Your Story Haven
Share Your Stories Online
Novels Index      mysticfrance-endlesslove34
Print this pageAdd to Favorite






 
 
 
 
 


 
Endless Love
 
 

CHAPTER 34: GROW OLD WITH YOU

Isang katok ang narinig ni Phil sa pintuan ng opisina niya. “Come in,” sabi niya nang hindi inaalis ang mga tingin sa laptop.

“Good morning! Pwedeng mang-istorbo?” Masiglang tinig ang narinig niya. Nag-angat siya ng tingin.

“Lovey!” kaagad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap. “Why are you here? Have a seat,” alok niya rito.

Umupo si Heart sa upuang pambisita at bumalik naman siya sa sariling upuan. “Sabi mo, welcome ako anytime dito sa PhilHeart,” nakangiting sabi nito.

Marahan siyang tumawa. “Yes, of course. Gusto mo bang tumugtog?”

“Nope,” sagot nito. “Heart came to see Phil. Heart misses Phil and she hopes Phil misses her, too. And PhilHeart  will not be PhilHeart with Phil alone.

Tumawa siya. “Tounge twister ba ito?”

“Hindi,” sagot ni Heart. “Missed talaga kita.”

Tumayo siya at lumapit kay Heart. Tumayo ito. “I miss you everyday. Pero hindi ako pumupunta sa inyo para bigyan ka ng time makapag-isip.”

Inilapat ni Heart ang isang palad sa pisngi niya. “Thanks, love. For all the love, patience, kindness and everything. You’re one of the reasons kaya ipinagpapatuloy ko ang buhay, kahit wala si Seph.”

Sa halip na magsalita, niyakap ni Phil si Heart. Alam niya, tanggap na ni Heart ang nangyari at handa na uli itong maging masaya. Bigla itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan nito ang kamay niya.

“Halika, bilis! May pupuntahan tayo.”

Nagtataka man ay sumunod si Phil. Sumakay ito sa kotse niya at ipinagmaneho niya ito. “Where to?” tanong niya.

“E.L. Café,” excited na sabi ni Heart. Pagdating nila sa E.L. Café, hinila siya nito sa tabi ng stage. “Love, ‘di ba, dati, gusto mong kumanta tayo sa harap ng mga tao? Gusto mo pa ba?”

Hindi maipaliwanag ang kaligayahang nadarama niya nang makuha niya ang ibig-sabihin nito. Siya mismo ang marahang humila kay Heart sa stage. “You wanna play the piano?” tanong niya.

“Nakangiting sumagot si Heart. “Ikaw na lang muna. Kakanta na lang ako. Hindi ko pa kayang mag-multi-task.”

Inabot ni Phil ang microphone at nagsalita. “Good afternoon, everyone!” bati nito sa mga taong naroroon. Lahat ng mga mata ay napatingin kay Phil. “My name is Phil, and with me here is my endless love. Her name is Heart.”

“Phil and Heart? Like PhilHeart’s Music Studio?” tanong ng isang customer na lalake. Kasama rin nito ang isang babae na sa tingin niya ay nobya nito.

“Yes, exactly!” sagot niya. “Phil plus Heart is equal to PhilHeart! Now, we would like to sing our all-time favourite song, ‘Endless Love’.” Isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa mga tao. Bumaling siya kay Heart. Abot-tenga ang ngiti nito. Umupo siya sa tapat ng piano at nanatili namang nakatayo si Heart. Nagsimula na siyang tumugtog.

Dum dum, duh duh duh dum,

duh duh dum…

Phil:

My love, there’s only you in my life,

The only thing that’s right.

Heart:

My first love, you’re every breath that I take.

You’re every step I make. And I…

Both:

I want to share all my love with you.

Phil:

No one else will do

Heart:

And your eyes…

Phil:

Your eyes, your eyes

Both:

They tell me how much you care.

Oh, yes, you will always be my endless love…

Heart:

Two hearts..

Both:

 Two hearts that beat as one, our lives have just begun.

Heart:

And forever

Phil:

Forever

Both:

I’ll hold you close in my arms.

I can’t resist your charms. No, no, no…

Heart:

And love

Phil:

And love

Both:

I’ll be a fool for you,

I’m sure

Heart:

You know I don’t mind ‘cause, baby

Both:

You mean the world to me.

Oh, I know, I found in you my endless love…

 

Oh, and love, I’ll be that fool for you,

I’m sure that you know I don’t mind

Phil:

You know I don’t mind.

Heart:

And yes

Both:

You’ll be the only one

‘cause no one can deny

this love I have inside.

 I’ll give it all to you,

my love, my love,

my endless love…

 

Hindi inaasahan ni Phil ang ginawa ng mga tao matapos silang kumanta. Standing ovation.

