa kayong pag-uusapan.” Sabi nito na may kahalong pangangantiyaw.
Natatawa itong nagpaalam sa kanila. Alam niya, masaya para sa kanya si She.
Tuwang-tuwa ang daddy nila nang mapanood ang videos nilang apat nang kumanta sa Psychista Night. Pinadalhan nila ito ng video sa pamamagitan ng internet. Pagkatapos ng pag-awit niyang iyon, naramdaman ni Heart na kaya na niyang umawit sa harapan ng maraming tao. Maganda naman pala talaga ang boses niya. Kailangan lang kaunting practice. Sa susunod na yayain siya ni Phil sa E.L. Café, papayag na siyang umawit sa entablado.