Isang malaking tanga ang tingin ni Mylene sa sarili
niya. Kung hindi pa siya tinawagan sa cellphone ng isang nagngangalang Michael
Marquez ay hindi niya malalamang nawawala na pala ang wallet niya.
“Nakakahiya!” sabi niya sa sarili. “Siguradong nakita niya ang pictures namin
ni Mel. Baka sabihin niya napaka-ambisyosa ko’t naka-display pa do’n ang
picture namin!”
Sa isang restaurant sa Cubao nila napagkasunduang
magkita. Ayon dito, itanong lamang daw niya sa waiter kung saan ang reservation
ni Mr. Michael Marquez at makikita na niya ito roon.
“This way, Ma’am,” sabi sa kanya ng waiter nang itanong
niya kung saan ang reservation ni Michael Marquez. Iginiya niya nito sa
pinaka-dulong mesa. “Thank you,” aniya sa waiter nang makalapit sa mesa. Nang
makaalis ang waiter, inihanda niya ang sarili para kausapin ang lalaking
nakatalikod sa kanya. “Excuse me…”
Lumingon ang lalaki at ngumiti. “Mai! It’s nice to see
you again.”
Nagulat si Mylene nang makilal;a kung sino ang lalake.
“Mel?”
“Yup, it’s me!” sabi nito na tumayo at iniusog ang isang
silya para sa kanya.
Umupo siya sa tapat nito. “Thanks!”
“How are you?” Naupo na rin ito.
“I came here for a certain Michael Marquez,” sabi niya
na halatang ‘di pa rin makapaniwala.
“I just used that name. But the truth is, I was the one
who called you,” naka-ngiting sabi nito.
Hindi niya ito naiwasang pagmasdan. Lalong gumuwapo si
Mel. Pero parang katulad pa rin ito ng dati kapag kausap siya.
“Ikaw ang nakakuha sa wallet ko?” nahihiyang tanong
niya.
“No, si Mica. Nakita niya ang wallet mo sa isang table
habang hinihintay ako kagabi. Naalala ka pa niya. Nanood ka pala ng concert
kagabi?”
Wala siyang maisagot. Iniba niya ang usapan. “Where is
it? Where’s my wallet?”
“Oh, I’m sorry, I forgot.” At may kinuha ito sa bulsa ng
jacket. “Here,” anito na inabot sa kanya ang wallet.
Kinuha niya iyon. “Thanks!”:
“Nagmamadali ka ba?” tanong nito.
“H-ha? O-oo, eh.”
“Sayang… Gusto pa
sana
kitang makasama. Matagal na kasi tayong hindi nagkikita.” Nahimigan niya ang
lungkot dito.
Nakaramdam na naman uli siya ng guilt. Muli na naman
siyang nagsinungaling kay Mel pero wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
“S-sa susunod na lang siguro. Hindi kasi ako nakapag-paalam sa mga kasama ko sa
bahay na aalis ako. Baka dumating na’ng mga pinsan ko,” paliwanag niya. Totoong
hindi siya nakapag-paalam sa mga pinsan na aalis siya.
“Gano’n ba? Ihahatid na lang kita, pwede?” Kahit
papaano’y nagliwanag ang anyo ni Mel.
“Sige, kung hindi makakaabala sa’yo.”
Sinabi niya kay Mel kung saang lugar siya tumutuloy.
Parang katulad sila ng dati. Noo’y inihahatid siya nito sa bahay nila sa Naga
pagkatapos nilang mag-aral sa library. Akalain ba niyang mauulit iyon pagkaraan
ng ilang buwan?
“So, where do you plan to work?” tanong ni Mel habang
nagmamaneho ito.
“Hindi ko pa alam. Magte-take pa lang ako ng Licensure Examination
sa June. Nagase-self review ako.
“Really?” anito na napasulyap sa kanya. “Pero ‘di mo na
kailangang mag-review sa tingin ko. Pikit-mata mong masasagutan ang test. Magna
Cum Laude ka, eh. Pillars Bronze Medallion Awardee pa.”
Napatingin siya rito. “Papa’no mo nalaman?”
Bumuntong-hininga si Mel. “I was there during your
graduation day,” amin nito.
Nagulat siya. Naroroon si Mel? Bakit hindi sila nito
nagkita? “B-bakit hindi mo sinabi?” malungkot na tanong niya.
“Naisip ko kasi na baka ayaw mo akong makita. Ayaw ko ng
makagulo sa isip mo.”
Muli na naman siyang nakadama ng guilt.
“Sayang, akala ko, Summa Cum Laude ka. Pero okay na rin
iyon,” pag-iiba nito ng usapan. “Matalino ka lang talaga, Mai. Hanga ako
sa’yo.”
Napangiti siya. Alam niyang matalino rin si Mel. Hindi
naman ito makakapag-aral sa UST kung ‘di ito matalino. Wala nga lang itong
gaanong achievements. “Sabi raw, ang mga matatalino, mahina pagdating sa
pag-ibig,” biro niya.