“Well done, Phil-Heart!” sigaw ng isang customer.

“Phil and Heart, what a lovely couple!” sabi ng isa pa.

Tumayo si Phil at inakbayan si Heart. Sabay silang nag-bow. “Thank you!” masayang sabi niya.

 

Nagtataka si Heart kung bakit siya dinala ni Phil sa Butch’s Grocery. Kanina ay sa PhilHeart’s Music Studio niya ito pinuntahan. Pumasok ito sa isa sa mga opisina sa likod habang pina-antay siya sa loob ng grocery. May kukunin lang daw ito.

Pumunta siya sa shelf ng mga chocolates at namili. Biglang napukaw ng isang tinig sa stereo ang atensiyon ng lahat ng mga naroroon. Tinig iyon ng isang lalake, ngunit hindi kay Phil.

“Good afternoon shoppers! Happy shopping! Right now, we’ll bring you some entertainment. One of our employees would like to sing a song for one of our lovely customers, and since we let our employee to do whatever he wants, here he is…”

May tumugtog na gitara, at may kumanta. “I wanna make you smile, whenever you’re sad, carry you around when your arthritis is bad. Oh, all I wanna do is grow old with you.”

Nakilala ni Heart ang boses ni Phil. Patuloy siyang nakinig sa awitin.

“I’ll get you medicine when your tummy aches, build you a fire if the furnace breaks. Oh, it could be so nice growing old with you.

“I’ll miss you, kiss you, give you my coat when you are cold… Need you, feed you, even let you hold the remote control. So let me do the dishes in our kitchen sink, put you to bed when you’ve had too much to drink. I could be the man who grows old with you. I wanna grow old with you…”

Hindi niya mapigilang matawa habang pinapakinggan ang awitin ni Phil na ginaya nito mula kay Adam Sandler. Kaagad niyang tinungo ang pintuang pinasukan nito kanina. Nasa tapat na siya ng pintuan nang lumabas ito. Ngumiti sila sa isa’t-isa. Niyakap niya si Phil. “Thanks, love. I wanna grow old with you, too.”

 

 

 

 

 EPILOGUE: ENDLESS LOVE

Tila hindi pa rin makapaniwala si Heart sa nakita nang imulat niya ang mga mata. Nasa tabi niya si Phil. Nakatitig ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti siya at inilapat ang isang palad sa pisngi nito.

“Good morning, lovey!” kaagad na bati nito.

“Morning, love,” ganting-bati niya. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang kinabig siya ni Phil.

“Antok na antok ka pa,” natatawang sabi nito.

“Mmm,” sang-ayon niya. May narinig silang iyak ng sanggol. Iminulat niya ang mga mata. Kapwa sila natawa ni Phil.

Bumangon ito. “Ako na.” Pinagmasdan niya ito na lumapit sa kuna. Kinuha nito ang bata at kinarga saka dinala sa kanya. “Wants Mummy, as usual.”

Tumawa siya at kinuha ang munting anghel mula sa mga kamay ni Phil. “Good morning, my little angel!” bati niya sa anak. Tumigil sa pagtahan ang bata.

“May sarili na yatang isip. Nagseselos kapag nilalambing kita,” biro ni Phil.

Tumawa siya “Ang cute-cute naman ng baby na ‘yan.”

“Mana sa Daddy,” pagmamalaki ni Phil.

“Weh?... Hindi mo nga kamukha, eh,” kantiyaw niya.

Pinagmasdan niya ang bata. Pamilyar sa kanya ang hugis ng mukha nito, ang kulay ng mga mata, ang ilong, ang labi… Hindi iyon nagmana kay Phil. “Tenga mo lang yata at skin color ang namana ni Baby.”

“At least, sa akin, may nakuha. Sa’yo, wala.”

“Bleh!” kantiyaw uli niya. “Sa side ko naman ang kamukha. Tingnan mo, oh, kaya gigil na gigil si Daddy, kamukhang-kamukha ni Seph si Baby Joed.” Hinagkan niya ang walong buwang gulang na anak nila ni Phil. Kamukhang-kamukha nito ang yumaong si Seph, kay’t isinunod nila ito sa pangalan ni Seph, Joseph Edgar. Baby Joed kung tawagin nila ito. Kinuha nila ang first syllables sa pangalan nito.

“Ayan, tulog na uli si Baby,” sabi ni Phil. “Sige na, maghilamos ka na. Maya-maya, darating na sina Mum and Polly.” Ibinalik niya kay Phil ang anak nila at dumiretso siya sa banyo para maghanda sa pagdalaw ng ina at kapatid ng asawa niya.