Muli siyang sinulyapan ni Mel. “Bakit, hanggang ngayon
ba, wala ka pa ring boyfriend?”
“Wala pa,” sagot niya.
Hindi umimik si Mel. Naka-ngiti lang ito habang
nagmamaneho. Maya-maya’y binasag din nito ang katahimikan. “Mai, ‘yong picture
pala natin, naitatago mo pa.” May halong pag-aalangan sa tinig ni Mel.
Bumilis ang pintig ng puso niya. “O-oo… Fan mo pa rin
naman kasi ako hanggang ngayon kahit posibleng nakalimot ka na,” may halong
birong sabi niya.
“Hindi ako nakalimot, ikaw… Hindi ka na nagpakita
hanggang umalis ako ng Bicol.”
Muli niyang naalala ang kasalanan. “Busy ako noon, eh.
Pasensiya ka na.”
“Naiintindihan ko…”
Katahimikan. Nang makarating sila sa tinutuluyang bahay,
niyaya niya itong pumasok muna sa loob.
“Hindi na,” tanggi nito.
“S-sige, kung iyan ang gusto mo.”
“Pero, pwede ba akong dumalaw paminsan-minsan?” tanong
nito.
“Sasabihin ko muna sa mga pinsan ko. Kung okay sa
kanila, okay na rin sa akin,” aniya.
“Sige… Text-text na lang.”
“Okay…”
Nang gabing iyon, nagpasya si Mylene na mag-kuwento kina
Rey Anthony at Jethro tungkol kay Mel, pati ang nangyari kani-kanina lang. Sabi
naman ng mga ito ay mas mabuti kung dadalaw ito sa bahay nila at gusto rin nila
itong makilala.
Halos araw-araw nagpapalitan ng text messages sina
Mylene at Mel.
Panay ang kumustahan at
kwentuhan nila kung ano’ng ginagawa sa mga ganoong oras. Parang biglang nawala
ang pader na iniharang niya sa pagitan nilang dalawa. Sila na uli sina Mylene
at Mel na magkaibigan noon sa Ateneo. Minsan ay niyaya siya nitong manood ng
ensayo ng banda para sa live TV guesting nila.
“I’ll just fetch you there,” sabi nito nang tawagan siya
sa cellphone.
“Okay.”
Sa bahay nina Mel ng-eensayo ang grupo. Masaya siya
dahil nakabalik siya doon. Pagdating niya ay tuwang-tuwa ang tatlong sina Fred,
Rob at Gab. Masaya pa ring kausap ang mga ito. Nakilala rin siya ng mga kawaksi
na nagsilbi sa kanya noon.
“Sayang, may pasok sina Mica at Miko. For sure, matutuwa
‘yon kapag nakita ka,” sabi ni Mel.
“Hindi ko ba sila pwedeng hintaying makauwi? Papaalisin
mo ba ba agad ako?” nagbibirong sabi niya. Sabik na rin siyang makita ang mga
kapatid nito, lalo na si Mica.
“Sure!” kaagad na sabi ni Mel. “You can stay as long as
you want. Actually, pwede ka uli matulog dito,” biro naman nito.
“Slumber party?” tumatawang sabi niya.
Buong paghanga niyang pinapanood ang Chianti sa ensayo
pa lamang. Tinugtog ng mga ito ang Glory
Of Love. Buong puso naman itong inawit ni Mel habang nakatingin sa kanya.
Malakas siyang pumalakpak nang matapos ang pag-eensayo
ng mga ito. “Great!”Sa living room nag-meryenda ang tatlong lalake habang sila
ni Mel ay nasa garden.
“Mai, p-pwedeng magtanong?” medyo nag-aalangang sabi ni
Mel.
“Ano ‘yon?” tanong niya.
“Naalala mo pa ba ‘yong sinabi ko sa’yo noong sa Xavier
Hall tayo?”
Naalala niya ang tinutukoy nito- ang araw na umamin ito
ng tunay na damdamin para sa kanya. “A-alin do’n?”
Seryoso ang anyo nitong tumingin sa kanya. “’Yong
tungkol sa feelings ko sa’yo.”
Hindi siya nakaimik. Tumango lang siya.
Bumuntong-hininga ito. “I’m sorry…”
“For what?” kunot-noong tanong niya.
“For turning away. Inamin ko na sa’yo ang tunay na
nararamdaman ko pero hindi ko pinanindigan. Mas pinili ko ang career ko.”
“I understand. Hindi ganoon kadaling mamili.”
“I can’t live without this world… Because this is my
passion,” amin nito.
Hindi siya umimik. Masakit. Mas pipiliin ni Mel ang
musika kaysa sa pag-ibig.
“But believe me, Mai, hindi nagbago ang nararamdaman ko
para sa’yo. Gusto pa rin kita.” Nasa tinig nito ang sinseridad.