Dalawang taon na rin silang kasal ni Phil. Twenty-three lang siya at twenty-five naman ito nang magpakasal sila sa Athena Island. Simple lamang ang church wedding nila, pero masaya. Kumpleto ang pamilya nila. Natupad ang pangarap niyang maglakad sa red carpet nang nakasuot ng wedding gown kasama ang daddy niya papunta sa altar kung saan naghihintay ang lalakeng umiibig sa kanya at iniibig niya ng husto. Iyon ang dream wedding niya. Hindi siya nagsisisi kahit maaga siyang nag-asawa. Masaya naman siya at kuntento na sa piling ni Phil.

Pagkatapos ng kasal, nagtungo sila sa Pilipinas para sa honeymoon nila. Dumiretso naman sila sa Paris para magbakasyon at sa United Kingdom na rin. Bumalik sila sa Athena Island para doon manirahan. Patuloy pa rin ang pagtulong ni Phil sa ama sa pamamahala ng Butch’s Pharmacy and Grocery Store na may ilang branches na rin sa iba’t-ibang sulok ng Athena Island. Maganda rin ang takbo ng PhilHeart’s Music Studio. Katulong din siya ni Phil sa pamamahala roon. Nagta-trabaho na rin siya ngayon bilang part-time teacher sa Athena University at Clinical Counselor. Biniyayaan sila ng malusog na sanggol, pakalipas ng isang taon, si Joseph Edgar Delos Reyes, o Baby Joed. Sa Athena Island siya nanganak. Tuwang-tuwa ang Daddy at mga kapatid niya nang makitang kamukha ito ni Seph. May hawig kasi ito ng Daddy at mga kapatid niya. Siya lang ang hindi kamukha dahil halos lahat ng features niya ay nakuha niya sa yumaong ina. Malakas talaga ang dugo ng Daddy niya dahil namana pa ng anak nila ni Phil.

Kararating lamang nila sa U.K. noong isang linggo para makita ng pamilya at mga malalapit na tao kay Phil ang anak nila. Kasama nilang bumiyahe sina Sam at Holly na mas lalong nagiging matibay ang relasyon kahit wala pang balak magpakasal. Kasalukuyang tumutuloy sina Phil at Heart sa bahay na pagmamay-ari ng ama ni Phil, at ang bahay kung saan din ito lumaki at si Polly. Tuwang-tuwa ang ina at kapatid at mga kaibigan ni Phil kay Joed. Halatang sabik ang mga itong makita ang anak nila.

Masaya na rin ang pamilya at mga kaibigan niya sa kanya-kanyang buhay ng mga ito. Ang daddy niya, nagtuturo pa rin. Si Sugar, masaya na rin sa trabaho nito bilang Human Resource Manager ng isang kilalang kompanya sa Athena City. Masaya na rin ito sa love life nito. Si Wim naman, kumukuha ng masters sa Forensic Psychology. Masaya na rin ito sa nakuhang trabaho, at katulad nga ng sinabi noon ni Seph, wala pa sa isip ni Wim ang pakikipag-relasyon. Si Gracie ay nasa college pa rin, ngunit may boyfriend na. Masaya ito sa piling ng lalakeng minamahal na kasing-edad lang niya at matured na rin kung mag-isip.

Ang daddy ni Phil ay mas lalong naging successful sa negosyo nito at nakakilala ng isang babaeng kasing-gulang nito. Nagde-date rin ang dalawa. Ang mother-in-law naman niya ay nakahanap na rin ng panibagong pag-ibig at kasundong-kasundo naman nina Phil at Polly ang lalake. Si Polly ay mayroon na ring boyfriend na Thai. Nakilala nito nang magbakasyon ito sa Thailand. Masaya ang dalawa, ngunit tila may kaunting takot din si Polly sa kasal. Dalangin niya, sana ay magbago ang tingin nito sa pagpapakasal katulad ni Phil.

Si Holly, hindi maikakailang masaya kay Sam. Si Alsheda, masaya na rin sa piling ni Abs. Nagsisimula na rin ang dalawa sa pagpapamilya. Tatlong buwan ng buntis si She. Natatawa nga sila dahil nauna pa siyang nagkaanak kesa sa kaibigan.  Kapag nanganak na ito, pupunta sila sa Davao City upang dumalo sa binyag ng magiging anak nina She at Abs. Kinuha silang ninong at ninang. Ang ate Ofelia niya, ikinasal na rin. Mas nauna itong nagpakasal kesa sa kanya. Hindi ito pumayag na mauna siyang mag-asawa. Magkasing-gulang lamang ang mga anak nila. Kinuha rin sila nito ni Phil na ninang at ninong ng anak nito. Dumalo sila sa binyag ng mga Muslim. Dumalo rin ang ate Ofelia niya sa binyag ni Baby Joed. Sina Sugar, Wim, She, Holly, Sam, ate Ofelia at JS ang mga kinuha nilang ninong at ninang ni Baby Joed. Si JS naman ay masaya pa rin kay Prince. Tila habambuhay na talaga ang pagsasama ng dalawa.