Napakunot-noo siya. “Kahit matagal tayong hindi nagkita’t
nagkasama?”
Tumango si Mel. “Tiniis kong ‘wag kang tawagan. Ayokong
mahirapan ka sa sitwasyon dahil magkalayo tayo. Pero walang araw na ‘di kita
inisip. Ikaw ang naging inspirasyon ko, kaya naming ni-revive ang favorite song
mo.”
“B-baka nami-miss mo lang ang friendship natin.” Ayaw
niyang maniwala kaagad sa mga sinasabi nito. Gusto niyang makasiguro.
“Mai, you’ve been a good friend. But I want more than
friends. I love you, Mai…” buong-pagsuyong sabi nito. “Believe it or not, noong
una tayong magkita nang mag-concert kami sa Ateneo, napukaw mo na’ng atensyon
ko. Iba ang pintig ng puso ko noon. Nang makita kita sa crowd, sa’yo talaga ako
nakatingin habang inaawit ko’ng Love At
First Sight. Nang mag-aral ako sa Ateneo, inasam kong makita ang babaeng
tinawag kong Miss Girl in P.E. uniform,
na ikaw nga. Nang makita kita sa classroom, namukhaan kita pero ‘di ko tiyak na
ikaw nga ‘yon. Naksiguro lang ako nang ipakita mo ang picture natin sa Xavier
Hall.”
Napangiti siya. “Kung alam mo lang, Mel. Hindi ang
kasikatan mo ang habol ko…”
“I know,” sabi nito. “Madalas akong sumaludo sa’yo noon
tanda ng paggalang at paghanga ko sa’yo…” Hinawakan nito ang kamay niya. “I am
the man who will fight for your honor. I’ll be the hero that you’re dreaming
of. We’ll live forever, knowing together that we did it all for the glory of
love…” masuyong bigkas nito. “Mai, do you love me too?”
Hindi siya makapaniwalang mahal siya ni Mel. Tumango
siya. “Yes. Hindi mo lang alam, nasaktan ako nang umalis ka, pero umamin ka
pa.”
Napangiti ito. “Ngayon, sa muli kong pag-amin na mahal
kita, hindi na ako aalis. Hindi na kita iiwan. Mahal na mahal kita, Mai…”
“Thanks,” aniya. “Gusto kong malaman mo na walang
problema sa akin ang pagmamahal mo sa music. Hindi ako magiging hadlang sa
career mo. At
sana,
hindi rin ito maging hadlang sa atin.”
“Hinding-hindi, Mai.”
“Akala ko, hindi lahat ng nakaraan ay mayroong karugtong
sa kinabukasan. Iyon ang paniniwala ko kaya iyon ang sinabi ko kay Francis.”
“Nagkita uli kayo?” tanong ni Mel.
Tumango siya. “Sinabi niyang mahal pa rin niya ako. Pero
hindi na siya ang mahal ko. Ikaw na.”
“Totoo’ng sinabi mo. Hindi lahat ng nakaraan ay mayroong
karugtong sa kinabukasan. Mapalad lang tayo, Mai dahil binigyan tayo ng chance
na mahalin ang isa’t-isa, habangbuhay.”
Napapikit siya habang nakangiti, at tumingala sa langit.
“Thank You, Lord… Thank you, St. Francis Xavier.
Nag sumapit ang alas-singko ng hapon, dumating sa bahay
nina Mel sina Mica at Miko. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita siya, lalo la
si Mica. Ipinakilala siya ni Mel sa mga kapatid bilang girlfriend nito.
Tuwang-tuwa si Mica dahil natupad na rin ang pangarap nitong magkaroon ng ate.
Kasama si Mylene ng kasintahan sa TV guesting nito nang
hapong iyon. Isinama rin nila ang mga kapatid ni Mel. Nasa audience siya katabi
sina Mica at Miko habang nasa ere ang Chianti. Isang matamis na ngiti lamang
ang ibinibigay nito sa kanya sa tuwing magtatama ang mga tingin nila. Kapwa
mayroong ningning sa kanilang mga mata, isang senyales na masaya sila sa piling
ng isa’t-isa.
Hindi man maiwan ni Mel ang musika, hindi iyon hadlang
sa pagmamahalan nila ni Mylene. Laging sumusuporta si Mylene sa Chianti. Si
Mylene nama’y isa ng ganap na guro sa isang exclusive school sa Maynila. Nang
makapasa siya sa LET—kung saan placer
siya ay kaagad siyang nag-apply ng trabaho. Magkaiba man ang mundo nila ni Mel,
nagpatuloy ang relasyon nila na nauwi sa kasalan pagkatapos ng tatlong taon.
Inalis na rin ni Mylene ang pagiging melancholic. Masaya na siya.
Sino nga ba ang mag-aakalang ang isang ordinaryong babae
at ang isang sikat na lalake’y magkakaroon ng wagas na pag-ibig? Tunay ngang
walang imposible pagdating sa pag-ibig!
All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team. Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law. Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.