Ang mga kapatid naman ni Joan na sina Jonam, Alex at Philsan ay mayroon na ring kanya-kanyang pamilya. Naunang ikinasal ang mga ito kesa sa kanya. Si Che naman ay nasa college pa rin at wala pang boyfriend.

Ang mga alaga niyang sina Sidney at Anne Felice ay malalaki na rin. Natawa sila nang mag-enroll si Sidney sa Kiddie Crew ng McDonald’s. Mas fan na ito ng McDonald’s kesa sa Jollibee. Si Anne Felice ay nanatiling fan ni Jollibee. Tuwang-tuwa ang dalawa nang makita si Baby Joed. Parang nabiyayaan ang mga ito ng bagong kapatid. Kahit may anak na siya, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya sa dalawang mga bata. Para sa kanya, sina Sidney at Felice ang mga panganay niyang anak.

Ang mga kaibigan ni Phil na sina Jack, Joss at Nick ay masasaya na rin. Single pa rin si Jack at na-promote sa car company na pinaglulungkuran nito. Nakumbinsi na rin ito ng mga kaibigang mag-aral uli. Si Joss ay single din. Ito na ang bagong vocalist nila, kapalit ni Sam na siya ng nasa lead guitars sa banda at nagpe-perform din si Joss ng solo sa music bars. Madalas hilingin ng mga tao na awitin ni Joss ang mga awitin ni Josh Groban. Si Nick ay lumipat na ng tirahan. Kasama na nito ang nobya at masaya naman ang dalawa. Lahat ng mga kaibigan ni Phil ay mayroon na ring magagandang karera sa buhay. Asensado na rin ang mga ito. Napangiti siya nang maalala ang mga taong malalapit sa buhay nila ni Phil.

“Lovey, are you done?” kumatok si Phil sa banyo.

“Yes, coming!” malakas na sagot niya. Natigil ang pagmumuni-muni niya. Matapos mag-ayos ay lumabas siya ng banyo ay nagpalit ng damit. Kinarga niya si Joed at inakbayan siya ni Phil papunta sa sala, kung saan naghihintay ang biyenan at hipag niya.

Natutuwang pinagmasdan nina Phil at Heart si Polly habang nakikipaglaro ito kay Joed. Magkahawak-kamay silang dalawa habang nakaupo sa sofa. Kuntento at masaya na sila sa buhay nila ngayon. Wala na silang mahihiling pa. Lumingon si Heart sa altar sa loob ng bahay. Nakangiti siyang tumingin sa larawan ni Hesus. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Salamat po, Diyos ko.

~ E N D ~

 

 

 

FACTS

The Characters:

Heart- in real life is a combination of France and Ayen. France’s physical appearance and personality, and Ayen’s affection, determination and hardwork.

Sugar- no other than Candy.

Gracie- Shiera’s physical appearance and personality. However, some experiences were from Melissa.

Seph (Joseph Edgar)- his name was derived from Jo-ed, also his hardwork and intelligence. His physical appearance was based on Arkz, and the experiences and personality were from Fermin.

Wim- a combination of Mike and Lee.

Dr. Rolly Gonzaga- sir Ron

Mama Gina- Ma’am Gina

Jonam, Alex and Philsan- names and personalities in real life of Jonam, Alex and Philsan respectively.

Joan- my late bestfriend, Christine Mendez.

Celine (Che)- Che Javier.

Holly- name borrowed from Ms. Holly Cynth Lamadrid.

Alsheda- name borrowed from Ms. Alsheda Yap Balabagan

Ofelia- name borrowed from Ms. Ofelia Basilio.

Sidney- name borrowed from my nephew, Sidney Miguel M. Cruz.

Anne Felice- name borrowed from my niece, Anne Felice M. Cruz.

Stephanie- name borrowed from my Canadian cousin, Stephanie Paladines.

Dylan- name borrowed from ate Dylan (Joyce Ann Dacara).

Fermin, Lee and Carlo- names borrowed from Fermin Curaming, Johnly Lorca and Carlo Donato Olivan respectively.

 

 

 
 
 
 
Cover Page   Chapter 1      Chapter 2      Chapter 3      Chapter 4      Chapter 5      Chapter 6      Chapter 7
Chapter 8      Chapter 9      Chapter 10    Chapter 11    Chapter 12    Chapter 13    Chapter 14    Chapter 15
Chapter 32    Chapter 33    Epilogue
 
 
 
VISITORS ONLINE 
 
YSH SHOUTBOX

 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
LOVE MATCH AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
 
**Contact us if you want your link included here
 
 
 
spam blocker
 
All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.